Episode 1- Argue With Sister
"Kahit kailan ay hindi ninyo ako itinuring na isang pamilya. Ipinadama ninyo sa akin na isa lang akong katulong dito. Sino ba talaga ako?" luhaang pahayag ni Yuki sa kaniyang ina. Sapagkat pagod na siya sa lahat ng gawaing bahay.
"Yuki, alam mo naman na may sakit ang Ate Amanda mo," tugon ng kaniyang ina.
"May sakit? Wala namang araw na walang sakit si Ate Amanda Ma. Mula nang magkaisip ako hanggang ngayon ay lagi na lang ganito! Lagi na lang ganiyan!"
"Nagrereklamo ka na ba, Yuki?" galit na tanong ng kaniyang ina na si Lucia.
"Hindi naman, Ma. Pero unfair kasi sa akin. Lagi na lang kasing ganito," pangatuwiran ni Yuki, habang hilam sa luha ang kaniyang mga mata
"Ate Yuki, ako na po ang tatapos niyan," sabat ng kanilang bunsong kapatid na si Leny.
"Huwag na! Kaya ko pa at alam ko namang sasabihin na naman ni Mama na may gagawin ka pa," sabi ni Yuki na may pagtatampo sa boses.
"Leny, akyat sa itaas at mag-aral ka," utos ng kanilang ina. Walang nagawa si Leny kung 'di sundin ang ina.
"Siguraduhin mong matapos iyan ngayon dahil gagamitin ko iyan bukas!"
Walang nagawa si Yuki, kung 'di gawin ang iniutos ng kaniyang ina. Minabuti na lang niya na matapos ang isang tambak na labahan. Sapagkat ay hindi siya puwedeng mag-absent bukas dahil exam nila.
"Konting tiis na lang Yuki, matapos ka na sa kolehiyo," bulong niya sa kaniyang sarili.
Kahit ganoon pa man ang dinanas ni Yuki sa kaniyang pamilya ay pinagbutihan pa rin niya ang kaniyang pag-aaral. Mahilig siya sa pagpipinta, design at kung anu-ano pa. Kaya
Architectural Engineering ang kaniyang kinuhang kurso at ngayong taon ay magtatapos na siya.
She is twenty-four years old at this time. May nobyo siya si Helario, mahigit tatlong taon na rin sila. Pero dahil may pangarap si Yuki, kaya isinantabi muna niya ang sariling kaligayahan o ang init ng katawan sa tuwing magkasama sila ni Helario.
Dahil na rin sa pagmamahal ni Helario sa kaniya ay inirespeto niya ang desisyon ni Yuki. Tapos na sa pag-aaral ang nobyo at may trabaho na ito kaya siya ang tagahatid at sundo kay Yuki sa unibersidad.
May kaya sa buhay ang pamilya ni Yuki at ganoon rin ang pamilya ni Helario. Pero ang tanging ipinagtaka nang karamihan, kung bakit hindi sila kumuha nang katulong? Kung bakit si Yuki ang kanilang ginawang alila.
Nagiging mapait ang buhay ni Yuki sa tahanan ng kaniyang pamilya. Sapagkat ay parang katulong lang siya kung ituring. Kahit ganoon paman ay nagiging mabuti pa rin siyang anak.
Ang hindi lang niya maintindihan kung bakit ang lahat na mayroon siya ay gustong angkinin ng kaniyang Ate Amanda. Siya lagi ang nagpaparaya at nagpakumbaba. Na kung tutuusin ay siya ang inunawa ng kaniyang Ate, dahil siya ang mas bata.
Nasa ibang bansa ang kanilang ama, kaya wala siyang kakampi sa kanilang tahanan. Magkasundo si Yuki at ang kanilang bunso na si Leny. Ngunit takot pa rin ito sa kanilang ina.
Maraming nagsasabi na baka ampon lang siya dahil hindi magkalayo ang edad nila ng kaniyang Ate. Sampung buwan lang ang tanda ni Amanda sa kaniya. Ngunit hindi niya ito binigyang pansin at halaga.
Dahil laging sinasabi ng kanilang ama na huwag magpaniwala sa mga haka-haka. At dapat paniwalaan niya ang kaniyang ama. Sapagkat ay sila ang nakakaalam sa buong katutuhanan.
"Good morning, mahal," bati ni Helario nang sunduin siya sa bahay. Ngunit hindi kumibo si Yuki, kaya alam niya agad na masama ang loob nito.
"Problema?" pasimpleng tanong ng nobyo.
"Naiinis lang ako kay, Mama."
"Bakit? Tinambakan ka na naman ng maraming trabaho?"
"Oo, mag-ala-una na ako natapos na maglaba. Kaya tuloy hindi ako nakapag-review sa mga notes ko. Exam pa naman namin ngayon.
"Kaya mo iyan, mahal. Kahit hindi ka pa nakapag-review. Alam kong makasagot ka pa rin. Ikaw pa!" aniya para palakasin ang loob ng nobya.
"Hmmp! Ikaw lang naman ang malaki ang believe sa 'kin."
"Siyempre naman! Kilala kaya kita!"
"Salamat,mahal. Kahit papaano ay pinalakas mo ang loob ko," sabi ni Yuki sa kaniyang nobyo.
"Welcome, mahal!" tugon ni Helario sabay halik sa kamay ng nobya.
"Susunduin na lang kita mamaya. Good luck sa exam. I love you!" saad ng nobyo bago nakababa si Yuki.
"Sige, hintayin na lang kita. I love you too," tugon ng nobya at saka bumaba na mula sa sasakyan.
"Talagang ikaw na, girl!" Biglang sulpot ng kaibigan sa likuran ni Yuki.
"Dios ko, Salvy! Atakihin ako sa iyo!" gulat na sabi ni Yuki.
"Hay! Naku girl! Paano ka ba aatakihin, eh, wala ka namang sakit.
"Tsee! Tayo na nga!" yaya ni Yuki sabay hila sa kaniyang nag-iisang matalik na kaibigan.
"Kailan n'yo ba balak magpakasal ni jowa mo girl?" tanong ni Salvy.
"Wala pa sa plano, girl. Alam mo naman na marami pa akong pangarap.
"Puwede mo namang tuparin ang iyong pangarap kahit kasal na kayo. Isa pa may stable work na si jowa mo. Ikaw naman patapos na. Ikaw rin baka maagaw siya sa iba," pahayag ng kaniyang kaibigan.
"Impassible iyan, girl. Ngayon na lang ba? Na mahigit tatlong taon na kami. Isa pa, malaking ang tiwala ko kay Helario."
"Bahala ka! Basta sinabihan na kita."
"Opo! Salamat."
KINAHAPUNAN, habang naghihintay si Yuki sa kaniyang nobyo ay biglang lumapit ang kaniyang Ate Amanda.
"Puwede ba akong sumabay sa iyo?" tanong ng kaniyang Ate, at nagulat naman siya sa biglang pagsulpot nito.
"Sige po!" tugon ni Yuki na hindi tumitingin sa kaniyang Ate. Dahil masama pa rin ang kaniyang loob.
"Ang tagal naman ni Helario! Baka puwedeng tawagan mo, Yuki." utos ni Amanda.
"Alam mo, Ate? Hindi mo driver si Helario. Ikaw na nga ang makikisakay, ikaw pa itong apurado!" inis na tugon niya.
"Wala ka talagang respeto sa akin!" bulyaw ni Amanda at napatingin naman si Yuki sa paligid.
"Kung nagmamadali ka, puwede kayong mag-taxi. Hindi iyong magrereklamo ka pa!" seryosong sabi niya
"Humanda ka sa akin pagdating natin sa bahay!" banta ng kaniyang Ate, at hindi na kumibo si Yuki. Ngunit ang kaniyang kapatid ay patuloy pa rin sa kadadakdak. "Akala mo kung sino! Tingnan lang natin mamaya!" dagdag pa nito.