DUMATING si prinsesa Zaida sa palasyo kasama ang kanyang alipin. Nakasunod naman ang kanyang ama. Agad silang hinarap sa hari at parehong may kadenang nakatali sa kanilang mga kamay. Hinintay muna nila si prinsipe Amarpal at si prinsesa Yuki bago sinimulan ang paglilitis. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating sila na nakahawak si Yuki sa braso ni prinsipe Amarpal. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ni prinsesa Zaida ang mortal. Halos sumabog ang kanyang dibdib sa sobrang selos at halos manlisik ang kanyang mga mata sa galit nang makita niyang nakapulupot ang kamay ng mortal sa braso ni prinsipe Amarpal. "Simulan ang paglilitis!" utos ng hari. "Mahal na hari. Wala pong kasalanan si prinsesa Zaida. Ako lang po ang may kasalanan!" pahayag ng kanyang alipin. Nagulat naman si