Ang akala naman ng mortal ay nagbibiro lang ang asawa at maya-maya pa ay biglang sumulpot ang ang isang hayop na may mga pakpak. Dahil sa pagkabigla ni Yuki ay napayakap ito sa braso ng asawa. "Huwag kang matakot alaga ko ito. Siya si Sky, ang mabait at masunurin kong alaga. Si Sky ay isang pegasus na kulay puti. "Sky, siya ang asawa ko,si prinsesa Yuki. Isa siyang mortal, simula ngayon paglilingkuran mo rin siya." Tila nakakaintindi naman ito dahil tumango siya ng dalawang beses. "Ang cute mo Sky," pahayag ni Yuki, sabay haplos sa mukha ni pegasus. Nag-ingay si Sky, na para bang natuwa siya sa sinasabi ni Yuki. Sumakay ang mag-asawa at maingat namang lumipad ito. "Alam mo prinsipe? Akala ko noon, ang mga ganitong klaseng hayop ay kathang isip lang ng mga tao. Subalit totoo pala