Galit na galit si Mariano nang nakabalik na siyang lahat sa kuta ay hindi pa rin nakikita si Mia. Pataas na ang kumukulong tubig, ibig sabihin nagagalit na ang pinuno sa tagal ng pag-aalay sa kaniya. Kapag kasi inihulog na niya ang ulo ng apat, magagalit ito dahil lima ang hiniling nito. Kukuha na naman ng tatlo sa kanilang lahi. Tatlo ang katumbas ng isang tao para makumpleto ang pagkain nito. Isa na lang ang kailangan para makumpleto ang alay na tao. Napakatalino naman ng babaeng iyon. Buti nga nauto niya si Sally. Kailangan niya nang mapaglalahian ng aswang. Napaismid siya nang umibig sa kaniya si Sally. Hindi naman kasi kagandahan ito. Kaya siguro ng ligawan niya ay nataranta ang babae dahil guwapong-guwapo sa kaniya. Nilapitan niya ito nang makitang nag-iisa. Niligawan ng isang ara