Nakababa ng hagdan sina Sally at Jake sa sobrang dilim ng paligid. Inilawan ni Jake ang makitid na daan na nasa kanilang harapan. Nauna si Sally na gumapang papasok dahil sobrang baba lang ng pasukan. Pawis na pawis na sila pero wala silang magawa kung hindi sundan ang tinutungo ng daan na iyon. Halos limang minuto ring gumapang ang dalawa. Pagkarating sa dulo, tumayo na sina Sally at Jake habang humihinga nang malalim. Nang medyo okay na sila, inilawang muli ni Jake ang paligid. Dalawang daan naman ang nakita nila; isang sa may kanan niya at sa may kaliwa ni Sally. Parehong nakakatakot ang dalawang lagusan, madilim na madilim. Napakunot-noo si Jake. Saan naman sila lulusot nito ngayon? Parang walang katapusang lagusan na naman ang papasukin nila. Nagkatinginan sila ni Sally. "So, a