bc

CURFEW (Tagalog)

book_age0+
5.0K
FOLLOW
17.3K
READ
dark
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Ito ay kwento ng magbabarkada na nakarating sa isang malayong probinsiya dahil gusto nilang maki-fiesta sa lugar ng kaibigan.

Anim na magbabarkadang nais lang ay adventure subalit iba ang nangyari.

Sa lugar nila Miranda, bawal lumabas ng 12am-3am ang lahat ng tao.

Kailangan mong sundin ang

bawal lumabas,

bawal gumala

at higit sa lahat bawal manguha ng gamit ng hindi sa 'yo!

© jhavril, 2019

chap-preview
Free preview
PROLOGO
”Parang… parang awa mo na, pakawalan mo na ako. Pangako, walang makakaalam ng lahat ng ito.” Halos gumagapang na ang babae papunta sa paanan ng isang lalaki. Nanatili namang tinitingnan lang ito ng lalaki at imbes na maawa sa nakikitang babaeng duguan ay nginisihan lang niya ito. “Sige. Bubuhayin kita, kung susunod ka sa gusto ko.” Naupo ito sa tapat ng babae at hinaplos ang puno ng dugo, luha at sipon nitong mukha. “Bigyan mo ako ng supling. Supling na siyang magpapatuloy ng aming lahi.” Patuloy ito sa paghaplos sa mukha nang nagulat na babae. Nanlalaki ang mga matang umiling-iling ito at nahihintakutang pinipilit na umatras habang nakadapa. Nais niyang mapalayo sa lalaking ngayon ay galit na. Nanlilisik ang matang hinawakan ng lalaki ang braso ng babae. Napaigik sa sakit ang babae dahil nararamdaman na niyang bumabaon na sa balat niya ang matutulis nitong kuko. “Ayaw mo? Sige, ito na ang katapusan mo!” At sa isang iglap at sinakal nito ang hindi man lang nakapiyok na dalaga. Tinusok nang matutulis nitong kuko ang leeg ng babae. Habang galit na galit ang mukha nitong pinagmamasdan ang unti-unting pagkawala ng hininga nito. Sabay nang pagbagsak niya sa katawan nito ay ang pagpasok ng kakambal sa kuwebang kinaroroonan nila. “Ako ng bahala. Sisiguraduhin kong hindi mauubos ang lahi natin.” Sabay-sabay na nagngisihan ang mga naroon. Sana nga ay magtagumpay ito kung anuman ang plano nito. Dahil kaunti na lang sila at ayaw naman nilang tuluyang maubos. jhavril---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Shots Steamy Stories Book 2

read
396.6K
bc

The King's mate

read
398.9K
bc

One Shot Steamy Stories

read
1.3M
bc

Runaway Angel

read
310.1K
bc

The Alpha's Rejected Fairy

read
1.2M
bc

The Beta's abused and Rejected Daughter

read
668.9K
bc

Billionaire's Wife And Mistress

read
177.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook