When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Maliksi subalit tahimik na tumalilis ng bahay si Trina. Dalawang flashlight ang bitbit niya para sigurado. Maingat siyang lumabas ng gate at tumawid sa kabila. Palingon-lingon pa siya at baka may nagising sa mga kasamahan niya at nasundan na pala siya. Naka-shorts lang siya kaya ramdam niya ang lamig ng paligid. Humahampas ang matutulis na damo sa kaniyang binti. Buti na lang nag-rubber shoes siya kaya hindi siya nahihirapan kahit pa ang tumakbo. Tantiya niya ay mga labing limang minutong lakaran ang ginawa nila. Walang buwan kaya dalawang flashlights ang binuksan niya. Iniilawan niya ang paligid at ang dinaraanan. Mabining hampas ng hangin at panggabing kuliglig lang ang maririnig sa paligid. Tanaw na niya ang kubo nang makarinig siya nang kaluskos. Mabilis na pinatay niya ang mga dalang