CURFEW 3

864 Words
Umakyat si Mia sa room ni China. Hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa nitong umalis ng ganun-ganon lang. Sobrang arte nito. At ang magbitbit ng maraming dalahin para umalis na, kasama pa ang matabang si Billy, is a big no para dito. Inilibot niya ang paningin nang makapasok. Maayos ang kama, halatang hindi man lang nagalaw. Walang katulong sila Miranda, kaya sila-sila lang ang nagliligpit ng mga kalat nila. Binuksan niya ang mga shelves sa magkabilang gilid ng kama, walang laman. Pati tokador ay sinilip niya. Wala ring bakas ng mga damit ng dalaga. Napaupo siya sa kama, hinagod ito. Pati unan ay hinaplos niya. Mayamaya, tinaas niya ang unan at nakita niya rito ang librong binabasa ni China. Kahit gaano kaarte si China, mahilig itong magbasa. At hindi nito iniiwan ang mga libro niya. Kaya nagtaka siya ngayon kung umalis ito bakit narito ang librong binabasa niya? Sinilip din niya ang ilalim ng kama, wala naman itong naiwan, malinis iyon. Pagtingin niya sa ilalim ng tokador, napansin niya rin ang charger nito na nakasaksak pa. Natatakpan ng upuan kaya hindi kaagad napapansin kung hindi mo sisilipin. Napatayo siya nang tuwid. Bakit ganoon? Parang kinakabahan siya na ewan. May hindi tama kasi. Kung umalis sila, hinding-hindi iiwan ni China ang libro lalo pa at binabasa nito ‘yon. At ‘yong charger, bago ito umalis sa isang lugar, tsine-check nitong maigi kung may naiwan ito. Pareho kasi sila nito, mabusisi sa mga bagay na maaaring maiwan. Umalis nga kaya sila? Maaaring umalis nang may pagmamadali? Walang signal kahit sa pinakamataas na lugar doon kaya hindi niya makontak ang cellphone ni China at Billy. Kinuha niya ang libro at binunot ang charger. Lumabas ng kuwarto at bago isara, sinulyapang muli ang kwarto at nalilito pa ring ipininid ang pinto. *** "Anong gagawin natin ngayon? Nakakainis naman ‘yong dalawa, nang-iiwan sa ere." Inayos muna ni Trina ang hammock bago humiga. Itinaas pa ang dalawang paa habang dinuyan nang marahan. Nakaupo naman si Jake sa may ugat ng puno habang katabi si Mia. Naglabas naman ng meryenda si Miranda. Inilagay niya ito sa may lamesang malapit sa hammock. Malawak ang bakuran nila Miranda, maraming halaman at puno. Alas tres na ng hapon subalit mahangin dahil sa nagkalat na mga malalaking puno sa paligid. Napakapresko! Isa-isang kumuha ng sandwich at juice ang barkada bago bumalik muli sa kani-kanilang puwesto kanina. "Siguro naman may dahilan sila kung bakit umalis sila ng hindi nagpapaalam." Umupo na rin sa tabi ni Jake si Miranda. Nakangiting sinulyapan ang binata na gumanti rin ng ngiti. "Kung ano man ang dahilan nila, sasabunutan ko talaga sila, no. Pasalamat sila walang signal dito kung hindi hindi ko sila tatantanan." Kumagat pa si Trina sa ham sandwich at uminom ng calamansi juice. Tahimik lang na kumakain si Mia dahil nag-iisip siya. Pinagmamasdan niya ang paligid habang ngumunguya. Lahat ng bahay sa lugar na iyon, maliban kina Miranda, ay kubo at walang kuryente. Maliit lang siguro ang populasyon sa lugar na iyon, dahil layu-layo ang bawat bahay. At ang mga tao do’n, iilan-ilan lang ang nakakasalubong nila. At mga hindi pa namamansin. Hay, three days to go before the barrio fiesta, bakit parang hindi naman busy ang mga tao sa paghahanda? Ganito ba talaga rito? "Hoy Mia. Kanina ka pa tulala riyan. Prob mo?" Binato pa siya ng balat ng sandwich ni Trina. Pinulot naman ni Jake ang ibinato ni Trina at ibinalik din ng bato rito habang tumatawa. Pagkatapos, inakbayan siya ni Jake at ginulo ang buhok. Gesture nito ‘yon na parang sinasabing ok lang ‘yan. Nasulyapan niya si Miranda, biglang sumimangot at parang galit na tumingin sa kaniya. Pero saglit lang naman at parang guni-guni niya lang ‘yon. Dahil nakangiti na ulit ito nang muling bumaling sa kaniya. Alam naman nila na may gusto si Miranda kay Jake. Baka nga mahal na nito ang binatang kaibigan. Maganda naman si Miranda pero ewan ba nila rito kay Jake kung bakit hindi nito type ang dalaga. Mayamaya, napatingin si Mia sa dulo ng bakod nila Miranda. Nagulat siya dahil may lalaking nakasumbrero na nakatingin sa kanila. Naka-jacket itong itim kahit na katirikan ng araw. Para kasing nakita na niya ang mukhang iyon. Pagtayo niya para tingnan nang malapitan ang lalaki, wala na ito roon. Napatayo na rin si Jake dahil balisa ang mukha ni Mia nang mapagmasdan niya. Sa’n ko ba nakita ang mukha niya? Parang pamilyar kasi. "Bakit, ano ‘yon?" Lumapit na rin si Miranda sa kanila. "May nakita kasi..." hindi naituloy ni Mia ang sasabihin. Natigilan siya nang mapagmasdang maigi si Miranda. Kamukha niya ang lalaki! Kung magiging lalaki ito, para silang pinagbiyak na bunga. Pero ang pakilala nito ay solong anak lang siya? "Ano ‘yong nakita mo, Mia?" untag muli ni Miranda sa kaniya. "Ha? Wala ahm, pasok lang ako. Bigla kasing sumakit ang ulo ko." Nagmamadaling pumasok ng bahay si Mia. Naiwang nagtataka naman ang lahat. Sinundan pa nila nang tingin ang kaninang tinitingnan nito, pero tanging mga puno at makakapal na halamanan lang ang naroon. Nagkibit-balikat na lang sila at bumalik na sa puwesto. Baka sumakit talaga ang ulo nito. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD