Chapter 3: Forgot

3233 Words
Tapos ko nang pakainin si Race nang bumalik ang mommy niya. Ilang minuto na rin siyang tahimik na natutulog kaya naman kanina ko pa talaga hinihintay ang pagbalik ni Madame Cara para makauwi na ako. "How is he?" Mula sa aking kinauupuan ay tumayo ako matapos ang tanong na iyon  ngunit ang mga kamay ko ay nanatiling hawak ng natutulog niyang anak. "Okay na po. Kumain na rin po siya."  Ngumiti ako. Sana ay maiisipan niyang kailangan ko nang umalis. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Race na nakahawak sa akin. Nahihiyang nagkibit balikat ako. Gusto ko iyong bawiin ngunit nag-aalala na baka magising si Race. Lalo na dahil mahigpit ang paghawak niya sa akin. "Kailangan ko na pong umalis." Ako na ang naglakas ng loob na nagsabi. "Ganoon ba? Okay, I'll tell to our driver." She smiled. Umiling ako bilang pagtanggi. "Naku, hindi na po! Magtataxi na lang po ako." Binalingan ko si Race. Mahimbing ang tulog niya kaya naman dahan-dahan ay binawi ko ang aking kamay. Pero laking gulat ko nang habulin niya iyon. Mabilis na kumalabog ang aking dibdib nang diretso niyang sinalubong ang tingin ko, tila ba inaakusahan ako dahil sa ginawa. He watched my shock expression before his eyes slowly soften. "Balik ka bukas?" he asked in a soft and warm voice. Natigilan ako, hindi malaman kung anong isasagot. He's not my responsibility and not my obligation, anyway. Ngunit aamin kong may ibang epekto sa akin ang ugaling ipinapakita niya. "Please?" He squeezed my hand. Muli akong bumaling kay Madame Cara upang manghingi ng tulong. Sighing, she glanced at her son, "Race, she can't always be here." "Please," aniya, hindi nawawala ang tingin sa akin, binalewala ang pakiusap ng ina. Naguguluhan ay huminga ako ng malalim. "Marami kase akong ginagawa sa school." At iyon ang totoo, hindi ko pa nagagawa ang para sa group presentation namin. "Please, divide your time. You can come here during your free time... But I want you to be free tomorrow," seryosong tugon niya. Kung hindi lang ganyan ang kondisyon niya ay baka nainis na ako. Bakit parang may responsibilidad ako sa kanya? "Sorry..." mahinang sagot ko, hindi malaman kung anong salita ang dapat na gamitin para maintindihan niya. Dapat nga ay magpasalamat siya na pumunta ako rito. Tapos ngayon ay gusto pang dumalaw ako ulit. Ilang sandali ay pinisil niyang muli ang palad ko at kinagat ang kanyang labi na agarang namula. Nag-iwas siya ng tingin at mabigat na bumuntong hininga sa hangin. Tulad ko ay pagod din. "Then you're not leaving tonight." Sa gulat sa sinabi niya ay awtomatikong nalaglag ang aking panga. Seriously? Natataranta ako. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa akin pero mas humigpit ang paghawak niya, tila wala na yatang balak na bumitaw. Ayaw ko namang maging marahas dahil sa kalagayan niya. "Race!" saway ng kanyang mommy. Stubbornly, her son shook his head. "You're not leaving unless you promise me you'll be back tomorrow, only if you're free." Hindi pa rin siya makatingin. Salubong ang kilay ay mukhang desidido sa sinabi. Muli ay napabuntong-hininga ako. I don't know him, okay. I don't know them! Pagod kong sinilip ang aking wrist watch. 8:20 PM. Kailangan ko nang makauwi! "Fine!" Fine dahil wala akong magagawa. He finally looked up at me using that lovely face and squeezed my hand again. "Promise?" Kagat ang aking labi ay nag-isip ako. But my mind didn't get to think about anything when I noticed him biting his lower lip as well. Agad kong binitawan ang akin. "I'm not sure." I shrugged my shoulders. Hindi talaga ako sigurado. "Please," I sighed. Halos umikot na ang mga mata ko, mabuti at napigilan ko. Kung hindi lang talaga ganyan ang kalagayan niya... "Race, let's not pressure her. It's a already a huge favor—" "Huge?" Race interrupted her mom pero sa akin nakatingin. Yeah, huge. Hindi pa ba halata? I hardly knew them and yet, I'm here, staying and serving him as if I am a hired nurse. Ngunit kahit ganoon ay pinilit kong pakalmahin ang sarili. "Nag-aaral ako. Marami rin kaseng—" "Fine!" sagot niya na halatang napilitan lang. He nodded once and again turned to his other side of the bed. His hand is still holding mine, and if anything, mas lalo iyong humigpit. Fine, pero ayaw naman akong bitawan. Anong problema nito? Dahan-dahan ay sinubukan kong bawiin ang sariling kamay pero talagang ayaw niya. Nilingon ko si Madame Cara na wala ring magawa. Mukhang nag-iingat sa mga gagawin at sasabihin dahil sa pag-aalala sa sariling anak. Now, I can see that Race is a spoiled son of his mom. I wonder kung nasaan ang daddy niya? Pagbibigyan din kaya siya nang ganiyan tulad ng ginagawa ng mommy niya? "Race," banayad kong tawag at ipinilig ang ulo sa kaiisip sa pamilya niya. Hindi lumilingon ay mariin siyang pumikit at huminga ng malalim, "Just promise." Ilang sandali kong tinitigan ang mukha niyang nakabusangot, which I find a weird cute. Weird dahil nakasimangot na nga ay cute pa. My brows furrowed a little after noticing his face is actually looked familiar. Ilang sandali kong pinag-isipan ang gusto niyang mangyari. Marahil iyon na nga lang ang tanging paraan para pumayag siyang umuwi na ako ay marahan akong tumango sa aking sarili. Kagat ang aking labi ay sumang-ayon ako sa kanya, "promise." Bumaling siya sa akin, tila binabasa ang aking isip base na rin sa sinabi ko. Agad akong umiwas nang hindi kayanin ang kanyang titig. "Babalik ako rito bukas, kung may free time ako," I reassured him. He shook his head in disapproval, obviously not satisfied with what I said. "I want you to make sure you have free time tomorrow. I'll expect you to be here. Make time." Mataman kong tinitigan ang pagod niyang mga mata. Sigurado na akong mayaman talaga sila. It's obvious his parents spoiled him, na kahit ang pagkuha sa isang estudyante na tulad ko at hindi niya kilala bilang nurse ay hindi na imposible. Kaya niyang gawin ang lahat ng gusto niya. And I already hate him for that. Now, looking into his eyes, what I can see is his serious and sincere face. He even looked tired about something. Kung mananatili siyang ganyan ay hindi mo iisiping isa siya sa mga kabataang ibinibigay ng magulang ang lahat ng gusto. Hindi siya mukhang spoiled. Mukha siyang maamo kahit seryoso ang mukha at nakatatakot kapag galit. Halos kahawig nga niya ang mga bata noon sa orphanage na minsan ng naimbitahan sa school. Though his features look different, foreign and strange in a beautiful way. Iyong alam mong imported at mamahalin. He needs rest at siyempre ay ganoon din ako. Kaya naman marahan na lang akong tumango, "Promise." Mas matagal pa niya akong tinitigan. Pilit siyang ngumiti na para bang hindi sigurado kung tutuparin ko ang pangako ko. I'm not good at promises but I'll try this one. Sisiguraduhin ko iyan sa mga mata niyang mukhang nag-aalalangan sa akin. "Pahatid ka na sa driver namin," aniya matapos makumpirma sa sarili na siguro nga ay tutupad naman ko sa usapan. Umiling ako roon dahil kanina pa lang na sinabi iyon ng mommy niya ay tumanggi na ako. "It's late. Let our driver drive you home." But he is persistent unlike her mom. I sighed. Or maybe he's just used to seeing people around him do as he says, obeying his order. Tumango na lamang ako para matigil na ito. Kailangan ko na talagang makauwi. Masyado ng humahaba ang usapan sa pagpapaalam ko pa lamang na umuwi. Sumulyap siya sa kamay namin dahilan para tingnan ko rin iyon. Ilang sandaling pagtitig ay marahan niya iyong pinisil bago binitawan. Pinigilan ko ang sariling mangiti. Bumuntong hininga ako ngunit agad na nanlaki ang mga mata sa pagkabigla matapos dumaan ang kanyang malapad na kamay sa aking baywang. Namahinga iyon sa aking likuran bilang alalay. Bahagya niyang inangat ang kanyang ulo, tila may sasabihin kaya ako na ang yumuko para hindi na siya mahirapan. Pero laking gulat ko nang halikan niya ako sa pisngi. Bahagyang naghiwalay ang mga labi ko sa gulat. Tumayo rin ako agad nang maayos bago siya tinitigan na pagod pa rin ang mga mata. Tila wala siyang ginawa! Of course! Kung may sasabihin siya ay dapat sinabi na lang niya nang maayos since kanina pa naman kami nag-uusap. But really, I didn't see that one coming! Para namang nagliwanag ang utak ko ng maalala siya - iyong lalaking humalik sa pisngi ko sa carpark ng mall, two months ago. Habang nasa backseat ng sasakyan pauwi ay tulala ako. Nilibot ng mga mata ko ang buong kotse. Hindi ako sigurado kung ito nga ang kotseng iyon kaya tinanong ko na ang driver. "Uhm, natatandaan ninyo po ba ako?" "Opo, miss! Bakit natatandaan ninyo pa po ba ako? Iyong kumausap po sa inyo dati sa mall para makausap ng boss ko?" Bahagya siyang natawa. Medyo nailang ako sa pagtawag niya sa akin ng miss at sa pag 'po' niya. Ngunit ang sinabi niya ay kumpirmasyon na sila nga iyong nasa mall. "Si Race po iyon 'di po ba?" "Opo." Tumango siya at sinilip ako sa rearview mirror ng nagtraffic. Uminit ang pisngi ko. Dalawang beses na niya akong nahalikan at sa magkabilang pisngi pa! Had it not been for the kiss, I wouldn't have recognized him. Syempre ay hindi ko rin naman siya masyadong natandaan noon. Malapit man kami ay medyo madilim naman sa parking kaya hindi ko agad nakuha ang bawat detalye ng kanyang mukha. Ngunit ngayon ay tila kabisado ko na. Baka nga rin hindi na iyon maalis sa isipan ko. "Ano po bang nangyari sa kanya?" tanong ko matapos ipilig ang aking ulo. Sumilip ulit siya sa akin. "Hindi pa po nasabi sa inyo? Naaksidente po kanina e." "Bakit po? At anong aksidente?" Nakita ko ang pagtitig sa akin ng driver mula sa salamin. Nang nagtama ang paningin namin ay ngumisi siya. "Tanungin ninyo na lang po si Sir Race." Natahimik ako. Hindi ko alam kung matatanong ko siya. "Salamat po," sabi ko nang makarating sa tapat ng aming bahay. "Sige po. Sunduin po kita bukas." "Huh? Bakit po?" Inayos ko ang sarili para sana makababa na. "Babalik po kayo sa ospital, 'di po ba? Sinabi po ni Madame Cara na sunduin kayo, utos daw po ni Sir Race." Nanliit ang mga mata niya sa akin. "Huwag ninyo pong sabihing hindi kayo babalik?" Napaawang ang bibig ko. Ganito ba sila kasigurado na babalik ako bukas? Paano naman ako? Paano kung may importante akong gagawin bukas? Nang hindi kaaad ako nakasagot ay umiling siya. "Naku Miss, huwag ganoon, magagalit po si Sir Race." Umirap ako sa kawalan. Magagalit siya? Paano ako? Kung hindi ako makakapunta bukas magagalit siya? Bakit naman ako hindi nagagalit sa mga nangyayari? Malay ko ba pala kung mga sindikato sila? Iniisip ko pa lang iyon ay halos batukan ko na rin ang sarili. Paano naman iyon mangyayari? They all looked educated and respectable, though most syndicates now are all well-off. At kung mga sindikato man, ano namang mapapala nila sa akin? I don't have money. Hindi ko pa nga napupuno ang alikansya ko. Binuksan ko ang pintuan at agad na bumaba. May sasabihin sana ang driver pero sinarado ko na ang pinto. "Ma'am, kilala ko po si Sir Race. Magagalit po iyon kung hindi kayo pupunta," habol niya na bumaba rin sa sasakyan. What? Masama na ang tingin ko nang lingunin siya. Pinigilan ko ang aking inis at wala ng ibang sinabi at pumasok sa loob ng aming gate at diretso sa bahay. This is ridiculous! Kung paano ako napasok dito ay talagang nakakatawa. Bakit ako? Coincidence ba lahat ito? Mabuti na lang na tulog na si mama nang makauwi ako. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Busog pa ako dahil kumain ako kanina, nagpadala ng fast food si Race. Habang kumakain kami ay nakatitig siya sa akin. Good thing hindi naman ako nailang kaya sinulit ko ang pagkain. "Ano ba naman 'yan, Kate. Ngayon nga natin icocompile lahat," pagalit na sinabi ni Roger habang hawak ang ibang papers na pinasa ng groupmates namin. "Pasensya na talaga." Wala akong ibang madahilan, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang nangyari. "Pero kailangan na 'yang matapos ngayon," si Abby. Nasa cafeteria kami ngayon. Si Ren at Klein lang ang wala pero nakapagpasa na sila ng tasks nila. "Gawin mo na rin ngayon. Bukas na ang submission," sabi ng katabi kong si Elizear. Tumango ako kahit hindi ko alam kung matatapos ko ba iyon ngayon. Sinubukan ko namang gawin kagabi pero walang pumapasok sa utak ko. Palagi ko pang nararamdaman ang malambot na labi ni Race sa magkabilang pisngi ko. Kahit pa ilang buwan na ang unang halik niya. Shit! Unang halik? "Tulungan kita, mamayang dismissal," suhestiyon ni Elizear. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Roger at pagsinghap ni Abby. Binuksan ko ang locker ko para kunin ang ibang gamit sa next subject. Dahan-dahan ko iyong binuksan dahil alam kong may bubulaga na naman sa akin. Tumambad ang mga letters at ilang tatlong piraso ng rosas na hindi ko alam kung paano nailagay sa loob. Napailing ako. Ginagawa na nila itong mailbox. "Oh! Letters from Ren?" "Yup! He missed me agad," dinig ko ang boses ni Klein. Magkalapit lang kase ang locker namin. "Aw sweet!" maligayang sinabi ng kasama niyang babae na pamilyar lang sa akin pero hindi ko kilala. "Of course!" Naglakad sila at nadaanan ako habang inaayos ang mga letters. Iuuwi ko ulit ito sa amin. "Ang dami mo namang letter sender, Kate," iyong babaeng kasama ni Klein. Tipid akong ngumiti dahil naiilang ako kay Klein. Hindi ko alam na kilala pala ako nitong kasama niya. "Si Kate pa ba? Crush iyan ng lahat. Pero kahit marami siyang suitors, wala rin. May iba na yatang gusto," nakangising paliwanag ni Klein ngunit may halong pagkainis. "O? Sino?" Nagbalik-balik ang tingin sa amin ng kasama niya. I looked down and sighed. This scene is too familiar. Umirap si Klein bago tumalikod. "I don't know. But I guess, mas gusto niya iyong mga nakatali na." Nagtaas ako ng isang kilay. I have a clue. May idea ako kung anong ibig niyang sabihin. At kung tama man ay nagkakamali siya. Saka ko na lamang kokomprontahin kapag diretso nang sinabi sa akin. "Tapos na ba ang klase mo?" Pinakita ko kay Elizear ang dala kong libro. "Last subject pa. Ikaw?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway papunta sa classroom ko. Hindi kaagad siya nakasagot kaya muli kong tiningnan. "Akala ko kase tapos na lahat ng klase mo. Magka-cut sana ako para matulungan ka sa work project." Tumigil ako sa paglakad. "Ar!" tawag ko sa pangalan niya. "Bakit naman? Huwag ganoon." "Bakit naman? Gusto nga kitang matulungan. Dahil ba sa nangyari kahapon kaya hindi mo iyon nagawa? Are you traumatized?" Agad akong umiling. Kinalimutan ko na rin naman ang nangyaring iyon. "Hindi naman pero hindi mo na kailangang mag-cut ng klase para lamang tulungan ako. Part ko iyon sa project natin kaya ako na ang bahala roon." Nagsimula na akong maglakad. "Gusto ko lang makatulong at makasigurado na magagawa mo iyon ngayon. Para ito sa grade natin," seryosong paliwanag niya pero may iba akong naramdaman doon. I know it's not just about our grades. Huminto ako sa tapat ng classroom ng last subject ko. "Gagawin ko. Pumasok ka na sa klase mo. Magpapatulong ako kay Andrea. Idadaan ko na lamang iyon mamaya sa bahay nina Roger. O kaya isesend ko na lamang through email." I waited for him to say anything pero natameme na kaya iniwan ko  a siya roon. Naabutan kong nakatingin sa akin si Abby pero agad ding umiwas. Lumapit ako sa upuan sa tabi ni Andrea. Magkaklase kami sa klaseng ito dahil parehas kaming Business Ad ang kinuha. "Sabay ka ba sa akin mamaya?" nakangiting tanong niya. "Pwede ba?" "Uhm, may pupuntahan kase ako after school. Pero kung gusto mo ihahatid muna—" "Huwag na! May gagawin pa rin kase ako." Magpapatulong nga sana ako pero ayoko namang makaabala. Tumango siya. "Balita ko muntik ka na raw masagasaanan ng kotse kahapon?" "Oo, pero hindi naman ako nasaktan." "Hay, naku! Alam mo bang sobrang nag-alala ako? Balita ko nga mukhang magandang model pa ng sasakyan ang muntik ng makasagasa sa'yo." "Siguro hindi tagarito kaya ganoon." "Then they should be more careful! Hindi naman nila pag-aari ang lupang ito. Paano kung nasaktan ka?" I sweetly smiled for her concern. "On fine. Huwag munang isipin 'yon, ma-i-stress ka lang." Nakapout siyang tumango. Natigil ang usapan namin tungkol doon. Paminsan-minsan akong napapatingin kay Abby na nasa kabilang row. Ganoon din siya sa direksyon ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang naiilang siya sa akin. 5:30 PM na natapos ang klase namin. Sinalubong kaagad ako ni Roger para sana kunin sa akin ang pinapagawa niya. "Hindi ko pa kase nasisimulan." "Tara, tulungan na kita." Akala ko magagalit s'ya! Nagkibit balikat ako at sumunod sa kanya, tahimik na nagpapasalamat dahil may makakatulong ako. "Sa library tayo." Tumango ako. Papunta kaming library nang masalubong namin si Elizear at Patricia. "Nasa'n si Abby, Kate?" si Pat. "Nasa classroom pa. Nagmamadali lamang ako para sa presentation natin." "Hindi ba sabi ko tutulungan kita?" si Elizear. "Abby, nandyan ka na pala. Ano tara na?" tanong ni Patricia sa nasa likuran namin. Nilingon namin si Abby na diretsong lumapit kay Elizear. "Hindi na, Elizear. Tutulungan na ako ni Roger," sagot ko habang nakatingin kay Abby na nanonood sa amin. "Si Andrea?" nagtatakang tanong niya. "May pupuntahan pa raw siya." Nagtatakang tumingin si Elizear sa amin ni Roger bago tumango. "Kanino ka sasabay sa pag-uwi?" Nagsalubong ang kilay ko. Hindi naman siya dati ganito. "Sa akin ulit siya sasabay, Elizear. Mauna na kayo, naghihintay na sila sa iyo." Sabay turo niya kay Abby na nasa likuran ni Elizear. "Sige na. Kailangan na namin itong simulan. Tara na Roger." "Mag-iingat ka," mahinang sinabi ni Elizear. "Mag-ingat kayo," sabi ko rin sa kanila bago tuluyang umalis doon. Sa library kami gumawa ng output. Sinimulan na rin niya ang pagcocompile para matapos na. Dalawang oras kami roon. Sumabay na kami sa pag-alis ng ilang mga estudyante pagkatapos. Ilang minuto na lamang ay isasara na rin kase ang library. "Gusto mong kumain muna tayo?" tanong niya habang nag-aayos kami ng mga gamit. "Hindi na. Sa bahay na lang. May research pa akong gagawin." "O? Bakit hindi mo na lang sinabay sa ginagawa natin kanina?" Lumabas kami ng library at nagsimulang maglakad palabas ng school. "Ginabi na nga tayo e. Sa bahay ko na lang iyon gagawin. Tara na?" "Sigurado kang hindi na muna tayo kakain? May malapit na Bar-B-Q restaurant dito." "Hindi na talaga." Naghintay kami ng tricycle. Mabuti at may dumating agad. Pagod na ako pero kailangan ko pa talagang tapusin ang research paper ko para sa isa ko pang subject. "Miss Kate." Papasok na ako sa tricycle pero dahil sa tawag na iyon ay hindi ko nagawa. Parehas kaming lumingon sa kanya ni Roger. "Miss?" takang tanong ni Roger habang nagpapalit-palit ang tingin sa amin ng driver nina Race. "Sino siya Kate?" "Ano pong ginagawa ninyo rito?" nagtatakang tanong ko sa driver at hindi na sinagot si Roger. "Hindi po talaga kayo pupunta?" frustrated na tanong niya. Kahit pagod na at mabagal na nag-function ang aking utak ay pinilit kong mag-isip. Nang nagawa ay agaran akong nagpanik. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD