"Kate, sino iyan? At saan ka pupunta? Gabi na."
Naguguluhan akong tumingin sa driver na nasa harapan namin. "Pwede po bang bukas na lang? Gabi na po at may kailangan pa akong gawin."
"Pero ma'am, hinihintay na po kayo ni Sir Race." Sa tono pa lamang ng boses niya, alam kong may hindi na magandang ginawa si Race.
I shouldn't care. But I made a promise. Alam ko, napilitan lang ako sa promise na iyon. But I still did.
"Kate, sino ba iyan? Tara na."
"Miss Kate..."
Huminga ako nang malalim. Kailangan kong gawin ang naging desisyon ko. "Sige na, Roger. Mauna ka na, may kailangan lang akong gawin."
"Huh?" naguguluhang tanong niya.
Naguguluhan din ako!
"Sige na," pagpupumilit ko sa kanya. "Uuwi rin ako pagkatapos."
"Kilala mo ba iyan?"
Tumingin ako sa driver. Hindi ko alam ang pangalan niya but I know I am safe. Ang sabi ni Race ay huwag akong basta-bastang sasama sa mga hindi ko kilala. Pero kilala ko na itong driver nila. At kaya lamang din naman siya nandito ay para sunduin ako. Para tulungan akong tuparin ang pangakong binitawan ko.
"Okay lang ako, Roger. Sige na."
Kahit halatang hindi sang-ayon ay pinilit ko na siyang sumakay sa naghihintay na tricycle. Ngumiti ako sa para siguraduhing maayos lang ako.
"Mabuti na lang po pinasundo kayo sa akin ni Madame Cara. Nag-aalala na po siya kay Sir Race," panimula ng driver habang nagd-drive.
"Bakit po? Ano pong nangyari sa kanya?" wala sa sarili kong tanong habang chine-check ang cellphone ko.
Mama:
Kate, umalis ako ng bahay. Nagkasakit ang tito mo kaya kailangan ko siyang puntahan.
Nakailang tawag siya sa akin pero hindi ko nasagot. Nakasilent kase kanina habang nasa library kami.
"Hindi ko po alam. Pero nag-alala po si Madame Cara kaya pinasundo ka na niya sa akin. Pero hintayin ko na lang daw po kayong matapos sa klase ninyo."
Tumango ako, nag-iisip. Ano kayang nangyari kay Race. Nagwala na naman ba siya? Bigla tuloy akong kinabahan. Nakakatakot kase siya paggalit. Ang layo niya sa kalmadong siya noong una kong nakita sa mall.
"Kate," bigla akong niyakap ni Madame Cara matapos salubungin. Nasa tapat siya ng kwarto ni Race, balisa kasama ang mga guards nila. "ginabi ka."
"May tinapos lang po ako. At nawala rin po kase sa isip ko. Sorry," nahihiya kong paliwanag.
Umiling siya, halata man ang pagkabalisa ay nagawa pa rin namang ngumiti nang matamis. "Sige na. Pumasok ka na sa loob."
Ginapangan ako ng kaba. Bakit ako lamang, hindi ba pwedeng samahan muna niya akong pumasok?
"Kanina pa siya naghihintay. Sinabi kong ipasusundo kita pero tumanggi siya. Baka raw busy ka sa school. But I'm so worried kaya I told Ber na hintayin kang matapos sa school."
Tumango akong muli. Kung hindi niya iyon ginawa ay talagang hindi ako makapupunta.
Dahan-dahan ay binuksan ko ang pintuan. Nakayuko siyang nakaupo sa kama habang pinaglalaruan ang mga dalari. Magulo ang buhok at mukhang may malalim na iniisip. Nag-angat siya ng tingin at umaliwas ang mukha nang magsalubong ang tingin namin. Agad akong naguilty dahil naghintay pa siya sa akin.
"Sorry ngayon lang ako." Sinarado ko ang pintuan sa aking likuran habang nakatingin sa kanya, tinitimbang ang reaksyon niya.
Tahimik siyang tumango at tinapik ang espasyo ng kama sa kanyang tabi para doon ako maupo.
Hindi siya nagsalita kaya hindi ko pa malaman kung galit siya o ano. Natigilan ako nang mapansin ang dextrose na tinanggal na naman niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang makita ang pagtagal tingin ko roon.
Here we go again...
Ang kulit niya talaga, no?
Nilagay ko ang bag sa sofa at agad kinuha ang mga unan at kumot na siguro'y hinagis niya at pinagpagaan ko iyon bago ibinalik sa kama. Itinayo ko ang stand ng dextrose. Inayos ko rin ang ilang mga gamit na nasa sahig.
"You don't have to clean my mess," he murmured in a deep voice.
I know. But I feel like I should.
Sandali akong tumigil ako sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim. Paniguradong nagwala na naman kase siya kanina. Kung hindi niya iyon ginawa, malamang hindi ko na kailangang magligpit. Kung hindi ko rin siya pinaghintay; alam ko rin namang hindi ko ito obligasyon. Hinding-hindi.
"I'll call a service to clean that."
Umiling ako at pinagpatuloy ang pagliligpit, no," mariing sinabi ko. "Hindi dahil may maglilinis ay magkakalat ka na kung kailan mo gustuhin."
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag-awang ng kanyang labi. Umirap ako sa kawalan. Pagod na ako at imbis na nagpapahinga sa bahay namin ay nagliligpit pa ako ng mga kalat dito.
"How's school?" tanong niya habang inaayos ko ang mga unan.
Hindi ko siya sinagot. Kung anuman ang kailangan kong gawin dito ay tatapusin ko na. Hindi ko na naman magagawa ang dapat kong gawin kapag nagstay ako nang matagal dito.
Patuloy lang ako sa pag-aayos ng kama habang nakaupo siya roon. Gusto ko lamang maiwasan ang mga titig niya. Tila ba wala talagang hiya-hiya kung makatitig. Mahuli ko man ay hindi pa rin umiiwas. Ako na nga ang tinitigan, ako pa rin ang nahihiya imbis na siya.
I inwardly groaned. Agad akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Napansin ko ang tape na ginamit sa pagkabit sa kanya ng dextrose na nasa likod pa rin ng kanyang palad.
"Bakit kailangan mo pang tanggalin pati ang dextrose mo? Hindi ka ba nasasaktan sa tuwing ginagawa mo iyan?" inis na tanong ko, hindi nga lamang sigurado kung para kanino ang inis na iyon —sa kanya o sa sarili ko. Sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko. Malaki at malawak itong kwarto niya pero pakiramdam ko ay masyadong maliit at masikip para sa aming dalawa. Lalo na dahil walang ibang mapagtuunan ng pansin ang kanyang mga mata kundi ako.
Gusto kong magmasungit para kahit papaano ay makapagsalita ako. I don't want to talk to him in a gentle way naman dahil ayaw kong isipin niya na ayos lang sa akin ang nangyayaring ito. And besides, he is obviously the quiet type of person. Aba'y hindi ko kakayanin ang matinding katahimikan sa silid na ito kasama siya! Kaya mabuting ako na ang magsimula ng usapan kahit sa ganoong tono.
Sandaling naghiwalay ang mapupula at medyo basa niyang labi na kanina pa niya wala sa sariling kinakagat. Namimilog ang mga niyang nakatitig sa akin bago nagsalita. "You cared?"
Nabigla ako roon. Siguro nga I care; sino ba naman ang hindi mag-aalala sa ginagawa niya, hindi ba? Umirap ako bago siya tinalikuran at walang pasabing naglakad sa pintuan.
"Kate," tawag niya, tila biglaang nataranta.
"Magpapatawag ako ng nurse. Ipapakabit natin ang dextrose mo." I looked at him over my shoulder, trying so hard to stop myself from rolling my eyes at him.
Sinabi ko sa isang guard na tumawag ng nurse. Si Madame Cara naman ay may kausap sa telepono kaya hindi ko na inabala pa. Agad din naman akong pumasok sa loob at muling sinarado ang pinto bago pa siya muling topakin ng kung anumang sakit niya.
"Bakit?" tanong ko nang lapitan siya para alisin ang tape na iyon sa kanyang kamay. Ayaw ko sanang lumapit dahil mas lumalala ang hampas ng dibdib ko. But what should I do? —stood here doing nothing and let him notice how he affects me so much? No way! "Bakit ka nagwawala? Naninira ka pa ng gamit."
Hindi siya kaagad sumagot na bahagya kong kinatakot. I am starting to have a conversation here with him para kahit papaano ay hindi niya marinig ang dibdib ko sa ginawa kong paglapit. Nag-angat ako ng tingin sa kanyang mga mata, muli sanang magsasalita ngunit tila biglaang umurong ang aking dila.
Natauhan ako sa mga sinabi ko. Lalo na nang matanaw ang blangkong ekspresyon sa kanyang mga mata habang mataman akong pinagmamasdan. Nakaramdam na naman ako ng takot sa mga titig niya. Bakit ko nga ba siya sinesermunan? Mommy nga niya walang magawa, tapos ako pa ang maglalakas ng loob na pagsalitaan siya nang ganoon? Naiinis lang naman kase talaga ako.
"Sorry," aniya bago pa ako tuluyang tumakbo sa magkakahalong emosyong nararamdam ko. "I thought you're not coming."
Umiwas ako ng tingin, medyo kumalma na mukha namang hindi siya galit o nainsulto sa sinabi ko. Marahan kong binitawan ang kanyang kamay. Pakiramdam ko ay lumulutang ako dahil kahit simpleng kilos ko ay napagmamasdan niy.
Marahan niyang tinapik ang espasyo ng kama sa kanyang tabi upang doona ako maupo. Ngunit hindi ko iyon pinansin; nagkunwari akong hindi iyon nakita. Sa upuan sa tabi ng kama ako umupo. Mas mabuti pala na hindi ako tumitingin sa mga mata niya para hindi ako natatakot.
O kung takot nga ba itong nararamdaman ko. Never pa naman kase akong natakot sa kahit kanino. At ngayon ko lang din naramdaman ang ganitong pakiramdam kaya hindi ko rin mapangalanan ng tama kung ano ito.
"Sinundo ako ng driver ninyo," tugon ko sa huling sinabi niya.
Nagtiim bagang siya. Napansin ko pa ang pagkuyom ng kamao sa kanyang gilid.
"Bakit?" takang tanong ko sa naging reaksyon niya.
"How's your school?" he asked instead, trying to dismiss it but his brows were deeply knitted making his reaction seems very obvious.
Malalim akong bumuntong hininga. "Huwag kang magalit kay Kuya Ber o sa mommy mo kung pinasundo ako sa school. Hindi naman ako naabala, hinintay niyang lumabas ako sa school." Sinabi kase ni Madame Cara na ayaw ni Race na ipasundo ako dahil baka busy. Well, busy talaga ako at naabala ako ngayon. Ayaw ko lamang na ituon pa niya ang galit sa driver nila.
Mas lalong lumalim ang pagkunot ng kanyang noo. Ilang sandali akong napapatitig doon, nagtataka kung paano iyon naging perpekto nang ganoon kahit salubong.
"And you know his name?"
"Nabanggit ng mommy mo," kunot noong sagot ko, nagtataka kung kailan pa ako nahumaling sa kilay ng isang lalaki.
Pumasok ang dalawang nurse na nag-aalangan pang lumapit kay Race kaya nginitian ko sila para sabihing okay lang. Umupo ako sa sofa habang pinapanood sila. Nakaupo lamang din sa kama si Race habang nakatingin sa akin. Nagkunwari akong nakatingin sa ginagawa ng mga nurse para makaiwas.
"S-Sir, h-hindi po mabuting lagi ninyong tinatanggal ang dextrose ninyo."
Nagtaas ako ng isang kilay. Hindi ko alam kung para saan ang panginginig niya, sa kaba at takot kay Race, o dahil nastarstruck siya?
"Uhm, miss kailangan po ni sir mag-take ng medicine ngayon," ani ng lalaking nurse na nakatayo ngayon sa harapan ko. Abala pa rin ang babaeng kasamahan niya kay Race.
Tumango ako at bumaling sa mukhang galit na namang si Race. Siguro ayaw niya lamang talagang ipakabit ang dextrose. Baka tanggalin niya ulit iyon bukas?
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. He needs to eat first before taking his medicine.
Sandaling nawala ang galit niya— o iyon ang akala ko. Hindi ako sigurado. "How 'bout you?"
Nalaglag ang panga ko. Ako nga ang nagtatanong, 'di ba? Nag-iwas ako ng tingin. Bigla kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko dahil wala akong balak na sagutin iyon.
"Let's have dinner together," he uttered with finality and authority.
Tumango na lang ako bago hinarap ulit ang nurse na kumausap sa akin. "Papainumin ko sjya mamaya. Pakiiwan na lamang ng gamot niya."
Kinuha niya sa dalang tray ang gamot ni Race, "heto po."
Inabot niya iyon sa akin, akmang tatanggapin ko nang magsalita naman si Race.
"Just place it on the table," mariing utos niya, masama ang tingin sa likod ng lalaking nurse.
Naikabit na ang dextrose. Galit pa rin si Race nang humiga sa kama. Agad ko siyang dinaluhan para matulungan sa paghiga.
"Maiwan na po namin kayo," pagpapaalam ng babaeng nurse na hindi makatingin sa amin, kay Race.
"Tell them to bring dinner for us here."
Hindi ko alam kung bakit niya inuutusan ng mga ganoon ang mga nurses. Pati ang kalat niya kahapon ay nurse rin ang nagligpit. Itong kwarto niya, malaki pa sa kwarto ko. Parang nasa isang suite sa hotel. Grabe lamang talaga.
"Sana huwag mo nang tatanggalin iyang dextrose mo," pagod na sinabi ko dahil pagod na talaga ako.
"You care for me?" wala sa sariling tanong niya. O baka ako lang itong nawawala na sa sarili. Lalo na dahil kaming dalawa na naman ng naiwan dito.
Nagsalubong ang kilay ko at hindi kaagad iyon nasagot. Bakit ba lagi niya iyang tinatanong? His mom obviously loved and cared for him. Hindi naman siya mukhang pinagkakaitan sa ganoong bagay. Kaya bakit tila gustong-gusto niya malaman kung may pakialam ako?
"How's school anyway?" he asked again after noticing it's taking me long to answer his question.
Lumapit ako sa sofa nang maalala ang research ko. Kinuha ko ang mga gamit para kahit papaano ay may magawa para sa research paper. "Hectic ang schedule ko."
"Sorry, kung pinilit kitang pumunta rito."
Hindi na ako sumagot. He should be. Nahihirapan tuloy ako sa schedule ko.
"What is that?" tanong niya sa mga papel na hawak ko. Umawang ang bibig ko para sana agad siyang sagutin ngunit naalala kong hindi ko dala ang laptop ko. Paano ako makagagawa rito?
"Para sa research paper ko," bagsak ang balikat kong sagot.
Dumating ang pagkaing hinihingi niya. Iyong si Kuya Ber ang nag-abot sa akin nang lumapit ako sa pinto.
"Salamat po? Nasaan si Madame Cara?"
"Umuwi po muna siya. Kailangan po niyang magpahinga. Ihahatid na lamang po kita sa inyo."
Mahina lamang kaming nag-uusap sa pintuan dahil baka mainis si Race kung maingay kaming mag-uusap. Baka rin marinig niya ang kagustuhan kong umalis na dahil hinahanap ko na ang mommy niya.
"Can you just get out now?" Race suddenly asked in baritone voice behind me, though it more sounded like an annoyed demand from him.
Nakaupo na siya ngayon. Si Kuya Ber naman ay agad na namutla. Tumango siya bago lumabas nang hindi na nakapagsalita.
"Ako ba ang lalabas?" takang tanong ko.
Umiling siya, busangot ang mukha sa hindi ko malamang dahilan. "Tsk, I'm hungry." Umirap siya sa kawalan at sumandal sa headboard ng kama.
Ako naman ngayon ang nainis. Kung makaasta akala mo utusan niya ako, a?
Inayos ko ang kanin at steak. Pinagtimpla ko na rin siya ng iced tea. Pati ang sarili ko dahil kanina pa ako inuuhaw.
"Kumain ka na at uminom ng gamot pagkatapos," masungit na paalala ko matapos ilagay ang pagkain sa harapan niya. Nakaupo na kase siya kaya nilagay ko na roon.
"Join me,"
S'yempre naman. Gugutumin ako kung hindi pa ako kakain. Kahit nahihiya ay mas uunahin ko kuna ang sikmura ko.
Kinuha ko ang pagkain na para sa akin. Umupo ako sa sofa upang doon na makakain.
"Let's eat here," aniya.
Hindi ko naiwasan ang pagtaasan siya ng isang kilay. Gusto niyang sumampa rin ako sa kama at doon kumain?
"Please,"
Bigla kong naramdaman ang pagkairita pakiusap niya, hindi ko na lamang pinahalata. Tinuruan ako ni mama na dapat behave sa harapan ng pagkain kaya kailangan kong pigilan ang inis ko. Isa pa, para namang may laban ang inis ko kapag siya na ang nainis.
"Kate, please."
Hindi ko siya pinansin, nagkunwaring walang naririnig kahit pa impobsible. Sobrang tahimik nga ritk kaya kanina ko pa inaala na baka marinig niya ang maingay konv puso. Inabala ko ang ko sarili sa pagkain. Kailangan kong matapos ngayon din ang research ko, iyon ang iniisip ko.
Ingay ng aircon at ng kubyertos na gamit ko ang maririnig sa loob ng kwarto. Bukod pa sa t***k ng dibdib ko at mararahan niyang paghinga. Sinulyapan ko siya, mukhang walang balak kumain. Nakatitig siya sa akin at pinapanood akong kumain. Hindi ako naiilang pero naiinis ako.
Tumayo ako dala ang pagkain ko palapit sa kanya. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Hindi ba ito naman ang gusto niya? Pasalamat talaga siya mabait ako.
Mabilis siyang nakbawi sa pagkagulat at inalalayan ang pagkaing hawak ko. Sumampa ako sa kama, sa harapan niya. Tumikhim siya dahilan para mapatingin ako sa hita ko. Naka-indian seat ako sa harapan niya kaya agad ko iyong tinakpan ng kumot. Nawala sa isip kong nakaskirt ako!
Well, I'm with my cycling, anyway.
"Do you want more?" tanong niya nang maubos ko na ang pagkain.
Umiling ako. "Kaunti lamang akong kumain pag dinner."
"Sayang naman ang pagkain. Ubusin na natin," nakangiting sinabi niya na talaga namang nagpagulantang sa akin.
Maraming beses na akong humanga sa ilang mga lalaki. Lalo na sa school namin pero iba ang isang ito. Aminado akong humahanga ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit hindi ako naiilang. Lalo na ngayong kaharap ko pa siyang kumain. Ni hindi ko pa kailanman nasubukang kumain sa kama nang ganito.
Natatako akong marinig niya ang kakaibang pagwawala ng dibdib ko, pero hindi ko rin naman maiwasang lumapit sa kanya.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip. "Kumain ka nang marami. At kung may matira, ibibigay natin kina Kuya Ber."
Umigting ang panga niya. Padabog niyang kinain ang lahat ng pagkain sa kanyang pinggan. Pinanood ko lamang siya habang salubong ang kilay na inuubos lahat iyon. Nag-aya pang ubusin daw namin, kulang pa yata 'yan sa kanya e.
"Done," padabog niyyang binitawan ang kubyertos at sumandal sa headboard. Bigla kong naalala iyong batang lalaking kapatid ng classmate ko na pilit niyang pinakain ng pandesal na hinaluan ng pandesal.
He is as cute, of more cuter than that child. Kung sa ibang pagkakataon ay baka natawa na ako. But to be honest, medyo natatakot na rin ako sa kanya. Ang dalas niyang magalit nang walang dahilan. Hindi kaya may mental disorder siya kaya nandito sa ospital?
Bumaba ako sa kama at inayos ang pinagkainan namin. Kumuha ako ng isang basong tubig at inabot sa kanya ang kanyang gamot.
Iniinom nkya iyon nang nakatitig sa akin. Umiwas agad ako. Gabing-gabi na at mukhang hindi ko na naman yata magagawa ang school works ko.
"Sinong kasama mo kanina?"
"Huh?" gulat na tanong ko. Napatingin pa ako sa paligid, baka hindi ako ang kausap n'ya. Pero kaming dalawa lamang naman ang nandito. Grabe talagang manakot ang isang ito.
"Iyong kasama mo kanina. Gabi na kayong lumabas ng school n'yo. What did you do?"
Nalaglag ang panga ko. For sure, si Roger ang tinutukoy n'ya. Pero paano n'ya nalaman?
Umiling at umirap s'ya sa naging reaksyon ko. Nagkibit balikat ako. "Si Roger iyon, classmate ko. Tinulungan n'ya akong tapusin ang project namin na hindi ko nagawa kagabi dahil pumunta ako rito." sabi ko habang kinukuha ulit ang mga gamit ko sa sofa para sa research. Inemphasized ko pa ang salitang 'pumunta ako rito'.
"And who's the guy..." agad s'yang umiling. Para bang ayaw na iyong banggitin pa. "Is that another project?"
"Yup. Pero individual works na ito." bored na sagot ko. Gusto ko ng umuwi.
"Wanna use my laptop?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kinuha n'ya ang laptop sa kabilang table.
"Pwede?" Now, pwede na akong magstay muna rito. Kung sa bahay ko ito gagawin, mag-isa lamang ako at paniguradong aantukin ako.
"Of course!"
Lumapit ako sa kanya dala ang bag ko at umupo sa upuan, sa tabi ng kama n'ya. Hinarap ko sa akin ang laptop habang nagbubukas pa iyon.
"Password." nakangiting sinabi ko ng hingin ang password ng laptop. Tinaasan ko s'ya ng isang kilay ng tumitig lamang s'ya sa akin. Pasalamat din s'ya gwapo s'ya, ang creepy n'ya talaga e.
Magtatype na sana s'ya para sa password pero hindi n'ya tinuloy. Kinuha n'ya iyon at nilagay sa lap n'ya bago nagtype. Para namang matatandaan ko ang password sa bilis n'yang magtype.
Ngumuso ako habang nagsisimula ng magsearch. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako nasa sitwasyong ito.
"Pwede?" sabay tapat ko sa kanya ng flashdrive ko para doon na iyon i-save.
Tumango lamang s'ya, nakatitig pa rin sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko ng hindi ko na naiwasang mapahigab. Kanina pa talaga ako napapagod.
Kinusot ko ang mata ko. Inilagay n'ya ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko. Halos mapatalon ako ng dumampi ang kamay n'ya sa pisngi ko.
"It's cute."
Nag-angat ako ng tingin. Nakangiti s'ya, ito ba ang unang beses na nakita ko s'yang nakangiti ng ganito? Naalala ko tuloy iyong sa parking, nakangiti rin s'ya noon pero madilim nga lamang noon.
"My touch do makes you blush." That's a statement and a confirmation from him.
Mas lalo yatang uminit ang pisngi ko. Bahagya s'yang tumawa kaya napatitig na talaga ako sa kanya. That really sounds like a music.