Chapter 2: Second Time

3196 Words
Yes po?" "Can you please go with me?" diretsahan niyang sinabi. "Po?" Naguluhan ako, hindi malaman kung bakit ako dapat sumama sa kanya? Hindi ko siya kilala. Tipid siyang ngumiti nang lumapit sa akin at marahang hinawakan ang aking braso. "Please. Please come with me." Mas lalong nagsalubong ang aking kilay. "S-sandali lang po. Bakit po? Bakit po ako sasama sa inyo? Hindi ko po kayo kilala." Natigilan siya roon. Mas lalo tuloy akong nagtaka. Hindi ba halatang hindi ko siya kilala? I don't think she's one of our neighbors. Someone like her must be living in an exclusive subdivision, not here. "I'm sorry," aniya at agad din akong binitawan. "I'm Cara Neumann. Race's mom." Inilahad niya ang kanyang kamay. Nanatili ang pagtataka sa akin nang dungawin iyon. Sino si Race? Hilaw akong ngumiti. Sigurado bang ako talaga ang Kate na tinutukoy nito? Baka naman kase nagkakamali siya. "Please, Kate. Race needs you. Sumama ka sa akin," she pleaded. Kita ko sa mga mata ang matinding pag-aalala, siguro dahil sa tinutukoy niyang Race o ano pa man. But I know nothing! Anong gagawin ko? "Pero wala po akong kilalang Race," I told her honestly. Umawang ang bibig niya sa gulat. Kumurap-kurap siya bago ako matamang pinagmasdan. "Huh? You don't know my son? Pero tama itong address." Sumulyap siya sa bahay namin. "At ikaw si Kate Ancerine, right?" Buong pangalan ko na iyon at alam pa niya ang address ng bahay namin. Sigurado na ngang ako ang Kate na hinahanap niya. Pero sino si Race? "And he also showed me your picture, and I'm sure you are that girl. You are the Kate he is talking about." "Pero wala po talaga akong kilalang Race." Ngayon ko nga lang narinig ang pangalang iyon. It's weird iyon para akong may ibang naramdaman sa pangalang iyon. I tried remembering if one of my present and past classmates have that name pero wala talaga akong maalala. Cara Neumann? His son must be named Race Neumann? Hindi ko talaga kilala. Umiling siya. Pansin ko ang pagkislap sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Nalilito ko iyong tinitigan, hindi malaman kung para saan. "Please, sumama ka sa akin. My son wants to see you." Mariin niyang hinawakan ang kamay ko at hinaplos iyon. Sumulyap ako sa kasama niyang bodyguard na tahimik lang. Parang nangyari na ito dati at sa tingin ko, wala rin naman silang gagawing masama? But I should not trust them. Watching the lady, she looks kind. Hindi rin siya ang tipo na mananakit at manloloko ng tao. But looks can be fake, right? What if... Shaking my head, pinili ko na pagbigyan siya. Nilingon ko ang bahay namin bago itinuon muli ang pansin sa kanya at marahang tumango. "Sige po." Malaki ang naging ngiti niya dahilan para kumislap ang mga mata sa kagalakan. Ginulat niya ako nang mahigpit niya akong yakapin. "Thank you so much. Oh dear, thank you." She then let go of me. "Let's go?" Gulat pa rin ako sa ginawa niya, wala pa ring ideya kung ano ang nangyayari hanggang sa hinila na niya ako palapit sa BMW. Sa dami ng mga krimeng nangyayari sa panahong ito, dapat ay hindi ako basta-bastang nagtitiwala sa kahit na kanino. But I feel like this one is different. This is familiar, actually. And even this car! Pamilyar talaga ito sa akin. Pinagbuksan kami ng guard na kasama ng mommy raw ni Race ng pinto ng kotse sa backseat. Pinagkibit ko na lang ng balikat ang pag-iisip tungkol sa sasakyang ito. Sa dami ba naman ng mga sasakyang nakikita ko araw-araw, malamang ganoon nga lang iyon. "Salamat talaga, iha." Ngumiti ang babae at hinawakan muli ang kamay ko. Pinagmasdan ko ang loob ng sasakyan. Umikot ang bodyguard para sa front seat. Sinilip ko sa rearview mirror ang driver na hindi ko napansin kanina. Nagsalubong ang kilay ko. Pamilyar din siya sa akin! Ano ba talagang nangyayari? Ito ba iyong tinatawag nilang dejavu? Ipinilig ko ang aking ulo. Wala lang ito. Pero teka, bakit nga ba ako sumama nang basta-basta sa kanila? Ang dami ko nga palang gagawin! Sa biglaang pagkataranta ay mabilis kong kinuha ang cellphone sa aking bag. "Tatawagan ko lang po ang mama ko, sasabihin ko pong gagabihin ako sa pag-uwi," pagpapaalam ko sa babaeng katabi. "I can talk to her o sabihin mo na lang na sumama ka sa akin," suhestiyon na simula pa lang ay tinanggihan ko na. Magagalit si mama kapag nalaman niyang hindi ko naman kilala pero sinamahan ko agad. Dinial ko ang number niya. Ilang sandali lang ay sinagot din. "O, napatawag ka? May problema ba? Nakauwi ka na ba?" Sunod-sunod na tanong niya nang sagutin ang tawag. "Ah, ma, may gagawin pa po kase ako, gagabihin po ako ng uwi." "Ganoon ba? Sinong kasama mo, si Andrea ba?" I bit my lower lip. "A, o-opo." "O, sige. Basta mag-iingat ka." "Opo." Hinintay kong patayin ni mama ang tawag. Bumagsak ang balikat ko dahil sa ginawang pagsisinungaling. Ipapaliwanag ko na lang sa kanya kapag nagkausap na kami nang maayos. "Okay lang ba sa mama mo?" nakangiting tanong ng magandang babaeng ito. Naiilang tuloy ako sa kanya. "Opo, sandali lang naman po siguro tayo roon, 'di po ba?" Hindi kaagad siya nakasagot pero tumango rin at ngumiti. Magtatanong pa lang ako kung saan kami pupunta nang huminto kami sa tapat ng isang pribadong ospital. "Bakit po tayo nandito? Nandito po ba si Race?" tanong ko kahit posibleng oo ang sagot. Pinuntahan nga niya ako para kay Race, 'di ba? "My son is here." Bumaba siya mula sa pintong binuksan ng guard, sumunod ako. Bakit nandito si Race? Doctor ba siya rito? Pero iyong Race, ka-edad ko rin kaya siya? Pagpasok pa lang namin ng ospital, bukod sa guard na kasama namin ay may dalawa pang lalaking nakablacksuit ang sumunod sa amin. Pagkalabas naman ng elevator ay may dalawa na naman. Malapit na akong magpanik dahil sa nangyayari. Iniisip ko kung bakit nga ba ang bilis kong sumama sa kanila. Huminga ako nang malalim at aatras na sana nang huminto ang mommy ni Race sa tapat ng isang exclusive room. Hawak ang aking balikat ay mahina siyang nagsalita. "Sandali lang." Tumango ako at hinayaan siyang maunang pumasok sa loob. Hindi niya gaanong sinara ang pintuan ngunit hindi na rin ako nagtangka pang sumilip. "Miss, saan po kayo pupunta?" pigil sa akin ng guard na kasama namin kanina. Kailangan kong umalis dito. Hindi ko talaga alam kung bakit ko ito ginagawa. "Ano kase, CR lang," pagdadahilan ko. Nakakatakot kase na sa akin silang lahat nakatingin. Wala akong nakikitang ibang tao rito. Alam kong bigating tao ang sinamahan ko kaya mas lalo akong hindi naging komportable. Kung hindi ay bakit kailangang napakaraming guards ang nakasunod sa amin? "Leave me alone!" Napatalon ako sa pagsigaw na iyon na nanggaling mula sa loob ng kwarto. Nagsiayos sa pagkakatayo ang mga lalaking ito kahit na maayos naman ang tindig nila kanina pa. Sa sigaw na iyon mas lalo kong napagtantong hindi talaga dapat ako sumama rito. Is that Race sick? Bakit ganoon ang pagsigaw niya? Na tila galit sa mundo? "Miss," pigil ulit sa akin ng isang guard nang akma akong aalis. "Hahanapin po kayo ni Madame Cara." "CR lang talaga ko," halos manginig na ako dahil sa atensyon nilang lima. Pakiramdam ko isang pagkakamali ko lang, sasaktan nila ako. Napakaseryoso naman kase ng mga mukha nila. Lumabas ang isang nurse mula sa loob, nanginginig din sa takot. "Ikaw po ba ang tinutukoy ni Madame?" tanong nya sa akin. "Pumasok ka na sa loob." Umalis rin siya agad pagkasabi noon. Papasok ako sa loob? "I said leave me alone! Iwan ninyo ako!" sigaw ulit galing sa loob. "Race, I just want to-" "Just leave me! That's what I what you to do now!" Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Bakit ganoon siya makasigaw sa mommy niya? At sigurado ba silang kailangan ako ng lalaking iyon? Bakit ganoon siya? Sinisigawan niya ang mommy niya, ako pa kaya. "Sige na po, miss. Pumasok na po kayo sa loob," sabi noong lalaking kasama namin kanina. May narinig akong kung anong nabasag sa loob. Agad akong pumasok doon dahil sa pag-aalala sa kung ano na ang nangyayari. Lima ang guards nila pero wala silang magawa sa nangyayari sa loob. Nakaupo ang isang lalaking nakasuot ng hospital gown sa kama. Hindi niya namalayan ang pagpasok ko dahil sa marahas niyang paghiga habang salo ang kanyang noo. Kunot ang kanyang noo. Hindi ko pa malinaw na nasisilayan ang mukha niya pero grabe na ang kalabog ng dibdib ko dahil sa presensya niya. Nagkatinginan kami ni Madame Cara. Should I really have to call her Madame? I don't know. "Race," tawag niya sa anak. Narinig ko pa ang marahas na pagbuntong hininga ni Race, mariing nakapikit pa rin ang mga mata. "Just leave, mom. Please," mariin ngunit mahina niyang sinabi na nagpadagdag sa kaba ko. "She's here." Ginapangan ako ng kaba. Siguro nga ay kaba lang ang dahilan nang mabilis na pagtibok ng dibdib ko simula nang pumasok ako rito. Ngunit mas lumalala ang kalabog noon lalo na nang nagdalawang tingin sa akin iyong Race. May sasabihin yata siya pero naiwan lang na nakaawang ang bibig matapos makita ako. Nanigas ako sa kinatatayuan, Nanlalamig at hirap lumunok. Siguradong mukha akong tanga na parang naging tuod na sa kinatatayuan ko rito! What's wrong with me? That Race blinked his eyes several times before his lips moved. "K-Kate." His voice was hoarse. Dahil yata roon kaya nangilabot ako. He knows me. Dahan-dahan ay inilahad niya ang kanyang kamay, iminumuwestra sa aking lumapit. Nagsalubong ang kilay ko. Binalingan si Madame na nananantya at tila nag-aalalang nakatingin sa akin. Tipid siyang ngumiti bago tumango. "Kate," muling tawag ni Race. Kahit nag-aalangan ay lumapit naman ako. Inabot ko ang kamay niyang nakalahad. Medyo magaspang iyon pero malambot pa rin. Mabilis iyong mahigpit na pumulupot sa aking kamay, sapat lang upang hindi ako makawala at upang hindi ako masaktan. "You're really here." He unbelievingly stared up at me. Titig na titig sa akin na animo'y bigla akong maglalaho kung kukurap siya. Dinungaw ko ang mga kamay naming magkahawak. Pansin ko na tinanggal niya ang dextrose na nakakabit sa kanya. Binalingan ko rin ang vase na nabasag sa tabi ng kama at ang pole at IV liquid na nasa sahig. Hinigpitan ni Race ang paghawak sa kamay ko dahilan para mapabalik ang atensyon ko sa kanya. Gulo ang buhok niya, malalim ang maiitim na mga mata. Perpekto ang hubog ng makakapal na kilay. Tama lang ang tangos ng ilong. Mapupula ang labi ngunit medyo maputla ang kulay. Naniningkit ang mga niya habang nakatingin sa akin... and his sexy adam's apple na kitang-kita ko dahil nakatingala siya sa akin. My brows furrowed. He looks familiar. Tinagilid ko ang aking ulo para alalahanin ang mukha niya. Mataman din niya akong tinitigan, para bang kinakabisado ang bawat parte at detalye ng aking mukha. "I went to their house para pakiusapan siyang pumunta rito. Uuwi rin siya mamaya," si Madame Cara sa kabila nang titigan naming dalawa ng kanyang anak. "No," maagap na sagot ni Race. Lumalim ang gitla sa aking noo. Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya ako papayagang umuwi, ganoon ba? "But Race..." He shook his head and looked up at me pleadingly. Pinisil niya ang aking kamay bago halos bulong na nagsalita, "please stay. "Bakit?" I breathe. Hindi ako makapaniwala na ang isang tulad niya ay magmamakaawa sa aking manatili rito. "Hindi kita kilala," I added and smiled. Natatakot ako na baka magwala siya kung hindi niya magugustuhan ang anumang sasabihin ko. Nagtiim bagang siya at pilit na ngumiti. "Stay." Okay. No offense but no matter how handsome he looks, hindi pa rin naman ako pwedeng basta na lang sumunod sa gusto niya. He looks familiar,yes. But he is still a complete stranger to me. Kumawala ako sa pagkakahawak niya pero hindi niya iyon binitawan. Nag-aalala akong lumingon kay Madame Cara. I don't know if I'm worried or scared. What's wrong with him? "E-Excuse po, Ma'am, pero kailangan ko na pong umalis." Hindi pa ako tapos magsalita ay pinigilan na ako ni Race. "No, please." Hindi mawala ang mga mata niya sa akin. Kanina lang ay takot ako sa kanya pero ngayon ay hindi ko na mabasa kung anong nasa isip niya. Kung ano na ang dapat kong maramdaman. Hinawakan ko ng isa pang kamay ang kamay niya para bitawan ako. Mabilis siyang umiling, nagmamakaawa ang mga mata. Anong gagawin ko? Ni hindi ko nga sila kilala pero ginagawa ko ito. Dapat hindi na ako sumama. Nag-aalala na ring lumapit sa amin si Madame Cara. "Kate, please stay. Kahit sandali lang." "Pero po kase-" Naramdaman kong muli ang pagpisil ni Race sa aking kamay. "Please, promise. Sandali lang." Tumango si Madame Cara para ipakitang seryoso siya. Mariing akong napapikit. Naiinis ako dahil nandito ako sa sitwasyong ito pero mas naiinis ako sa sarili dahil hinayaan kong mangyari ito. "I'll just talk to his doctor," pagpapaalam ni Madame Cara. Naalarma ako roon ngunit wala ring nagawa kundi ang panoorin siyang lumabas. Nakaramdam ako ng kaba na kaming dalawa na lang ng lalaking ito ang nandito. I have been always uncomfortable with rich men. Itinatak ko na lang sa isipan ko na isa iyon sa mga dahilan kung bakit matindi ang paghataw ng dibdib ko ngayon. "Huwag ka munang umalis, please." The desperation in his voice reminds me of someone. Hindi ko nakita ang totoong pangyayari. I was too young that time, so much young. But my mind keeps on playing trick on me whenever I tried to imagine how it might have been to my mom's feelings. Napatitig ako sa mga mata niya at sa noo niyang may bandage. Pilit akong ngumiti at tupaalis. I could tell he understands why I don't want to stay but he's pushing his luck to making me stay longer. "Basta 'wag ka lang magwawala ulit," sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nag-iingat pa rin ako sa pagsasalita ko. Kung magwawala siya rito ay hindi na ako magdadalawang-isip na tumakbo paalis. Ilang sandali lang ay pumasok ang isang lalaki at isang babae nurse. Inayos nila ang mga nabasag. Ikinabit din nila ang dextrose kay Race.  "Race," tawag ko nang hawiin niya ang kamay ng babaeng nurse para sana ikabit ang dextrose. Bumalik ang mga tingin niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa paraan niya ng pagtitig. Kahit hindi naman ako sobrang lapit sa kanya, pakiramdam ko nakikita ko ang sarili sa mga mata niya. Ganoong ka-intense ang bawat niyang pagtitig. Hinayaan din naman niya ang mga nurse na ikabit ang dextrose. Umalis din sila agad pagkatapos maglinis ng mga nabasag. "You don't know my mom, pero sumama ka pa rin sa kanya." Nakaupo ako sa upuan sa tabi ng kanyang kama. Hawak pa rin niya ang kamay ko kahit sa totoo lang ay naiilang na ako. Lalo na't sa kabila nang malamig na aircon ay ramdam ko ang pamamawis ng aking palad. Siya ang tanging tao na pinakamatagal na humawak ng kamay ko. Ayaw niyang bumitaw na para bang once na gawin niya iyon ay tatakbo ako palayo. Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. Ayaw ba niya na sumama ako sa mommy niya? "This is the second time. Sana ay hindi na maulit... Don't you just go with someone you barely knew," seryosong sinabi niya na ipinagtaka ko. Second time? "How mom even get to know you?" bulong niya sa sarili. "Ipinakita mo raw ang picture ko sa kanya?" patanong kong sinabi pero sigurado akong iyon ang sinabi ng mommy niya sa akin kanina. Tila naman nagulat siya sa sinabi ko. Well, mas gulat ako. Paano ako nagkaroon ng picture sa kanya? Is he one of my admirer? Or stalker? Ipinilig ko ang ulo ko. Ang assuming ko. Imposibleng maging admirer lalong stalker ko ang isang ito. Sa itsura niyang iyan, it's obvious na hindi tulad ko ang gusto niya. "Have you eaten anything already?" tanong niya na ako dapat ang nagtanong dahil siya ang pasyente rito. Tumango ako. "Ikaw?" Hindi siya sumagot at nag-iwas ng tingin. So, hindi pa siya kumakain, I guess. Nanlaki ang mga mata niya at mas hinigpitan ang paghawak sa akin nang tumayo ako at akmang aalis, para sana maghanap ng pagkain niya. "You need to eat." sabi ko. "Wala ka bang pagkain dito?" Sandali siyang tumitig, bago kumalma. I wonder kung paano ako aalis dito kung palagi siyang ganyan. Siguro kapag nakatulog na lang siya. "Sandali lang," sabi ko habang inaalis ang kamay niya. Tumitig siya, binabasa kung ano ang nasa isip ko bago ako binitawan. Pwede na akong umalis. Pero hindi ko gagawin. Paniguradong magwawala siya. Wala pa ang mommy niya at posibleng pilitin niyang tumayo. At hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. May nakita akong instant noodles malapit sa sink. Kinuha ko iyon, may mainit na tubig dito kaya hindi ko na kailangang lumabas. Kumuha ako nang malamig na tubig galing sa water dispenser. Inilagay ko iyon sa lamesa malapit sa kanya. Pinaghiwa ko na rin siya ng mansanas. At habang ginagawa ko lahat iyon ay seryoso siyang nanonood sa akin. "Ready?" I smiled. Tumango siya at tinulungan ko namang makaupo nang maayos. Dahan-dahan kong itinapat sa kanya ang instant noodles na niluto ko. Medyo nailang pa ako kung dapat ko ba siyang subuan o siya na lang. "Feed me, please," pakiusap niya na halos magpaubo sa akin. Hindi ko talaga inisip kahit sa panaginip na makikilala ko ang isang gwapong lalaking katulad niya. At ngayon ay gusto pang pakainin ko. Nagdalawang-isip pa ako pero para maiwasan ang mga titig niya ay pumayag ako. Tinapat ko sa kanya ang kutsarang may sabaw. Umuusok pa iyon dahil sa init. Nagsalubong ang kilay ko nang titigan niya lang iyon, ayaw niyang hipan. What? Bumaling siya sa akin, tila naghihintay sa kung anong gagawin ko. Ipinilig ko ang aking ulo at ako na ang humipan doon. Go Kate! Baliw ka sa pagsama mo rito kaya panindigan mo ang kabaliwanan mo. Iyon nga lang ay hindi ko iyon halos mahipan nang maayos dahil seryoso siyang nakatingin sa akin, sa labi ko. Kahit hindi ako sigurado kung mainit pa ang sabaw ay ibinigay ko na sa kanya. "I like it." Ngumiti ako. "Instant lang 'yan." Hinipan ko ulit ang isa pa at ibinigay sa kanya. Pinapanood ko siyang kumain. Napaano kaya siya? Bakit siya nandito sa ospital. At saan niya nakuha ang sugat niya na mukhang sariwa pa? Gumalaw ang kamay niya habang hinihipan ko ang mainit na sabaw sa kutsara. Nabitawan ko tuloy ang kutsara nang maramdaman ang kanyang kamay sa lower back ko. Mabuti na lang at sa mangkok bumagsak ang kutsara. Nilingon ko ang braso niya, bago siya. Parang wala siyang ginawa. Nakatingin lang siya sa pagkaing hawak ko, naghihintay na pakainin ko pa nang marami. Mariin akong napapikit bago ulit siya pinakain. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari. Kung bakit ko ito ginagawa sa kanya at kung bakit ko siya hinahayaang gawin ito. And I guess I was right. Ito na nga ang malaking pagbabago sa buhay ko. And it really starts here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD