bc

Race's Obsession 1: His (COMPLETED)

book_age16+
4.8K
FOLLOW
31.9K
READ
possessive
student
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

C O M P L E T E D

❝The racer's way to love.❞

•••

Imagine being a normal highschool student when a lady waited outside your house after school. She's desperate to talk to you because her son is in the hospital and he badly wishes to see you.

Why? Well, it just happened that the son is the most beautiful admirer you will ever meet.

You don't know him, but he's not going to let go of you now that you willingly come to see him.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Andrea, nasa'n ka na ba? I'm already here!” naiinip na sinabi ko sa kabilang linya. “Sorry nag CR lang. Pababa na.” “Sige. Bilisan mo, ha?” I sighed. “Okay, okay.” Ibinaba ko ang tawag. Ilang minuto rin akong naghintay sa carpark nitong mall. Kanina pa kami paikot-ikot sa mall kaya naman sinabi ko sa kanyang mauuna na ako sa basement at dito na lang siya hihintayin. Kahit kailan naman kase ay ang tagal ng babaeng iyon. Kung hindi ko lang siya bestfriend… Isa pa, makikisakay lang naman kase ako sa kanila kaya kailangan ko talaga siyang hintayin. “Miss?” Tinangala ko ang may katangkarang lalaking tumabi sa akin. He is wearing a plain white shirt and pants. He looks nice and clean. Iyon nga lang ay hindi ko siya kilala. Nagsalubong ang kilay ko. “Yes po?” Hindi naman siguro nalalayo ang edad ko sa kanya. Maybe he is in his early twenties? Hindi ako sigurado lalo na dahil medyo seryoso siya. I nervously bit my inside cheek and cautiously looked around. Masyado yata akong napapatitig sa kanya. Umiwas ako ng tingin. “Sumama po muna kayo sa akin,” aniya na nagpabigla sa akin. “Ha?” takang tanong ko, hindi sigurado kung narinig siya ng tama. “Saglit lang po, miss.” Lumingon muli ako sa paligid. May ilang tao ang nasa loob ng mall. Kita ko sila sa malaking salaming bintana at naroon din ang guard. This man can't force me to go with him. It's either I shout for help or he'll leave me alone. Bago pa makapag-isip ng maayos ay napatalon ako sa gulat nang hawakan niya sa braso. I knitted my brows and immediately stepped back. Seriously? What is he up to? “Saglit lang po talaga, miss. Kakausapin lang po kayo ng boss ko.” Nagtaas ako ng isang kilay bago sinundan ng tingin ang itinuturo niya—isang itim na BMW. “At may mga CCTV's po rito. Kung may gagawin man akong masama sa inyo, panigurado pong mahuhuli ako.” Ngumiti siya. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi sa kahihiyan. Siguro ay napansin niya sa mukha ko ang pag-aalinlangan. Ngunit hindi naman na siguro iyon nakakapagtaka. Sinumang malagay sa sitwasyon ko ay mag-aalangan. At saka hihintayin ko pa bang may gawin siyang masama? May CCTV nga, napahamak naman ako. “E, iyong boss mo?” Tinuro ko ang kotse. Anong kailangan sa akin ng boss niya? “Ha? Hindi ka sasaktan no'n. Maniwala kayo sa akin.” Mahina siyang natawa na tila nga ba nakakatawa ang iniisip ko. Humawak siya sa batok nang mapansin ang pagtataka ko. “Kakausapin lang daw po niya talaga kayo.” “Bakit?” Kilala ko ba ang boss daw niya na iyon? O baka naman prank lang ito ni Andrea. Sinulyapan ko ang loob ng mall. Hindi pa naman siya lumalabas at isa pa ay hindi naman iyon mahilig sa ganito. Isang beses na tumango ang lalaki bago nagkibit ng balikat. “Halika na po?” I absentmindedly nodded, naniniwala sa sarili na walang mangyayaring masama. Nauna siyang naglakad papunta sa kung nasaan ang itim na BMW. Sumunod ako. Nang makalapit ay napaatras ako matapos lumabas ang isa pang lalaking nakaitim na shirt mula sa driver seat at siyang nagbukas ng backseat. Lumingon ulit ako sa paligid. I know I shouldn’t just trust anyone lalo na sa panahon ngayon. Looks can be often deceiving. Medyo nag-aalangan man ay kampante naman ako dahil sa guard na nakatanaw sa amin. “Pasok na po sa loob, miss,” ang lalaking nagbukas ng pinto. Tumayo ako sa tapat ng sasakyan. Sinubukan kong sumilip sa loob ngunit wala akong matanaw na kung ano. Medyo madilim kase at nasa tapat pa ako ng driver seat. Nagdalawang-isip ako hanggang sa maisip na huwag na lang kaya? Ano nga ba itong ginagawa ko? “H—ha? Hindi na. Pasok na ako sa loob.” Nag-aalangang itinuro ko ang mall. Pabalik na ako kung hindi lang dahil sa brasong pumigil sa akin. “Miss, sige na po. Sandali lang naman po siguro. Baka po mapagalitan kami,” pakiusap ng lalaking kausap ko kanina. Kinagat ko ang labi ko. Huminga ako nang malalim at kinumbinsi ang sarili. Sandali lang naman, 'di ba? Wala naman nga siguro silang gagawing masama. Isa pa ay gusto ko ring malaman kung sino ang boss daw nila. Siguradong kilala niya ako kaya baka kilala ko rin. “Promise?” Uminit ang pisngi ko nang ma-realize na masyado akong naging childish sa tonong iyon. Ngunit mukhang hindi naman nila iyon pansin. “Promise po!” Sabay pa nilang sinabi habang nakataas ang mga kanang kamay. Tumango ako at lumapit sa backseat. Sinilip ko muna iyon para makasigurado. Nandito nga ang boss daw nila. Nasa dulo siya at sa kabilang bintana nakadungaw. Muli akong huminga nang malalim bago nagpasyang pumasok sa loob. “H’wag na po..." pigil ko nang akmang isasara nila ang pinto. “Okay lang po.” Pilit akong ngumiti kahit abot-abot ang kaba ko. Parehas silang tumango. Tumayo sila sa tapat ng sasakyan, nagbabantay. Wala naman siguro talaga silang gagawin sa akin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago humarap sa lalaki. Namilog kaagad ang mga mata ko nang makitang nakatingin na pala siya sa akin at nakalapit na. One ruler apart? Madilim kaya naman kailangan kong tumitig pero hindi ko iyon ginawa. Malalaman ko rin naman kung kilala ko siya. Hindi na kailangang titigan siya nang ganitong kalapit. “Hi,” My skin crawled because of the deep voice, and it's not familiar. I frowned. His accent. Bakit ganoon ang epekto sa akin ng boses na hindi naman pamilyar? “Did I scare you?” I parted my lips to breathe. Bakit hindi ako makahinga ng maayos? Bukas naman ang pinto sa gilid ko. “Ha?...” Wala sa sarili kong pinaglaruan ang sariling mga daliri. “B—bakit naman ako matatakot?” Bakit ako nanginginig! Sa gilid ng mata ko, napansin ko siyang umiling. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “How are you?” Nag-angat ako ng ulo para sulyapan siya pero agad ding umiwas, takot na tumitig sa hindi malamang dahilan. “Do I know you?” “Why don't you look at me, then? Malay mo kilala mo pala ako.” Umiling ako. “Your voice isn't familiar.”  Pero sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Mataman ko siyang tinitigan. I tilted my head so that the light from an open door beside me would cross his face. Slowly, my jaw dropped, and I immediately closed it tight. I'm not good at describing but I could say that this one is perfect. There's no such thing as perfect, I know. Pero anong tawag sa kanya, kung ganoon? Is it even possible? Me? In front of this drop-dead handsome guy? It's forbidden! I gulped. Why am I acting weird now? “So? Do you know me?” He smiled, showing his perfect teeth. Umiwas ako ng tingin, ramdam ang matinding pag-init ng pisngi. “Hindi e.” Tumango siya. “I know... But you're Kate Ancerine.” Halos marinig ko ang kuliglig sa kung saan. Tumitig ako pabalik. He knows me. I really don't know him. I guess it's the first time we meet because for sure I'm going to have a hard time forgetting someone like him if I really did see him before. So, how come he knows me and I don't know him? “Don't stare too much, please… You’re making me feel uncomfortable.” I gritted my teeth to suppress a gasp. Saka ko lang namalayan na dahil sa mabilis na pintig ng dibdib ko kaya hindi ako makahinga ng maayos. “Joker ka pala,” nasabi ko. Masyadong nagiging mabigat ang atmosphere dito sa sasakyan at hindi ko yata kakayanin kung lumala pa iyon. “Try me, Kate. I’m not really into silly jokes.” Kainis! What does he mean? And why does my name rolled out of his lips like he’s used to pronouncing it?! “B—bakit nga pala? May sasabihin ka raw kaya ako nandito, 'di ba?” pagwawala ko sa naunang usapan. Pakiramdam ko hindi maganda iyon. “Yeah, I just want to talk to you,” simpleng sagot niya. Pilit kong binalewala ang kakaiba kong naramdaman sa aking tiyan. “Bakit? Kilala mo ba ako? Ibig kong sabihin, bakit? Magkakilala ba tayo?" Ewan ko ba kase kung bakit masyado akong kinakabahan. God, Kate! Anong bakit? This guy is the epitome of Mr. Perfect and so I have all the reasons to be this nervous in front of him! Good, God! He chuckled. Tawa ba iyon? Para kaseng musika, ang lamig. So different. I can even almost see sparks in his eyes. I was so mesmerized by his charm that I can't help but stare. This should be illegal! Saan nanggaling ang lalaking tulad niya? Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong naiisip ko? Marahan ay huminga siya nang malalim, nagdadalawang-isip kung magsasalita o hindi. Goodness! I just want to stare at him all day. “Paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker?” biro ko para na rin may mapag-usapan. Hindi ko talaga kakayanin kung magtititigan lang kami rito. Ni hindi ko alam bakit ko pa siya in-i-entertain. Hindi naman ako 'to!  His lips parted and smiled after a while. Baka mamaya singilin na ako rito, a? Magiging milyonaryo siya kung ipagbebenta niya ang mga ngiting iyan. But I doubt it, with those guards he has outside, this luxurious car, and him being the epitome of Mr. Perfect, paniguradong milyonaryo na talaga siya. Ngumiti ako nang tumango siya. Bakit nga ulit siya tumango? Unti-unti ay nawala ang ngiti ko at namilog ang mga mata. “Ha?” “I'm your stalker, yes?” seryoso ngunit medyo nahihiya niyang sinabi. Tuluyan nang nalaglag ang panga ko. Ngumuso siya sa naging reaksyon ko. He's kidding, right? Baka may hidden camera rito sa loob at mamaya lang ay gugulatin na nila ako at sasabihing prank lang. I waited… waited and stared at him pero lunod na lunod na ako sa mga mata niya at bango ay wala pa ring nangyayari. Kumurap-kurap ako nang maisip na seryoso na nga yata ito. Totoo ba? His words are so difficult to process. So hard to believe. Oh damn! What should I say? What must I say? I opened my mouth and was just about to say something and whatever when I heard Andrea's voice calling me. I panicked, don't know why. “Ah, sige. Nand'yan na si Andrea. Bye!” Palabas ako nang hawakan niya ang braso ko. It's weird pero ngayon ko lang naranasan ang mga nababasa ko sa libro. Literal na tumigil ang mundo. So literal that I couldn't think of anything but him; his presence, his touch, his voice, his smell, his smile, his... his warm palm! “Pwede ba ulit tayong magkita?” What a cool voice! Hindi kaagad ako nakasagot. Iyong kamay niya kase! Baka hindi ito prank, baka panghihipnotismo talaga ang balak nila kaya ngayong hinawakan niya ako ay hindi na ako makagalaw. Kung ganoon ay bakit hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong takot? Yes, my heart is thumping rapidly. Not because I’m afraid and scared but it's something; something unfamiliar, different, and foreign I don't know how to name at the moment. Wala sa sarili akong tumango. Dahan-dahan ay binitawan niya rin ako. Hinanda ko ang sariling makahinga ng maayos. Ngunit muling natigilan at ikinagulat ko nang hawakan niya ang panga ko.  Breath Kate... Breath. Hindi ko masabayan ang kalabog ng dibdib ko dahil din marahil sa kakaibang kuryenteng dumadaloy mula sa haplos niya Hindi pa nakatulong na mas kita ko sa ganitong kalapit ang pagkaperpekto niya. Ang paghinga niya, ramdam ko sa aking mukha. Tulala kong pinanood ang paglapit niya. Para akong napako, natulala na at hindi makagalaw. Pumikit ako at pinakiramdaman ang malambot niyang labi na dumampi sa pisngi ko. Nang magawang imulat ang mga mata ay mamahaling ngiti niya ang siyang bumungad sa akin. Pakiramdam ko nakahanap ako ng gold treasure dahil doon. I'm not a treasure hunter and never wished to be one. But here it is, a walking and talking worth of million gold species. God, obsessed na ba ako? Pero bakit nga ba siya nakangiti nang ganoon? Brain process... Brain processing... Brain processed! DID HE KISS ME? OH MY, HE KISSED ME! “Bye!” Lumabas ako. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Hindi nga ako sigurado kung ako nga ang nagpaalam. Paano ko nagawang talikuran ang isang kagaya niya? Umiling ako at nilampasan lang ang dalawang lalaking makatayo. Hinayaan naman nila ko. God! I can't believe that really happened! Who's that guy? Balisa ako at hindi mapakali na hinanap si Andrea. Ngayon ay hindi ako sigurago kung talagang narinig ko siya o guni-guni ko lang iyon. Ngunit nang matanaw ko siya sa tapat ng itim na VIOS ay kinalma ko ang sarili bagn lumapit. Mabuti na lang at medyo malayo kami sa kung nasaan ang BMW. Nakatapat ang cellphone niya sa tainga, nang makita ako ay agad iyong binaba. “O sa'n ka galing? I've been calling you for minutes now.” Minutes lang ba 'yon? Bakit parang ang tagal? “Ha? W—wala, naglibot lang.” Mabilis ko siyang hinila papasok sa loob ng sasakyan. Sa backseat kami. “Naglibot? Sa parking?” Tumawa siya. Hinayaan ko na lang. Lumilipad ang utak ko sa nangyari. Bakit ko hinayaang mangyari iyon? Ni hindi ko siya kilala. Looks can be deceiving at kahit na bata ay alam iyon. But I still let myself into it. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Hindi ko rin alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Kung totoo bang stalker ko siya! Kanina lang kami nagkita, a? Kung hindi ako masyadong nahumaling ay baka natanong ko pa ang bagay na iyon. But I was so stunned! Pasalamat nga ako na nagawa ko pang takasan ang hipnotismong mayroon siya. And I couldn’t believe I let a total stranger kissed me! Oh, stupid! Stupid, Kate. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
91.5K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
322.1K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
456.5K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook