"Sabay ka na ba sa'kin?"
Nilingon ko si Andrea at agad ring ibinalik ang atensyon sa mga gamit ko. Isa-isa ko iyong inilalagay sa bag. "Hindi na muna. May group project pa kami." Sinabit ko sa balikat ang bag at binuhat ko naman ang dalawang libro.
"Ganoon ba. Sige mauna na ako?"
Tumango ako bago naunang lumabas ng classroom. Hindi kami magkaklase, hinintay niya lang ako. Nahuli ako dahil sa pag-aayos ng mga gamit ko. May iilan pa namang naiwan sa classroom. "Ingat ka," sabi ko bago lumiko para sa locker room.
Nang makarating doon ay umirap ako sa kawalan nang makita ang ilang bulaklak at mga 'love letters'. Sinusubukan ko minsang magbasa kung hindi ako busy. I still appreciate the efforts, though para sa akin kaduwagan ito dahil hindi nila magawang magpakilala. Maingat kong ipinasok ang dalawang libro at kinuha naman ang isang gagamitin para sa group project mamaya. Iisinarado ko rin ang locker.
Tahimik akong lumabas ng school gate para makapunta sa malawak na kapatagan sa likod. Nagkakaingay ang ibang estudyanteng nag-uuwian na rin.
"Kate!" tawag ni Abigail, isa sa mga classmates ko.
Lumapit ako sa kanilang tatlo na unang nakarating. “Nasa'n ang iba?" Inilalapag ko sa kahoy na lamesa ang mga dala ko.
"Papunta na rin. Ngayon pa lang ang dismiss-an nila Roger at Ren," si Abby.
"Si Klein?" Umupo ako sa tabi ni Elizear. Sa harap naman namin si Abby at Patricia.
"Di raw makakapunta. Hahabol na lang daw."
Tumango ako. Palagi naman iyong ganoon kapag schoolworks.
"Sa'n na naman galing 'yan?" nakangiting tanong ni Elizear habang ini-isa-isa ang mga bulaklak.
"Sa'n pa ba? Ang dami n'yang admirers, no! Yayaman na nga 'yan kung ibebenta niya lahat ng binibigay sa kanya," biro ni Abby.
Natawa lang kami. Kung pwede ko lang talaga itong ibenta pero hindi naman ako ganoon.
"Wag nga ako," nahihiyang sinabi ko sa kanila. "Simulan na lang natin ito nang matapos na."
Nakangiti silang tumango. Si Elizear naman ay nakatitig sa mga daliring naglalaro pa rin sa mga bulaklak. Ipinagkibit ko iyon ng balikat at nagsimulang magbasa ng libro para sa project namin kahit kulang pa sa information.
"Okay ka na?" bulong ni Elizear.
Binalingan ko siya at ang laptop niya. "May nahanap ka na?"
Umiling siya at inilapit sa akin ang kanyang laptop. "Ikaw na ang gumamit.”
Tatanggi sana ako pero nahagip ko ang tingin ng dalawa sa amin. Nakangising aso sila kaya tahimik ko na lang na kinuha ang laptop.
"Baka nakakaabala tayo rito?" pagpaparinig ni Patricia.
"Ha? Baka sila nakakaabala sa'tin?" dugtong naman ni Abby.
Napairap ako sa kawalan. Ano bang problema ng dalawang ito?
"Tumigil nga kayo!" Si Elizear.
"Asus!" Si Abby at Patricia.
Magsasalita pa sana si Elizear nang dumating si Roger kasama si Ren.
"Sorry we're late." Tumabi sa akin si Ren. Si Roger naman ay sa tabi ni Abby.
"On time lang," sagot ko.
Ngumiti ang dalawa sa akin, hindi ko na pinansin. Hindi ko alam kung anong trip nila. "Oh Ren, ikaw na ang mag-encode." Inabot ko kay Ren ang laptop pero pinigilan ako ni Elizear.
"Akin 'yan. Ikaw na Kate."
Mas lalo tuloy nag ngising-aso ang dalawa dahil doon.
"Sayo nga lang daw kase Kate. Huwag nang ibigay sa iba," tukso ni Abby.
Sana lang talaga may magawa kami ngayon at huwag puro pang-aasar.
"Magbabasa ako ng libro, para dagdag information."
"Ako na mag-eencode," malamig na sagot ni Elizear.
"Tulungan kitang magbasa."
Tumango ako kay Roger. Nagdalawang-isip pa si Ren kung tatayo siya o hindi kaya ako na ang tumayo para makalapit kay Roger.
"Dito ka na, Kate. Tayo na lang ang magbasa ng book."
Napangiwi ako sa sinabi ni Ren. Sanay na naman ako sa kanya. Hindi lang talaga ako natutuwa.
"Hoy Ren! Ipapaalala ko lang sayo, may girlfriend ka na! Kaya tigilan mo si Kate. Kaya laging ang init ng ulo sa kanya ni Klein dahil sa'yo!" sigaw ni Abby habang nakaturo pa ang ballpen kay Ren.
Bumagsak ang balikat ko nang maisip na baka kaya hindi pumunta rito si Klein ay dahil sa akin. Normal kase na ganyan si Ren, kahit kanino.
"Bakit? Wala naman akong ginagawang masama, a?" depensa ni Ren.
"Kayo ni Elizear diyan ang magresearch at mag-encode. Kami ni Roger sa book," sabi ko sa kanila para mawala na ang usapang iyon.
"Kami naman ni Abby sa main visual. Kailangan iyon para mas maayos ang presentation."
Tumango na lang ako. Nagsimula na ulit akong magbuklat ng libro kahit alam kong nakatingin silang lahat sa akin.
"Dito ka na." Tumayo si Roger at iginiya sa akin ang upuan sa tabi ni Patricia.
Tumango ako at tahimik na umupo roon.
"Bakit hindi pumunta si Klein?" biglang tanong ni Abby.
"Ewan ko roon. Tinext ko siya kanina. Sabihan na lang daw siya kung anong maitutulong n'ya," paliwanag ni Ren.
"May namumuong selos," biro na naman ni Patricia.
Ilang ulit kong binasa ang dalawang sentences pero walang pumapasok sa utak ko! Kailangan pa naman namin itong matapos agad. Kung bakit kasi mga ganyan sila. Hindi ko naman sila close friends, schoolmates at classmates lang talaga. Kaya hindi ko maunawaan kung bakit nila ako inaasar nang ganyan.
"Bakit naman magseselos? Wala namang dapat ikaselos," singit ni Elizear.
Tama siya. Wala naman talaga. Ilang beses ko na ring iniiwasan si Ren at ang pagiging malambing niya. Alam kong hindi iyon tama lalo't alam kong may girlfriend siya.
"Tama na 'yan guys! Wala tayong matatapos. Kailangan ko ring makauwi nang maaga," medyo iritado kong sinabi na nagpatahimik sa kanila.
"I-distribute na lang natin ang mga tasks. Kanya-kanya na tayo ng gawa, bukas ko kukunin. Si Elizear at Kate na ang bahala mag-encode bukas." paliwanag ni Roger dahil siya rin naman ang leader namin.
Sumang-ayon ako sa kanya at ganoon din ang iba. Si Ren naman ay halatang napilitan lang na sumang-ayon. Hindi dapat siya umaarte nang ganyan! Tumayo ako at mabilis na inayos ang gamit ko nang hatiin na sa amin ang mga gagawin. Kailangan ko na rin kaseng umalis.
"Mauna na ako guys," pagpapaalam ko.
"Sabay na ako," biglang tumayo si Elizear.
Hinayaan ko na lang siya. Mabilis niyang inayos ang kanyang mga gamit bago sumunod sa akin sa paglalakad.
"Ingat kayo guys!" si Patricia.
Kumaway ako sa kanila at ngumiti. "Bye."
"Pasensya ka na kanina," panimula ni Elizear habang naglalakad kami palabas ng school.
"Para saan?" nakangiting tanong ko.
"Sa kanina, ewan ko kase kay Ren. May girlfriend na pero ang sweet niya sa iyo."
Pilit akong ngumiti. Bumalik na naman ang topic na ito. "Ganoon naman talaga siya, kahit kanino. Kaya sanay na ako," kibit balikat kong sinabi ang totoo.
"Oo pero iba ang sweetness niya sa iyo. Mas sweet pa yata kaysa kay Klein."
"Hindi naman. At saka umiiwas na rin ako. Ayokong nagagalit sa akin si Klein." Hindi man niya pinapakita o sinasabing galit siya sa akin pero ramdam ko. At para makaiwas sa gulo, iiwasan ko si Ren.
"Hindi mo naman gusto si Ren, 'di ba?" nakangiti pero may pagkabitter na tanong niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Bilang classmate, gusto ko siya. Hanggang doon lang iyon.
"Sure?" Huminto pa siya para makasigurado.
Bahagya akong natawa. "Oo naman. Saka, hindi si Ren ang tipo ko. Sa dami kong admirer, ang dami ko ring choices," kibit-balikat kong muli.
"Ikaw talaga," biro niya pero totoo ang sinabi ko.
I'm not really friends with them. Dahil sa school project na ito kaya kami nagkasama-sama. And if Elizear wants to cross his limit which he is obviously trying to do now, he better back off kung ayaw niyang mawala ang sandaling pagkakaibigan namin.
"Pero tama ka.” He nodded to himself. "Maganda ka, matalino at mabait."
Uminit ang pisngi ko. Tingin ko nga ay tama ang hinala ko. Umiling ako sa kanya bago binilisan ang paglakad. Lumingon muna ako sa paligid kung may sasakyang daraan. At nang wala naman, naghanda na akong tumawid. Pero halos mapaupo ako sa gulat nang biglang may sasakyan sa gilid ko ang lumabas kasabay ng napakalakas na pagbusina.
"Kate!" sigaw ni Elizear at agad akong dinaluhan. Hinawakan niya ang siko ko para i-check ako. Saglit pa akong natulala sa sasakyang nasa harapan namin. Isang pulang kotse pero hindi ko alam kung anong model iyon. Ngayon lang kase ako nakakita nang ganyan pero sigurado akong sports car iyan.
"Ano ba, ha? Gusto mo ba siyang patayin?" Tinuro ni Elizear ang sasakyan pero hindi man lang nag-abalang bumaba ang driver o ang sakay nito para humingi ng paumanhin.
"Elizear.” Kinuha ko mula sa kanya ang libro at bulaklak na nabitawan ko kanina.
"Bakit hindi ka bumaba diyan? Hindi ka man lang ba magsosorry? O sinadya mo 'yon!"
Masama rin ang tingin ko sa sasakyan ngunit ayaw ko na lang na patulan. Hindi rin naman ako nabunggo. Masyado lang talaga akong nagulat sa biglaan nitong pagsulpot.
Hinawakan ko na ang braso Elizear para pigilan siya. "Tama na. Hindi naman ako nasaktan."
Lumapit sa amin ang security guard ng school para paalis kami sa daraanan ng kotse. Sinabi niya na mabuting umalis na lang kami sa daan para wala ng gulo.
"Elizear, tama na. Maayos naman ako." Pilit ko pa rin siyang hinihila. Baka mapaaway pa kami sa driver n'yan.
"KAN 18. Tandaan mo ang plate number, Kate, irereport natin."
Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon at agad naapatalon nang sunod-sunod na bumusina ng malakas ang kotse. Mas lalo akong nataranta nang gumalaw iyon paabante.
"Oo, tara na!" Namilog ang mga mata ko sa hinihilang si Elizear at sa kotseng patuloy sa pag-abante. Nasa gilid na kami kasama ng security guard nang humarurot iyon ng takbo. KAN 18.
Napabuntong hininga ako. Sobrang kinabahan ako ro'n. Iba talaga ang ibang mga mayayaman. They have all the money to buy anything they wanted but can't have even afford a decent personality. Walang modo. Hindi man lang bumaba para humingi ng paumanhin?
Ilang sandali pa ay hinawakan ni Elizear ang magkabilang siko ko. "Ayos ka lang ba?"
Wala sa sarili akong tumango. Sigurado naman ako kanina na walang sasakyang daraan bago ako tumawid. Muntik na ako kanina. Ang bilis pa naman ng kotseng iyon. Panigurado, nahilo ang sakay noon sa lakas ng pagpreno.
"Akala ko nakauwi na kayo?" boses iyon ni Ren mula sa likuran ko.
"Ang OA, Kate. Gulat na gulat?" biro ni Roger.
"Siguro may ginagawa kayong masama kaya ka ganyang magulat?"
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Patricia. Tiningnan ko si Abby at nagtaas lang ng kilay sa akin.
"Tigilan ninyo nga iyan. Muntik nang masagasaan kanina si Kate ng kotse," paliwanag ni Elizear, mainit pa rin ang ulo dahil sa nangyari.
Lahat sila ay nagulat pero mas ikinagulat ko ang biglaang paghawak ni Ren sa balikat ko. Napaatras pa ako dahil akala ko yayakapin niya ako.
"Are you okay? May masakit ba?"
Ngumiwi ako sa reaksyon niya. "O—okay lang ako. Hindi naman ako nasaktan."
Somebody cleared her throat behind us. Parehas naming nilingon iyon. Agad kong hinawi ang kamay ni Ren at lumayo sa kanya.
"Klein," tawag ko.
Hindi niya ako tiningnan pero nakataas ang isang kilay niya sa lahat. "Tapos na ba kayo?" Inilibot niya ang mga mata sa lahat. Tumigil siya kay Ren at bumagsak ang paningin sa dala kong bulaklak na pabagsak ko ng hawak ngayon.
"Oo, si Ren magbibigay ng parts mo. Kailangan na rin iyon bukas," paliwanag ni Roger bago bumaling sa akin.
Tumango si Klein. "So, tara na?" tanong niya kay Ren. "O baka may gagawin pa kayo?" Ngayon ay nasa akin na ang atensyon niya.
"Wala na. Pauwi na kaming lahat," kampanteng sagot ko. Wala naman akong ginagawang masama.
Walang pasabing tinalikuran niya kami. Sumunod naman sa kanya si Ren. I don’t blame her with her behavior. I kind of understand her. Her boyfriend doesn’t make her feel secured. Trust should be one of the foundations in a relationship and yet Ren is giving him a reason not to rely on that trust anymore. Siguro, she’s protective of him because she really loves him.
"Ano Elizear? Sasabay ka ba sa amin?" tanong ni Abby medyo irita.
Nagsalubong ang kilay ko roon.
Lumingon sa akin si Elizear. Alam ko ang gusto niyang sabihin pero hindi ako kumibo. It’s my intuition, I guess. It’s normal as a human. We get to feel something without the need for anyone to spill it to us.
"Sasabay na ako kay Kate," he finally said it.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi naman kase talaga siya sumasabay sa akin. Silang tatlo palagi nina Patricia ang magkakasabay since magkakalapit sila ng bahay. Mataman kong pinagmasdan si Elizear.
"Ano? Ang layo ng bahay nila sa atin. Saka magkaiba pa ng daan," si Patricia.
Nagcross-arms naman si Abby at mukhang naiinis na. Naiintindihan ko, bestfriend niya si Elizear kaya ganoon.
"Kung nag-aalala ka sa kanya dahil sa nangyari kanina, nandito ako. Sasabayan ko siya," si Roger.
"Ayan na. Ano tara na?" iritadong tanong ni Abby. Siguro ay gusto na ring makauwi.
"Sige na, Elizear. Sumabay ka na sa kanila. Kay Roger na ako sasabay," sabi ko kahit hindi rin naman ako sanay na sumasabay si Roger sa akin.
Andrea’s right. It’s complicated getting a new friend out of your league. Not because I’m superior or anything than them. May pagkakataon lang talagang hindi ako komportable sa ibang tao kaya hindi ko magawang makipagkaibigan.
"Sige mag-ingat kayo. Roger." si Elizear sa isang seryosong tono.
"Oo. Para ka namang boyfriend. Admirer ka rin ba n'ya?" Tumawa si Roger.
"Tama na nga 'yan, Roger. Sasabay ka ba sa akin o hindi?" medyo naiinis na tanong ko. Nakakainis kase talaga ang mga panunukso nila. Mabuti sana kung totoo, hindi naman. Andrea would get high whenever I tease her about her crush. It is because she really likes the guy. Kaya siguro naiinis ako ngayon ay dahil hindi ko naman talaga gusto si Elizear?
I sighed. I just don’t want to lead him to nowhere. Tinalikuran ko sila, nabadtrip na nang tuluyan kaya hindi na nagawang magpaalam.
"Ang ganda mo kase. Ang dami tuloy nagkakagusto sa'yo."
Umirap na lang ako kay Roger. Nagkunwari akong walang narinig dahil sa ingay ng tricycle.
"Crush mo ba si Elizear?"
Umirap muli ako bago bumagsak sa kanya ang paningin ko. "Ano?"
"Ang dami kaseng nagkakagusto sa'yo. Kahit isa ba wala kang gusto sa kanila?"
Hinawakan niya ang bulaklak na dala ko kaya agad ko iyong inilayo sa kanya. Dahil lang ba maraming may gusto sa akin, dapat isa na rin sa kanila ang magustuhan ko? That’s why I don’t entertain the thoughts of having a crush. Paano pala kung hindi ako gusto ng taong magugustuhan ko? Kahit hindi pa nararanasan ay natatakot na ako. Besides, my mom experienced it first hand with her first love.
"Duwag silang lahat." Dahil hindi nila ako magawang harapin nang harap-harapan.
My mom’s first love, he's a coward. My mom said he’s sweet and would whisper to her how much she loves him. Ayaw kong saktan ang damdamin niya kaya hindi ako kumikibo. If he truly loves her, why can’t he shout to the world about his true feelings? That’s being a coward.
"Ayaw mo ng duwag?"
"Sino ba naman ang may gusto sa duwag, 'di ba?" Bakit ba palagi na lang bumabalik sa ganito ang usapan? Palaging tungkol sa akin?
"Ang gusto mo iyong matapang?" He smiled.
"Depende 'yon. Baba!" Bahagya ko siyang tinulak dahil nasa tapat na kami ng kanilang bahay. Napakamot pa siya sa ulo nang mapansing nandito na nga kami.
"O Manong, dalawa po," sabay abot niya ng pera sa driver.
"Huwag na! Kaya kong magbayad ng pamasahe ko."
"Alam ko, pero minsan lang naman ito." Kumindat siya at pinisil ang ilong ko. Agad ko namang hinampas ang kamay niya dahil halos mapaluha ako sa sakit.
"Bye!"
Diretsong muli ang tricycle. Sanay na ako. Madalas kay Andrea ako sumasabay pero malayo pa rin ang bahay namin. Hinahatid lang niya ako. S'yempre, nakakahiya rin kapag madalas na. Nadaanan ko ang bahay nila. Dadaan muna sana ako pero naisip kong marami pa akong kailangang gawin at saka baka wala rin siya ngayon diyan. Ilang minuto pa ay nasa tapat na ako ng bahay namin.
"Salamat po.” Hinintay ko iyong makaalis bago lumapit sa bahay namin. Hindi pa nakakalapit ay napansin ko na ang itim na sasakyan. Tinagilid ko ang ulo ko para pagmasdan iyon, parang pamilyar. Isang BMW.
Tinted iyon kaya hindi ko makita kung may tao sa loob. But the engine is on so I guess thete is. Diretso akong naglakad palapit sa gate. Kinuha ko ang susi sa bag para mabuksan iyon. Wala pa kase sa loob si Mama, paniguradong nasa trabaho pa.
"Excuse me, Kate?" mababang tono ng boses ang narinig ko mula sa likuran.
Isang napakagandang babae. Tingin ko ay ka-edad niya ang mama ko pero nakaganda ng babaeng ito. Halata sa kanya ang pagiging sopistikada. Ang mahaba niyang buhok ay nakasalikop. Mas tumingkad ang kaputian niya sa suot na cream colored dress with thin black belt. May suot siyang sunglasses na tinanggal niya para pagmasdan akong mabuti. Sa likod niya ay isang lalaking nakablacksuit, may dalang payong kahit hindi na naman masyadong mainit.
"You are Kate, right?"
Tumango ako, kahit hindi alam kung paano niya ako nakilala. It's weird but I have a feeling that something is going to happen. And it starts now. That’s life. Kung minsan hindi natin alam kung kailan at paano magbabago ang buhay natin. But nonetheless, we have an instinct about it.