Para akong zombie habang naglalakad sa corridor ng school papunta sa next class ko. Ginabi na ako ng uwi kagabi pero ayos lang. Hindi naman na ako masyadong nainis dahil tinulungan naman ako ni Race sa research paper ko, na naipasa ko na kanina.
"Kate, sino ba talaga iyon?"
Umirap ako sa kawalan. Kanina pa niya ako pinipilit tungkol diyan. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. I don't have to explain to him a thing pero alam kong kailangan din. Siya ang kasama ko kagabi. Kung may nangyaring masama sa akin, konsensiya niya. Kahit pa hindi ko naman siya sisisihin dahil kasalanan ko.
"Wala iyon, Roger. Driver iyon ng friend ko. Kinailangan ko siyang bisitahin sa hospital," naiiritang sagot ko ngunit pilit ko iyong hindi ipinahalata sa kanya. I am not friends with Race, wala lamang talaga akong maidahilan.
"Friend? Sino, si Andrea? At nang ganoong oras?"
Ikot nang ikot ang mga mata ko dahil sa pagkairita. "Wala nga iyon. Saka tapos na ang group project natin. Hindi mo na ako kailangang pagalitan."
Umawang ang bibig niya dahil sa biglaan kong nasabi. Natauhan naman ako. Tinulungan niya ako kahapon kaya kahit papaano ay may utang na loob ako sa kanya.
"I'm sorry. Puyat lang siguro ako, ginabi na kase ako nang uwi," mahinahong paliwanag ko.
Tumango siya. "Sorry din. Nag-aalala lamang talaga ako."
Okay, nag-aalala lamang siya. Hindi naman sa nagmamalaki pero marami nang nagsabi sa aking nag-aalala sila para sa akin. And most of them were guys, my suitors. Pero hindi ko suitor si Roger. At hindi ko naman maiwasang mag-isip at maglagay ng ibang pakahulugan sa pag-aalala nila. Of course, I know the tactics of boys my age.
"Kate, sino ba talaga ang pinupuntahan mo sa ospital? Ilang araw ka nang sinusundo ng sasakyang iyan," tanong naman ni Patricia habang nakatingin sa itim na sasakyan sa harapan namin.
Palagi lamang nilang napapansin na sinusundo ako nito. Pero tulad nang sinabi ko kay Roger noon, na kaibigan ko ang pinupuntahan ko, iyon din ang sinasabi ko sa kanila.
Si Andrea ang bestfriend ko at sa kanya ko gustong ikwento ang lahat ito. Iyon nga lamang, ilang araw na kaming hindi nagkakasabay sa pag-uwi. Sa school naman ay palagi rin kaming busy. Gusto kong ikwento sa kanya nang maayos dahil paniguradong maghihisterikal iyon.
"Sugar Papa?" bulong ni Klein na narinig naming lahat. Lalo na dahil tingin ko ay sinadya naman talaga niya na marinig iyon ng lahat.
Uminit ang pisngi ko. Never sumagi sa isip ko na ganiyan ang iniisip niya!
"Klein, naman! Hindi ganoon si Kate," pagtatanggol sa akin ni Ren na hindi ko nagustuhan. I know I should be lucky na pinagtanggol niya ako pero hindi pa rin! Lalo lamang magagalit sa akin si Klein.
"Oh really? Paano ka naman nakakasiguro?" nakacross-arms na tanong niya.
Magsasalita sana ako nang marinig kong nagsalita si Kuya Ber mula sa aking likuran. "Miss Kate, tara na po?"
"See? Miss ang tawag sa kanya. Hindi naman babe, darling, sweetheart o-"
"Ren!" agaran at natatarantang saway ko. Nakakahiya kay Kuya Ber!
Hindi ko naman sila masisisi. Ilang taon lang siguro ang tanda sa amin ni Kuya Ber, kaya ganyan silang makahusga. Pero mali pa rin! Nakakahiya rin at baka iba na ang isipin niya sa mga estudyanteng nag-aaral dito sa school dahil sa panghuhusga nila.
Pero masisisi ko nga ba sila? They didn't know Kuya Ber. Ilang taon na akong nag-aaral dito at ngayon lang nila nakita na may sumusundo sa akin nang ganito. Dapat din kase ay hindi na lang nagpakita si Kuya Ber. Lalo na dahil hindi ko naman alam kung paano maipaliliwanag nang maayos sa lahat kung bakit niya ako sinusundo. It's not like I need to explain to everyone about my deal in life. Sighing, I shook my head to myself.
"Kuya Ber, tara na ho!" agad ko silang tinalikuran. Tumawid ako sa kabilang kalsada kung nasan ang BMW. Hindi ko na hinintay si Kuya Ber, pumasok na ako sa loob at padabog na sinarado ang pintuan.
This should be the last! Hindi naman talaga ako dapat pumupunta sa ospital na iyon. Kahit ang mama ko nagtataka na. Ilang beses na akong nagsinungaling sa kanya. Mabuti na lamang talaga hindi siya masyadong strict at busy s'ya sa trabaho.
"Miss Kate, ayos lang po kayo? At ano pong ibig sabihin ng-" tanong ni Kuya Ber habang nagd-drive.
"Wala!" nagulat kaming dalawa sa pagsigaw ko. "Wala po," mahinahong sinabi ko upang makabawi. Hindi ako dapat sa kanya nagagalit, doon dapat sa Race na iyon.
Ilang araw na akong pabalik-balik sa ospital. Hindi naman dapat, 'di ba? Naging mabait lang ako noong una at inabuso naman. Akala mo naman kase kasalanan ko kung bakit siya nasa ospital na iyon.
"Good evening po, Ma'am." sabay na bati ng dalawang lalaking bantay ngayon ni Race nang makita ako.
Iniwasan kong umirap kahit naiinis na ako. Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na huwag na akong tawaging 'Ma'am' o 'Miss' pero hindi naman nakikinig. Para akong nagsasalita sa hangin. Sinabihan ko na rin si Kuya Ber, nakalimutan lang siguro niya kanina. Mabuti nga na 'Miss' ang tawag niya sa akin kanina sa harap ng mga schoolmates ko. Baka lalong kung ano pa ang isipin nila kung tawagin ako sa pangalan ko.
Hindi na ako kumatok, diretso nang pumasok sa kwarto ni Race. Agad kong naamoy ang pamilyar niyang shower gel o perfume. Dismayado akong umiling, naligo na naman siya nang ganitong oras.
"Kate," nakangiting tawag niya. Mula sa busangot na mukha ay agad iyong umaliwalas nang masilayan ako.
Hindi ako sumagot. Padabog kong nilagay ang bag ko sa sofa at umupo.
"What's wrong? Is there any problem?" Feeling close na kaagad siya.
Masama ko na siyang tiningnan. Pangalawang beses na niya itong naligo nang ganitong oras. 6:00 PM. Ibig sabihin maayos na siya, kaya hindi ko na kailangang isipin ang kalagayan niya kung ipakita ko mang galit ako. Isa pa ay hindi naman ako ang doktor niya para pagbawalan siya sa bagay na iyon. Hindi rin naman siguro niya gagawin ang bagay na alam niyang magpapala sa kondisyon niya.
"Kailan ka lalabas dito?" tanong ko na lamang. Paglabas niya rito, maayos na.
Ngumiti siya na halos magtunaw na naman sa akin kaya't agad akong umiwas. Those perfect pearl white teeth of him are really something. Tomorrow morning. "Kanina sana pero..." nagkibit balikat siya at hindi na tinuloy. Ang saya niya samantalang inis na inis na ako rito.
Kate stop having eye contact with him! Baka magdalawang-isip na naman ako sa sasabihin ko. Galit ako, okay! Galit ako kaya hindi ako magpapadala sa kakaibang ngiti niya.
"Good," I nodded once.
Kumatok ang isang nurse, dala na naman ang dinner namin ni Race. Nakakalakad na siya nang maayos kaya rito na kami kumakain sa maliit na table.
"How's school?" palaging iyan ang tanong niya kapag wala kaming mapag-usapan, kapag tahimik ako.
Wala naman kase akong homework ngayon kaya wala na rin kaming pwedeng mapag-usapan. Naisip ko kase na since nakikinabang siya sa pagpunta ko rito, dapat may mapala rin ako. Kaya nagpapatulong ako sa kanya ng mga homeworks ko. Pero hindi na ngayon, dapat ko na itong tigilan.
"Fine," bored na sagot ko.
I don't want to be rude to him. Kung hindi talaga kami nagkakilala sa ganitong sitwasyon, I would be more likely to entertain him. Hindi siya iyong tipo ng lalaki na binabalewala at sinusungitan. Siya iyong tipo na nambabalewala at nagsusungit. He has all the reason to be like that and no one will surely get mad at him. Lalo na ang mga babae. But I'm a bit annoyed. Gusto ko ring iparating sa kanya na hindi ko gusto ang set up na ito kahit sa pamamagitan lang ng kunwaring panlalamig ko sa kanya.
Inabala ko ang sarili sa pagkain. Alam kong pinapanood n'ya ako pero ipinagkibit balikat ko na lamang. I'll talk to him after this. Ayokong magalit sa harapan ng pagkain. At mas lalong ayokong magalit sa kanya. Baka kapag nainis ko s'ya ay bigla na lamang n'ya akong ipapatay sa mga guards n'ya. True enough na gusto kong malaman n'ya na hindi na ako natutuwa sa set up na ito. Pero gusto kong pag-usapan iyon ng maayos since alam kong may kasalanan din ako.
"Tapos ka na?" sabay turo ko sa pinagkainan niya.
Tumango siya at pilit na ngumingiti sa akin, tinitimbang pa ang mood ko. Tahimik ko iyong kinuha upang makapagligpit.
"Hmm, Kate?" tawag niya nang makabalik siya sa kama at marahang naupo roon.
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay bago inabot ang gamot. Nagdalawang-isip pa siya kung iinumin iyon o hindi. Para bang mas gusto muna niyang mag-usap kami.
Don't worry Race, talagang mag-uusap tayo.
Pero kailangan pa ba? Lalabas na siya bukas kaya hindi ko na rin kailangang pumunta pa rito bukas. Hindi na nga siguro kailangang pag-usapan pa.
"Kate," muling tawag niya nang maupo ako sa sofa, mas lalong humina at bumaba ang boses kumpara sa naunang tawag niya.
Dahil doon ay itinuon ko na ang pansin ko sa kanya. Sa buhok niyang medyo magulo at medyo basa pa, sa madidilim niyang mga mata, at sa hospital gown na hindi ko malaman kung paano pero bagay na bagay sa kanya.
"Hindi ka na pupunta rito bukas..." deklara niya.
Tumango ako at napangiwi. I know, hindi mo na kailangang sabihin. Pero at least, malinaw niyang sinabi. Hindi na niya kailangang magwala sa tuwing hindi ako makararating.
"Sa bahay na lamang, pwede?"
Biglaan ang paninigas ng katawan ko at hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kaya naman hindi ko rin inaasahan ang naging reaksyon ko. Namimilog ang mga mata kong nakatangin sa kanya. Gusto ko sanang ulitin niya iyon dahil baka nabingi lamang ako. Nguniy nang makumpirmang totoong sinabi niya iyon ay unti-unting nalaglag ang panga ko. Tama nga ang narinig ko, 'di ba? Pero teka, anong sa bahay na lamang... nila?
"Ano? Nagpapatawa ka ba?" bahagya akong tumawa para mawala ang pagkabalisa sa sinabi niya pero mas lumala pa yata.
"I, kase... please?"
Tuluyan na akong napairap sa kawalan. "Please? Alam mo bang naiirita na ko sa tuwing sinasabi mo 'yan?"
Nalaglag din ang kanyang panga, hindi inaasahan ang naging sagot ko. I don't really want to be rude perp sumosobra na yata siya? Hindi dahil gwapo siya ay papayag ako sa lahat ng gusto niya, okay? I was already thankful that he can be released from here tapos, ano raw? Sa bahay na lamang nila? Hindi na talaga ito mapipigilan. I have the right, 'di ba? I have the right to speak!
Tumayo ako, kuyom ang mga kamao at diretso siyang tinitigan. Ilang segundo pa lamang nang pagtatama ng mga mata namin ay gusto ko nang umiwas. But, no. Taas noo ay isang beses akong humakbang palapit sa kanya. "Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kung bakit ako pumapayag-"
"Because you care fo me-" he answered for me but that's definitely a wrong answer.
"What?" gulat na tanong ko, somehow parang tinamaan ako pero hindi pa rin! "Care? Oo, siguro. Naaawa ako sa iyo pero hindi care na iinisip mo. At kung bakit ako sumasama kahit ayaw kong pumunta rito? Kase natatakot ako. Natatakot ako sa'yo at kung ano mang kapangyarihan ang mayroon kayo!" Yeah, that's it. Who could do such as this thing kung hindi sila lamang, 'di ba? And him! He knows they are that powerful and rich that he can do everything, even this! Have some random girl take care of him! At sa lahat naman, bakit ako pa talaga? I'm sure there's lot of girl whose more willing to do this for him. Siguradong mayroon at marami.
"Kate..." Pinanood ko nang bumaba siya sa kama at lumapit sa akin. Agad akong napaatras, hindi inaasahan na gagawin niya iyon.
Totoo na natatakot ako kaya napipilitan akong sumama rito, sa kapangyarihan nila. Dahil pakiramdam ko hindi mabuting kalabanin ko sila. Napakababaw ng dahilan ko at ngayon lang ako natauhan. Ayaw ko naman na sanang makipag-away pa sa kanya pero iyong sinabi n'ya - na sa bahay na nila ako pupunta? No way! Grabe na iyon!
"Huli na 'to," I firmly said through my gritted teeth. I was gritting it so hard not because I am that confident, but because I'm too afraid of what he might do me after this. "Hindi na ako pupunta sa bahay ninyo kung iyon ang gusto mong mangyari!"
Gulat na gulat pa rin siya sa mga sinasabi ko. Hindi ko siya masisisi. Ngayon lang talaga ako nagreklamo pagkatapos nang lahat na ito. And he couldn't blame me. He should at least expected me to act like this after of what he just announced.
"I-I thought..." mariing siyang pumikit at umiling sa sarili. "Akala ko takot ka sa akin, sa amin?"
Natigilan ako, hindi malaman kung anong sasabihin. Maling ideyang sinabi ko sa kanya 'yon. Paniguradong gagamitin niya iyon laban sa akin. Pero hindi naman siguro niya iyon gagawin?
"Kate-"
Umiling ako at mahinahong nagsalita, "Tama na 'to. Wala naman akong kasalanan kung bakit ka nandito sa ospital. Bigla-bigla ka na lamang sumusulpot at may ganito. Tapos na ang kalokohang ito, Race. Tapos na. Maayos ka na kaya hindi ko na kailangang gawin pa ito."
"Kung maaksidente ba ulit ako..."
"Hindi! Hindi na!" Mabilis na sagot ko na halos umalingawngaw sa buong silid. Baliw na ba siya? Bakit niya iyon gagawin? Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay nagpanic na ako. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Kung gusto niyang magpakamatay, bahala siya sa buhay niya. At kung gusto niya ng tagapag-alaga habang nasa ospital siya, iba na lamang, huwag ako.
Madali kong kinuha ang aking bag sa sofa at lumabas. Bukod sa gusto ko na talagang umalis, tingin ko ay hindi ko rin kakayanin ang kabaliwang pinapakita ng lalaking ito.
Nobody's perfect right? Because this guy is almost beyond perfect. His only flaw is that, I think he is crazy.
"Kate!" tawag niya na binalewala ko. Sa tuwing lumalabas ako ng pintuan ay hinahayaan lang ako ng mga lalaking nakabantay. Pero iba ngayon dahil narinig nila ang pagsigaw ni Race mula sa loob.
"Bitawan ninyo ako!" sigaw ko sa dalawang guards na hawak ang braso ko. Nagtataka ang mga mukha nila pero pilit akong pinipigilan.
"Get your hands off her!" mas malakas na sigaw ni Race na umalingawngaw sa buong hallway. Wala namang ibang tao ang nandito. Presidential room kase yata itong room ni Race.
Agad nila akong binitawan. Galit ako kanina at alam kong dahil lang iyon sa halo-halong emosyon at pagod. Pero mas galit ngayon si Race. Nanginig ang tuhod ko, hindi ko lamang pinahalata. Ngunit ganunpama ay hindi ako nagsisisi sa mga sinabi ko. Dapat lang naman na malaman niya ang hinaing ko.
"Bring her home," mas mahinahong utos niya ng hindi nakatingin sa akin, pero bakas sa salubong na kilay ang pagkainis. It surprised me how his demeanor changes that fast. Aside from being crazy, I think he's also a bipolar.
"Tara na po, Miss Kate," anyaya ni Kuya Ber na nakatulala sa amin, hindi malaman kung anong dapat niyang gawin ngunit mas manabuting unahin ang inutos ni Race.
"No! You drive for her." turo niya sa isa sa mga guards niya, matalim ang tingin kay Kuya Ber.
Nagsalubong ang kilay ko. Bakit iyon pa? Mas panatag na ako kay Kuya Ber.
"Si Kuya Ber na lamang," malamig kong sinabi at tinalikuran siya. Hindi gumalaw si Kuya Ber. I know! Si Race ang susundin niya.
"No, Ber!" sigaw niya na nagpatigil sa akin. "You're not going to drive her home anymore!"
Nanggigigil na talaga ako sa inis ko sa kanya. Ang gulo ng utak niya. Hindi ko malaman kung ano rin ang ikinagagalit niya at ayaw na si Kuya Ber ang magdrive para sa akin. Is he that mad sa mga sinabi ko at ibang driver ang gustong magdrive sa akin pauwi para maaksidente ako? Because I'm really more comfortable with Kuya Ber now. Kung bakit kase ang gulo-gulo ng utak niya.
"I'm gonna take taxi, then," tumalikod ako ngunit bago pa ako makahakbang ay may humila sa braso ko. "Ano ba!?" It's Race.
"It's late. Delikado na kung-"
Umirap ako. Really? Mas delikado nga yata ako sa pinasok kong ito. "Then let Kuya Ber drive for me. Magaan na ang loob ko sa kanya."
Mas lalo siyang nagalit, kung ang mga mata niya ang pagbabasehan. Pinakita ko na mas galit ako at ako lamang dapat ang may karapatang magalit dito. Ilang sandaling titigan na muntik ko nang sukuan. Huminga siya nang malalim bago ako binitawan at tumango, "Take care."
"Kate, ano bang nangyari? Bakit bumalik na naman siya sa dati?" si Kuya Ber habang nakatingin sa kalsada. Siguro pumapayag lang siyang tawaging akong Kate kung kaming dalawa lamang.
Hindi ako sumagot. Nakacross-arms ako at sobrang busangot dito sa backseat. Naiinis ako sa sarili ko dahil naguguluhan ako. Tama naman ang ginawa ko pero parang nagi-giulty ako. Lalo na nang makita ko ang lungkot sa mukha ni Race bago kami umalis ng ospital. Hindi ba tama naman iyon? Dapat lang na malaman niyang hindi ko gusto ang mga nangyayari at napipilitan lang ako.
Dapat pala hindi ko na lamang pinatulan ang galit ko. Dapat hinayaan ko na lamang para tahimik. Pero kung hindi ko iyon ginawa, paniguradong pipilitin na naman niyang pumayag ako. Gamit na naman ang mahiwagang 'please' niya.
"Oh my God!" tuwang-tuwa si Andrea sa kung sino mang katext. Napapasulyap na nga sa kanya ang ibang tao rito sa cafeteria sa t'wing kinikilig siya.
"Sino ba kase 'yang katext mo?" Uminom ako sa softdrinks ko.
Napawi ang ngiti niya. "Huh?" Bumaling ulit sa cellphone at balik ngiti. "Secret." At para na naman siyang uod na binudburan ng asin.
Nanliit ang mga mata ko. "Ewan ko sa'yo, Andrea. Iyan bang katext mo ang dahilan kung bakit hindi na tayo nagkakasabay sa pag-uwi?"
"Huh? E, 'di ba may sumusundo sa iyo?"
"Paano mo nalaman?"
"Ikaw din pala may secret e. Sino 'yan, ha? Who's that guy possessing your oh-so-high standard, huh?" siya naman ang nanliliit ang mga mata sa akin.
"Ano? Wala iyon."
Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Simula noong una pero hindi ko na sinabi ang tungkol sa kiss at sa nangyari sa carpark.
"Hmm, cool." tumatango-tangong sinabi niya matapos makinig sa akin.
"Anong cool doon? Creepy kamo."
"Pamysterious effect pa, ha? It's either trip ka niya or worst, gusto ka lamang niya as personal nurse. Oh wait! Or should I should say, gusto ka niya as personal nurse or WORST, trip ka niya."
Natahimik ako at saglit na nag-isip. Nurse? Personal nurse? Wala nga akong balak na magtrabaho sa mga ospital. Makakita lamang ako ng dugo, bumabaligtad na ang sikmura ko. Ni hindi nga ako marunong uminom ng gamot na tableta. At trip? Sa dami ng pwedeng pagtripan ako pa talaga? Ano iyon, pati si Madame Cara, sinasakyan ang kakaibang trip ni Race?
"Ano? Di ka ba nahihilo kakairap mo riyan?" natatawang tanong niya. "Pero at least, may lalaki ka nang pinansin ha? Kahit sa ganoong paraan. At alam mo kung bakit?" natatawa pa rin siya. Dala na rin siguro ng sobrang kilig sa katext.
Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit?"
Malakas na naman siyang tumawa at wala nang pakialam sa ibang taong nasa paligid. "Nang dahil sa mahiwagang please."