"Okay ka na?" nakangiting tanong ni Elizear. Tumango ako at binalikan ulit ang libro sa aking harapan. Tahimik kaming dalawa na nag-aaral sa library. Vacant ko ngayon at sabi niya ay vacant din daw niya. Nagself-study lang ako dahil sabi ng isang classmate ko ay may quiz kami sa isang subject. Hindi naman kase ako nakapakikinig nang maayos sa discussion ng instructor namin nitong mga nakaraang araw. Kaya ngayon ay kailangan kong maghabol kahit araw-araw naman akong pumapasok. Ginugulo pa rin ang utak ko ni Race, ayaw ko na lamang masyadong isipin. Guilty ako. Guilty sa pang-aaway sa kanya. Kahit alam ko namang wala akong mali. Iyon ang alam ko. "Salamat, ha? Pero hindi mo naman ako kailangang tulungan dito," nakangiti kong sinabi habang ibinabalik ang libro. "Ayos lang iyon. Buti pala