Chapter 8

2070 Words
Madaling araw pa lang ay nagising na si Andrew. Pinilit pa niyang matulog pero hindi na talaga siya dalawin ng antok. Pumasok na lang siya sa loob ng banyo para maligo. Paglabas niya ng kwarto ay tinungo naman niya ang kwartong inuukupa ni Julz. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Napangiti pa siya dahil kahit tulog at lasengga ay napakaganda pa rin ng pinsan niya. Napangiti pa si Andrew na, napapailing ng maalala ang kakulitan ni Julz kagabi. Alam niyang wala namang alam si Julz sa nangyari. Dahil wala naman talagang nangyari. Naguguluhan lang talaga siya na hindi maipaliwanag dahil sa nararamdaman niyang kakaiba. Kaya naman binabaling niya sa iba ang nararamdaman niya kahit napapagkamalan na talaga siyang babaero. Hindi na lang niya tinatanggi dahil sa mga ginagawa niya. Pero may dahilan naman siya. Dahilan na siya lang ang nakakaalam. Nang maayos niya ang pwesto ni Julz dahil parang mahuhulog na ito sa kama, ay nagtuloy na siya ng kusina. Medyo masakit ang ulo niya kaya naman mas inuna niyang uminom muna ng gamot, bago tuluyang magluto. Nagluto lang siya ng fried rice, bacon at hotdog. Nagluto din siya ng egg drop soup, pampatanggal din ng hang-over. Nagtimpla din siya ng black coffee para sa sarili. Dahil sa ininom na gamot kahit papaano ay umayos ang pakiramdam niya. Matapos magluto ay kumain na siya at hindi na inaya pa si Julz. Hinayaan na lang niyang matulog ito, lalo na at hindi naman ito magbubukas ng clinic lalo na at Linggo. After niyang kumain ay inayos niyang muli ang lamesa. Hinugasan muna niya ang kanyang mga ginamit sa pagluluto. Matapos ay nag-iwan na rin siya ng note kay Julz, na initin na lang ang mga niluto niya, at kumain muna ito. Ang pambigay naman niya kay Jelly ay nasa ref, at nakalagay na sa paper bag. Sinabi din kasi ni Andrew sa note na aalis muna siya para puntahan si Lucas. Hindi naman niya alam kung bakit naisipan niyang dalawin si Lucas. Siguro gawa na rin ng matagal na din ng huli silang nagkita. Palagi kasi itong busy, minsan doon pa natutulog sa opisina si Lucas, dahil sa sobrang pagkabusy. Habang nasa byahe ay natatawa pa siya kung ano ang magiging reaction ni Lucas pagnakita siya nito ng ganoong kaaga, ay nasa bahay na ng mag ito siya. Pagbaba niya ng kotse niya ay hinanap agad niya si Manang Fe. Palagi kasi niya itong nakikita, sa labas ng garden, pagnagtutungo siya doon. Pero dahil na rin sa maagap pa kaya naman tumuloy na lang siya sa loob. Lalo na at bukas naman ang pintuan. Hindi din niya nakita si Liza. "Wala si Manang Fe, wala si Tita Antonia, wala din si Liza. So tuloy ka lang Andrew sa bahay ng mga De La Costa. Welcome yourself. Pasok ka." Natatawang sambit ni Andrew sa sarili ng tuloy-tuloy na siyang nagtungo sa kwarto ni Lucas. Dahan-dahan pa siya sa pagbukas ng pintuan, ng makita niyang nakahiga pa ito sa kama at nakatalukbong ng kumot. Napakunot noo naman si Andrew ng makitang nakahiga pa si Lucas. "Bago ito ah. Ngayon ko lang nakita na ganitong oras, nakahiga pa si Lucas. Mas maaga pa itong bumangon sa akin. Pero ngayon, nakahiga pa. Oh baka naman may sakit." Nakangising wika pa ni Andrew na dahan-dahang lumapit sa kama at nahiga sa tabi ni Lucas. Napangisi pa siya lalo ng maisip niyang yakapin ito ng mahigpit. Nang mapakislot itong bigla sa gulat sa ginawa niya at malakas na sumigaw. Sa gulat ni Andrew ay hindi niya naalis ang kamay na nakayakap sa babaeng nagulat sa kanyang ginawa. Hindi din siya nakakilos lalo na napatitig siya sa maamong mukha nito. Masasabi niyang maganda ang babae. Higit sa lahat, pakiramdam niya ay naaagaw nito ang atensyon niya, ng bigla niyang marinig ang pagsigaw ni Lucas na nagmamadaling lumabas, galing sa walk-in closet nito. "What the fvck!? What are you doing here, De Vega!?" Mariing wika pa ni Lucas sa kanya. Napatingin pa siyang muli sa babaeng hanggang ngayon ay yakap pa rin niya. Hindi niya naman niya, napapansin na nakayakap pa rin talaga siya sa babae. "Wait. Wait. Bago ka magalit. Hindi ko alam na may babae dito sa kwarto mo. Akala ko kasi ikaw itong nakahiga at nakataklob pa ng kumot. Kaya niyakap ko. Nagulat na lang din ako ng bigla siyang sumigaw." Paliwanag ni Andrew kay Lucas, habang unti-unting inaalis ang pagkakayakap sa babaeng nasa kama. Dahan-dahan din siyang bumaba ng kama. Lalo na at masama talaga ang tingin sa kanya ni Lucas. Natawa na lang siya dahil hindi niya akalaing, may girlfriend palang tinagago ang kaibigan niya. Natawa naman siya kay Lucas ng ipakilalang maid nito ang babaeng nakahiga sa kama nito sa loob ng kwarto. Alam niyang may nililihim ang kaibigan niya. Pero wala na lang siyang sasabihin na kahit ano. Nakilala niya ang babae na si Aira Noel Noriel Anastacia Contreras. Sa sobrang haba ng pangalan nito, mas ok talaga sa kanya na tawagin na lang ito sa nickname nito na Anna. Kinakausap pa niya si Anna ng bigla na lang siyang hilahin ni Lucas palabas ng kwarto nito. Wala din siyang nagawa ng hilahin na siya nito palabas ng bahay. Nakita pa niya si Liza at Manang Fe pero hindi man lang niya nabati dahil, hila-hila siya ni Lucas hanggang sa makapasok ng kotse. Kinulit pa niya si Lucas tungkol kay Anna pero hindi naman ito nagsalita. Masasabi siyang mayroong charm si Anna na magugustuhan talaga ng ibang tao. Napakalambing nito. Kaya naman masasabi niyang sa simpleng pag-uusap nila napukaw ni Anna ang atensyon niya. Napabuntong hininga na lang si Andrew ng magtuloy sila ni Lucas sa mall na pagmamay-ari ng mga ito. Nagpadeliver naman si Lucas ng pagkain nila. Syempre libre ni Lucas, kahit siya ang pumunta ng biglaan sa bahay ng mga ito. Si Lucas naman ang bumitbit sa kanya. Habang nag-eenjoy sa libre ni Lucas, ay natatawa na lang siya sa kaibigan dahil nakakunot ito ng noo, habang naghihintay ng oras ng pagbubukas mismo ng mall. Para kasi itong inip na inip. Hindi niya malaman kung nais ng umuwi or ano. Pero dahil kasama siya nito, hindi ito makauwi. Saktong alas dyes ng lumabas si Lucas. Naka facemask pa ito at naka bull cap. "Hindi talaga nito nais magpakilala sa mga empleyado nila pagnagmomonitor." Wika ni Andrew ng mapatingin sa Fishdom na nilalaro niya na natalo na siya. "Haist, kasalanan ito ni De La Costa eh. Napatingin pa naman ako sa kanya, ayan tuloy natalo ako. Natapos na ang time." Reklamo pa niya sa sarili ng makatanggap siya ng tawag mula kay Julz. "Hey, Julz." Bati niya dito. (Couz. Good morning. Ang aga mo namang umalis. Thank you sa niluto mo. Kakainin ko lang ito at uuwi na rin muna ako ng bahay. Tumawag si mommy, nasa bahay daw sila ni daddy.) "Mabuti yan, masaya akong makakasama mo sina tito at tita. Alam ko namang miss mo na rin sila. Initin mo na lang ang mga niluto ko, at ubusin mo. Para talaga sayo yan." (Thanks couz, iniinit ko na nga. Love you. Bye.) Saad ni Julz, bago nila tinapos ang tawag. Napangiti pa si Andrew ng mapatingin sa cellphone niya. Hindi niya alam. Pero masaya ang puso niya ng hindi maipaliwanag. Halos nasa fifteen minutes na siyang naglalaro muli sa cellphone niya ng pumasok si Lucas na may kasamang bata at isang magandang babae. Masasabi niyang maganda ang kasama ni Lucas. Ipinagkibit balikat na lang ni Andrew ang nasa isip niya dahil imposibleng maging mag-ina ito. Dahil bata pa naman ang babae. Pinapanood lang ni Andrew si Lucas at ang bata na nag-uusap. Bibo ang bata, at napakacute. Nagulat pa siya na ang imposible sa utak niya ay posible pala talaga. Dahil mag-ina nga ito at birthday pa ng bata. Lumabas sila ng mall at nagtungo sa isang ice cream stand. Doon nila nakilala ang mag-ina na Gia at Gael. Hindi naman siya mapanghusgang tao. Dahil sa kalagayan ni Gia ay humanga siya dito. Kinaya nitong maging matatag sa likod ng pag-iisa. Inalok naman ni Lucas na maging katulong si Gia pero tinanggihan nito. Pero wala namang nagawa si Gia ng buhatin niya si Gael. Tawang-tawa naman si Gael sa ginawa niya ng makapasok sila sa loob ng kotse ni Lucas. "Tito Andrew, talaga po bang sa bahay na ni Tito Lucas kami titira ni nanay? Hindi na po ako mag-iisa? Hindi na po kami maghihiwalay? Tuwing may trabaho po kasi si nanay, naiiwan po ako kay Nanay Tessie. Mabait naman po si Nanay Tessie, pero gusto ko din po sana na makatabi ni nanay sa pagtulog pero hindi pwede, dahil may trabaho po siya." Malungkot na wika ni Gael, na ginulo naman ni Andrew ang buhok nito. "Magtiwala ka kay Tito Lucas, madami silang kasama doon. Kaya sure akong mag-eenjoy ka doon. Hmmm." Saad ni Andrew na ikinapasok na rin ni Gia at Lucas sa loob ng kotse. Dumaan muna sila sa apartment na tinutuluyan ng mag-ina, nagpaalam muna din si Gia sa may-ari ng apartment na naging katuwang ni Gia, para makapagtrabaho at maalagaan ang anak nito. Dinaan din ni Lucas si Gia sa fastfood na pinagtatrabahuhan ni Gia. Nagulat pa si Andrew dahil malimit silang kumain doon ni Julz. Iyon nga lamang ay hindibpa sila kumakain doon pag gabi, kaya naman hindi nila nakikita noon si Gia. Tuwang-tuwa pa siya ng pabalik na sila sa bahay nina Lucas, dahil makakausap niyang muli si Anna, ng ibahin ni Lucas ang daan. "Ang selfish mo De La Costa. Akala ko naman, sa bahay ninyo ako iuuwi, tapos ngayon, talagang idinaan mo ako dito sa harap ng condo, para lang hindi makasama sayo. Nakakatampo ka." "Hindi bagay sayo De Vega, baba na. Kung ayaw mong tadyakan kita dyan. Wag ka na ring mag-abalang dumalaw sa bahay. I know your busy. Kaya naman pakabusy ka na lang. Payaman ka na lang. Hmmmm." Pang-aasar pa ni Lucas, at basta na lang pinaharurot nito ang kotse ng makababa siya. "Ang sama talaga sa akin ng De La Costa na iyon." Wika ni Andrew na napapadyak pa sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Lucas. Nagtuloy na lang si Andrew sa unit niya, alam niyang nakaalis na si Julz, kaya naman mag-isa na naman siya. Pagpasok niya sa loob ng condo ay hinayon niya kaagad ang kusina. Napangiti lang si Andrew ng makitang malinis na ang kusina. Sigurado siyang nilinisan muna iyon ni Julz bago ito umalis. Napatingin pa siya sa lalagyan niya ng alak. Napakunot pa noo niya ng mapansin niyang parang may kakaiba na hindi niya maipaliwanag. Kaya naman nilapitan pa niya ito at napalatak na lang siya ng mapansin niya kung ano ang kakaiba. Nakita niya ang isang sticky notes na nakakapit sa lalagyan niya ng mga alak. Kinuha niya ito at natawa na lang siya sa sarili ng mabasa ang nilalaman noon. 'Couz, Alam kong nakadalawa tayong bote ng Johnnie Walker kagabi. Ayaw ko namang maging abuso sayo, kaya naman akin na lang itong wine na nasa likod ng mga brandy mo. Nakita ko lang naman ito kanina, dahil dalawa naman ito, ay kinuha ko na ang isa. Sayang kung hindi mo iinumin. Love you couz. Julz at your service.' "Ang galing talaga ng babaeng iyon. Tinago ko na nga, nakita pa eh. Ang lakas kasi niyang uminom. Naturingang doktor, pero lasengera. Mabuti na lang hindi pa nakakapagresira si Julz ng alak sa mga pasyente niya." Saad pa ni Andrew na naiiling na lang. Nang dumilim na ay nagpadeliver na lang siya ng pagkain dahil wala na rin naman siyang ganang magluto lalo na at nag-iisa na lang siya. Habang kumakain ay bigla niyang naisip ang mukha ni Anna. Napakacute kasi nito nung bigla itong nag-alis ng talukbong na kumot dahil sa gulat. Sinabi naman ni Lucas hindi niya girlfriend si Anna at maid lang daw nila ito. "Hindi naman siguro masama na ligawan ko si Anna. Hindi ko naman maramdaman kay Anna ang nararamdaman ko sa mga flirt na babae na lumalapit sa akin. Nararamdaman ko lang ngayon para kay Anna ay dapat lang itong mahalin, seryosohin at alagaan." Napangiti pa si Andrew muli, ng maisip kung ano kaya ang magiging reaction ni Lucas, pag nalaman nito na liligawan niya si Anna. Pero hindi naman niya kakalabanin si Lucas, kung sakaling may gusto ito sa dalaga. Kaya naman niyang mag giveway kung aamin man si Lucas sa nararamdaman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD