Nagmamadali si Julz sa pagpasok sa clinic niya dahil madami ng pasyente ang nakapila. Mabuti na lang at maagang pumasok ang sekretarya niyang Jelly.
Napatingin pa si Julz, sa cellphone niya na nakapatong sa may dashboard ng makita niya ang pagtawag ng sekretarya niya.
"Sorry Jell, medyo tinanghali ako ng gising eh. Mga ilan na ba ang mga pasyente?"
(Doc, labing lima pa lang naman sila. Iyon nga lang ay alas nuebe na. Na alas otso ang dapat dating mo. Bakit ka ba tinanghali?)
"Kasi, hindi agad ako nakauwi kagabi. Iyong date ko kasi, sobrang daldal. Hindi ako makabwelo na inaantok na ako at napapagod na rin ako. Oh maya ko na kwento, mag park na lang ako ng sasakyan." Sagot ni Julz at pinatay na ang tawag.
Mabilis namang nagpark ng sasakyan si Julz, at nagmamadali na rin sa pagpasok sa clinic. Nakaayos na rin naman ang mga dapat niyang gamitin sa pag-che-check up. Itinawag na niya sa kanyang sekretarya ang unang pasyente. Batang babae ito at sobrang payat. Akala niya ay kung anong sakit nito. Hanggang sa makita niya sa record na hindi pala ito bata, dahil nineteen years old na ito at nagdadalang tao. Ni-refer naman ni Julz ang babae sa kilala niyang ob-gyne.
Ilang pasyente ding bata ang halos pare-pareho ng sakit. Ubo, sipon at lagnat siguro ay gawa na rin ng panahon na pabago-bago. Ilang matanda din ang naging pasyente niya. Ang iba ay mga sumasakit na kasu-kasuhan, mga may rayuma at iba pa.
Halos hapon na ng matapos icheck up ni Julz ang kanyang mga pasyente, pero mahaba pa rin ang oras ng pagsasara, kaya naman ng walang pasyente ay nagpasya muna silang umorder ng pagkain ng sekretarya niya.
Magpapadeliver na lang sana sila ng may pumasok na gwapong delivery boy sa clinic niya, na kita naman ni Julz ang kilig sa sekretarya niya.
"Doc, hindi na pala natin kakailanganin ang magpadeliver ng pagkain. Ang delivery boy mo pa lang, ulam na." Masayang wika ni Jelly ng biglang natawa ang bisita nila.
"Anong nakain mo at naligaw ka dito?" Tanong dito Julz, sabay abot ng supot ng pagkain, galing sa fastfood na paborito niya.
"Anong nakain? Wala nga akong nakain. Nakakairita ang maging gwapo. Please naman. Be my girlfriend."
"So ayown, sana palaging nirereklamo ang pagiging gwapo, para may pagkain kami palagi ni Jelly. O narinig mo Jelly. Girlfriend niya ako mamaya. Anong gusto mo? Hindi pwedeng iyan lang ang suhol ng isang 'to." Nakangising wika ni Julz, na ikinapalakpak ni Jelly.
"Sure Sir Andrew? Hindi ka pa nadadala sa pagiging budol ni Doc? Pwede naman ako? Kahit tunay, pwedeng-pwede." Masayang wika ni Jelly na, sinamaan naman ng tingin ni Julz.
"Doc naman hindi na mabiro. Chocolate lang Sir Andrew, sapat na. Ibibigay ko sa kapatid ko. Thank you Doc. Lalo na sayo Sir Andrew." Wika ni Jelly na ikina-okey sign ni Andrew.
"So call? Ikaw lang pag-asa ko Julz." Wika pa ni Andrew.
"Bakit kasi ang babaero mo. Tapos pag-ayaw mo na, at hindi ka tantanan, palaging ako ang hanap mo. Paano pag may napili na ako sa mga di-ni-date ko? Naku kaya mag-isip isip ka ng magtino. Salamat pala sa pagkain." Nang tumingin si Julz kay Jelly na naayos na nito ang pagkain sa mesa.
"Madami pala ito, sabay ka na sa amin." Alok pa ni Julz ng simulan nitong kagating ang hita ng manok.
"Kulang pa yan sayo kung hindi kita kilala. Basta Julz, dapat before seven nasa condo ka na ha. Please lang. Ipapadala ko din sayo ang chocolate ni Jelly. Bibili na ako mamaya. Ha." Pakiusap pa ni Andrew.
"Oo promise, darating ako. Sayang din ang chocolate ni Jelly."
Matapos kumain ni Julz at Jelly ay dumagsa na ulit ang mga pasyente. Kaya naman umalis na ulit si Andrew. Napapaisip pa rin si Julz kung anong meron sa pinsan niya. Napakahabulin ito ng babae, pero hindi pa nagkaka-girlfriend ng totoo. Laman din ng mga bar, pero wala namang natitipuhan sa mga nakikilala, at mga nakakasama. Puro pambababae lang talaga. Hindi na lang muna inisip ni Julz si Andrew at itinuon na lang muna ni Julz ang atensyon sa mga pasyente.
Alas sais na pa lang ng gabi ay ready na si Julz sa pagpunta sa condo ni Andrew. May dala siyang tatlong kahon ng pizza, at ilang balot ng chips. Hindi naman niya need magdala ng iba pa. Dahil madami namang stock na pagkain sa bahay ni Andrew.
Nasa harap na ng pintuan ng condo ni Andrew si Julz pero wala pa siyang balak magdoorbell. Hanggang sa may makita siyang isang babaeng parang pinaliguan ng make up ang mukha. Hindi niya masabing pangit, pero sa kapal ng make-up na suot nito. Masasabi niyang hindi din nakakaganda.
Hanggang sa makalapit ito sa pintuan, at pinindot ang doorbell. Nakangiti naman si Andrew ng buksan ang pintuan ng condo niya. Pero naglaho iyon ng mabungaran ang babaeng puno ng make-up na may kaunting mukha. Sa kapal ng make-up nito hindi na talaga makita ang mukha.
"Babe, miss me?" Bati ng babae sabay yakap at halik sa labi ni Andrew.
Isang tikhim naman ang nagpabitaw sa babae kay Andrew at hinagod pa nito si Julz ng tingin mula ulo hanggang paa. Tapos ay pinagtaasan pa siya nito ng kilay.
"Who are you bi-----." Hindi natapos ng babae ang sasabihin ng biglang umiyak si Julz.
"Sino ang babaeng yan honey? Akala ko ba magbabago ka na? Akala ko kami na lang ng magiging anak mo? Pero bakit may babae na naman pumupunta dito sa pamamahay natin? Ngayon mamili ka? Kami ng anak mo? Oh ang malanding babae na iyan!? Walang delikadesa! Pumapatol pa sa may asawa!" Awang ang labi na nakikinig lang si Andrew sa litanya ni Julz.
"At ikaw na babae ka! Ganyan ka ba kakati para habulin at pumatol sa lalaking may asawa? Lumabas lang ako saglit, para bumili ng pizza kasi nagka-crave ako. Tapos may babae akong makakasabay dito sa harap ng pintuan ng bahay ko!" Saad ni Julz ng bigla itong mapaupo at makita ang mapupulang likido na umaagos sa binti ni Julz at meron na rin sa sahig.
Nagulat naman ang babaeng makapal ang make-up sa kanyang nakita.
"Wala akong alam. Wala akong intensyon na masama. Akala ko single si Andrew hindi ko alam!" Saad ng babae at tuluyan na itong tumakbo paalis ng condo unit ni Andrew.
Napatingin naman si Andrew kay Julz na ngayon ay nagpupunas ng luha. Napansin pa niya ang kulay pulang likido sa kamay nito. Nang bigla itong sumigaw.
"Takte naman couz! Hindi ko napansin iyong hot sauce sa kamay ko. Napahid ko sa mata ko. Ang hapdi. Kunin mo iyong pizza. Akayin mo ako sa may sink! Ang hapdi talaga! T*ngna!" Reklamo ni Julz ng biglang tumawa si Andrew ng mag-sink in sa utak niya ang nangyari.
Nagulat si Andrew ng umiyak si Julz. Pero napansin na niya ang tactics ni Julz para mapaalis ang babaeng naghahabol sa kanya. Hindi na siya nagsalita dahil baka makahalata pa ang babae. Pero nagulat talaga siya ng may makita siyang pulang likido sa binti ni Julz, at mga patak patak sa sahig. Hindi naman agad nadaluham ni Andrew si Julz gawa na rin sa gulat.
Pero ng bigla itong nagmura dahil nalagyan ng hot sauce ang mata, hindi na rin napigilan ni Andrew ang matawa.
"Ano bang kalokohan mo at piniga mo iyong hot sauce ang malala pa ay nilagyan mo pa ang mata mo?"
"Mukha kasing matinik iyong babae mo. Pagkabukas mo ng pinto nakahalik agad sayo. Tsk. Tsk. Kaya naman kinuha ko agad iyong hot sauce at mabilis na binuksan effective naman di ba? Kaso ang hapdi pa rin sa mata." Reklamo pa nito.
"Pero ang galing mo nga doon sa part na iyon. Thank you ha. Sobrag effective." Pasasalamat pa ni Andrew ng ilahad ni Julz ang kamay nito.
"May bayad ang talent fee ko. Mister. Mayaman ka, at may sariling kompanya. Twenty thousand pwede na. Plus chocolate ni Jelly na pangako mo. Higit sa lahat. Isang Johnnie Walker, iyon oh." Sabay nguso ni Julz sa nakadisplay na alak ni Andrew.
"Bawal uminom kumain ka na lang nitong pizza na dala mo at chips. May trabaho ka pa bukas. Parang hindi ka doktor sa lagay mo na iyan."
"Okey, madali naman akong kausap. Last favor ko na iyon sayo. Don't bother me again. Hmp. Isa pa, Sunday bukas. Hindi naman ako nagbubukas ng clinic pag Sunday. Iyong chocolate sana na para kay Jelly, kung ibibigay mo. Bukas ko iyon idadaan pag uwi ko sa bahay namin. Kj!" Inis na sambit ni Julz ng akmang tatayo ng pigilan siya ni Andrew sabay kuha sa alak na nakadisplay sa bar counter niya.
"Oh. Wag ka ng magtampo. I'll transfer your p*****t sa account mo. Hay ang budol mo talaga. Iyong chocolate ng secretary mo. Nakaready na. Nasa ref. Naku, naku. Bakit ba kasi nanging pinsan pa kita?" Pabulong na wika lang ni Andrew ang pahuli.
"Narinig ko iyon ha. Ayaw mo ba akong maging pinsan?" Tanong ni Julz habang nagsasalin ng alak sa baso, na tuwang-tuwa na animo ay naka jackpot sa lotto.
Kung pwede lang sana na hindi kita maging pinsan. Sana nga mas ok pa iyon.'Wika ni Andrew sa isipan habang nakatingin lang sa mukha ni Julz na sumusubo ng pizza tapos ay sisimsim ng alak.
"Ayaw mo nga?" Ulit pa ni Julz sa kanyang tanong.
"Masaya akong maging pinsan ka noh. Tingnan mo may taga pagtaboy ako sa mga makukulit na babae na habol ng habol. Una kahit hindi ko naman nililigawan, palagi na lang lumalapit. Pinagbibigyan ko lang. Kaso nakakasawa din minsan. So ayon palaging mga humahabol." Tatawa-tawang wika ni Andrew sabay salin din ng alak sa baso at ininom ng diretso.
"Ang lakas ng fighting spirit natin couz sa lagay na iyon. GGSS lang." Nang-aasar na saad ni Julz habang nagtataka sa sinabi niya si Andrew.
"GGSS?"
"Alien ka lang couz? Gwapong gwapo sa sarili. Kaso hindi naman bagay sayo. Mukha ka kayang tukmol." Wika ni Julz na ikinahalakhak pa nito.
"Napakasama mo talaga sa aking babae ka. Naku, kaya walang magkagusto sayo eh. Sa sobrang ganda mo, naubusan ng filter iyang bibig mo. Kaya naman walang magtangkang manligaw sayo."
"Aba't!!! Sige ayos lang dalawang Johnnie Walker iinumin natin ha." Saad ni Julz na ikinatingin pa ni Andrew sa lalagyan ng alak niya. Ayaw sana niyang painumon ng madami si Julz, pero sa sayang nakikita niya dito sa mga oras na iyon sa mga pang-aasar nito sa kanya. Natutuwa ang puso niya. Kaya hinayaan na lang niya ito sa nais nito. Siya pa ang tumayo para kunin ang isa pang bote ng alak, at inilagay pa niya sa tabi nito.
Lumawak naman ang ngiti ni Julz, dahil sa alak na iniabot ni Andrew sa kanya. Hinalikan pa ni Julz ang mismong bote ng alak dahil sa saya. Napailing na lang si Andrew sa inasta ng dalaga.
Nagkatawanan at nagkakwentuhan pa sila ni Julz habang maubos nila pareho ang dalawang bote ng alak. Halos pareho silang hindi makagulapay sa sobrang kalasingan. Pero pinilit akayin ni Andrew si Julz sa guest room ng condo niya.
"Couz tabi na tayong matulog. Matagal na tayong hindi nagkakasama, pakiramdam ko nga iniiwasan mo ako. Alam mo iyon?" Reklamo ni Julz at hinigit pahiga si Andrew. Tumama naman ang mainit na hininga ni Julz sa may tenga ni Andrew ng bumagsak siya sa tabi nito. Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso si Andrew sa pwesto nila. Nakayakap pa si Julz sa kanya ng mga oras na iyon kaya hindi siya agad nakagalaw.
Bigla namang nakaramdam si Andrew ng pag-iinit ng katawan. Nakatingin siya sa nakapikit na Julz na ikinabuntong hininga niya.
Wala talagang pakiramdam ang babae na ito. Haist!! Inis na wika ni Andrew sa sarili ng bigla siyang tumayo.
"Matulog ka ng mag-isa dyan at doon ako sa kwarto ko. Hindi ka na bata Julz. Higit sa lahat lalaki ako. T*ngna! Ewan ko sayong babae ka. Mauubusan ako ng pagtitimpi sayo!" Inis na wika ni Andrew na ikinalabas agad nito sa kwartong iyon.
Napabangon naman si Julz sa inasal ni Andrew, dahil lasing man siya, pero narinig naman niya ang mga sinabi ni Andrew na talagang ikinapagtaka niya.
"Nangyari dun? Bahala na nga s'ya. Good night couz. Sweet dreams." Wika pa ni Julz at muling ibinagsak ang katawan sa kama hanggang sa igupo na lang siya ng antok.
Samantala, kahit lasing na lasing ang pakiramdam ni Andrew hindi naman niya napigilan ang biglang pag-iinit ng kanyang katawan. Kaya kahit gusto niyang mahiga na sa kama ay hindi niya magawa.
Ngayon nakasalampak siya sa tiles ng kanyang banyo. Nakatapat sa shower, at dinadama ang lamig ng bawat pagpatak ng malamig na tubig sa kanyang katawan.
Napabuga na lang si Andrew ng hangin at napahilot sa sentido.
"Haist!! T"ngna!!"