Medyo tinanghali na ng magsing si Julz. Masakit din ang kanyang ulo, gawa na rin ng hang-over. Pero wala lang iyon sa kanya. Meron naman siyang dala palagi na gamot. Kinuha muna niya ang kanyang bag na naglalaman ng iba't ibang klase ng gamot. Lalo na ang gamot niya para sa sarili, para mawala ang kanyang hang-over. Palagi din niyang binibigyan si Andrew incase na uminom ito at mapasobra.
Matapos niyang maligo, ay nagpalit na rin si Julz ng damit. Dahil wala siyang damit na dala, damit Andrew ang ginamit niya. Pagdating ng kusina ay nadatnan niya ang mga pagkain na nakahayin sa lamesa. Na natatakluban ng food net. Napangiti pa siya ng mabasa ang note nito na nakapatong sa lamesa.
"Ang aga namang makaluto at umalis ng isang iyon. Malamig na agad ang pagkain eh." Iinitin na sana niya ang pagkain na niluto ni Andrew ng makatanggap siya ng tawag mula sa mommy niya.
"Good morning mom. Kumusta po? Akala ko nakalimutan na ninyong may anak kayo. Nasaan po kayo? Hindi pa po ba kayo uuwi?" Nagtatampong tanong ni Julz sa mommy niya.
(Ito naman nagtatampo kaagad. Hindi ba pwedeng busy lang kami ng daddy mo. Ikaw ang hindi pa ba uuwi? Nasaan ka ba ngayon Zusainne? Nandito kaya kami ng daddy mo sa bahay. Hindi ka daw umuwi kagabi. Saan ka ba natulog?)
"Mom, nandito ako sa condo ni Andrew. Hindi kasi ako magbubukas ng clinic ngayon, kasi nga Sunday. Seriously mommy? Nasa bahay talaga kayo ngayon ni daddy?" Masayang tanong ni Julz na parang bata na sabik makita at makasama ang mga magulang.
(Ganoon ba? Oo seryoso, nandito talaga kami sa bahay ng daddy mo. Kauuwi lang namin. Gusto ko din munang magpahinga, kaya naman. No work muna ng ilang araw. Happy?) Tanong ng mommy niya na sobra talaga niyang ikinatuwa.
"Thank you mommy. Masaya po akong makasama kayo ni daddy. Uuwi na rin po ako mamaya. Kakainin ko lang po itong niluto ni Andrew."
(Sige, Zusainne after mo dyan, uwi ka na bago mag lunch. Babawi ako sayo anak ako ang magluluto ngayon. Isama mo na rin si Andrew hindi na yata umuuwi ang batang iyan sa bahay nila eh.) Tanong pa ng mommy niya.
"Wala po dito si Andrew nasa kaibigan daw po niya kay Lucas."
(Ganoon ba? Sayang naman. Sige na. Basta uwi ka na. Para magkasama sama naman tayo, ng daddy mo. Minsan lang din hindi maging busy ang daddy mo. Hmmm.) Wika pa ng mommy niya at pinutol na ang tawag.
Tinawagan naman ni Julz si Andrew habang iniinit ang pagkain. Nagtaka pa siya dahil parang nauutal pa ito ng sagutin ang tawag niya. Hindi na lang niya pinahalata, at hindi na lang pinansim ang pagkautal nito.
Inilabas na rin niya ang chocolate na nakalagay sa paper bag na nasa loob ng ref. Baka makalimutan pa niya, mamaya. Matapos ang tawag ay tapos na ring iinit ni Julz ang mga pagkain. Lalo na ang egg drop soup na nagpakalma sa sikmura niya. Pagkagising niya kanina ay uminom na nga siya agad ng gamot. Pero hindi pa rin tuluyang kumakalma ang sikmura niya. Pero matapos niyang kainin ang sopas na niluto ni Andrew, guminhawa ang pakiramdam niya.
Napatingin namang muli si Julz sa pwesto ng alak ni Andrew after niyang kumain. Hindi talaga niya malaman sa sarili kung bakit masarap ang alak lalo na paglibre.
"Kahit hindi pa tapos ang hang-over ko. Sorry talaga couz. Kasalanan mo kasi ito. Bakit kasi ang daming alak dito sa condo mo? Natutukso tuloy ako. Sa bahay kasi kahit palaging wala si daddy bawal ang alak. Pagnakikita kasi noon natikim din. Pero hindi ko ito ilalabas. Promise, exclusive lang ito sa kwarto ko." Kausap pa ni Julz sa sarili.
Nakangising kinuha naman ni Julz ang isang bote ng mamahaling wine ni Andrew. "Hindi naman siguro iyon magagalit mahal naman ako nun." Wika pa ni Julz sa sarili. Kinuha naman muna ni Julz ang sticky note at ballpen na nakalagay sa ibabaw ng ref. Palagi kasing meron noon sa kusina ni Andrew. Ginawan muna niya ng sulat ang pagnenenok niya ng alak. Bago siya muling bumalik sa lamesa kung saan siya kumain at niligpit na ito. Nilinis naman muna ni Julz ang buong condo unit ni Andrew. Kahit naman wala talagang gaanong lilinisin. Malinis naman kasi si Andrew sa sarili. Kaya malinis din ang bahay nito.
Idinaan naman ni Julz ang chocolate na bigay ni Andrew para kay Jelly. Tuwang-tuwa pa ito at hindi akalaing isang may katamtamang paper bag ng chocolate ang bigay ni Andrew. Umaasa kasi siyang dalawang piraso lang iyon. Pero sobra-sobra pa iyon sa inaakala niya. Sobra namang pasasalamat ni Jelly kay Julz. Naatawa naman si Julz sa inasal ng sekretarya niya, dahil para talaga itong bata sa sobrang tuwa. Matapos ang ilang pag-uusap ay tumuloy na rin ng byahe si Julz patungo sa bahay nila.
Pagpasok pa lang ng gate ay nabungaran agad ni Julz si Manang Letty, na nagwawalis dahil sa kalat ng mga natuyong dahon ng puno. Madami din kasi ang kalat ng natuyong dahon. Lalo na at nagkakailan din ang punong nakatanim sa bakuran nila.
"Magandang tanghali manang. Mainit na po. Pahinga na muna kayo. Nasaan po si mommy?" Tanong ni Julz.
"Nasa kusina ang mommy mo. Siya na daw ang magluluto para makabawi sayo. Patapos na ako dito sa pagwawalis ko hija. Pumasok ka na." Wika ng matanda, at hinayon na rin ni Julz ang papasok ng bahay.
Nakita naman niya ang Mommy Zusana niya na busy sa kusina. Minsan lang talaga mangyari ang pagkakataon na iyon na makita niya ang mga magulang sa bahay nila, kaya naman susulitin na rin niya ang pagkakataon na iyon. Nilapitan niya ang mommy niya at niyakap mula sa likuran nito.
"Mommy na miss kita, ganoon po ba talaga kayong ka busy ni daddy, para hindi na tayo magpangita dito sa bahay? Aalis kayo ng sobrang aga, or palaging nasa out of town, or babalik ng gabing gabi na." Reklamo niya sa mommy niya na may halong pagtatampo.
"Ay sus, nagtampo naman ang anak ko. Parang hindi ka din busy ah. Mas may time ka pa ngang magtungo sa pinsan mo. Alam ko yan kaya wag kang tatanggi. Tulad ngayon, damit pa ni Andrew ang suot mo. Magpalit ka na ng damit, tapos tawagin mo ang daddy mo, paluto na ito at ng makakain na tayo ng lunch." Masayang wika ng mommy niya.
Pinuntahan naman muna ni Julz ang daddy niya sa library at nakita niyang busy ito sa pagbabasa. Hindi na naman niya ito inabala, ng matagal. Niyakap lang niya ang daddy niya, tapos ay nagpaalam na rin na magpapalit siya ng damit.
Sa may garden naghayin ang mommy niya. Maaliwalas kasi doon. Mayroon din, malawak na table na kasya ang walong katao, kaya naman napakasarap kumain doon. Kahit iilan lang ang bulaklak ay pwede na rin dahil mayroon namang ilang puno na nakatanim sa paligid.
Nagsisimula na silang kumain ng magsalita ang daddy niya. "Zusainne alam ko namang malaki ka na, at dalaga ka na. Wala ka pa bang balak mag-asawa?" Tanong ng daddy niya na ikinatitig naman niya dito.
"Daddy wala pa talaga akong balak mag-asawa. Hindi ko pa naman, natutupad ang pangarap ko. Madami pa akong nais puntahang lugar para sa mga medical missions."
"Okey. Pero wala ka namang boyfriend?" Makahulugang tanong ng daddy niya.
"W-wala po. Pero sinusubukan ko pong makipag-date. Baka po kasi doon ko mahanap ang aking the one." Nakangising sagot ni Julz, bago sumubo ng pagkain niya.
"Wag ka ng humanap ng boyfriend. Enjoy mo na lang muna ang sarili mo sa mga medical missions." Sagot ng daddy niya, habang siya ay nagtataka. Napatingin din siya sa mommy niya. Kitang-kita niya ang pagbuntong hininga nito.
"Sundin mo na lang ang daddy mo. Total naman wala ka pang balak mag-asawa, wag ka munang humanap ng boyfriend. Dahil darating din iyon sa tamang oras. Hmmmm. Ngayon enjoy ka lang sa ginagawa mo. Kain lang ng kain Zusainne, namamayat ka na. Pinababayaan mo na yata ang sarili mo eh." Wika pa ng mommy niya. Itinuloy na lang niya ang pagkain, hanggang sa matapos silang lahat.
Tinulungan naman niyang magligpit si Manang Letty, kahit ayaw nito ay tumulong pa rin siya. Nang makatapos silang linisin ang dapat linisin sa kusina at tumuloy na lang siya sa sarili niyang kwarto.
Ibininagsak na lang ni Julz ang sarili, dahil totoong nagtataka siya sa ibig sabihin ng daddy niya. "Sa edad ko, kung sa iba na iyon, pipilitin na nilang maghanap ng mapapangasawa, lalo na at may stable naman akong trabaho at kumikita na. Pero bakit mas ok sa kanila na wag akong maghanap ng boyfriend? May nililihim ba sila? Dapat nga maghanap na ako ng businessman para naman, may sigurado na silang hahawak ng kompanya habang ako, ipagpapatuloy ko ang pagiging doktor." Wika ni Julz sa sarili.
Patuloy pa rin siya sa malalim na pag-iisip at hindi na lang namalayan ni Julz na nakatulog na pala siya.
Pinipilit naman ni Julz na imulat ang mga mata ng marinig ang mga taong nag-uusap usap malapit sa pwesto niya. Hindi niya masyadong maaninag kung sino ang mga ito, pero malinaw niyang naririnig ang mga boses ng mga mga tao malapit sa kanya.
"Bakit naman biglaan? Talaga bang dapat na nating gawin ang kasunduan?" Dinig niyang boses ng mommy niya.
"Iyon lang naman ang hinihingi kong pabor kapalit ng lahat. Hindi naman kayo lugi sa anak ko." Sabi ng lalaking hindi niya kilala.
"Sandali lang hindi pa namin nasasabi sa anak ko. Bakit naman biglaan?" Boses iyon ng daddy niya.
"Paano mo nasabing biglaan? Matagal na iyon, naaalala pa ba ninyo ang araw na iyon?" Boses muli ng lalaking hindi niya kilala.
"Wag mo sanang biglain ang anak ko." Wika ng daddy niya.
"Iyon ang pabor na hinihingi ko. Kaya sa ayaw at gusto ninyo. Iyon ang masusunod!" Paangil na wika ng lalaki tapos ay ramdam niyang umalis na ito.
"Totoo ba? Bakit naman biglaan?" Tanong sa kanya ni Andrew.
"Couz? Bakit ka nandito? Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Wika ni Julz na kahit siya ay naguguluhan dahil ang alam lang naman niya ay nakahiga siya sa kwarto niya. Pero ngayon nakikita niya si Andrew umiiyak sa harapan niya.
"Magpapakasal ka na? Bakit hindi mo sinabi?" May diing tanong nito sa kanya.
"Wait. Sinong ikakasal? Anong ikakasal? Wala akong alam." Sagot niya sa sinasabi ni Andrew dahil wala talaga siyang alam.
"Sinungaling ka! Akala ko ba walang lihiman. Akala ko sa lahat ako unang makakaalam ng mga ganyang bagay, pero alam na ng lahat ako lang ang walang kaalam-alam." Asik pa ni Andrew at tinalikuram si Julz.
"Couz ano bang pinagsasasabi mo!? Wala akong nililihim sayo. Hindi ako magpapakasal. Kung magpapakasal ako? Kanino? Sino?" Tanong ni Julz na hindi na sinagot ni Andrew at mabilis siyang iniwan.
"C-couz? A-andrew.......!!!!" Sigaw ni Julz ng makita niyang lumabas si Andrew ng kwarto niya, ng hindi man lang siya nililingon nito.
Napabangon bigla si Julz, mula sa kanyang pagkakahiga. Pinamasdan niya ang paligid at napansin niyang madilim na pala. Walang bukas na ilaw sa kwarto niya, kaya naman kahit nanghihina at hindi pa niya alam ang nangyari ay binuksan niya ang ilaw. Napaupo siyang muli sa kanyang kama ng mapagtantong panaginip lang pala ang lahat.
"Ang weird. Anong klaseng panaginip iyon? Paulit-ulit ko pang naririnig ang tanong na. Bakit naman biglaan? Anong meron?" Tanong ni Julz sa sarili. Nang makarinig siya ng tatlong katok sa labas ng kwarto niya at narinig niya ang boses ni Manang Letty.
"Hija handa na ang hapunan. Bumaba ka na at ng makakain ka na. Hindi ka na nakapagmeryenda kanina." Wika nito sa kanya sa labas ng kwarto.
"Lalabas na po manang. Ayusin ko lang po ang sarili ko. Nqkatulog po kasi ako. Salamat po." Sagot lamg ni Julz at narinig na rin niya ang papalayong yabag ni Manang Letty.
Napabuntong hininga na lang si Julz, dahil sa napakaweird na panaginip niya.
"Panaginip lang iyon. Sabi nga kabaliktaran noon ang mangyayari sa tunay na buhay." Wika lang ni Julz sa sarili. Bago siya nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili, dahil baka mainip na ang mga magulang niya na naghihintay sa hapag.