Prologue
Bata pa lang ay sanggang dikit na si Julian Zusainne o mas kilala sa tawag na Julz at si Andrew. Halos hindi na nga mapaghiwalay ang dalawa.
Natutulog sa iisang kama, naliligo ng sabay, wala sa bokabularyo nilang dalawa ang hiya sa isa't isa. Halos hindi na talaga mapaghiwalay ang dalawa, lalo na at ang bahay nina Julz ay kapitbahay lang nila.
Lumaki silang sila lang dalawa ang magkalaro. Kung ano ang larong gusto ni Andrew ay sinasabayan ni Julz, kahit na habulan, o kaya naman ay baril-barilan pa iyan.
Ganoon din naman si Andrew kay Julz. Kahit boring sa kanya ang lutu-lutuan ay nakikipaglaro siya dito. Kahit naminsan ay barbie ang gustong laruin nito.
Pag hindi kina Julz ang meeting place nila sa bahay naman nila. Busy palagi ang mga magulang nila sa negosyo. Kaya naman mga katulong lang sa bahay ang kanilang nakakasama.
Sa edad na labing lima, ay bumili ng sariling kotse si Andrew para hindi na sila mahirapan sa pagpasok. Minsan kasi ay busy pati ang mga sari-sariling driver ng pamilya, kaya naman nagprisinta na lang siya na, siya na lang ang magmamaneho para sa kanila ni Julz.
Mula Day Care, hanggang high school ay magkaklase sila ni Andrew dahil pag nahihiwalay si Andrew ng section, ay palagi itong nakikiusap sa principal ng school, na ilipat ito sa section kung nasaan si Julz.
Marami na ring, nag-akala na mag boyfriend/ girlfriend sila ni Andrew. Dahil na rin sa palagi silang magkasama, at ang pagiging sweet nila sa isa't isa. Kaya tinatawanan na lang nila ang mga ito. Hinahayaan lang nila na mag-isip ang mga ito. Mahalaga wala silang ginagawang masama.
Minsan may isang babae na lumapit kay Julz at nag-abot ng chocolate. Nakangiti pa itong iabot sa kanya. Natawa pa siya dahil parang nahihiya pa ito.
"Ms. Julian." Nahihiyang wika pa ng babae, habang nakatingin sa chocolate na nasa kamay na niya ngayon.
Akmang magpapasalamat siya, dahil napaka rare na may isang babae na nagbigay sa kanya ng chocolate ng bigla itong magsalita muli.
"Ms. Julian, pakibigay naman kay Andrew, nahihiya kasi akong iabot sa kanya. Sa totoo lang matagal ko na siyang crush, akala ko kasi, girlfriend ka niya. Kaya hindi ako naglalakas loob. Pero dahil nalaman kong wala naman pala akong dapat ipag-alala. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ito. Salamat ha." Nakangiting wika pa nito na ikinawala ng ngiti ni Julz.
"Sige ako ng bahala, ibibigay ko ito kay Couz." Wika ni Julz at tumalikod na ang babae. Kumaway pa ito sa kanya bilang paalam. Napanguso pa si Julz, ng mapatingin na naman sa chocolate na hawak niya.
'Akala ko bigay sa na sakin. Bakit kaya crush na crush ng mga babae ang tukmol na iyon. Wala namang, kanais nais sa isang iyon. Bukod sa gwapo, mukha namang babaero. Haist.' Wika ni Julz sa sarili at hinayon na ang parking lot kung saan naghihintay si Andrew.
Pagkarating ng parking lot, ay nakita agad niya si Andrew habang nakatayo sa tabi ng kotse nito. Pansin din niya ang isang na galit na galit ang babae, base sa tono ng pananalita nito. Maya maya pa. Tulad ng inaasahan ay isang lumalagitik na sampal ang natanggap ni Andrew.
Napangiwi naman si Julz ng makita ang nangyari sa pinsan. Hinayaan muna niyang makalayo ang babae bago niya nilapitan si Andrew, habang nakatingin sa papalayong babae. Habang hawak ang pisnging sinampal ng babae.
"Ang sakit noon ha. Akalain mong uuwi ako sa bahay ng may tatoo ng palad ang mukha." Natatawang wika ni Julz na ikinailing naman ni Andrew.
"Sinong may sabi sayo na sa bahay ako uuwi? Makikitulog ako sa inyo, wala din naman sa bahay sina mommy at daddy, wala din sa inyo si tito at tita. Patulog ako ha." Wika ni Andrew na ikinasang-ayon na lang ni Julz.
"Sige na nga, pero ano ang dahilan at sinampal ka?" Tanong pa ni Julz.
"Iyon iyong babaeng kinukwento ko sayo kahapon na bigla na lang akong hinalikan. Tapos biglang sinabi sa akin na boyfriend n'ya daw ako. Hindi ko na naman kinontra kasi naman, maganda naman iyong babae. Problema nga lang masyadong wild iyong babae, gusto na agad tumalon sa outer space. Kahit naman ganito ako. Hindi ko naman ugaling kaunting hawak lang nasa ibang dimension na. Bata pa ako sa bagay na iyon. Siguro pag kaya ko na ang sarili ko. Pero hindi ngayon nag-aaral pa ako." Mahabang paliwanag ni Andrew kay Julz na ikinatango naman nito.
"Sino ba ang babaeng iyon? Hindi ko kasi napansin ang mukha, nakatalikod kasi." Tanong pa ni Julz.
"Si Moana iyong sa section five." Sagot ni Andrew.
"Congrats Couz, hindi ka nagpadala sa tukso. Tuso ang babaeng iyon. Balita pa ay madami na daw, you know sa babaeng iyon. Kaya mahirap na baka kung nagkataon napikot ka pa." Tugon naman ni Julz.
"Kaya nga ayaw ko sa mga ganoong babae mahirap na. So tara na, basta sa inyo ako matutulog ha. Papaluto ako ng paborito ko. Tara na." Wika pa ni Andrew na ikina thumb-ups pa ni Julz.
"Okey. Lets go." Sigaw pa ni Andrew at nagsimula na sa pagmamaneho.
Masaya pa silang nagkwentuhan, ng matanaw nila na malapit na sila sa bahay nina Andrew.
Kahit naman magkapitbahay lang sila, ay medyo malayo pa rin ang pagitan ng bahay nila. Wala kasing ibang bahay na nakatayo doon kundi sa kanila lang talaga. Binili ang lupang kinatatayuan ng kanilang mga bahay ng magkapatid na De Vega.
Si Ariston ang panganay sa magkapatid na De Vega, na ama ni Andrew. Habang ang bunso niyang kapatid ay si Amando De Vega na ama ni Julz.
Exclusive lang sa pamilya nila ang halos kalahating parte ng subdivision na iyon. Na kahit nga sabihing magkapitbahay ay magkalayo pa rin.
Nang mapansin ni Andrew na malapit na rin sila sa bahay nina Julz. Saka naman napansin ni Andrew ang natutunaw ng chocolate sa kamay ni Julz, kahit sabihing may air con naman kotse ni Andrew, ay bahagya na itong lumalambot.
"Ano yan? Halos tunaw na ah." Natatawang puna ni Andrew sa hawak na chocolate ni Julz.
"Ah ito ba? Para sayo nga pala ito. Pinabibigay nung mga babaeng may gusto sayo." Wika ni Julz sabay abot sa chocolate na tunaw na ang kalahati dahil sa init ng katawan, ni Julz ay natunaw na sa pagkakahawak.
"Bakit parang naiinis ka? Sayo na lang, alam mo naman na kahit pa gaanong karami ng chocolate ang ibigay nila sa akin, mas gugustuhin kong ibigay sayo. Mahilig ka pa naman dyan." Nakangiting wika ni Andrew ng hindi malaman ni Julz kung bakit bumilis ang pintig ng kanyang puso.
Hindi niya tuloy alam kung bigla lang siyang natuwa, dahil sa chocolate na bigay nito, o dahil sa pagngiti ni Andrew sa kanya.
Ipiniling na lang ni Julz ang kanyang ulo, at hindi na lang pinansin ang nararamdaman. Hindi naman siya pwedeng magkagusto kay Andrew dahil sa kadahilanang sa tunay na buhay ay kuya niya ito. Anak ng tito Ariston niya na kapatid ng daddy Amando niya.
Pagkarating ng bahay nila ay mas nauna pang bumaba si Andrew at naiwan siya sa loob ng kotse. Natawa pa siya sa ikinikilos ng pinsan.
'Parang bata.' Wika pa ni Julz sa sarili. Siya na rin ang kumuha ng susi ng kotse bago siya, lumabas ng sasakyan.
Natawa pa siya ng marinig ang malakas na boses ni Andrew papunta ng kusina. Alam na niya ang gagawin nito. Magpapaluto na nga ito sa kanilang cook ng paborito nitong pork steak, na may pritong patatas.
Pagpasok ni Julz ng kwarto ay nilagay muna niya ang chocolate na galing sa babaeng may crush kay Andrew sa refrigerator na nasa kwarto niya. Tunaw na kasing talaga ito. Pwede na nga gawing chocolate ganache.
Pag kalagay niya ng chocolate sa ref, ay hinayon naman niya ang sariling kama. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit at nag-alis na lang siya ng sapatos at medyas.
Ilang sandali pa lang siyang nakahiga ng bigla namang pumasok si Andrew. Natawa pa si Julz, dahil hindi talaga niya napansin kanina na pagod ito. Masayahin kasi si Andrew.
Tumabi ito ng higa sa kanya pagkahubad ng sapatos at medyas nito. Niyakap siya ni Andrew at pinaunan pa sa kanyang mga braso.
"Gusto kong matulog Julz. Tatawagin na lang daw nila tayo, pag dinner na. Tulog muna tayo. Wag kang aalis sa tabi ko, para makatulog ako. Hmmmm." Wika ni Andrew, na hindi na nagawang ikasagot pa ni Julz ng marinig ang mumuting paghilik nito.
Napangiti na lang si Julz, dahil walang isang minuto, nakatulog na kaagad si Andrew. Yumakap na lang din si Julz kay Andrew, at hinayaan ang sarili na tangayin ng antok ang kanyang kamalayan.