Chapter 6

2006 Words
Busy si Andrew sa mga dapat niyang pirmahan. Nang maabala siya ng tatlong katok sa pintuan. Hindi nama siya tumigil sa ginagawa, at sinabihan lang niyang pumasok ang nasa labas. Narinig lang niya ang pagbukas ng pintuan at hindi pinansin ang pumasok. "Sir, pasensya na po. Need din po kasi ito ngayong araw. Kaya po pinagmamadali nila na mapirmahan." Wika ng sekretarya niya sabay lapag ng ilang folder ng documents sa table niya. Napatingin na lang siya dahil medyo madami talaga siyang trabaho ngayong araw na ito. Naisip din naman muna niyang mag-over time. Bago pa lang ang kanyang kompanya, kaya dapat lang talagang ayusin niya ang trabaho. Ayaw din niyang may masabi ang mga magulang niya, sa desisyon niyang iyon. Kaya gagawin niya ang lahat para mapatatag lang ang itinayo niyang kompanya. Lumabas na rin naman ang sekretarya niya. Ipinagpatuloy naman niya ang kanyang ginagawa ng may kumatok na namang muli. Hindi na naman niya pinansin pa ito, sa pag-aakalang si Sunshine lang ito. Hinayaan lang niyang mauna itong magsalita. "Wala man lang ba akong maririnig na pagbati sa iyo anak? Mula ng tumira ka sa condo mo. Napakadalang na ng pagkakataon na pumunta ka ng bahay. Isa pa anak, buhat ng nangpatayo ka ng sarili mong kompanya. Nakalimutan mo na din yata na sayo din mapupunta ang kompanya na itinatag ng daddy mo." Malumanay na wika ni, Ariana De Vega, ang mommy ni Andrew, na kababakasan mo ng tampo. Si Andrew naman ay napatigil sa ginagawang pagrereview ng mga papeles na dapat pirmahan, at hinarap ang mommy niya. "Mom busy ako. Pero kahit busy ako pinipilit kong dumalaw sa bahay. Kaya lang kahit busy ako mas busy kayo ni daddy. Hindi nga tayo nagkikita sa bahay, kahit nagstay ako doon. Ni hindi nga yata ninyo nalaman na doon ako natulog, last week." "Alam ko iyon anak. Dahil akala ko kasama mo ang pinsan mo noon. Kaya tinawagan ko si Zusainne para itanong kong nakita ka niya. Kaso mas busy pa yata sayo ang bata na iyon, buhat ng makapasa sa licensure exam anak. Pero Andrew pwede bang schedule natin ngayon ang pagdalaw mo sa bahay. Bali hindi talaga sa bahay. Sa resto anak. May reservation ako." Mahinahong wika ni Mommy Ariana sa anak. Napakunot naman si Andrew sa turan ng ina. Dahil ang malungkot nitong boses ay napalitan bigla ng saya. "Anong niluluto mo mommy? May nararamdaman akong hindi maganda. Pakiramdam ko binebenta ninyo ako." Tanong agad ni Andrew ng lapitan siya ng ina. "Anak, dumating ang kaibigan ko galing Singapore, kasama ang anak niyang modelo. Hindi ka na sa pabata Andrew. Ganoon din si Louise. Kaya naman nagset kami ng date para sa inyong dalawa." "Mom ayaw ko. Busy ako at wala akong panahon sa pakikipagdate." Inis na sagot ni Andrew. "Anak naman, ngayon lang naman. Malay mo mag click kayo. Please na naman anak. Hmmmm." Malambing na panunuyo pa ng mommy niya, ng may kumatok muli sa may pintuan, at pumasok ang sekretarya ni Andrew na may bitbit na tray na naglalaman ng dalawang orange juice, dalawang tasa ng kape, bottled water at sandwich. "Boss hindi ko po alam ang gusto ni Mrs. De Vega, kaya naman po, ito." Sabay lapag sa may table, sa recieving area ng opisina ni Andrew. "Thank you, Sun." Tumango lang ito, bago muling lumabas ng opisina. "Balik tayo Andrew. Pagbigyan mo na ang mommy mo. Please." "Mom." "Kung hindi ko alam na kung sino-sino ang di-ni-date mong bata ka. Baka nga isipin kong ayaw mo, at hindi ka pa ready sa commitment. Pero sa mga nababalitaan ko. Kung sino-sino na lang Andrew. Baka mamaya madami na pala akong apo, sa kung kani-kanino. Tapos magkakaiba ang ina. Wag kang ganyan Andrew. Hindi ko pinangarap na magkaapo sa iba't ibang babae. Kaya makikipagkita ka kay Louise, Andrew De Vega. Maliwanag!" "Mom!" Reklamo pa niya ng itaas ng mommy niya ang kamay nito. "Pagbigyan mo na ako ngayon Andrew. Kung ayaw mo naman, si Zusana na lang ang kakausapin ko. Kung pwede kong ireto si Zusainne sa anak ng kaibigan ko. Pareho kaming walang maasahan sa inyong magpinsan." Akmang aalis na ang mommy niya ng pigilan niya ito. "Okey mom. Just tell me the time and address ng restuarant at pupunta ako." Wala ng nagawa si Andrew kundi sundin ang nais ng mommy niya. Alam naman niyang hindi rin siya titigilan nito. Pati si Julz, naiisip pang idamay ng mommy niya sa gusto nito. Kaya naman sumang-ayon na lang din siya sa nais nito. Matapos ang office hours ay nagtungo na si Andrew sa condo niya. Hindi na niya ginawa ang nais niyang pag-oovertime sana. Nais niyang doon na lang muna ubusin ang oras sa condo niya. Habang hinihintay ang oras ng pakikipagtagpo niya sa babaeng nais ipakilala ng mommy niya sa kanya. Nakahiga siya sa kama, ng makatanggap ng text sa mommy niya, kung saang restaurant sila magkikita ni Louise. Nang malapit na ang oras, ay inayos na rin ni Andrew ang sarili. Ayaw naman niyang magmukhang ewan sa harap ng anak ng kaibigan ng mommy niya. Alam niya sa sarili niyang marami na siyang nakakadate. Pero may pagkakataon talaga na pag-ayaw niya. Ayaw niya. Pero sa pagkakataong ito. Napilitan ng talaga siya. Napatingin si Andrew sa pambisig niyang relo, at maaga pa rin siya ng sampong minuto sa oras na pinag-usapan. Pumasok siya ng restuarant at masasabing niyang, simple but elegant ang napili ng mommy niya. Matapos ituro ng waiter ang table nila, ay naghintay lang siya ng ilan pang minuto, ng may pumasok sa entrance ng restuarant na iyon na isang simple at magandang binibini. Masasabi niyang, nakakaagaw talaga ng pansin ang babaeng pumasok. Dahil kahit siya ay talagang napahanga dito. Tama lang talaga kung, ito nga ang hinihintay niya. Sabi naman ng mommy niya ay modelo ito, at bagay naman talaga dito ang propesyon. Hindi naman napansin ni Andrew na medyo napatagal ang pagkatulala niya sa babae kaya naman hindi niya napansin na nasa harapan na pala niya ito. "H-hi." Nauutal na bati ni Andrew, habang nakatingin sa mukha ng babae. Bigla niyan naalala na nakatayo nga pala ito. Kaya naman napatayo din siya bigla at ipinaghinila niya ito ng upuan. "Have a sit." Masuyo niyang wika. Naupo naman ang dalaga. Napatingin pa si Andrew sa mukha nito na ikinagaan naman bigla ng kalooban niyan. "Hi. I'm Maria Louise Acuzar." Nakangiting pakilala nito sabay abot ng kamay. "Oh. I'm sorry. Hindi ako agad nakapagpakilala. Andrew De Vega." Sabay tanggap sa kamay ng babae. "By the way. Gusto mo ba itong, date keneme na ito? Getting to know each other na ipinagpipilitan ni mommy at ng mommy mo? Don't be offended. You're too handsome and I can't expected that. Akala ko kasi ay napaka plain mo lang kasi at your aged wala ka pang girlfriend. Kaya naman hindi ko inaasahan na gwapo ka talaga. Na mas gwapo ka pa sa inaasahan ko." Natatawang paliwanag ng babae kay Andrew. Napatingin naman si Andrew sa mukha nito at masasabi niyang, walang kapintas-pintas ang mukha ng babae. Napatikhim naman bigla si Andrew sa sinabi nito. Akala niya ay boring kausap ang babae. Lalo na maganda talaga ito at napakasopistikada kung titingnan. Hindi din ito makabasag pinggan sa pagkilos. Hindi na muna nakapagsalita si Andrew ng lapitan sila ng waiter. Binigay naman nila ang order nila dito at umalis na ito. "By the way, thank you for the compliment. Ikaw bakit ka pumayag na makipagkita sa akin? Sa ganda mong iyan, hindi ako naniniwalang wala kang boyfriend. You're too beautiful than I expected. Hindi ko akalaing kasing ganda mo, ang ipapakilala sa akin ni mommy. So why you agree for this date?" Tanong ni Andrew na bigla itong umayos ay bumuntong hininga. "I have a partner." Panimula nito. Nakikinig lang naman si Andrew kung ano ang sasabihin nito. "But he's married." Bagay na ikinagulat ni Andrew. "What? Why?" "Don't judge me okey." Wika nito na tumango lang si Andrew. "We need more time to settle his divorce. Three years ago, he caught his wife cheated, sa loob pa mismo ng bahay nila. Noong una itinanggi ng asawa niya. Kahit huling-huli na sa akto. His wife, and the guy have s*x on their room. Pero sa korte hindi naman napakinggan dahil mas mayaman iyong babae. Wala naman siyang hawak na ebidensya. Maliban sa nakita niya. Kaya tumagal ng tumagal ang process. Hanggang sa nagkaroon siya ng copy, kahit pangit tinginan, nakakuha siya ng video ng asawa niya at ng kinakasama nito na nagse-s*x. Kaya naman ngayon ilang buwan na lang ang hihintayin namin, para tuluyan na silang maghiwalay." Mahabang paliwanag ni Louise, ng dumating na ang pagkain nila. Inayos naman muna ang table. Nagsimula na silang kumain ng magsalita si Andrew. "Ano naman ang dahilan ng pagpayag mo sa date na ito. Sa nga pala. Di ba sabi mo may asawa ang partner mo? At partner mo siya so it means you two do it too? So nauna man iyong asawa n'ya, nagcheat din siya. Kasi nga partner na kayo. Nagsasama na kayo sa Singapore?" Tuloy-tuloy na tanong ni Andrew na nagpatigil sa pagsubo ni Louise "Ang judgemental mo talaga. Pumayag ako sa date na ito, kasi need ko ng kausap at hindi ng taong mapanghusga." Ani ni Louise na akmang tatayo ng pigilan ito ni Andrew. "Hey relax. I'm a friend, promise. Maupo ka na ulit. Sayang ang pagkain. Kung aalis ka, hindi ko mauubos ito. May anak na ba sila?" Seryosong tanong ni Andrew. "Wala. Kasi, her wife, I mean ex-wife, used contraceptives. Noon una akala niya, kasi baka hindi pa lang ready magkaanak. Pero hanggang sa malaman nga niya ang kalokohan nito." "So what do yo want me to do? Don't tell me, trip mo lang may maipakita na may ka date kang iba? Oh hindi mo na sinagot ang tanong ko kanina. Wag ka ng mag-isip kung ano ang tanong ko. Iyon iyong sinabi mong judgemental ako. Kahit hindi naman." Wika ni Andrew sabay subo ng pagkain niya. "Hindi ah. I'm 100% pure and innocent pa. Siya lang iyong first boyfriend ko. To the point na alam kong may asawa siya noon, bago naging kami last year. Tapos nagkakasama nga kami sa iisang bahay. Pero hindi literal na magkasama. Magkaiba kami ng kwarto, at ginagalang niya ako. Kaya naman mas lalo ko siyang minahal. Alam din niya itong date natin na ito. Sabi niya pagbigyan ko ang mommy ko. Para naman daw hindi sumama ang loob. Tapos iyon nga pumayag ako kasi gusto kong may mapagsabihan ng nasa sa loob ko. Sasabihin din naman namin ang relasyon namin. One year after ng divorce niya." Mahabang paliwanag ng babae at nagtuloy-tuloy din ito ng pagkain. "So gusto mo lang palabasin na may dini-date ka para naman hindi ka na pilitin ng mommy mo, na mag-asawa kasi nga hinihintay mo ang boyfriend mo, na makawala sa kasal niya. Tapos habang nagtatagu-taguan kayo, naisip mong makita nila na mayroon kang, ka getting to know each other na, para hindi ka na biglain sa kasal na nais nila?" Tanong ni Andrew na tatango-tango lang si Louise sa kanya. "Oh Jesus! Talagang naisip mo pa yan?" Mahinang singhal ni Andrew dito. "Please naman oh." "Okey sige, as your friend. Ngayon lang ako nag-offer ng friendship ha. Kasi bilang sa daliri ng isa mong kamay ang kaibigan ko. Ipakilala mo ako sa boyfriend mo. Dahil ayaw ko ng gulo. And I have a secret that I want to tell you. Dahil tutulungan kita. Gusto ko lang gumaan ang pakiramdam ko. Deal?" "Oo naman. Ipapakilala kita. Ayaw ko din ng misunderstanding sa pagitan naming dalawa. And about your secret. I assure you. It's one hundred percent safe." Wika ni Louise na nagpromise sign pa. Tahimik lang si Andrew habang nagtitipa sa cellphone niya. Habang naghihintay si Louise ng sasabihin niya. Nang matapos si Andrew sa ginagawa ay iniharap ni Andrew ang cellphone niya dito. Tahimik lang naman si Louise sa pagbabasa ng bigla itong mapatingin kay Andrew na may halong gulat. "Oh my God!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD