Chapter 3

2252 Words
Nasa may garden lang si Julz, ng walang anu-ano ay nagtungo ang mommy Zusana niya, sa tabi niya. Hindi naman ito galit, pero mahahalata ang mukha ang pagiging dismayado. Huminga muna ito ng malalim, bago naupo sa katapat niyang upuan. Mula naman sa may glass wall ay nakita din niya ang daddy niya. First time iyon na makita niya ang mommy at daddy niya na magkasama sa bahay. Tapos siya pa ang unang pinuntahan ng mommy niya. Nakita din niya sa kilos ng daddy niya na napabuntong hininga ito ng mapansing nakatingin ito sa kanya. Ilang sandali pa ay umalis na rin ito sa pwesto. Napansin din pala ng mommy niya kung saan siya nakatingin, kaya naman nakita din nito ang pag-alis ng daddy niya, sa pwesto nito na nakaharap sa kanila. Na sa tingin ni Julz ay patungong library ang daddy niya. "Zusainne, anong nangyari sayo? Akala ko ba napag-usapan na natin na, ikaw ang magpapatuloy ng business na itinayo ng daddy mo. Pero bakit pagiging physician doctor ang kukuhanin mong kurso? Akala ko ba, magkasabay kayo ni Andrew at ayaw ninyong mawalay sa isa't isa. Pero ngayong college pa talaga kayo naghiwalay. Anong problema Zusainne? Hindi ka naman mahihirapan sa pag-aaral dahil pareho sanang kurso ang kukunin ninyo ng pinsan mong si Andrew. " May tampong wika ng mommy niya na ikinabuntong hininga ni Julz. "Mom, matagal ko ng pangarap na maging isang doktor. Hindi ko nga hinangad ang ibang bagay. Dati gusto kong maging cardiologists, gusto ko sanang subukang mag-opera ng mga taong may sakit sa puso. Hanggang sa naisipan kong bakit kaya hindi pagiging neurologists na lang ang kunin ko. Pero noong nasa third year na ako Mom, naisip kong mas gusto ko pala talagang maging isang physician doctor. Hindi ako makukulong sa ospital at pwede pa akong magpatayo ng sarili kong clinic. Pwede akong magtungo sa iba't ibang lugar para naman makatulong sa mga kababayan natin, na hindi kayang ipagamot ang sarili, dahil sa kakulangan sa pera." Saad ni Julz na ikinahawak naman ng mommy niya sa kamay niya. "Anak paano ang negosyo natin? Alam mo namang ikaw lang ang inaasahan ng daddy mo na papalit sa kanya pagdating ng araw. Kaya sana wag sasama ang loob mo sa daddy mo. Alam kong mararamdaman mo na nagtatampo iyon sa nalaman namin. Pero sana maintindihan mo din ang daddy mo sa nararamdaman niya." Malungkot na wika ng kanyang ina. "Mom, ang bata pa kaya ninyo ni daddy, para isipin ang pagpalit ko bilang mamamahala ng kompanya. Mahaba pa ang panahon. Pagbigyan n'yo din ako sa gusto ko ngayon please mom. Malay ninyo pagdating ng araw, makapangasawa ako ng businessman. Di s'ya na ang mamamahala ng kompanya natin, habang ako ay isang doktor." Wika pa ni Julz na pilit pinasasaya ang boses. Nais din kasi niya na maintindihan siya ng mommy niya. Napabuntong hininga na lang si Zusana dahil sa sinabi ng kanyang anak. "Ikaw ang bahala, pero sana naman anak, pagdumating ang panahon na may hilingin kami sayo, sana pagbigyan mo. Hmmm. Sa ngayon ako na lang muna ang magpapaliwanag sa daddy mo. Dahil tulad ko. Nagtatampo din talaga iyon dahil sa desisyon mo. Pero wala akong magagawa, dahil malapit na ang pasukan, ngayon lang namin nalaman. At isa pa may kasalanan din kami, kung hindi ka namin hinayaan, baka kasama ka din ni Andrew kung saan siya mag-aaral at hindi sana pagdodoktor ang kurso mo ngayon." Wika ng kanyang ina, na ikinabuntong hininga din ni Zusana, na ikinatango na lang ni Julz. Ilang pag-uusap pa ang nangyari sa kanila ng mommy niya, ng magpasyang pumasok ang mommy niya sa loob ng bahay. Ito na daw ang kakausap sa daddy niya. Aayain din ng mommy niya ang daddy niya sa labas, para naman gumaan daw ang loob nito, na ikinasang-ayon naman niya. Makalipas ang ilang minuto, mula ng pumasok ng bahay ang mommy niya, ay lumabas na ang mga ito. Narinig pa niya ang ugong ng papalayong sasakyan. Napangiti pa siya, kahit nalulungkot ang kalooban niya. 'Sana naman, makumbinsi ni mommy si Daddy na hayaan na akong magdoktor. Dahil kung hindi baka ngayon lang pumayag at sa susunod na taon, palipatin pa ako ng kurso, pati school. Hay.' Wika na lang ni Julz sa sarili. Napatingin na lang siya sa mangilang ngilan na halaman na nandoon sa garden nila. Wala kasing masyadong tanim ang garden nila. Lalo na at hindi nan iyon naaasikaso ng mommy niya. Ang mga katulong lang ang nagpipilit bumili at magtanim ng halaman doon kahit papaano. Kaya naman ngayon, kung titingnan ang garden nila. Nagkakaroon na rin ng kaunting kulay dahil sa ilang halaman na namumulaklak na. Nandoon pa rin siya sa garden ng dumating naman si Andrew. Masaya lang siyang makita palagi ang pinsan. Lalo na at ito lang madalas ang kakampi niya sa mga desisyon niya sa buhay. Ito lang din ang nagpapalakas ng loob niya sa panahong nahihirapan na siya. "Parang ang saya natin ngayon ah? Anong meron?" Tanong ni Julz ng makalapit si Andrew sa tabi niya. "Wala naman. Nakita ko pala si Ireen sa mall. Naaalala mo? Iyong nasa section two?" Tanong din ni Andrew na ikinatango naman ni Julz. "Bakit anong meron sa haliparot na iyon? Nga pala, wala ba akong pasalubong galing ka pala sa mall?" Balik tanong muli ni Julz. "Girlfriend ko na si Ireen ngayon. Kaya wag kang masyadong mainit ang dugo doon sa tao." Sagot ni Andrew na ikinagulat ni Julz. "Eh? Sa daming babae. Iyon pa talagang babae na iyon!?" Inis na wika ni Julz. Na ikinalapit ni Andrew sa upuan ni Julz, at tinabihan ito. Niyakap naman ni Andrew si Julz, na ikinakalma naman ni Julz. Dahil talagang naiinis siya sa mga babaeng maaarte na nagkakagusto sa pinsan niya. "Sabi ng wag ng mainis. Hindi ko naman niligawan. Nung nagkita kami. Hinalikan agad ako sa pisngi at kami na daw. Wag ng magalit, may pasalubong ako sayo. Kaso hindi ko sa mall binili. Dyan lang sa tabi-tabi. Nasa kusina na, tara." Wika ni Andrew na ikinasimangot lalo ni Julz. "Di ba ang landi lang ng babae na iyon. Bahala ka na nga. Ano bang pasalubong mo? Para naman mawala inis ko sayo at sa haliparot na iyon. Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko iyang mga binili mo sa tabi-tabi ha." Saad ni Julz na ikinatawa ni Andrew. "Ikaw talaga. Inis na inis pero pag pagkain ang usapan, lumalambot." Wika ni Andrew, habang hawak ang kamay ni Julz. Wala namang nagawa si Julz, dahil hindi binitawan ni Andrew ang kanyang mga kamay, hanggang sa makarating sila ng kusina. Inaayos naman ng isang katulong ang mga, pick-a pick-a na pasalubong ni Andrew. Isa-isa nitong inaalis sa mga plastic ang mga pagkain at inilalagay sa bawat plato. Mayroong, kwek-kwek, calamari, siomai na madaming fried garlic, chili oil, toyo at kalamansi. Meron ding, siopao, chicken na galing sa paborito niyang fastfood at burger. Matapos namang iayos ng katulong nila ang pagkain ay, ang ibang balot pa ng pagkain na hindi pinagalaw ni Andrew ay ipinadala niya dito, para mameryemda din ng mga kasama nito, na lubos na ipinagpasalamat ng katulong nina Julz. Nang makaalis ang katulong ay binalingan naman ni Julz si Andrew. Binigyan naman niya ng napakatamis na ngiti ang pinsan, na parang ngayon lang makakakain ng mga ganoong klase ng pagkain. "Ibang klaseng ngiti yan ah." Nakangising wika ni Andrew na ikinalapit ni Julz dito at niyakap si Andrew. "Alam na alam mo talaga kung paano ako masusuhulan noh? Pero kahit ganoon, sige na, hindi na ako maiinis. Salamat dito. Grabe ang dami. Kaya mahal na mahal kita eh." Masayang wika ni Julz, at binitawan na si Andrew at masayang pumwesto sa may hapag at nilantakan na ang mga pagkain. Puno pa ang bibig, pero hindi mapigilan ni Julz ang magsalita. "Thank you talaga couz. Alam kung magiging busy na tayo at hindi palaging magkakasama, pagnagstart na ang pasukan. Pero sana, magkaroon ka pa rin ng time na pakainin ako palagi." "Julz. Okey ka lang?" Natatawang tanong ni Andrew na ikinatango ni Julz sabay subo ng kwek-kwek. Nailing na lang si Andrew sa inasal ni Julz, na akala mo ay ngayon lang nakakain ng mga street foods, na halos naman noong pasukan ng buong high school madalas nila iyong ginagawa ang magfood trip. "Oo na basta may pagkakataon, ilalaan ko sayo ang oras ko, para makakain tayo ng mga ganito. Ang takaw mo talaga." Natatawang wika ni Andrew habang panay pa rin amg kain ni Julz. "Hindi na baling matakaw, mahalaga hindi naman gutom." Saad pa ni Julz na ikinatawa lang nilang pareho. Mabilis lang lumipas ang mga araw. Simula na ng klase sa kolehiyo. Para kay Julz, sobrang nakakapanibago. Katulad din ni Andrew. Naninibago sila pareho. Hindi naman pwedeng petiks lang. Sabi nga, ito ang tunay na simula ng pag-aaral. College life. Busy life. Maagang inayos ni Julz ang mga gamit niya na dadalhin para sa first day of school. Pakiramdam niya ay grade one student siya na excited pumasok sa school. Nakaharap siya sa kanyang whole body mirror, habang inaayos ang uniform niya. Nakangiti talaga siya sa sobrang excited. Pero nalungkot din, dahil first time niyang hindi kaklase si Andrew, higit sa lahat, hindi pa niya kasama sa school. Napapitlag pa siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Napangiti pa siya ng makita ang pangalan ni Andrew na siyang tumatawag. "Hey, couz. Hindi ka pa ba gumagayak. Halos same lang ang oras ng first subject natin ah. Galaw na baka malate ka pa." Wika ni Julz na ikinatawa ni Andrew. "Ano tinatawa-tawa mo?" Naiinis na tanong ni Julz. Dinampot na niya ang kanyang bag, at nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto niya. "Umalis na driver ninyo, tumawag si Tito Amando, ipinapasundo si Tita Zusana sa airport. Bilisan mo na ang paglalakad. Ako na maghahatid sayo. Kaya ko namang makarating sa school, ng hindi malalate, maliban na lang kung magmamabagal ka pa ngayon." Wika ni Andrew na ikinalaki ng mata ni Julz. Kaya naman binaba niya kaagad ang tawag, at mabilis na hinayon ang palabas ng bahay. Nakita niya kaagad ang kotse ni Andrew sa labas ng gate. Kaya naman mabilis niya itong tinungo. "Bakit ikaw pa ang nagprinsintang maghatid sa akin, baka malate ka. Magkapareho pa naman ang oras ng unang subject natin sa umaga. Pwede naman akong mag bulk ng taxi." Wika ni Julz ng makapasok sa kotse ni Andrew at naupo sa passenger seat. "We had one more our, pa before ang klase natin. Kaya maiihatid pa kita sa school mo. Wag kang mag-alala hindi ako malalate." Tugon lang ni Andrew na ikinangiti naman ni Julz. Mabilis silang nakarating sa school ni Julz. Bababa na sana si Julz, ng hawakan ni Andrew ang kamay niya. Napatitig naman si Julz dito. "Wag kang hahanap ng boyfriend mo dito ha. Pag-aaral ang unahin, at hindi ang paghahanap ng boyfriend okey." Bilin pa ni Andrew na ikinaawang ng labi ni Julz. "Daddy ba kita?" Natatawang tanong ni Julz. "Basta ipangako mong hindi ka magbo-boyfriend. Hmmm." "At ikaw pwedeng mag-girlfriend ganun?" Nakataas ang kilay na wika ni Julz. "Magkaiba naman sitwasyon natin. Hindi ko naman sila niligawan. Sila lang, nagsabi na girlfriend ko na sila so ayon. Hinayaan ko na lang. Basta mangako ka na na hindi ka magbo-boyfriend dito ha." Mariing wika pa ni Andrew na ikinabuntong hininga na lang ni Julz. "Okey, promise. Hindi ako maghahanap ng boys dito sa school. Ang hahanapin ko ay magandang opportunity para sa future career ko. Happy?" Tanong ni Julz na ikinangiti naman ni Andrew ng sobra. "Happy." Maikling sagot ni Andrew, pero para sa kanya, sapat na iyon, para masabi ni Julz na masaya talaga si Andrew sa narinig sa kanya. Bababa na sana ni Julz ng sasakyan, dahil binitawan na ni Andrew ang kamay niya, ng may maisip siyang sabihin. "Alam kong babaero ka, pero pwede bang ibreak mo na si Ireen. Naiirita talaga ako pag kasama mo ang babae na iyon." Wika ni Julz na ikinatango na lang ni Andrew. "Promise? Ang bilis mo namang pumayag?" Takang tanong ni Julz dito. "Opo nga, promise. Wag kang mag-isip. Dahil noong una pa lang alam kong tinitiis mo lang ugali ni Ireen, pagkasama ko siya, at kasama din kita. Kaya wag kang mag-alala makikipagbreak na ako. Ngayong araw din. Promise. Kapalit ng hindi mo pagbo-boyfriend, okey." Sagot ni Andrew na bigla niyang ikinagulat ng halikan siya ni Julz sa labi. Mabilis lang iyon, pero parang kinuryente ang puso niya. "P-para s-saan y-yon?" Nauutal na tanong ni Andrew na ikinatawa ni Julz. "Parang ngayon ka lang nahalikan ah. First kiss mo? Hindi bagay sayo ang magulat. Luma na kasi ang pinky swear. Kaya naman I sealed our promise with a smack. Hindi ako hahanap dito ng boyfriend, at ibreak mo na si Ireen. Okey. Bye na ingat sa byahe. Pasok na ako. I love you couz." Paalam ni Julz na ikinakaway lang ni Andrew dito. Hindi naman kaagad nakapagsalita si Andrew dahil sa gulat sa ginawa ng pinsan niya. Ilang minuto pa ang itinagal ni Andrew sa harap ng gate ng school ni Julz, bago niya napagpasyahan umalis. "Hay, ang babaeng iyon talaga. Hindi ba niya alam, sa mga ginagawa niya ang laki ng epekto sa akin? Anong akala n'ya sa akin bato? Hay naku. Mag-aral kang mabuti Julz. Dahil pagbubutihan ko din ang pag-aaral ko, para sa -----. Basta malalaman mo rin." Wika ni Andrew sa sarili. Habang mabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan. Dahil fifteen minutes na lang simula na rin ng first subject niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD