Chapter 2

2104 Words
Muntik na talagang malate si Julz at Andrew sa third subject nila, kung hindi lang na late ng ilang minuto ang professor nila. Wala kasing pasok talaga ang first at second subject nila, kaya naman nakapag exam si Julz sa medical school. Naging maayos naman ang maghapon nila, maliban na lang sa ibang year at ibang section na nagkakagulo kay Andrew. Hindi naman literal na pinagkakaguluhan, kaya lang palagi na lang siyang tinatanong kung may girlfriend daw ba si Andrew or may nililigawan. 'Hindi pa ba mauubos ang mga babaeng nagkakagusto sa tukmol na iyon? Nakakasawa na ha. Sasakit na ngipin ko sa mga chocolate na natatanggap nito. Hindi naman kinakain, baka daw may gayuma.' Wika pa ni Julz sa isipan, habang sinimulan na namang kainin ang chocolate na bigay noong mga batang paslit na freshman. Naglalakad lang si Julz, patungong parking lot kung saan palagi siyang hinihintay ni Andrew. Nang may matanaw siyang grupo ng mga kalalakihan, na parang may hinihintay. Wala naman siyang balak pansinin ang mga ito, iyon nga lang ng lalampas na siya sa mga ito ay humarang sa harapan niya ang sa tingin niya ay leader ng grupo. Hindi niya kilala ang mga kalalakihang iyon, lalo na at sa tingin niya ay sa ibang school ang mga ito nag-aaral. "Hi, Missy. Alone?" Nakangising tanong sa kanya ng lalaki na ikinangisi naman ni Julz. "Nope. You don't see the man beside me? His my boyfriend you know. Hey honey, they want to know you." Wika ni Julz na kunwari ay nag-abresyete pa sa katabi. Nagkatinginan naman ang mga magkakasamang lalaki na nakangisi pa, sa kanya. "Pinaglololoko mo ba kami, Miss? Wala naman kaming nakikita na kasama mo, ah" Wika ng isang lalaki, habang ang isa naman ay wari mo ay nagulat. "Oh my bad. You really don't see him? I forgot to introduce him to you guys. This is Franklin my boyfriend." Pakilala ni Julz, sa lalaking hindi naman talaga nakikita ng mga humarang sa kanya. Nang muling magkatingin, ang mga ito at mabilis na kumaripas ng takbo. "Haist! Mga duwag naman pala. May kilala ba silang Franklin?" Tanong na lang ni Julz at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakita na lang ni Julz, na nakaupo si Andrew sa hod ng kotse nito, na busy sa paglalaro. "Ang tagal mo. Kanina pa ako dito. Sabi mo mag banyo ka lang." Tanong ni Andrew na ikinabagsak ni Julz sa gamit niya sa back seat. "Hindi mo kasi ako hinintay, hinarang tuloy ako ng mga walang magawang taga ibang school." Wika ni Julz na ikinatigil ni Andrew sa paglalaro. "Nasaktan ka ba? Nasaan na ang mga iyon? May ginawa bang masama sayo?" Nag-aalalang tanong ni Andrew na ikinangiti naman ni Julz. "Nope, hindi naman ako nasaktan. Ipinakilala ko lang sa kanila si Franklin na boyfriend ko. Ayon nagtatakbo." Nakangising wika ni Julz na ikinatawa ni Andrew. "Ang dami mo talagang kalokohan. Halika na nga, umuwi na tayo." Pag-aaya ni Andrew na ikinasakay na nila sa sasakyan. "May kilala ba silang Franklin? Ikaw may kilala ka ba?" Natatawang tanong ni Julz, na ikinatawa ko Andrew. "Meron, pero hindi literal. Meron daw kasing naaksidente dito sa school, tapos wala ng buhay ng makita, at nagpaparamdam daw dito. Franklin daw ang pangalan. Kaya siguro natakot sila." Wika ni Andrew na ikinagulat ni Julz. "Sorry Franklin. May God Bless your soul. Sorry to mention your name. It's not my intention, to make a joke with your name. Sorry." Wika ni Julz, na biglang napasign of the cross pa. Hindi naman nagbigay ng komento si Andrew. Dahil kahit madaming kalokohan si Julz sa katawan. Alam naman nito, kung kailan talaga ang dapat magbiro, at kailan dapat magseryoso. Habang nasa byahe, ay bigla na lang may pumasok sa isipan ni Julz na tanong para kay Andrew. "Couz, anong ideal girl mo? Iyong tipong babae na nais mong makasama sa buhay?" Seryosong tanong ni Julz na ikinangiti naman ni Andrew. "Yang ideal girl ko? Iyong babaeng kayang lampasan ang katangian na meron ka." Nakangiting wika ni Andrew na ikinataka naman ni Julz. "Ang labo ng description mo ha. Wala namang special sa akin." Wika ni Julz na ikinatawa lalo ni Andrew. "Wala nga. Kasi special child ka. So ayon." Ngising wika ni Andrew na ikinahampas naman ni Julz sa braso nito. "Ewan ko sa iyong Andrew ka. Madami kang kalokohan sa katawan. Bw*sit ka!" Inis pang wika ni Julz, na naging dahilan para maging mas maingay ang byahe nila. Inihatid lang ni Andrew si Julz sa bahay ng mga ito, dahil uuwi naman daw ang mommy at daddy ni Andrew, para naman daw kahit papaano ay makasabay siya ng mga ito sa dinner. Nalungkot naman si Julz, dahil matangal na ng huli niyang nakasama ang mga magulang ng dinner, dahil sa sobrang busy ng mga ito. Isinasama naman siya ni Andrew sa bahay, na tinanggihan na lang ni Julz, dahil babawi naman daw ito ngayon ng pahinga, dahil sa puyat noong nagdaang gabi. Laging ganoon lang ang naging routine nila. Papasok ng sabay, uuwi ng sabay. Minsan matutulog sa bahay nina Andrew, or matutulog sa bahay nina Julz. Hanggang sa dumating na nga ang graduation. Wala silang kasamang magulang. Out of the country ang magulang ni Andrew, habang nasa business trip naman ang mga magulang ni Julz. Masasabi nilang hindi naman sila pinapabayaan ng mga magulang, dahil lahat naman ng pangangailangan nila ay naiibigay ng mga magulang nila. Pero ang atensyon na dapat ay makuha nila sa mga magulang, ay hindi nila maramdaman. Palagi na lang trabaho, trabaho, at negosyo kung negosyo. Magkasabay silang naglalakad si Andrew at Julz, habang tumutugtog ang graduation march. Kahit papano, hindi naman nakakailang na wala silang kasama na magulang. Dahil, lahat ng graduating students ay by partner. Magkahawak lang sila ng kamay habang naglalakad, walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. Pinagtitinginan lang sila ng iba, na wari mo ay sinusuri ang pagkatao nilang dalawa. Wala naman silang ginagawang masama. Dahil sa mga taong nakakakilala sa kanila ay alam ng mga ito na para na silang magkapatid. Kaya naman kahit, naging mapanuri ang tingin sa kanila ng iba, na parang nanghuhusga. Walang ibang mas mahalaga sa kanila, kundi ang pagiging komportable sa isa't isa. Si Andrew ang nagsabit ng medalya kay Julz, ganoon din si Julz dito. Napuno pa ng biruan sa loob ng function hall, dahil sa sweet na kilos ng dalawa, pero, nakisabay lang sila ng kulitan at, biruan pati sa mga naging guro nila, hanggang sa matapos ang seremonya ng kanilang pagtatapos. Naglalakad sila patungong kotse, harangan sila ng ilang kababaihan. Binati lang ng mga ito si Andrew, tapos ay iniabot kay Andrew ang regalo ng mga ito kay Andrew na bulaklak at chocolate. Matapos namang maiabot ng mga babae isa-isa ang regalo nila, ay isa-isa na ring nagpaalam ang mga ito. Pagpasok nila ng sasaktan, ay rinig na rinig ang malalim na pagbuntong hininga ni Julz. "Lalim nun ah? Anong meron? Wag mong sabihin na naiinggit ka sa akin kasi ako lang binigyan ng mga taga hanga ko ng chocolate with flowers pa." Nakangising wika ni Andrew na ikinahampas dito ni Julz. "Ang galing mo din. Hindi noh. Pati sa akin din naman mapupunta lahat ng mga chocolate na bigay nila, kaya wag kang mag-alala. Your welcome." Nakangising wika ni Julz na ikinatawa din naman ni Andrew. "Puro ka kalokohan, pero sabagay, sayo din naman talaga napupunta yan. Baka may gayuma. Mahirap na." Sabay tawang wika ni Andrew, habang nakangisi lang si Julz. "Ang kapal ha. Feeling mo naman?" "Abay syempre, walang mag-aabala na hintaying matapos ang graduation ceremony, at abangan ako sa labas para lang magbigay ng flowers at chocolate kung hindi ako gwapo." Confident na wika ni Andrew na ikinatawa na lang ni Julz. "Oo na lang. Kakahiya naman sa malaki mong confidence sa katawan." Pagpayag na lang ni Julz. "Pero seryoso, bakit ka nalungkot. Although malungkot naman talaga. Same tayong walang kasama. Pero ang lalim ng buntong hininga mo eh. Wag mong sabihin na naiinggit ka sa mga classmate natin na kasama nila ang mga magulang nila ngayong graduation. Kung iyon lang naman ang dahilan. Wag ka ng malungkot pareho naman tayo eh. Okey." Wika ni Andrew na kahit nalukungkot din ay nagawa pa nitong tumawa. "Sira, ka! Alam ko naman at tanggap ko naman na walang oras si mommy at daddy sa akin. Puro na lang ba trabaho, negosyo, nakakapanawa na. Gusto ko ding maranasan, pag-aalaga nila. Kaya naman ngayon susuwayin ko sila. Talagang masaya ako sa napili kung kurso. Gusto ko talagang makasalamuha ng ibang tao, at para na rin makatulong sa mga mahihirap nating mamamayan, na walang pera para maipacheck up ang sarili. Sure ako dun na hindi ako mag-iisa. Dahil kasama ko ang ating kababayan. Nakakaexcite lang." Wika ni Julz na kakikitaan ng kinang mga mata pag nababanggit ang pagdodoktor nito. "Tama yan, tupadin ko ang pangarap mo. Nandito lang ako para sayo. Ako ang kauna-unahang susuporta sa lahat ng naisin mo sa buhay. Hmmm. Maging masaya kà na." Sambit ni Andrew na ikinangiti ni Julz. Pinaandar na naman ni Andrew ang sasakyan, habang, masaya pa rin na nagkukwento si Julz para sa pangarap niya, ng iabot ni Andrew kay Julz ang isang maliit na box. "Ano ito?" Tanong ni Julz sa bigay ni Andrew. "Regalo ko sayo. Pinag-ipunan ko yan ha. Mula yan sa allowance ko, kaya naman tanggapin mo ha." Masayang wika ni Andrew na ikinangiti naman ni Julz. "Oo naman, kailan ba ako tumanggi sa bigay mo? Lalo na ngayon may dahilan. I love you Couz." Masayang wika ni Julz, habang binubuksan ang maliit na box ng tumambad sa kanya ang isang, pink diamond na pendant ng isang gold necklace. Simple lang iyon, kung titingnan mo. Pero nakakalula naman ang presyo. "Ang mahal naman nito. Paano ko ito tatanggapin kung ang alam kong presyo nito ay pang house and lot na." Nakangusong wika ni Julz na ikinatawa lang ni Andrew. "Ayaw mo? Tapon mo na lang." Baliwalang wika ni Andrew. "Baliw ka ba? Sa mahal nito. Ganyan lang ang sasabihin mo. Bakit kasi ganito ang naisip mong iregalo sa akin. Nag-aaral pa lang tayo. Pero regalo mo pang bigtime." Saad ni Julz na ikinabuntong hininga ni Andrew. "Buhat kasi ng makita mo yan sa isang online jewelry shop sa Europe. Hindi na nawala ang screenshot mo nun sa cellphone mo. Four years ago, nakita ko na yan sa cellphone mo. Until two months before ang araw na ito, nakita ko pa rin. Kahit naka ilang palit ka na ng cellphone. Kaya ayan na talaga ang naisip kong ibigay sayo." Wika ni Andrew habang si Julz naman ay tuluyan ng tumulo ang luha. "Pinapaiyak mo ako. Pero wala man lang akong mahal na regalo sayo. Pinag-iipunan ko kasi ang pagpasok ko sa medical school. Kailangan kong may extra, baka kasi pag may kailangan ako, hindi ako bigyan ng pera ni mommy o kaya si daddy dahil gusto nila, ako humawak ng kompanya." Nahihiyang wika ni Julz, na ikinahawak ni Andrew sa kamay niya habang ang isang kamay ay nasa manibela. "Maging masaya ka lang at matupad mo ang pangarap mo. Masaya na ako. Hmmm." Malambing na wika ni Andrew na ikinangiti ni Julz. "Ito lang kasi ang regalo ko sayo." Wika ni Julz sabay abot ng isang relo kay Andrew. Hindi naman masasabing mura lang iyon pero kumpara sa bigay ni Andrew sa kanya, barya lang ang halaga noon. "Wag ka ng malungkot dyan. Salamat sa regalo mo. Palagi ko itong isusuot at iingatan. Hmmm. Ngiti na. By the daw saan tayo kakain? Mamaya ko na isusuot itong relo na bigay mo. Maya subukan din natin ang kwintas mo." Masayang tanong ni Andrew na ikinalawak ng ngiti ni Julz. "Fastfood na lang tayo. Mas mura doon. Sure na masusulit natin ang pagkain." Masayang wika ni Julz sabay taas pa ng kamay. "Tara na sa fastfood!" Sigaw ni Andrew na ikinatawa pa ni Julz. "Yehey! Fastfood! Fastfood!" Sigaw pa ni Julz. "I love you Andrew! Sabay nating tuparin mga pangarap natin at hindi ang pangarap ng mga magulang natin para sa atin!" Masayang siga ni Julz na ikinatingin naman ni Andrew kay Julz na nawala na ang lungkot, na nadarama kani-kanina lang. "I love you more Julz, let's built our dreams together!" Sigaw din ni Andrew, na ikinatawa nila ng sabay. Alam nilang ang pagtatapos ng high school ay simula pa lang ng pagtupad ng kanilang mga pangarap, kaya naman ngayon. Habang maagap pa. Pipilitin nila ang kanilang mga sarili na matupad ang kani-kanilang mga pangarap. Ang pangarap na gusto nila, at hindi ang dahil sa iyon ang kagustuhan ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD