Naging busy si Julz sa school. Dahil sa dami agad ng activities at mga laboratory experiments na ginagawa nila. Ganoon din naman si Andrew. Kaya naman naging madalang na lang sila ngayong magkita. Gustuhin man ni Andrew na siya ang maghatid sundo sa pinsan. Pero wala din siyang magawa, dahil madaming mas kailangang unahin sa school.
Doon nakilala naman ni Andrew si Lucas Dimitri De La Costa. Ang lalaking kabaliktraran niya. Lalaking parang babae dahil sa kasungitan, at lalaking parang palaging grounded sa bahay. Papasok ng maagap sa school, tapos ay pag wala ng gagawin, ay uuwi na rin ng bahay. Ni minsan ay hindi niya ito naaayang lumabas para mag chill lang.
"Lucas sama ka naman sa akin oh. Chill lang tayo. Hindi naman kita pipilitin sa ayaw mo. Sumama ka lang sa akin. Please." Pamimilit pa ni Andrew kay Lucas na tinawanan lang nito.
"Hindi ko alam, kung paano tayo naging magkaibigan? Paano naging magaan ang kalooban ko sayo? Hindi ko din alam kung paanong nagkasundo tayo? Ginayuma mo ba ako?" Natatawang tanong ni Lucas na ikinatawa din ni Andrew.
"Hindi ko din alam, kung bakit? Ewan ko din sayo, ang boring ng buhay mo. Wala ka man lang social life. Wala ding babaeng makalapit sayo. Bahay, school ka lang naman. Hindi ka nga maisama sa party. Hindi din kita maisama sa club. Tapos mag bestfriend tayo. Saan naman nanggaling yon?" Natatawang wika ni Andrew na ikinatawa lang ni Lucas.
"Wag mo kasi akong itutulad sayo. Habulin ng babae. Mali babaero kang talaga. Sino bang unang lumapit sa ating dalawa? Ako ba? O ikaw?" Tanong ni Lucas.
"Ang sakit mong magsalita ha. Sila kaya lumalapit sa akin, sayang naman kung basta ko na lang iignorahin. At isa pa, sa ating dalawa kung sino ang unang lumapit? Aba ay malay ko? Natagpuan ko na lang ang sarili ko magkausap tayo. Hanggang sa magkaibigan na pala tayo." Paliwanang ni Andrew na ikinasang-ayon na lang ni Lucas.
Hindi nila alam, kung paano nagsimula ang pagiging magkaibigan nila. Pero masaya si Andrew na makakilala ng isang kaibigan sa katauhan ni Lucas. Sa school na pinapasukan niya. Na bukod kay Julz, may masasabi talaga siyang isang tunay na kaibigan.
Tanghali pa lang ay na dismiss ang klase ni Julz, dahil may sumabog sa laboratory nila. Ang unang batch kasi ng nag-experiment ay may napaghalong chemicals na hindi naman dapat. Kaya naman sumabog.
Wala namang nasaktan, iyon nga lang, kailangang, linisin ang buong laboratory, dahil sa mga kumalat na mga chemicals. Kaya naman dalawang araw din silang walang pasok.
Nais sanang tawagan ni Julz, si Andrew, pero hindi na lang niya ginawa. Nais na lang niyang i-surprise ito. Kaya naman nagpahatid siya sa taxi, kung saan nag-aaral si Andrew.
Pagdating niya sa tapat ng school ni Andrew ay namangha pa si Julz, sa laki at lawak ng school. Hindi kasi siya nakasama dito noong kumuha ito ng entrance exam at noong enrollment.
Hindi katulad noon ni Andrew sa kanya, na sinundo pa talaga siya noong nag exam siya, at kasama pa niya ito noong enrollment. Kaya naman manghang-mangha siya ngayon.
Nasa may gate lang siya, ng mapansin si Julz ng isang guard.
"Magandang tanghali Miss. Mukhang sa ibang school ka nag-aaral may hinihintay ka ba?" Masayang pagbati sa kanya ng medyo bata pang guard.
"Oo sana kuya, nawalan kasi kami ng pasok, kaya naman, nagtungo na lang ako dito para hintayin iyong pinsan ko." Tugon naman ni Julz na ikinatango naman ng gwardiya.
"Maupo ka na lang muna dito. Mamaya pa ang labas nila, nagkaroon kasi ng biglaang pagbisita ang may-ari ng school. Kaya naman medyo madedelay ang labas nila ngayon. Bibisitahin kasi ng may-ari ang bawat year, bawat departamento, kaya mamaya pa ang labas ng lahat ng estudyante. Upo ka muna dito. Mangangalay ka diyan katatayo." Wika ng guard na ikinangiti naman ni Julz.
Iniabot naman ng may edad na guard ang isang upuan na may sandalan, kaya naman kahit papaano ay maayos ang kanyang pag-upo.
Nasa tabi ng mismong guard house ang upuan. Kaya naman hindi na napigilan ni Julz na mapapikit, hanggang sa siya ay makatulog.
Halos nasa isang oras at kalahati din naman, ang itinagal ng paglilibot ng mag-ari ng school, bago tuluyang pinalabas ang mga estudyante.
Nakaakbay pa si Andrew kay Lucas na pinipilit itong sumama sa bar, pero tinatawanan lang talaga ito ni Lucas. Hanggang sa mapadaan na sila sa guard house.
"Magandang hapon kuya guard." Bati ni Andrew na ikinabitaw na kay Lucas, sa pagkakaakbay dito.
"Oi, Sir magandang hapon. Sayo din Sir. Uuwi na kayo?" Tugon naman ni Manong guard na ikinatango naman ni Lucas.
"Mauna na po ako sa inyo." Wika ni Lucas na ikinasimangot ni Andrew.
"Ang kj mo talaga De La Costa. Minsan lang tayong palabasin ng maagap, tapos hindi mo pa ako samahan." Nakangusong wika ni Andrew.
"Kung ako sayo, sundin mo na lang kaya ang pinsan mo. Kanina ka pang kwento ng kwento na wala ka ng time sa pinsan mo. Tigilan mo na ang pagiging flirt kalalaki mong tao. Naku De Vega." Saad ni Lucas na ikinapalaklak ni Andrew.
"Tama si Julz na lang aayain ko. Hindi tulad ng isa dyang kj. Hmp!" Tugon ni Andrew na kahit sina manong guard ay natawa.
"Bye na De Vega, ang kulit mo." Iiling-iling na wika ni Lucas, bago sumakay sa kotse nito.
"Madaya talaga ang isang iyon, hindi man lang maaya. Haist!" Saltik na wika ni Andrew ng na napabuntong hininga.
"Naku Sir, ok lang yan, minsan makinig ka din sa kaibigan mo. Kung nililigawan mo na lang itong magandang babae dito sa may gilid. Nakatulog na eh. May hinihintay daw siya. Hindi ko naman natanong kung ano ang pangalan." Wika nung medyo bata pang guard, na ikinasilip ni Andrew sa may gilid. Nagulat pa siya ng makita ang tulog na tulog na si Julz, na nakahilig ang ulo sa may pader.
"Kailan pa s'ya dyan kuya?" Gulat na tanong ni Andrew dito.
"Kanina pa sir. Nasa may two hours na si maam dyan, kaya siguro nakatulog na. Kilala mo po ba? Ikaw po ba hinihintay niya?" Tanong pa ni kuya guard na ikinatango ni Andrew.
Nilapitan naman ni Andrew si Julz, at tinapik ang balikat. Inalalayan din ni Andrew ang ulo ni Julz, dahil sure na nangalay ito, dahil hindi maganda ang pwesto nito.
"Julz, wake up."
"Aaaah!! Ang sakit ng leeg ko." Reklamo ni Julz na ikinatawa naman ni Andrew.
"Bakit kasi, hinayaan mong makatulog ka dito? Sabi nina Kuya Guard kanina ka pa dito? Maaga kayong pinalabas?" Sunod-sunod na tanong ni Andrew na ikinatango na lang ni Julz.
"Sumabog kasi iyong chemicals sa laboratory, kaya naman two days kaming walang pasok, kasi need linisin ang kalat. Kaya naman sa halip na umuwi, dito na lang ako pumunta, wala kasi akong makakasama sa bahay, kundi, mga katulong lang. May lakad ka ba ngayon?" Tanong ni Julz na ikinailing ni Andrew na biglang natawa sina Manong Guard.
"Kuya, Manong Guard anong nakakatawa? Kayo ha. Wala naman talaga akong lakad ngayon. May nakakatawa po ba sa sinabi ko." Asar na tanong ni Andrew na lalong ikinatawa ng medyo bata pang guard.
"Wala naman sir. Sabi mo eh." Sagot nito na ikinatango naman ni Andrew. Iiling-iling naman ang dalawang at mukhang natutuwa sa dalawang kabataang nakikita nila.
"Tara na, uwi na tayo. Hindi na ba masakit leeg mo?" Tanong pa ni Andrew, na ikinatango ni Julz.
Nagpasalamat pa sila sa dalawang gwardiya, na nagpaupo kay Julz, kahit papaano ay hindi ito nangalay sa pagtayo, kahit taga ibang school ito.
Dumaan muna sila sa convenience store at namili ng mga chips at beer. Dahil hindi naman natuloy ang lakad ni Andrew sa bar, ay sa bahay na lang niya itutuloy ang pag-inom niya.
Para kasing gusto talaga niyang uminom sa mga oras na iyon. Kaya naman kahit pagbawalang ni Julz si Andrew ay wala itong nagawa. Bumili din si Andrew ng flavored beer para kay Julz.
"Saan tayo? Bahay n'yo o bahay namin?" Tanong ni Andrew na ikinatingin ni Julz dito.
"Sa bahay na lang ninyo. Wala akong pasok ng two days. May pasok ka naman bukas, kaya sa bahay n'yo na lang ng hindi ka nagmamadali bukas. Pahiram ako ang damit ha." Tugon ni Julz, at pinaandar na ni Andrew ang sasakyan.
"Alright!" Sigaw pa ni Andrew na ikinatawa nila.
Pagkapasok ng bahay, ay parang bahay lang din nina Julz. Tahimik na wari mo ay walang tao. Dahil mga katulong lang na nasa kusina ang nandoon.
Tumuloy na sila sa sa silid ni Andrew. Kumuha naman si Julz ng oversize tshirt. May kakapalan naman iyon, kaya kahit hindi na si Julz, magsuot ng bra. Kinuha din ni Julz ang isang boxer shorts ni Andrew. Hindi kasi nagdadala ng damit si Julz sa bahay nina Andrew, dahil mga damit ni Andrew ang mismong sinusuot niya. Ang gamit lang na meron si Julz sa kwarto nito ay mga personal things at undergarments.
Habang sa kwarto ni Julz sa bahay nila, ay may sarili space si Andrew sa closet niya para sa mga gamit nito.
Matapos magbihis ay nilagay na lang muna ni Andrew ang mga binili niyang beer, sa loob ng mini ref na nasa kwarto niya. Bumaba muna sila ni Julz, para makapagmeryenda.
Tamang tama naman na nakaluto na ng meryenda ang katulong nila sa bahay. Gusto man nilang kasabay sa pagkain ang mga ito, iyon nga lang at ayaw sumabay sa kanila. Mga nahihiya daw. Pero hindi na nila pinipilit. Ang mahalaga naman, ay maayos ang pakikitungo nila sa mga ito
Nasa kwarto na si Julz at Andrew habang umiinom ng beer. Pareho lang silang nakaupo sa sahig, habang parehong may hawak na notes. Umiinom man sila, pero hindi sila nakakalimot sa most priority nila ang pag-aaral. Hindi nga sila nag-iimikan. Maliban na lang kung may itatanong tungkol sa inaaral nila. Or kung may iaabot or may ipapaabot.
Nakakatatlong can na ng beer si Andrew, ng mapansin niyang biglang tumamis nag iniinom niya. Doon lang niya nakitang flavored beer na pala ang hawak niya. Naningkit naman ang mga mata ni Andrew, ng mapansin si Julz na busy sa pag-inom sa beer na dapat ay kanya, habang patuloy na nag-babasa.
"Anong kalokohan mo, Julian Zusainne? Bakit mo pinagpalit ang beer natin?" Inis na wika ni Andrew na ikinatawa ni Julz.
"Oi, may pasok ka bukas ako naman ay wala. Kaya iyan na lang ang sayo. Wag kang abala sa taong nagbabasa. Patapos na ako. Matulog na tayo mamaya. Hmmm. Tuloy mo na rin pagbabasa mo. Wag kang abala sa taong busy. Okey." Nakangiting wika ni Julz na ikinatango na lang ni Andrew.
Hindi naman makareklamo si Andrew sa pinsan niya. Basta pag-inis ito sa pagsasalita sa kanya, tumitiklop na lang bigla siya.
Halos nasa mahigit isang oras pa, ang itinagal ng kanilang pagbabasa ng makaramdam na rin ng hilo si Julz.
"Couz tulog na tayo, nahihilo na ako. Tapos na rin naman ang binabasa ko. Bukas na lang ulit." Wika ni Julz na ikinatawa ni Andrew.
"Ayan kasi, ang galing mang-agaw ng beer na hindi kanya. Tapos ganyan ka. Sige na higa ka na sa kama. Ligpitin ko lang ito." Tugon lang ni Andrew na ikinatayo na ni Julz, at nagtuloy ng mahiga sa kama.
Matapos namang, maligpit ni Andrew ang kalat, ay nahiga na rin siya sa tabi ni Julz. Pero bago pa niya maipikit ang mga mata, naramdaman niya, ang pagyakap ni Julz sa kanya na palagi naman nitong ginagawa. Pero iba ang dating ng yakap nito sa kanya ngayon.
Parang may binubuhay na ibang damdamin sa kaloob-looban niya. Hanggang sa maramdaman niyang may nagrereklamo, sa pagitan ng hita niya.
Bigla namang napabalikwas ni Andrew dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng yakap ni Julz.
"Bakit?" Inosenteng tanong ni Julz, na ikinasagot lang ni Andrew ng wala.
"Hindi ka pa ba tutulog?" Tanong ni Julz na ikinailing lang ni Andrew.
"Ikaw na lang dyan sa kama, sa couch na lang ako." Habol hiningang wika ni Andrew na ikinakunot noo ni Julz.
"Eh? Palagi naman tayong magkatabing matulog, mula pa ng mga bata tayo, naliligo pa nga tayo noon ng sabay. Anong drama yan?" Natatawang wika ni Julz, habang sinisipat nito ng tingin si Andrew na ikinabuntong hininga nito.
"Hindi na ako nagdadrama, wag mo akong tingnan ng ganyan Julian Zusainne. Matulog ka na. Sa couch na ako. Okey." Mariing wika ni Andrew na ipinagkibit balikat na lang ni Julz at bumalik sa pagkakahiga.
"Bahala ka kung ayaw mo akong makatabi. Good night couz. I love you." Wika ni Julz na ikinalapit lang muli ni Andrew dito at kumuha ng isang unan.
"I love you too Julz. Good night sweet dreams." Saad lang ni Andrew, tapos ay hinalikan lang sa noo ni Julz bago tuluyang tinungo ang couch.
Nang makahiga si Andrew sa couch doon lang talaga siya nakahinga ng maayos.
'Ano bang problema ko? May problema ba sa akin?' Naguguluhang wika ni Andrew sa sarili.
Hindi malaman ni Andrew kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Pero isa lang ang alam niya, naguguluhan siya sa kakaibang nararamdaman niya, para sa pinsan niya.
Napatingin na lang muli si Andrew sa nakahigang si Julz. Medyo narinig pa niya ang paghilik nito. Bagay na nangyayari lang, pagpagod ito lasing.
Napangiti na lang siya, dahil mabilis na talaga itong nakatulog. Ipinikit na lang din ni Andrew ang mga mata at hinayaan na lang din ang sariling tangayin ng antok.