Maagang nagising si Julz, dahil kailangan muna niyang magtungo, sa medical school na nais niyang pasukan. Naghintay pa siya kung darating si Andrew, para ihatid siya. Pero hindi naman ito dumating. Gusto sana niya itong tawagan, pero hindi na lang niya ginawa dahil baka tulog pa ito.
Matapos kasi niyang magpatulong dito kagabi, sa pagrereview, ay umuwi pa ito ng bahay nila. Dahil naiwan ni Andrew ang libro nito sa bahay nila, iyong tungkol sa business.
Kaya naman nauna ng umalis ng bahay si Julz, at hindi na niya hinintay pa si Andrew. Nakalimutan yata nito ang oras, para sa entrance examination niya sa college. Ayaw naman niyang gisingin, sure kasi siyang napuyat talaga ito. Nais kasi ni Julz na maging isang physician doctor.
Mahilig siyang makisalamuha sa mga tao, lalo na sa mga mahihirap, na walang kakayanang ipagamot ang sarili, dahil sa kakulangan sa pera. Nakikita niya kasi habang siya ay lumalaki, ang hirap na dinaranas ng iba.
Gusto talaga niya talaga ang tumutulong sa iba, lalo na sa mga taong, kapus-palad at tunay na, nangangailangan. Maging matanda man yan o bata. Lalo na sa usaping pangkalusugan. Kaya naman pagiging physician ang ninanais niya.
Nagpahatid muna si Julz sa driver nila, dahil nagkataong, nasa bahay pa nila ito. Tumuloy muna siya sa medical school na papasukan niya. Walang alam ang mga magulang niya tungkol doon. Ang nais kasi ng mga ito ay kumuha siya ng business management, para siya na ang susunod na hahawak ng company nila.
Lalo na dahil noong panahon na halos bumagsak ang kanilang kompanya ay sinalo ito ng kaibigan ng kanyang daddy Amando, na si Damian Sandoval.
Hindi pa niya nakikita ang kaibigan na iyon ng kanyang ama, mukhang mabait ito. Dahil tinulungan sila. Hindi din ito nagpapabayad kaagad, sabi lang nito, sa tawag ng nakausap ito ng kanyang ama, ay pagdating ng tamang panahon, saka na lang bumawi sa kagustuhan nito ang daddy niya.
Hindi na lang niya gaanong pinansin iyon, dahil wala naman siyang alam sa usapan ng daddy niya at ng kaibigan nito.
Ang uncle Ariston naman niya noon ay babago pa lang din na nakakabangon. Kaya wala itong nagawa noong mga panahon na iyon.
Elementary pa lang sila ni Andrew ng panahon na iyon, pero alam nila ang pinagdaan ng mga kompanya nila.
Pagdating niya ng medical school, ay umalis na rin ang driver nila dahil ipinatatawag na ito ng mommy niya. Nakatanggap naman siya ng tawag galing kay Andrew.
(Julz, nasaan ka na? Bakit mo naman hindi ako ginising. Isang tawag lang ako. Oh. Na saan ka na? Pupuntahan kita ngayon.) Wika ni Andrew na sa tingin ni Julz ay kababagong gising pa lang. Base sa boses nito.
"Maligo ka muna. Mukhang kamumulat mo pa lang ah. Baka may muta ka pa n'yan. Nandito na ako sa may medical school. Nagpahatid muna ako sa driver namin. Pati wag kang mag-alala. Okey lang ako noh. Daig mo pang boyfriend ko na natakasan ah. Kung hindi lang tayo magpinsan. Iisipin kong may gusto ka sa akin." Panunudyo pa ni Julz, na ikinatigil naman bigla ni Andrew.
Nawalan naman si Andrew ng sasabihin, dahil pakiramdam niya, ay nasukol siyang bigla ni Julz. Kahit wala naman talaga ang bagay na iyon. Dahil magpinsan sila.
"Couz, okey ka lang? Bakit hindi ka na nagsalita? Nandyan ka pa ba? Buhay ka pa?" Nag-aalalang tanong ni Julz. Pero sinamahan pa rin niya ng biro.
(Ah.. Eh... Oo naman, ayos lang ako. At malamang buhay pa rin. Susunduin na lang kita, after ng exam mo. Hihintayin kita sa labas ng gate. Okey. Bye, Love you.) Wika ni Andrew, na ikinahinga niya ng malalim ng masabi ang huling salita.
"Thank you, couz. I love you too. Mwaah... mwaaah." Sagot pa ni Julz na ikinatawa na lang niya. Alam niyang wala lang sa kanila ang palitan ng 'I love you' dahil alam ni Julz, na gestures na nila iyong dalawa, dahil sanay na sanay na sila sa isa't isa.
Matapos maibaba ni Julz ang tawag ay naggayak na rin si Andrew, para mapuntahan si Julz at ng sabay na rin sila sa pagpasok sa school.
Siya naman ay sa susunod na linggo pa ang entrance examination para sa business management. Ang nais niya ay makapagpatayo ng sariling kompanya. Ayaw ni Andrew na aasa lang siya sa company ng daddy niya.
Pagkarating niya sa labas ng gate, kung saan naroon si Julz, ay may babae na naman na nagpapacute kay Andrew. Alam naman niyang gwapo siya, kaya lang nasa lugar pa rin ang paglandi. Kung nasa loob siya ng bar or sa isang party. Why not? Palay ang lumalapit. Pero sa pagkakataong ito, pass muna s'ya.
"Hi, may hinihintay ka? O baka naman ako ang hinihintay mo?" Malading wika ng babae, na halos, lumuwa na ang dibdib sa damit na suot nito.
"Sorry Miss, nasa loob ang girlfriend ko, hindi kita kailangan." Tanggi ni Andrew sa babae.
"Oh.. My bad.. So my girlfriend ka na? You don't remember me? Sa club? Doon sa..... pinapayagan ang mga minors. You kiss me and we almost make out, kung hindi lang dumating iyong babae... S'ya ba ang girlfriend mo?" Wika pa ng babae habang ramdam ni Andrew na inaakit s'ya nito.
Hindi na naman nakapagsalita si Andrew ng matanawan niya si Julz na papalapit sa kanya. Itinaas ni Andrew ang kamay at nag sign siya ng 'I love you.' It's a code that he needs help.
"Hi, Sweetheart, kanina ka pa?" Bati ni Julz at tinabig ang babaeng halos, lumuwa na ang dibdib. Bago hinalikan si Andrew sa pisngi.
"Hindi naman gaano sweetheart, halos kararating ko lang din." Sagot ni Andrew at hinawakan ang beywang ni Julz.
"Sweetheart sino yang babae na iyan?" Wika ni Julz na wari mo ay nagtatampo.
"I don't know Sweetheart. Gumagawa pa s'ya ng kwento, na halos magmake out pa daw kami sa bar, doon sa pinapayagan ang minor." Sumbong ni Andrew, na ikinataas naman ng kilay ni Julz.
"Oh.. You b*tch! Don't try to come closer again to my Andrew. He doesn't like a w***e like you! Don't try me b*tch! You're only a kitten, in the lions den. So get out on my sight, now.! And don't wait the b*tch hell out of me!" Inis na wika ni Julz, ng biglang tumalikod ang babae at mabilis na umalis.
Nakahinga naman ng maluwag si Andrew ng makalayo ang babae. Alam niya sa sarili habulin siya ng babae. Kaya lang, wag naman iyong papasok pa s'ya sa school, babae agad maeencounter niya.
Nakangiti pa siyang humarap kay Julz ng sumalubong ang isang sapak sa ulo n'ya.
"Aray naman Julz! Ang bigat ng kamay mong babae ka!" Gulat na sigaw ni Andrew.
"Bagay lang iyan sa iyong babaero ka. Ewan ko ba at naging pinsan ko ang isang babaerong katulad mo?" Wika pa ni Julz.
"Nakakasakit ka naman ng damdamin. Kung hindi kapatid ni daddy si tito Amando, sure na hindi tayo magpinsan." Pang-aasar pa ni Andrew kay Julz.
"Ewan ko sayo, pangit ka naman. Ewan ko din sa mga babaeng nahuhumaling sayo, kung ano ang meron ka, at nababaliw sayo." Inis na wika ni Julz na pumasok na sa passenger seat.
"Ang bagay na hindi mo nakikita, kaya hindi mo napapansin lahat ng effort ko." Pabulong na wika ni Andrew na hindi naman narinig ni Julz.
Sumakay na rin si Andrew ng driver seat. "Nagugutom ka ba? Kain muna tayo." Pag-aaya pa ni Andrew.
"Sige, libre mo ha. Hehe. I love you Couz na talaga. Thank you, thank you. Need ko talaga ang pagkain. Mahirap ang exam, halos ma drain ang utak ko. Pero marami akong sure na sagot. Kaya naman malakas ang kompyansa kong makakapasa ako." Masayang wika pa ni Julz, na ikinangiti naman ni Andrew.
"Aayain ba kita kung kanya-kanyang bayad din lang tayo. Ikaw talaga. Alam ko naman na kaya mong maipasa iyon. Matagal mo ng pangarap yan, kaya naman, malaki ang tiwala ko sayo, na maiipasa mo talaga iyong exam, ikaw pa ba? Parang hindi ka si Julz, kung hindi mo iyon maiipasa. At oo na, I love you too din. So tara na. Saan tayo." Tanong ni Andrew, na ikinatango-tango lang ni Julz, habang nag-iisip kung saan sila kakain.
"Fastfood lang, sapat na. Burger, Chicken, Spaghetti, Sundae, Fries, Float, masaya na ang tyan ko, don." Masayang wika ni Julz na ikinatawa lang ni Andrew, dahil sa dami nitong gustong kainin.
'Parang bata.' Natatawang sambit ni Andrew sa isipan.
Nagdrive na lang siya, hanggang sa makarating sila sa isang sikat na fastfood. Umorder lang si Julz, ng napakarami kaya naman sobrang natawa si Andrew. Madami na iyong sinabi sa kanya ni Julz sa byahe. Pero literal talaga na madami ngayon.
Akala ni Andrew, kasama na ang order niya sa inorder nito sa sobrang dami. Kaya ang ending nagkape na lang siya, dahil pipila pa ulit siya, kung mag-oorder pa siya ng pagkain niya. Habang tinatawanan si Julz, na daig pang patay gutom ng limang araw, dahil pang apat na katao na ang pagkain na inorder nito.
Naawa naman sa kanya si Julz, kaya ang isang serving na inorder nito ay ibinigay sa kanya.
"Couz, utang mo yan ha. Hindi ka kasi nag-order ng sayo." Wika ni Julz na puno pa ng pagkain ang bibig.
"Ha? Ako nagbayad ng lahat ng ito, tapos ako pa may utang sayo? Unbelievable. Budol ka? Kaya siguro walang nanliligaw sayo, kasi budol ka." Manghang wika ni Andrew, habang inaasar si Julz.
"Yeah... Yeah... Yeah... Believe it or not. Utang mo iyan. Sabi mo libre mo ito. Una niligtas kita sa babaeng halos walang saplot. Pangalawa, ikaw ang nag-aya dito at sabi mo, libre mo. So ayon utang mo iyan. At hindi ako budol, dahil ikaw nag-offer na ililibre mo ako. At wala akong manliligaw kasi basted silang lahat sa akin. Priority ko ang pangarap ko, at hindi ang pagkakaroon ng boyfriend." Seryosong wika ni Julz, na wala namang nagawa ni Andrew kundi, omoo na lang.
Pero sa kabilang banda masaya si Andrew sa narinig na mas priority ni Julz ang pangarap nitong maging doktor, kay sa magkaroon ng boyfriend.
"Alam mo Julz, ang talino mo, talaga. Pero ang bobo mo sa nararamdaman ko sayo." Wika ni Andrew na pabulong na ang pahuli na halos hindi narinig ni Julz.
"Sadyang matalino ako. Kaya naman, sure na maiipasa ko iyong entrance examination kanina. Pero ano iyong sinabi mo? Iyong pahuli?" Tanong ni Julz, dahil hindi talaga niya narinig ang sinabi ni Andrew, dahil halos pabulong na iyon.
"Sabi ko, kumain ka na, at sa susunod pag-iisipan ko na ang panlilibre sayo. Kasi minsan nalulugi ako. Hindi ko akalaing, budol ka. Kaya kumain ka na lang. Baka magbago pa isip ko sa panlilibre ko sayo." Wika ni Andrew na ikinangisi naman ni Julz.
"Iyan ang tinatawag na diskarte Couz. Kaya minsan hindi ka lang dapat matalino, dapat madiskarte ka rin. Ganyan kasi talaga ang buhay. Dapat sasamahan mo ng diskarte, sipag at tiyaga." Payo pa ni Julz na ikinatawa ni Andrew.
"Ako pa talaga nabigyan mo ng payo na iyan ha. Ang sabihin mo, dapat hindi nagpapauto sa pinsan, kasi minsan mas may pera pa s'ya sayo, kasi ako lahat ang bumayad ng kinain niya, tapos nagkautang pa ako, sa kanya. Kasi budol s'ya. Ganun." Sagot ni Andrew na hindi napigilan ni Julz ang tumawa ng malakas.
Pinagtinginan pa sila ng mga tao sa loob ng fastfood dahil, napahawak pa si Julz sa sariling tiyan dahil sa hindi mapigilang pag tawa.
"Wag ka na nga magreklamo dyan, kumakain ka na nga, reklamo ka pa. Tama na ang reklamo ha. Mahal na mahal naman kita." Sagot pa ni Julz na ikinangisi ni Andrew.
"Oo na. Alam mo talagang mahal na mahal kita noh. Sige na. Okey, na. Nauto mo na ako. Ubusin mo yan ha. Pag hindi mo yan naubos, babayaran mong lahat yan sa akin pati itong kinakain ko. Maliwanag?" Pang-aasar pa ni Andrew dito. Pero totoo ang sinasabi niyang mahal niya ito.
"No worries, kulang pa ito. Kung hindi ko binigay sayo. Sakto lang sana. Kaya mauubos ko ito. Wag kang mag-alala. Dahil libre, mo at may babayaran ka pa. Kahit catsup, promise. Simot sarap." Nakangisi pang wika ni Julz, na ikinailing nanlang ni Andrew.
"Pero ito na talaga, seryoso. Marunong din naman akong magpasalamat minsan, at na-a-appreciate, ko lahat ng bagay na ginagwa mo para sa akin. I love you talaga Couz. Basta thank you dito ha. Sa napakaraming libreng pagkain. Salamat din kasi sinundan mo ako. Dahil kung hindi, baka hindi na ako nakakain, at baka malate pa ako sa klase natin. Pero sa ngayon. Bilisan na natin talaga, malapit na ang klase natin, baka malate na tayo ng tuluyan." Wika pa ni Julz, na ikinatingin ni Andrew sa relong pambisig.
Napatango na lang si Andrew at nagmamadali na nga silang kumain dahil thirty minutes na lang, malalate na sila.