Maagang pumasok ng opisina si Andrew dahil sa tawag ng sekretarya niya. Pinakiusapan siya nitong pumasok ng maagap, dahil sa mga dapat niyang pirmahan. Nakita agad niya ang tambak ng mga papeles na dapat niyang ireview at permahan. Kaya naman napabuntong hininga na lang siya.
Naupo naman agad siya sa harap ng table niya, at sinimulang basahin ang mga mga folder sa harapan niya. Tinawag naman niya si Sunshine.
"Sun, make me a coffee." Utos niya sa sekretarya.
"Black sir?" Tanong nito sa kanya, na ikinatango naman niya. Kaagad naman itong sumunod. Nang makabalik ito, ay ipinatong lang nito ang tasa ng kape sa table niya at agad ding nagpaalam.
Lunch break na, hindi niya namamalayan. Nagulat na lang siya ng pumasok ang sekretarya niya na may dalang isang supot ng pagkain na ikinagulat niya.
"Thanks, Sun. Hindi ka na sana nag-abala. Lalabas na rin naman sana ako para kumain. Pero salamat dito." Sabay turo sa pagkain na ibinaba ni Sunshine sa table niya.
"Sir, hindi naman po sa akin galing yan. Sa pinsan po ninyo. Tumawag po kasi si Doktora De Vega, at tinanong kung naglunch na kayo. Kaya po sinabi kong busy kayo at nakalimot na yatang mag lunch. Kaya ayon po, ipinadala po niya iyan. Kumain na daw po kayo. Pambawi daw po niya iyan sa inyo." Wika si Sunshine bago ito lumabas ng opisina niya.
Napatingin naman si Andrew sa pagkaing dala ni Sunshine. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ni Julz.
(Hey, couz. Kain na hindi ka pa daw kumakain ay ala una na ng hapon. Nagpapalipas ka na naman gutom.) Bungad agad ni Julz sa kanya pagkasagot nito ng tawag.
"Opo daig mo pang girlfriend ko ah." Nabiglang wika ni Andrew na bigla naman niyang narinig ang malakas na tawa ni Julz sa kabilang linya.
(Ayan ang atin eh. Kung naghahanap ka na nga ng girlfriend, di mayroon ng mag-aalala at nag-aalala sayo. Wag ng pabebe. Ikaw lang ang nakilala kong babaerong walang tunay na girlfriend. Kaya maghanap na. Pero pili ka ng matino ha. Hindi iyong ako pa mangungumusta sayo. Kung nakakain ka na. Ay sya kain na. May pasyente na ulit ako. Bye couz, love you.)
"Okey bye na. Love you too." Sagot lang ni Andrew at ibinaba na rin ni Julz ang tawag dahil pumasok na daw ang isang pasyente nito.
Habang kumakain, ay napaisip namang muli si Andrew sa sinabi ni Julz. Kaya naman mas lalong nabuo ang loob niyang dalawin si Anna sa bahay nina Lucas.
"Wala naman sigurong masamang subukan ko di ba?" Wika pa niya sa sarili. Bago itinuloy ang pagkain.
Mag-aalas singko na ng lumabas si Andrew ng opisina niya. Dumaan lang siya sa pwesto ni Sunshine at nagbilin.
"Sun, uuwi na ako. Natapos ko na namang pirmahan at ireview ang mga papels na dapat kung pirmahan. Kunin mo na lang sa loob ng opisina ko at ipakuha mo na lang dito. Wag ng ikaw ang magdala sa noon sa department nila. May sarili namang sekretarya ang mga iyon. Kaya sila na ang kumuha. Pwede ka na ring umuwi pagkatapos mo." Bilin lang ni Andrew sa sekretarya niya, bago niya tuluyang nilisan ang kompanya niya.
Habang nasa byahe ay naghahanap si Andrew ng flower shop na may magagandang bulaklak, para ibigay kay Anna. Hindi naman kasi siya sanay sa mga bulaklak, kaya naman nahihirapan siya kung ano ang bibilhin, at dapat ibigay kay Anna. Nakakatatlo na siyang flower shop na napuntahan, ng maagaw ng pansin niya ng mga magagandang bulaklak sa isang flower shop. Mula kasi sa pwesto niya, ay matatanaw ang magagandang uri ng bulaklak. Kaya naman bumaba agad siya ng sasakyan niya para mas makita ito ng malapitan.
Napatingin pa s'ya sa pangalan ng flower shop. "SUNSHINE FLOWERSHOP. Bagay na bagay, ang pangalan ng flower shop na ito base sa tinda niya. Kapangalan pa ng mabait kong sekretarya. Nagsa-shine din, kasi ang mga bulaklak na tinda nila. Ang gaganda." Hindi mapigilang pamumuri ni Andrew sa nakita niyang flower shop at sa mga magagandang bulaklak na nakikita niyang tinda dito.
Nang makita naman siya ng babaeng nagtitinda sa flower shop ay nilapitan naman agad siya nito. Maganda ito, at masasabi niyang para ding isang bulaklak ang ganda nito. Nakangiti ito ng mapagmasdan niya. Maamo ang mukha, at maihahalintulad niya sa isang rosas ang ganda.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo Miss. Oi wag mo akong pag-iisipan ng masama. Gusto ko lang namang malaman." Iyon agad ang bati ni Andrew sa dalagang nakita niya. Hindi naman kasi niya maiwasang hangaan ito. Pero hanggang sa paghanga lang naman talaga.
"Ah... okey." Sagot lang nito bago muling tumingin sa kanya.
"Ako nga pala si Bliss. Hmmmm. May napili ka na ba sa mga bulaklak na nandirito? Para kanino mo ba ibibigay? Asawa? Girlfriend or nililigawan?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
"Wala pa nga Ms. Bliss. Pero kung ang tanong mo ay para kanino. Para sana sa babaeng gusto kong ligawan. Meron ka bang pwedeng irekomenda na bulaklak?" Tanong lang niya dito ng ipakita sa kanya ang mga white carnations. Napatingin naman siya dito at masasabi niyang magaganda talaga ang mga bulaklak na iyon.
"This white carnations represent pure love. Kung tunay naman ang intensyon mo sa babaeng liligawan mo. Marerekomenda ko sayo ang bulaklak na ito. Siguradong magugustuhan niya ito." Paliwanag ni Bliss sa kanya. Kaya lalo naman siyang namangha dito.
"Hindi ka lang pala basta, nagtitinda ng mga bulaklak. Pati mga ibig sabihin ng mga bulaklak, alam mo din. Sige okey na ako sa white carnations. Thank you." Masayang tugon ni Andrew kay Bliss, at kinuha na rin ni Bliss ang bilang ng carnations na nais bilhin ni Andrew.
Inayos naman agad ni Bliss ang mga white carnations. Natuwa naman talaga si Andrew sa pagkakaayos ng mga bulaklak. Aminado siya sa sarili na talagang hindi lang basta maganda ang mga bulaklak. Pati na rin ang pagkakaayos nito ay talagang magugustuhan kung sino man ang pagbibigyan mo.
Matapos magbayad ay nagpaalam na rin siya kay Bliss. Nilingon pa niyang muli ang Sunshine Flowershop, bago tuluyang sumakay ng kotse niya.
"Kung ganoon kabait ang may-ari ng flower shop na iyon. Siguradong dudumugin iyon ng mga mamimili." Hindi pa ring mapigilang mapupuri ni Andrew kay Bliss at sa flower shop. Dumaan din muna siya ng Chocolate Store para bilhan ng chocolate si Anna. Madami dami din ang nabili niya dahil hindi naman niya alam kung anong klase ng chocolate ang gusto nito.
Nang makarating siya sa bahay nina Lucas ay si Anna ang nagbukas ng gate para sa kanya. Nagdidilig kasi ito ng halaman kahit medyo hapon na. Malamig na kasi ang paligid, atvwala na ang sobrang init. Katamtaman naman para makatanggap na ng tubig ang mga halaman. Mainam din na madiligan ng tama ang mga ito lalo na at mainit sa nagdaang maghapon.
Pinapasok muna siya ni Anna at nagtungo naman sila sa bench na nasa may garden. Naupo naman siya sa bakanteng upuan katapat ng pwesto ni Anna. Masaya talaga siyang makita ang dalaga. Masasabi niyang, kung magkakaroon ng pagkakataon, silang dalawa ni Anna. Masasabi niyang napakaswerte niya at nakilala niya ito.
Iniabot naman niya kay Anna ang dala niyang bulaklak at chocolate. Hindi naman niya alam kung ganoon ba talaga ang tamang panliligaw. Basta gagawin na lang niya ang alam niya.
Masaya naman siyang, tinanggap nito ang bigay niya. Bago lang kasi sa kanya ang umakyat ng ligaw kaya naman natuwa talaga siya sa nakikita niyang reaksyon nito. Simpleng bulaklak lang ang bigay niya. Pero nakita niyang na-a-appreciate talaga iyon ng dalaga.
"Salamat dito ha, nag-abala ka pang talaga. Pero sobrang thank you. Ang gaganda naman nito. Ngayon lang ako nakakita ng carnations, sa personal. Hindi ko akalaing ganito sila kaganda. Thank you din sa mga chocolate. Ang dami naman nito. Hindi kaya sumakit ang ngi-----." Hindi natapos ni Anna ang sasabihin niya ng biglang nagsalita si Lucas mula sa likuran niya. Hindi naman niya akalaing nakalapit na ito sa kanila. Hindi man lang kasi niya naramdaman ang presensya nito habang lumalapit sa kanila.
"Hindi talaga sasakit ang ngipin mo, kasi hindi mo kakainin iyang bigay ni De Vega." Mariing wika nito sa kanya.
"Huh?" Iyon lang ang nasabi niya ng agawin ni Lucas ng sapilitan ang bulaklak at chocolate na galing kay Andrew. Ayaw sana niyang ibigay, iyon nga lang masyadong malakas ang pagkakahawak ni Lucas sa lalagyan ng chocolate. Isama pa na naawa na siya sa bulaklak. Sayang naman kung masisira lang dahil sa pag-aagawan nila ni Lucas. Kaya naman binitawan na lang niya.
"Bro. Parang hindi naman yata tama iyang ginagawa mo. Binibisita ko lang naman si Anna. Hindi naman siguro masama na bigyan ko siya ng mga chocolate at mga bulaklak. Lalo pa at wala naman siyang boyfriend at hindi mo naman siya girlfriend." Nakangising wika ni Andrew ng samaan siya ng tingin ni Lucas. Madiin naman ang pagkakahawak ni Lucas sa bulaklak, kaya naman nagsalitang muli si Andrew.
"Wag mong sabihin na itatapon mo lang ang mga iyan. Sayang naman." Reklamo ni Andrew, ng biglang tawagin ni Lucas si Liza at Gael.
Mabilis namang lumapit si Liza sa pwesto nila, ng marinig ang tawag ni Lucas. Ganoon din si Gael, kasama ang nanay nito.
"Bakit po Sir Lucas. May kailangan po kayo?" Tanong ni Liza ng makalapit sa kanila.
"Bakit po Tito Lucas? May sasabihin ka po sa akin po?" Maang na tanong ni Gael, habang akay-akay ng nanay niyang si Gia.
"Para sayo. Madaming chocolate yan. Pero wag mong uubusin kaagad, baka sumakit ang ngipin mo. Magbrush ka din kaagad ng teeth, pagkatapos kumain ng chocolate. Hmmm." Malambing na wika ni Lucas kay Gael at niyakap naman siya agad nito.
"Thank you po Tito Lucas. Sobrang dami nito." Masayang wika ni Gael. Habang nakasimangot naman si Andrew.
"Hindi talaga sa akin galing yan. Nahihiya kasi si Tito Andrew na siya ang mag-abot sayo. Kay Tito Andrew talaga galing ang lahat ng iyan." Nakangising wika ni Lucas. Habang nakatingin kay Andrew. Napatingin naman si Anna kay Andrew na nagkibit balikat na lang. Dahil wala na naman siyang magagawa.
Niyakap din naman si Andrew ni Gael. "Thank you po, Tito Andrew, sobrang dami po nito. Magsi-share po ako promise." Masayang wika ni Gael na ginulo na lang ni Andrew ang buhok nito.
"Dami mong alam De La Costa." Reklamo ni Andrew, ng makaalis na sa tabi nila ang mag-ina.
"Para sayo Liza." Sabay abot ng bouquet ng white carnations na inagaw ni Lucas kay Anna.
"Talaga Sir para sa akin? Galing po kay Sir Andrew?" Nakangiwing tanong ni Liza na sobrang saya naman ni Lucas dahil sa kanyang ginawa. Nagpasalamat na lang din si Liza sa bulaklak at bumalik ng muli sa kusina.
"See. Hindi nasayang at napakinabangan ng maayos." Wika ni Lucas na sinamaan naman ng tingin ni Anna.
"Alam mo Sir Lucas, napakabait mo sobra. Pwede naman akong magshare ng mga bigay ni Andrew, pero paladesisyon ka. Ayaw mo lang akong tumatanggap ng galing sa kanya eh. Hmp." Inis na wika ni Anna. Habang natatawa na naaasar na lang din si Andrew sa kaibigan niya.
"Lagyan mo na kasi ng level bago mo bakudan. Hindi ko naman kasi gagawin ito kung nalaman ko na kaagad ng mas maaga. Sorry bro, pero I'm happy for you. Kung hindi ko pa ito ginawa hindi lalabas ang totoo. Tss. Good luck." Wika ni Andrew at tumayo na sa upuan, at nagpaalam na kay Lucas at Anna.
Pagkasakay naman ni Andrew ng kotse niya, ay nakita pa niyang sinundan siya ni Lucas. "Hindi naman siguro masisira ang pagkakaibigan na meron tayo?" Tanong ni Lucas sa kanya.
"Mahalin mo lang ang babaeng una kong binalak na ligawan at okey na ako doon. Hindi ko naman talaga inaasahan na may gusto ko sa kanya. Pero naramdaman ko na iyon noong makita ko s'ya sa kwarto mo. Binalewala ko lang. Goodluck sa panliligaw mo kay Anna at ingatan mo s'ya." Masayang wika ni Andrew at nagpaalam na rin kay Lucas.
Bigo man siya, sa unang subok pa lang niyang manligaw. Sulit pa rin dahil kilala niya si Lucas. Alam niyang hindi sasayangin ng kaibigan niya ang pagkakataon, na makuha nito ang loob ni Anna. Dahil sa unang tingin pa lang niya kay Anna. Napakaswerte na ng lalaking mamahalin nito.