Habang lumilipas ang mga araw at mga buwan, lalong nagiging busy si Julz sa pag-aaral. Second year college na siya ngayon at ang priority niya ay ang makasama sa mga medical mission na in-o-organize ng school nila.Sa mga liblib na lugar, sa may kabundukan doon kasi ang target nila. Kasama sila ng mga doktor sa malalaking ospital. Doon kasi humahanap ng mga volunteers ang malalaking ospital kung saan siya nag-aaral ngayon. Kaya naman pag walang pasok iyon ang pinagkakaabalahan niya. Sumasama si Julz sa mga medical missions. Para mas marami siyang matulungan at mas marami siyang malaman about sa bagay na iyon.
Hindi lang basta isang volunteer si Julz. Isa din kasi siya sa sponsor ng mga gamot, pagkain at kung anu-ano pa, na pwedeng ipamahagi sa mga mamamayan na nakatira sa liblib na lugar. Kaya naman paborito siyang isama ng mga doktor sa mga ganoong lakad. Hindi naman si Julz mismo ang namimili ng mga gamot. Ibinibigay lang niya ang mga nakakalap niyang donation sa organizers na siyang namamahala sa lahat.
Habang abala naman si Julz sa pag-aaral at sa mga medical missions. Abala din si Andrew para sa pagsisimula ng isang maliit na business. Ang sobrang allowance na binibigay ng mga magulang niya, ay ginagamit niyang puhunan, para makapag-invest sa isang small time na negosyo. Sa tulong ni Lucas at ng iba pang nakilala, ay napapalago nila iyon ng paunti-unti.
Sa bawat kaunting kinikita ng pinakafounder ng negosyo na iyon. Ay nakakaipon sila. Ang naging usapan, pagmagkakaroon na sila ng sapat ng kita, para makapagpatayo ng kompanya, ay iiwan nila sa pinakafounder, ang business nito, para magkaroon ng sariling negosyo ang bawat isa.
Si Lucas naman ay naging legal advisor lang nilang lahat. Kaya naman kahit papano, mahirap man sa simula, ay kahit papaano ay naging matagumpay ang negosyo na iyon. Na ngayon nga kahit papaano ay kumikita na.
Hindi din naman, nakakasama si Lucas sa mga gawi ni Andrew dahil ito ay, pinag-aaralan na ang pagpapatakbo ng kompanya, kahit nag-aaral pa lang sila. Iyon din sana ang nais ng daddy Ariston ni Andrew. Kaya lamang, ayaw niyang umasa ka kompanya ng mga magulang niya, balang araw. Kaya naman pinangarap niyang makapagpatayo ng sariling kumpanya.
Kauuwi lang ng bahay ni Andrew ng mapagpasyahan niyang silipin ang cellphone niya. Wala man lang siyang natanggap na text or missed call mula kay Julz.
"Nakakapanibago ang pagiging busy ng babaeng iyon. Hindi man lang nagtetext ni hindi tumatawag." Wika ni Andrew, habang pabagsak na nahiga sa kama.
"Matagal na rin ng huli kaming nagkasama, iyon ay noon pang nawalan siya ng pasok. Buhat nun naging busy na ulit ang babaeng iyon hay."
Nakatingin lang sa kisame ng kwarto niya ng biglang nakatanggap siya ng tawag, mula kay Julz na ikinangiti naman ni Andrew.
"H-hello." Halos nauutal na wika ni Andrew na ikinakunot din ni Andrew ng sariling noo. Dahil naguguluhan din siya kung bakit siya nauutal.
(Hi, couz. Kumusta? Grabe sobrang busy namin ngayon. Nakakapagod sa medical mission. Ang dami talagang nangangailangan ng atensyong medical. Pero hindi naman nabibigyan ng pansin ng gobyerno. Pero sana dumating ang panahon, na pati sila ay mapansin din.) Masayang wika ni Julz. Kahit mababakas sa boses nito ang pagod.
Tumikhim naman si Andrew para maalis ang parang bara sa lalamunan niya. Hindi niya kasi alam kung bakit talagang masaya ang puso niya na tumawag si Julz. Pasalamat na lang talaga siya at hindi nito napansin ang pagkautal niya kanina.
"Saan ba ang medical mission ninyo ngayon? Huling alis ninyo, liblib na lugar ng Sta. Barbara. Ngayon naman ay saan?" Tanong ni Andrew na ikinangiti naman ni Julz kahit hindi naman nakikita nito.
(Sa may kabundukan ng San Domingo. Napakadaming mamamayan na nakatira dito. Salamat nga pala sa mga donasyon na bigay ninyo ni Lucas. Madami ding nagbigay doon sa panawagan ko. So ayon, nakadami kami ng dala ng team namin para sa medical mission na ito. Iyon nga lang baka hindi ako kaagad makauwi. Noong nagdaang araw, ay umulan ng malakas kaya naman, nagkaroon ng baha. Hanggang ngayon baha pa rin sa daraanan. Kaya hindi pa kami makakauwi.) Paliwanag ni Julz na ikinakaba naman ni Andrew.
"Wala bang ibang way? Gusto mo puntahan kita dyan?" Wika ni Andrew na ikinatawa lang ni Julz.
(Ang oa mo po. Mas nag-aalala ka pa sa akin kay sa kina daddy at mommy eh. Nagpaalam nga ako sa kanila, sinabihan lang ako ng ingat. Tapos ikaw. Sinabi ko lang na hindi pa ako makakauwi, ay kung malilipad mo ang patungo dito lilipadin mo ah. Don't worry couz. Dahil marami kami dito. May tinutuluyan naman kami. Salamat sa pag-aalala.) Masayang wika ni Julz na ikinabuntong hininga ni Andrew.
"Okey sige, pero madami ka bang babaeng kasama dyan?" Tanong ni Andrew ng marinig niya ang boses ng isang lalaki.
(Tara na Julian, nakaready na ang meryenda. Tapos na silang magluto.) Masayang boses ng lalaki na tumawag kay Julz sa unang pangalan nito.
"Sino iyong lalaking iyon Julz!?" Mariing wika ni Andrew.
(At bakit? Anong meron? Oi anong kinakagalit mo?) Inis na wika ni Julz. Dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon si Andrew sa kanya. Kanina nag-aalala, tapos ngayon galit na.
"Wala, sige na ingat ka na lang dyan. Bye Julz magmeryenda ka na." Wika ni Andrew na hindi na niya hinintay, na makasagot pa si Julz, dahil pinutol na niya ang tawag.
Napabuntong hininga na naman si Andrew dahil sa tawag na iyon. "Nagiging mahigpit na ba ako sa kanya? Para kasing sumusobra na rin ako minsan. Alam kong mali ang pagbawalan si Julz sa ibang bagay. Pero minsan. Hindi, madalas talaga, parang binabakuran ko na siya. Bagay na hindi ko naman dapat ginagawa. Bahala na nga. Kailangan din naman ni Julz na may makilala na iba. Hindi iyong ako lang dahil sa kababawal ko." Malungkot na saad ni Andrew habang nakatingin sa kisame.
Samantala, nakatingin lang si Julz sa cellphone niyang, bigla na lang nag-end call.
"Problema nun?"
"Julian, tara na. Ikaw na lang hinihintay. Ayaw nilang magsimulang kumain ng wala ka." Natatawang wika ng lalaking nurse na kasama nila. Kaya naman tumayo na rin siya sa kinauupuan niya kanina.
Hindi na lang muna niya iisipin ni Andrew. Baka naman bagong break lang iyon sa latest girlfriend nito. Noong isang araw. Kaya pabago-bago ng mood. Tatango-tangong sambit ni Julz sa isipan. Bago tuluyang sumunod kung nasaan ang naroon ang mga kasamahan niyang nagmemeryenda.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Dumating na rin ang graduation pero busy pa rin ang mga magulang ni Julz. Inaasahan na rin niyang wala siyang ibang makakasama sa graduation march. Alam na niya iyon, at sanay na siya. Ganoon din noong high school. Kaya naman ngayon, inaasahan na niya ang bagay na iyon.
Nakatingin din siya sa ibang mga college students na ramdam na proud ang mga magulang nila sa mga narating ng mga anak nila. Pero ang mommy at daddy niya. Kahit isang 'congratulations anak' wala siyang natanggap.
Alam naman niyang ayaw ng mga magulang niya sa kursong kinuha niya. Kauting moral support lang sana. Pero bigo pa rin siya.
Hindi din niya sinabi kay Andrew ang araw na iyon. Dahil pakiramdam niya, isa lang siyang malaking abala dito. Oo nga halos hindi na sila mapaghiwalay noon. Pero habang lumalaki sila, nararamdaman niya ang gap sa pagitan nila. Nagiging busy ito, para sa ipinapatayong kompanya. Hindi pa ito kasing laki ng kompanya ng mga magulang nito. Pero sa isang baguhan na katulad ni Andrew, malaki na iyon. Lalo na at college pa lang ito at magtatapos pa lang.
Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ni Julz, bago tumayo sa kanyang kinauupuan. Nakikita kasi niyang nagsisimula ng humanay sa linya ang mga estudyante. Magsisimula na ang graduation march.
Nakikita niya na umiiyak na rin ang mga magulang ng mga kaklase niya. Dahil proud ang mga ito sa narating ng mga anak nila. May iba pang, kasama ang nanay at tatay, may iba pa ngang pati ang lolo at lola, may mga kapatid pa. Habang siya, tahimik lang na pinipigil ang pagluha, dahil sa pag-iisa.
"Hindi talaga lahat kayang bilhin ng pera. Lalo na ang maging masaya. Nakakaproud ang mga magulang na kayang ibibigay ang simpleng hiling ng mga anak. Ang makasama sila sa araw na ito. Tama na yan Julian Zusainne De Vega. Narating mo nga ang araw na ito ng hindi man lang kinunumusta ng mommy at daddy mo. Maliban na lang kung sasabihin mong may medical missions ka at sasabihan ka lang ng ingat ka anak, love you. Tapos ngayon ka pa iiyak. Kaya ko ito. Di ba self k-kaya n-natin i-ito." Hindi na napigilan ni Julz ang maiyak kahit kausap lang niya ang sarili niya. Lalo na nang marinig niya ang pagtugtog ng graduation march at ikinasimulang maglakad ng nasa unahan.
Tatlong hakbang pa lang nagagawa ni Julz ng may humawak sa kamay niya. Halos hindi na rin siya makakilos ng makilala niya kung sino ito. Hindi naman kasi niya akalain na darating ito. Dahil nararamdaman talaga niya ang pag-iwas nito sa kanya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Higit sa lahat hindi na talaga niya sinabi kay Andrew na ngayong araw ang graduation niya.
Lalo lamang lumakas ang mga hikbi sa labi ng Julz ng makita niya ang ngiti ni Andrew sa kanya.
"Lakad na. Naghihintay na ang mga kasunod mo. Medyo malayo na rin ang nauuna sayo. Magkaiba ba ang upuan ng parents at graduating? Or magkatabi lang?" Mga tanong ni Andrew na kahit umiiyak si Julz, ay napangiti ito.
"Katabi ng graduating ang isang parents. Kung dalawa ang kasama mo. Saka lang mahihiwalay ng pwesto ang isa." Sagot ni Julz habang pinupunasan ni Andrew ang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata.
"Tahan na. Wala man dito si Tito Amando at Tita Zusana, nandito naman ako. Wag ka ding magulat kung bakit ko nalaman. Nakakapagtampo lang kasi hindi ko alam bakit hindi mo ako sinabihan. Pero ng makita kitang nagsisimulang maglakad na umiiyak. Nawala ang tampo ko. Tahan na. Nandito na ako. May regalo ako sayo mamaya. Sure na matutuwa ka kaya tahan na." Mahabang wika ni Andrew, na ikinatango na lang ni Julz. Mabilis na rin silang naglakad hanggang sa naabutan na nila ang nauna sa kanila, bago pa ito makapasok sa pinaka pintuan ng function hall.
Sa buong duration ng graduation ceremony ay nakatutok lang ang atensyon ni Julz at Andrew sa mga sinasabi ng mga nagsasalita. Hindi man si Julz ang may pinakamataas na karangalan sa lahat ng magtatapos. Proud pa rin na siya sa nakuha niya.
Si Andrew na rin ang nagsabit ng medalya niya. Naging tampulan pa sila ng tukso. Pero ng sabihin nilang magpinsan talaga sila. Ay natawa pa sila ng madami talagang gustong mag-claimed kay Andrew.
Nang makabalik sila sa pwesto nila ay napailing na lang si Julz, dahil sa inasal ng mga kaklase niya at ng iba pang courses tulad ng mga nurse na kasabay nilang nagtapos.
Halos pagabi na ng matapos ang graduation ceremony. Ang balak lang ni Julz ay magpahatid na lang kay Andrew sa apartment na tinutuluyan niya. Pero nagulat siya ng iliko nito ang daan.
"Couz saan tayo pupunta? Gusto ko na lang sanang magpahinga. At thank you nga pala sa pagsama sa akin ngayong araw na ito, at sorry dahil hindi ko na nasabi sayo. Medyo nahiya na rin kasi ako. Dahil alam kung busy ka din sa bagong tayo mong negosyo." Wika ni Julz na dito.
"Kahit madilim na, maliwanag naman ang pwesto nun, at kitang-kita talaga ng mga tao. Kaya masasabi kong maganda ang napili kung pwesto. Take note, kompleto na ang mga gamit doon pagmagsisimula ka na. Kasama pa ang mga gamot, na hiningi ko pa ang payo ng isa ding sikat na doktor. Kumuha ka na lang ng lisensya para maging isang ganap na doktor. Dahil pag ganap ka ng doktor, saka naman dadalahin ng isa sa mga pinagkakatiwalaang pharmaceuticals ang mga gamot na ilalagay natin doon." Masayang paliwanang ni Andrew na ikinaawang ng labi ni Julz dahil hindi niya ma-gets ang ibig nitong sabihin.
"Wait lang naguguluhan ako. Ano bang ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Julz ng bigla silang huminto sa tapat ng isang bagong gawang establishment. Maliit lang ito sa labas at may transparent glass wall na may nakasulat na. Dra. De Vega at sa ilalim noon ay may nakasulat Clinic. Napatingin naman si Julz kay Andrew na nakangiti sa kanya ng sobra.
Hindi naman malaman ni Julz, kung paano niya pipigilan ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi naman niya expected ang bagay na iyon. Pero iyon talaga ang regalo ni Andrew sa kanya.
"Tahan na. Kung dati nga nabigay ko sayo ang kwintas na gustong-gusto mo. Iyan pa bang clinic na pangarap mo ang hindi ko ibigay sayo. Ito ang susi. Gusto mo bang tingnan ang loob? Wala pa namang gaanong laman iyan kundi mga table, upuan at ilang cabinet na lalagyan ng gamot. Iyong mga equipment naman na kakailanganin mo, para sa mga laboratory. Ipapadala na lang once na may license ka na. Hindi din daw kasi maganda na mastock lang. Basta once na magsisimula ka na. Kompleto ng lahat ang gagamitin mo dyan. Hmmm. Tahan na. Dapat masaya ka eh." Biro ni Andrew na ikinahampas naman ni Julz sa braso nito.
"Hindi lang ako masaya, sobrang saya ko talaga. Iniisip ko lang kung saan kaya ako pwedeng mag clinic pag nagkalisensya na ako. Tapos ang regalo mo sa akin ito. Sinong hindi maiiyak."
"Oi may bayad yan. On call physician kita ha. Tapos free service pa."
"Kung iyon lang naman. Walang problema. Thank you talaga."
"Tama na ang iyak. Bukas mo na silipin ang loob. Ibaba na lang natin itong pinaka harang. Mahirap na at glass lang talaga yan. Kaya pinalagyan ko nito, para sa safety." Saad ni Andrew, bago ibinaba ang pinakaharang ng clinic.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Julz nang makasakay sila ni kotse ni Andrew.
"Nagpareserve ako ng dinner date sa hotel. Para macelebrate naman natin ang pagtatapos mo."
Wala ng mahihiling pa si Julz kundi ang taos pusong pasasalamat. Hindi man niya nakasama ang mga magulang sa araw na iyon. Masaya na siyang makasama ang nag-iisa niyang pinsan, kapatid at bestfriend sa araw na iyon. Kay Andrew pa lang. Sapat na.