Chapter 13

2078 Words
Matapos ang kanilang medical mission sa Quezon, ay bumalik na ng Maynila sina Julz. Nais pa sana niyang magpahinga, pero hindi na lang niya ginawa. Lalo na ng makatanggap siya ng tawag mula kay Jelly na need na niyang pumasok. Sa dalawang araw kasi na wala siya ay nasa mahigit singkwenta na ang pasyente na hinahanap siya. Alas tres ng madaling araw, sila umalis ng Quezon. Inabot pa sila ng trapik ng may natumbang puno sa tabi ng daan. Wala namang nasaktan kaya hindi na sila bumaba ng sasakyan. Alas sais na ng umaga ng makarating si Julz ng bahay. Pero heto siya ngayon, nagreready na sa pagpasok sa clinic. "Hija hindi ka ba muna magpapahinga?" Tanong pa sa kanya ni Manang Letty ng pumasok siya sa kusina. Nagluluto naman ito ng pang-umagahan. "Kailangan po manang. Madami pong pasyente na naghihintay sa akin. After naman po ng work. Magpapahinga ako ng maagap, para naman po makabawi ako. Ay manang favor, gawa mo po akong sandwich hindi ko na kayang kumain pa ng breakfast." Paglalambing pa niya kay Manang Letty. "Ikaw na bata ka. Syempre naman. Malakas ka sa akin eh." Biro pa ni Manang Letty sa kanya at ipinaghanda na nga siya ng sandwich. Tatlo ang ginawa nito para maibigay daw sa sekretarya niya. Ginawan din siya ni manang ng fresh mango juice. Pagkarating ni Julz ng clinic niya, ay napansin na agad niya ang dami ng nakapila na pasyente. Napatingin naman siya kay Jelly. Iniabot na rin niya ang sandwich at mango juice na bigay ni manang dito. Ilang minuto lang ang ginawang pagreready ni Julz, at inisa-isa na niyang tawagin ang mga pasyente. Lahat ng naging pasyente niya ay hiningan niya ng pasensya sa dalawang araw niyang pagkawala. Pero heto at malugod pa rin siyang iniintindi ng mga ito. Ang iba ay nahiya pa sa kanya, na sa halip na nagpapahinga ay heto siya at nakaharap sa mga ito. Kaya naman lalo talaga siyang natutuwa at mas naiisip niyang mas lalong pagbutihan ang pang-gagamot. Lunch na pero napakadami pa ding mga pasyente kaya naman, hindi na muna siya nag lunch. Mas mahalaga na ma-check up na muna niya ang mga pasyente. Lalo na at dapat nagpapahinga na rin ang karamihan sa mga ito sa bahay. Higit sa lahat ang mga seniors at ang mga bata. Medyo madilim na ng matapos ni Julz i-check up ang huling pasyente. Hindi na rin niya nagawang maglunch pero binilhan naman siya ni Jelly ng meryenda kanina, kaya kahit papaano ay nagkalaman ang sikmura niya. Si Jelly naman ay binigyan niya ng break kanina para makakain. "Dok, tanghali ka ng pumasok bukas ng makapahinga ka. Dalawa pa lang ang nagpalista na pasyente para bukas. Kaya sinabihan ko silang one ng hapon na lang sila pumunta dahil hapon pa ang pasok mo. Alam kong pagod na pagod ka. Kaya magpahinga ka naman. Mas mahirap pag ikaw ang nagkasakit. Ako na lang ang papasok ng maagap bukas. Gawa ng mga darating na mga orders natin na mga gamot." Wika ni Jelly sa kanya. "Ang swerte ko sa part na ikaw ang sekretarya, assistant, kanang kamay at kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi dahil sayo." Pahayag naman ni Julz. "Dok, ang drama mo. Kulang pa itong ginagawa ko kung hindi dahil sayo. Hindi ako makakatungtong ng college kung hindi dahil sayo. Nakita mo lang akong umiiyak, dahil nawala ang pang tuition ko. Pero kahit hindi mo ako kilala, pinahiram mo ako. Kaya salamat talaga dok." "Minsan ang drama mo din Anjellyn. Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga, masaya akong nakilala kita at kung makaalaga ka sa akin daig mo pang ate ko. Kung tutuusin mas matanda pa ako sayo ng apat na taon." Natatawang wika pa ni Julz. Habang nakahiga sa couch sa loob ng clinic niya. Hindi na kasi talaga niya mapigilan na hindi mahiga, lalo na at sumasakit na ang likod niya. "Ay sus naman si dok. Yang gusto mo bang, magpadeliver ako ng pagkain ngayon. Sabay na tayong mag dinner. Wala ka pang kain buhat kanina eh. Tapos hindi ka pa nakapagbreakfast." Tanong ni Jelly na sumang-ayon na lang ang tiyan niya, dahil sa malakas na pagtunog nito. Nagkatawanan na lang sila ni Jelly lalo na at hindi niya masabing hindi siya nagugutom, lalo na at malaki na ang reklamo ng tiyan niya. Sa fastfood na lang sila nag-order. Lalo na sa gutom niya ay parang nagcrave siya sa chicken na maraming gravy at rice. Health conscious siya, pero pag galing sa fastfood ang pagkain. Nakakalimot din siya. Isang bucket ng eight chicken ang order nila ni Jelly. Anim na rice at bumili na lang sila ng juice, ayaw kasi nila ng sofdrinks. Nang maideliver na ang order nila ay inayos na ni Jelly ang pagkain nila. Sinimulan na nilang kumain. Tig-apat sila ng chicken at tig tatlong rice. Busy lang sila ni Jelly pagkain, at walang imikan hanggang sa sabay silang nagkatinginan ng maubos nila ng sabay ang pagkain nila. Para pa silang nagtaka, dahil hindi nila lubos maisip na naubos talaga nila ang tig-apat na chicken at tatlong rice. Pati na rin ang gravy ay halos walang natira. "Hala dok. Naubos talaga natin iyon?" Gulat na tanong ni Jelly. "Hindi mo akalain? Medyo bitin nga eh. Kaso need ko ng magbawas ng kain. Kaya hindi na ako nagpaorder ng mga side dish. Pero ang sarap sana ng sundae at fries. Hay." Sagot lang niya kay Jelly. "Seryoso dok? Saan mo dinadala ang mga kinain mo? Ako talaga busog na busog na. Sobra. Sayang lang kung hindi ko uubusin ang chicken." "Yeah. Seryoso. Saan ko dinadala? Sa tiyan." Nakangising wika pa ni Julz, at naupong muli sa couch para magpahindag naman. Si Jelly na ang nagligpit ng kanilang pinagkainan. Gabi na ng umalis sila ng clinic. Inihatid na rin ni Julz si Jelly sa apartment nito. Pauwi na sana siya ng bahay ng maisipan niyang sa condo na lang ni Andrew matulog. Mas malapit kasi ito kay sa sa bahay nila. Pagkapark niya ng kotse, ay hinayon na niya ang unit ni Andrew. Magdo-doorbell sana siya ng mapansing bukas ito. Papasok na sana niya ng may marinig na taong nag-uusap. "Babe, listen. Hindi ka ba naniniwala na ikaw ang ama nitong dinadala ko." Boses ng babae na nagsusumamo. Babae na naman? Ayan may naghahabol na naman sa lalaking iyon. Tsk... tsk... Wika ni Julz sa isipan. Lumapit pa siyang mabuti sa kinaroroonan ng mga ito. Nasa may parte kasi ang mga ito ng kusina. "Don't call me babe b***h! Oo nga at tatlong beses tayong nagkita sa bar. Pero iyong huli nating pagkikita, iniwan mo ako sa bar. Nagpaalam lang ako sayo na gagamit ako ng banyo. Pero nawala ka na. And one more thing. How did you know that I'm the father of your child? Kung wala pang nangyayari sa atin. Oo. Aminado akong madami akong nakakadate, pero never akong gumalaw ng babae. Kiss and make out lang halos. Pero wala pa akong nadadala sa kama, or kahit saan man. Kaya umalis ka na. Kahit pa ipa-DNA mo iyang anak mo. Hindi ako ang lalabas na ama niyan lalo na at hindi ko pa nasusubukang gawin ang bagay na iyon." Saad naman ni Andrew na ikinagulat niya. Alam niyang maloko at madaming babaeng dumaan sa pinsan niya. Pero hindi niya akalain ang bagay na iyon. "Pero babe." "Walang pero, pero. Una sa lahat walang nangyari sa atin. Period!" Inis na wika ni Andrew. Nang lalapitan ng babae si Andrew ay bigla na siyang nagsalita. "Don't try to make a move Miss. Baka naman gusto mong ipakaladkad kita sa guard sa baba, dahil sa pagpunta mo dito. Sino ka para ipaako sa iba, ang anak ng iba sa lalaking nasa harapan mo. Magkaroon ka ng delikadesa. Humarap ka sa tunay na ama ng batang iyan at wag mong ipaako sa kanya. Kung ayaw mong ako ang makalaban mo!" Mariing wika ni Julz habang nakatingin sa mukha ng babae. "Sino ka? Girlfriend ka din ba ng lalaki yan? Hindi ko alam na madami pala tayong niloloko n'yan? Akala ko nung tumugon siya sa halik ko, kami na. Pero tinatang---." Hindi natapos ng babae ang sasabihin nito ng magsalita si Julz. "Magkalinawan nga tayo! Okey tumugon sa halik mo! Pero bakit sa iba ka nagpabuntis. Get out! b***h! Hindi ako mangingimi na saktan ka!" Galit na sigaw ni Julz. "Sino ka ba? Bakit ka ba nangingi-alam?! Usapan naming magboyfriend ito!" Inis na tanong ng babae. "Sino ako? Ate n'ya b***h! Hindi ako papayag na mapunta sa tulad mo lang ang kapatid ko! Lalo na at naniniwala ako sa kanya na walang nangyari sa inyo. Kahit ngayon pwede kitang icheck up kung buntis ka nga. Ito pregnancy test. Subukan mo ngayon!" Galit na sigaw ni Julz na ikinaputla naman ng babae. "Sorry, napag-utusan lang ako nung sinuntok ni Andrew sa bar. Sabi niya guluhin daw kita. Dahil pinatalsik mo daw ang tatay niya sa kompanya. Sorry. Hindi kasi ako makatanggi doon sa lalaki, kasi sinisingilan niya ako ng thirty thousand para sa damit niyang namantsahan ko, wala naman akong pera na pambayad doon. Sorry po." Biglang wika ng babae sa kanila. "Here. Thirty thousand, ibigay mo sa duwag na iyon. Umalis ka na, kung ayaw mong pati ikaw, may kalagyan. Tsk." Saad ni Andrew na biglang ikinalabas ng babae sa condo niya. Narinig na lang nila ang malakas na pagsara ng pinto. "Ate? Hindi bagay sayo na maging ate ko. Mabuti na lang talaga, solong anak ako ni daddy at mommy." Natatawang wika ni Andrew ng samaan siya ng tingin ni Julz. Na ikinatigil niya ng pagtawa. "Ako'y wag mong matawanan Andrew De Vega kung ayaw mong masapak kita." "Okey makikinig na. Sorry na." "Couz, ang babaero mo talaga. Sabi ko sayo magbagong buhay ka na. Kahit nasa tamang edad ka na para mag-asawa. Hindi ko masabing mag-asawa ka na. Bakit ba hindi ka humanap ng matinong babae para maging girlfriend mo. Wag iyong mga malalandi!" Inis na pahayag ni Julz. "Sinubukan ko naman. Kaso parang hindi pala s'ya para sa akin." Mahinang wika lang ni Andrew na hindi na umabot sa pandinig ni Julz. "Thank you nga pala. Mukhang pagod na pagod ka. Kumain ka na ba?" Tanong ni Andrew ng mawalan ng balanse si Julz. "Oi. Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong niya dito. "Napagod ako couz ang daming pasyente. Wala pa akong maayos na pahinga. Dito ako matutulog. Penge namang wine pamparelax lang." "Nahilo ka na nga, alak pa rin!" "Ngayon lang ulit couz. Hindi talaga ako makakatulog sa sobrang pagod. Kumain na naman kami ni Jelly sa clinic. Kaya please." Pakiusap lang ni Julz. Hindi na rin naman natanggihan ni Andrew kaya pinagpalit na lang muna ni Andrew si Julz ng damit. Pagkatapos ay nagtungo sila sa living room para uminom. Matapos maubos ni Julz ang isang basong wine ay nakita na lang ni Andrew na mahimbing na itong natutulog. Matagal ding pinagmasdan ni Andrew ang maamong mukha ni Julz. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang sinabi ni Dra. Santiago. Isa sa mga doktor sa ospital na nakilala na rin niya, sa limit ni Julz na makasama ito sa mga medical missions. "Kahit saan ko talaga tingnan, walang nakuha si Julz sa mukha ni Tito Amando, kaya nakakapagtakang, hindi naman si Julz kamukha ni Tita Zusana maliban sa mata. Samantalang ako, kamukha ko naman si daddy at may part na kamukha ako ni mommy." Wika pa ni Andrew sa sarili bago muling pagmasdan ang maamong mukha ni Julz. "May pagkakataon pa kaya na magkaroon himala? Himala na malalaman kong wala talaga tayong ugnayan sa isa't isa. Pero sa ngayon pinipilit kong maging masaya, kung ano lang ang pwede. Kahit ang hirap-hirap na." Wika ni Andrew at pinalis ang isang butil na luha na kumawala sa kanyang mata. "Matagal na akong nahihirapan sa nararamdaman ko, kaya pilit kong ibinabaling sa iba ang lahat. Pero bakit hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako. Alam kong bawal alam kong mali. Kaya hanggat kaya ko. Pipilitin kong maging tama ang lahat. I love you Julz." Wika ni Andrew sa natutulog na si Julz at hinalikan pa ni Andrew si Julz sa noo. Binuhat naman ni Andrew si Julz sa kwarto na ginagamit nito. Nang maayos niya ang pwesto ni Julz, ay pinagmasdan muna pa niyang muli ang dalaga bago tuluyang lumabas ng kwarto nito. Tinuloy lang ni Andrew ang pag-inom hanggang sa lamunin na rin siya ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD