Halos nasa ilang linggo na rin buhat ng huling beses na natulog si Julz sa condo ni Andrew. Naging busy sila pareho sa kanya-kanyang mga buhay. Siya sa clinic niya habang si Andrew ay sa kompanya nito.
Hindi na rin sila gaanong nagkakakumustahan, lalo na nga at nawalan na sila ng oras. Nang magkaroon ng minor problem ang kompanya ni Andrew. Alam naman niyang maaayos kaagad iyon ni Andrew. Wala din naman siyang alam sa business, kaya hindi na siya nagtanong pa.
Katatapos lang i-check ni Julz ang huling pasyente. Pagkalabas nito sa kanyang tanggapan ay ipinikit naman muna niya ang kanyang mga mata. Paglabas ng huling pasyente ng clinic ay siyang pasok naman ng isang gwapong lalaki. Nakangiti ito at may hawak na bouquet ng red roses.
"Hi Jelly. Nasa loob pa ba si Julian?" Tanong ng gwapong lalaki na kapapasok lang.
"Yes Sir. Kalalabas lang ng last patient namin. May date kayo ni doc?" Balik tanong ni Jelly.
"Nope, I want to surprise her. Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko."
"Ah, busy po kami nitong nagdaang araw. Wait here sir. Maupo ka muna. Tatawagin ko lang si doc." Magalang na wika ni Jelly.
Mabilis namang tinungo ni Jelly ang opisina ni Julz, kung saan nito tinatanggap ang mga pasyente na dapat icheck up. Nakaupo ito at nakasandal sa kanyang swivel chair habang nakatingala at nakapikit. Tumikhim naman si Jelly para makuha ang atensyon ni Julz.
"Doc. Nandyan na naman po ang gwapo mong manliligaw?" Wika ni Julz na ikinabuntong hininga ni Julz.
"Ang sipag n'yang pumunta at mambulabog. Buhat ng maging pasyente ko ang mommy n'ya. Hindi ba s'ya napapagod? Ako pagod na pagod na. Dalawang beses ko naman siyang napagbigyan na makipagdate ako. Pero. Haist! Nakakairita na ha." May inis na wika ni Julz.
"Eh kasi naman doc. Ang ganda mo kasi. Pero ayaw mo ba talaga sa kanya?"
"Yeah."
"Ang bilis naman ng sagot doc. Eh wala ka namang boyfriend. May nagugustuhan ka na ba?" Tanong muli ni Jelly, habang nakapikit ng muli si Julz.
"Yeah, I love couz since th----." Wika ni Julz ng bigla siyang mapahinto sa pagsasalita at mariing napatingin kay Jelly na nakatingin din pala sa kanya. Hindi malaman ni Julz kung paano babawiin ang sinabi niya ng bigla na lang siyang tumikhim.
"I mean, wala pa. Alam mo namang si Andrew lang naman ang lalaking malapit sa akin at mga kasama ko sa medical mission. Pati alam mo namang mahal ko naman talaga iyong pinsan ko. Sanggang dikit nga kami di ba. Nakuwento ko naman sayo na bata pa lang magkasama na kami. Tapos sa iisang school pa kami pumapasok. Ang isa pala palagi din kaming magkaklase, kasi ayaw niyang magkahiwalay kami. Tapos noong nag college doon lang kami nagkahiwalay. Alam mo iyon di ba. Kasi nakwento ko na sayo. At itong clinic alam mo namang regalo ito ni Andrew sa akin noong nag-graduate ako ng college. Tapos -----." Hindi na natuloy ni Julz ang sasabihin ng hawakan ni Jelly ang kamay niya.
"Relax doc. Kinakabahan ka sa pagpapaliwanag mo. Relax, kung ano man ang nararamdaman mo. Wala ako sa lugar para husgahan ka. Alam kong ginagawa mo ang tama. Mag-usap tayo mamaya. Paaalisin ko lang ang manliligaw mo. Hmmm." Mapang-unawang wika ni Jelly na ikinatango lang muli ni Julz. Bago siya muling pumikit, ng makalabas na si Jelly.
Kinausap naman ng maayos ni Jelly si Carl, na naging masugid na manliligaw ni Julz. Ramdam naman ni Jelly na ayaw dito ni doktora. Iyon nga lang ay may pagkamakulit ito. Ilang beses lang naman itong pinagbigyan na makadate ni Julz. Una gawa sa hiling ng mommy nito. Pangalawa ay para sabihin na wala talaga itong pag-asa. Pero heto at hanggang ngayon, nandito pa rin ang makulit na si Carl. Walang sawa sa panliligaw kay Julz.
"Sir Carl. Nakatulog na si doktora dahil sa pagod. Ipapasundo ko na lang po si doktora ni Sir Andrew. Kaya hindi ka na niya mahaharap. Pasensya na po." Magalang na saad ni Jelly kay Carl.
"Ganoon ba? Pero pwede namang ako na lang ang maghatid sa kanya." Wika pa ni Carl.
"Salamat na lang po. Baka po kasi magalit din si Sir Andrew dahil, nakatulog na si doktora. Tapos may ibang lalaki pa na maghahatid sa kanya."
"Sino ba itong Andrew na ito? At parang tatay pa niya sa higpit?" May inis na tanong ni Carl.
"Sir, pinsan po ni doktora. At halos hindi na po mapaghiwalay si doktora at Sir Andrew noon. Kaya po iniingatan po ni sir si doktora. Sana po maintindihan po ninyo." Wika ni Jelly na parang mas naunawaan naman ni Carl.
"Okey. Sige. Hindi na ako magpupumilit. Pakibigay na lang nitong bulaklak kay Julian, at pakisabi na rin na babalik ako bukas. Thank you." Saad ni Carl at lumabas na rin ito ng clinic nila. Ni-lock naman muna ni Jelly ang pintuan. Inilagay din ni Jelly ang sign na close. Para wala ng magtangkang pumasok pa.
Pagpasok niyang muli sa tanggapan ni Julz, naabutan pa niya itong nakatingin sa itaas, na wari mo ay may nakikitang kakaiba. Napabuntong hininga na lang si Jelly, sa nakikita sa boss niya.
"Doktora." Untag pa ni Jelly.
"J-jelly." Nauutal na wika ni Julz, na hindi na napigilan ang umiyak. Wala naman kasi dapat iiyak pero sa mga oras na iyon. Kusa na lang lumabas ang kanyang mga luha.
All those years, pinilit niyang maging normal ang lahat. Pero meron din pala talagang pagkakataon na mabubunyag ang pinakalilihim niya. Wala ka ngang pinagsasabihan ng lihim mo. Nahuli ka naman sa sariling bibig mo.
"Dok. Iiyak mo lang muna iyang lahat, tapos sabihin mong lahat sa akin. Makikinig ako ng walang halong panghuhusga." Wika ni Jelly habang yakap-yakap si Julz at kinakalma sa pamamagitan ng pagpispis sa likuran nito. Ilang minuto pang umiyak si Julz hanggang sa tuluyan na itong tumahan.
"Okey ka na dok? Magkwento ka na. I'm all ears. Makikinig ako sayo ng buong puso."
Tumingin muna si Julz sa mga mata ni Jelly. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa sitwasyon na iyon. Na nadulas siya ng hindi niya inaasahan. Pero nandoon na, ilalabas na niyang lahat ang mga nasasaloob niya. Bumuntong hininga muna si Julz bago simulan ang mga nais niyang sabihin.
"Tulad ng mga nauna kong kwento sayo. Lumaki kami ni Andrew na magkasama. Naliligo pa kami ng sabay noong mga bata pa kami. At nakita ko na ang lahat sa kanya. Ganoon pala ang itsura noon pag bata pa. Oi noon lang iyon ha. Noong mga bata pa kami. Noon lang talaga. Hindi ngayon. Promise." Natatawang paglilinaw ni Julz, at natawa na rin si Jelly sa sinabi niya.
"Why so defens---.." Hindi na natuloy ni Jelly ang sasabihin niya ng parahin siya ni Julz.
"Okey tama na nahihiya na nga ako. Ikaw kasi. Ito tutuloy ko na ang kwento ko. Hay Jelly." Saad pa niyang muli.
"Hanggang sa dumating iyong time na, hindi ko alam ang nangyari sa akin, at nag-iba na lang bigla ang pagtingin ko sa kanya, noong simulan niyang dumistansya sa akin? Noong isang beses na hinalikan ko siya? Binibiro ko lang naman s'ya, pero ako yata ang tinamaan ng biro kong iyon. Noong iregalo niya sa akin ito." Tukoy ni Julz sa kwintas na palagi niyang suot. Iyon ang regalo sa kanya ni Andrew noong makagraduate sila ng highschool.
"Hindi ko talaga alam kung kailan nagsimula. Basta naramdaman ko na lang. Noong iniwasan niya ako na sabi n'ya hindi naman daw. Pero halata at ramdam ko naman ang pagdistansya n'ya. Doon ko naman palaging hinahanap ang presensya n'ya. Iyong pagkakataon na pagtataboy ko sa mga babae niya. Hindi ko iyon ginagawa kasi humihingi siya ng pabor. Ginagawa ko iyon kasi ayaw kong may lalapit na iba sa kanya. Ayaw ko siyang malayo. Gusto ko siyang ipagdamot pero hindi pwede. Kapatid ni daddy si Tito Ariston. Hindi ko nga alam kung nababaliw na ba ako. O baliw na bang talaga ako. Ibinabaling ko naman ang atensyon ko sa iba pero hindi ko magawa na kalimutan ang nararamdaman ko para kay Andrew." Wika ni Julz habang malalim naman na nag-iisip si Jelly.
"Alam ba n'ya?" Tanong ni Jelly na ikinailing niya.
"Hindi. Hindi ko kayang sabihin. Baka mamaya pagtawanan lang ako noon. Mahirap at masakit. Ang bigat kaya dito." Tukoy ni Julz sa puso niya.
"Kahit papaano masaya na akong makita siya. Kaya nga kahit nagkaroon ng problema ang company niya. Tiniis kong hindi mangumusta. Nagpakabusy na lang ako sa trabaho ko dito. Gusto ko din siyang iwasan, at makapag-isip-isip. Mali itong nararamdaman ko di ba? Alam iyon ng isipan ko. Pero ang puso ko, nagrereklamo. Sinasabi niyang tama lang itong nararamdaman ko. Nahihirapan na talaga ako."
"Dok bakit hindi mo hayaang ligawan ka ni Sir Carl. Kaso parang ayaw ko naman sa kanya para sayo. Ang presko eh. Gwapo nga kaso mukhang mayabang. Hanap kita ng blind date dok." Pag-iiba ni Jelly sa usapan nila. Lalo na at nahahala na ni Jelly na naiiyak na naman si Julz.
"Ayaw ko ng blind date, baka mamaya masamang tao pala iyong makasama ko. Gawan pa ako ng masama. And tama ka. Ayaw ko talaga kay Carl. Masyadong mayabang. Palaging ipagmalaki ang yaman ng pamilya nila." Pagsang-ayon pa niya.
"Sabagay tama ka dok. Kung pwede lang kayo ni Sir Andrew. Mas gusto ko pa si Sir Andrew para sayo. Hindi dahil boss kita kaya ko ito sinasabi. Dahil kilala ko na rin naman si Sir Andrew at masasabi kong ang perfect na niya. Maliban na lang sa madami s'yang chickazzzz." Natatawang wika ni Jelly na ikinatawa na lang din niya.
"Thank you Jelly. Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin. Na akala mo wala akong itinatago. Pero hayon, may lihim din akong hindi maganda. Na maaari pang pagmulan ng masamang panghuhusga ng iba." Nahihiyang wika ni Julz.
"Naku dok. Kahit kailan hindi ako magbabago ng pagtingin sayo. Ikaw pa rin ang pinakamabait na doktor na nakilala ko. Na naging kaibigan ko. Ang isa pa dok. Walang masama sa pagmamahal. Ang masama ay ang mga taong nasa paligid mo na mapanghusga. Pero dok. Payo lang ha. Hindi ako nanunulsol, at hindi ako bad influence. Kaibigan mo lang ako, at kaibigan kita. Higit sa lahat mahal kita, bilang ate ko. Payo ko lang sayo na pagdumating ang pagkakataon na may katugon ang pagmamahal na inililihim mo, wag mong pigilan ang puso mo. Oo masama sa paningin ng iba. At masama talaga kung iisipin mo. Pero hindi mo naman ginusto ang bagay na iyan. Dahil kusa mo iyang naramdaman at kusang dumating sa buhay mo. Hindi mo iyan mararamdaman, kung basta wala lang. Dok tiwala lang." Saad pa ni Jelly.
"Paano kung...."
"Wag mong isipin ang iisipin ng iba. Ang isipin mo ang sarili mo. Mali man sa paningin ng iba. Mahalaga ay ang nararamdaman ninyo. Wala naman silang ambag sa buhay ninyo. Kaya wala silang pakialam sa nararamdaman ninyo. Kaya wag kang panghihinaan ng loob sa maririnig mo, ninyo. Mahalaga nagmamahalan kayo." Putol pa ni Jelly sa sasabihin niya.
"Ikaw talaga. Parang may katugon na eh. Tsk. Tsk."
"Aba dok. Malay natin. Sa ngayon enjoy mo na lang ang bawat araw. Bukas makipagdate ka. May kilala ako, mabait iyon, promise. Naghahanap din kasi ng girlfriend. Professor ko noon sa math noong college. Matanda lang sayo dok ng dalawang taon. Ano payag ka?" Pangungulit na naman ni Jelly.
"Paano mo nasabi na naghahanap ng girlfriend? Baka mamaya naman habang nakikipagdate ako may sumabunot sa akin ah." Ani pa niya.
"Ni uncrush ko lang naman. Pero hindi ko sinabing hindi ko na stalk ang socmed account niya." Nakangising wika pa ni Jelly sa kanya.
"Tingnan mo dok. Ikaw na ang humusga."
"Bakit gwapo ba?" Tanong lang ni Julz na ikinatawa din ni Jelly.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Julz. Mahirap mang itago ng matagal ang kanyang nararamdaman pero pipilitin pa rin niyang pigilan hanggat kaya niya. Alam niyang mali ang mahalin si Andrew dahil sa sitwasyon nila. Pero kahit sa sarili lang niya. Masaya na siyang makasama lang ito, makita at makausap kahit ang pagmamahal niya dito ay walang katugon mula dito.