Chapter 12

2530 Words
Alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Julz. Nagmadali na rin siyang maligo, para makapagkape man lang bago siya magbyahe, patungong ospital. May dala naman silang food pack, ayon sa nagapag-usapan nila ni Dra. Santiago, kaya naman hindi siya nag-aalala na hindi makakain ng umagahan, lalo na at may pagkain naman silang pwedeng kainin, habang nasa sasakyan. Nagmadali na rin siyang magbihis makatapos maligo. Paglabas niya ng kwarto niya, ay napansin niyang bukas ang ilaw ng kusina, kaya naman nagtungo na rin siya doon para makapagtimpla ng kape. Naabutan niya si Andrew na nasa harap ng electric stove nito at nagpiprito ng bacon, habang hawak ang isang tasa ng kape. Nakita din niya sa counter island ang nakahayin na sinangag, sunny side up, at hotdog. May nakatimpla na rin na kape. "Good morning couz. Anong oras ka pa nagising? May pa breakfast si mayor." Wika lang ni Julz at naupo na rin sa isang highchair. "Yang before three. Kain na paluto na rin ito. Mas okey pa rin na may laman ang sikmura mo bago kayo magbyahe." Tugon naman ni Andrew at inahon na rin ang bacon na niluluto nito. Nang mailapag sa harapan ni Julz ang bacon ay napatingin naman si Julz kay Andrew, na nagtungo sa harapan ng refrigerator. At may kinuha itong nakaready na slice na mga gulay. Lettuce at kamatis ang una niyang napansin. Nagtungo din si Andrew sa harap ng oven at kinuha na rin ang mga burger patty na nakalagay pa sa baking tray. Umuusok-usok pa iyon, kaya naman masasabi niyang napakasarap noon, lalo na at sa amoy pa lang malalasap mo na ang aroma ng pure beef and other spices. "Hindi ka pa ba kakain?" Tanong lang niya dito. "Mamaya na. Ipaghahanda na muna kita ng sandwich. Mainam din. Mahirap ka pa namang magutom. Tikman mo itong isa. Masarap yan." Biro pa ni Andrew sa kanya, kaya naman inirapan lang niya ito. Pero tinanggap pa rin niya ang bake patty na bigay ni Andrew. Madami ding sandwich ang ginawa ni Andrew. Ang iba ay para sa ibang volunteer at ang isang lalagyan na may katamtaman ang laki ay para lang mismo sa kanya. "Hindi kaya ako tumaba dahil sa mga pagkaing iyan? Sandwich nga, pero tatlo talaga ang para sa akin lang?" "Hoy! Julian Zusainne, para sa kaalaman mo. Lettuce, tomato, cucumber, white onion, homemade mayo, homemade patty and cheese lang ang laman ng sandwich na ginawa ko para sa inyo. Kita mo naman bake pa iyon para less oil. Before ka natulog na prepare ko na iyon. So ayan. Bilisan mo na dyan at ng maihatid na kita." Sikmat naman sa kanya Andrew. "Ilang oras lang ang tulog mo?" Takang tanong niya kay Andrew na gulat pa rin siya sa pag-aasikaso nito sa kanya. "One hour siguro. Pero hayaan mo na. Matutulog din ako mamaya, pagkahatid ko sayo. Dali na. Ang bagal mo ngayon dok." Sita pa ni Andrew sa kanya. "Thank you couz. Ang sarap mong maging boyfriend. Pang husband material ka na nga eh. Magaling sa kusina, maalaga pa." Masayang puna pa ni Julz kay Andrew at ngumisi naman ito sa kanya. "Iyan. Iyan talaga ang matagal ko ng hinihintay sa sabihin mo. Hindi iyong palagi na lang na si babaero ako. Now you know my worth. Uhmmmm. Maswerte talaga ang magiging girlfriend ko. Higit sa lahat gwapo ako." Pagmamalaki pa ni Andrew kay Julz. "Ang lamig na couz, lumalakas yata aircon mo. Hinaan mo ng kaunti. Masyadong yumayabang eh. Este lumalamig." Nakangising wika pa ni Julz at nagmadali na siya sa pagkain para naman maihatid na rin siya ni Andrew. Dahil four thirty ang call time nila. Four twenty ng dumating si Julz sa harapan ng malaking ospital. Nakaready na rin ang may katamtamang close van na kasama nila, na siyang may dala ng mga gamot, at mga nakarepack na iba't ibang pagkain. Magkakasama naman silang mga doktor, nurse at volunteer sa isang van. May kasama silang dalawang driver na magkarelyebo sa pagmamaneho. Apat silang doktor, may apat na nurse, at anim na volunteer. Nagpaalam at nagpasalamat pa silang lahat kay Andrew para sa meryenda na ginawa nito para sa kanilang lahat. Nang makaalis ang van na sinasakyan nina Julz, ay umuwi na rin muna si Andrew sa condo niya para naman makatulog at makapagpahinga muna. Dahil malamig ang pakiramdam at madaling araw nga ang kanilang byahe, ay nakatulog silang lahat habang nasa byahe. Maliwanag na ng magising sila. Tumigil muna sila sa isang arko, para makapagmeryenda ng sandwich na ginawa ni Andrew. Napatingin pa si Julz at binasa ang nakasulat sa arko na tinigilan nila. "WELCOME TO SARIAYA QUEZON. Malapit na ba tayo? Quezon na rin pala ito." Inosenteng tanong niya sa mga kasama. "Yes! Doc. Sa may padulo lang tayo. Si Governor. Des Conde kasi ang humingi ng assistant para sa medical mission na ito. Kaya naman magtutungo muna tayo sa kanya. Sa katunayan, madami ng nahingan ng tulong si Gov. Iyon nga lang lahat busy ang mga doktor sa ibang ospital kaya tayo lang ang nakatugon sa pakiusap niya." Paliwanag ni. Doc. Hilario. "Ganoon po ba? Wala po bang malalapit na ospital dito?" Maang na tanong niya. Dahil kung pagmamasdan niya ang pwesto nila, hindi mo masasabing sobrang hirap ng mga tao sa lugar. Siguro mayroon na hikahos, pero hindi naman tulad ng sa ibang lugar na hindi na talaga naaabot ng sibilisasyon. "Mayroon naman. Tulad nga ng sinabi ko. Masyadong busy ang mga doktor sa mga ospital, hindi na nila mabigyan ng pansin ang mga tao sa mga tagong lugar." Napatango na lang siya sa paliwanag ni Doc. Hilario. Muli silang nagbyahe, hanggang sa marating nila ang daan na sementado pa naman, pero parang sa pabundok naman ang tungo. Namamangha lang sila sa mga tanawin. May mga ilog din silang nadaanan. "WELCOME TO TAYABAS QUEZON." Basa pang muli ni Julz sa isa pang arko na nadaanan nila. Medyo tanghali na ng nakarating sila sa harap ng kapitolyo ng bayan ng Tayabas. May sumalubong sa kanila na isang medyo may katandaang lalaki, at itinuro nito kung saan, pwedeng magpark ang kanilang van na sinasakyan at ang kasama nilang close van. Paglabas nila ng sasakyan, ay mas lalo nilang na-appreciate ang ganda ng bayan ng Tayabas. Lumabas mula sa kapitolyo ang isang gwapong lalaki na sa tingin nila ay maganda din ang pangangatawan, at halos kaedad lang siguro nila ni Andrew. Nakasalamin ito na lalong nakapagpalakas ng dating nito. Napangiti naman si Julz ng makita ang mga babaeng volunteer na kasama nila, pati na rin ang mga nurse. Napatingin din siya kay Dra. Cruz at Dra. Santiago na hindi maalis ang tingin sa lalaking papalapit sa kanila ngayon. "Gov. Bryan." Agaw pansin ng matandang nagturo sa kanila ng pwedeng pwestuhan ng kanilang sasakyan na dala. Napasinghap naman ang kanilang mga kasama ng malaman nilang ang lalaking iyon ang governor ng probinsya. Halos hindi naman mapigilan ang kilig ng kanilang mga volunteer. Dahil marunong naman siyang maka-appreciate ng gwapo. Masasabi ni Julz na gwapo nga si Gov. Des Conde. Binati naman sila ng gobernador at isa-isa silang nagpakilala. Nagpakilala din naman sa kanila si Gov. Inanyayahan naman sila nitong pumasok sa kapitolyo. Naunang pumasok ang apat na nurse at ang mga volunteer. Nauna din sina. Dra. Cruz, Dra. Santiago at Doc. Hilario. Pinagmasdan muna niya ang buong kapitolyo bago siya pumasok. Nakasabay naman siya ni Gov. Bryan. Habang naglalakad ay nag-uusap sila tungkol sa lugar na pupuntahan nila ng may biglang tumawag kay Gov. Bryan. "Sweetie." Tawag ng isang cute na boses, kaya naman napalingon sila ng sabay ni Gov. Napatingin naman siya sa itinaas nitong lunch box. Sweet. Anas pa ni Julz sa kanyang isipan. Napatingin naman siya sa mukha ng gobernador at masasabi niyang, nag-iba bigla ang kislap ng mga mata nito. Kung masaya ito kanina sa pagdating nila. Umaapaw naman ang pagmamahal at saya na nakikita niya ngayon sa mga mata nito. Napangiti pa siya ng lapitan nito ang magandang babae at halikan sa noo. Napatingin din siya sa suot nitong maternity dress. Masasabi niyang nasa seven months na rin ang baby nito sa sinapupunan. Sinenyasan naman ni Gov. ang isa nitong kakilala para ihatid siya sa opisina nito. Lalo na at naiwan na siya ng mga kasamahan nila. May nagdala naman ng meryenda para sa kanila. Sinabi din ng mga ito na dinalahan na rin ng meryenda ang kasamahan nilang nagmamaneho ng dala nilang sasakyan, pati na rin ang driver ng close van. Napatingin silang lahat ng pumasok sa pintuan si Gov. kasama ang babaeng nakita niya kanina sa labas. Ingat na ingat naman si Gov. sa pag-alalay dito. Nang makaupo sa swivel chair ang babae ay binalingan namang muli sila ng gobernador. "Salamat sa pagtugon ninyo sa medical mission na nais ko sanang ipatupad. Base sa dala ninyong sasakyan ay madami din kayong bigay sa mga kababayan namin doon sa liblib na lugar. Pero meron din kaming nais ipamahagi sa kanila. Mga vitamins at gamot. Pero hindi ko iyon magagawa kung hindi dahil sa pagtugon ninyo sa aking kahilingan. Maraming salamat." Malugod pa pasasalamat pa sa kanila ni Gov. Bryan. "And one more thing. This is Sandy Des Conde my beautiful wife." Pakilala pa ni Gov. sa kanila sa asawa nito. Nang marinig nila ang sinabi ng gobernador ay napangit si Julz, dahil tama pala talaga ang hinala niya kanina. Pero natawa sila sa reklamo ng mga kasama nilang nurse at volunteer. "Kung sinong gwapo taken na. Tulad ni Sir Andrew parang taken na hindi." Iiling-iling na wika ng isang volunteer. "Mayroon pa kaya na gwapo? Pero sana available." Sabat naman ng isang nurse at nagkatawanan pa sila. Medyo nagtagal pa ng kaunti ang kanilang pag-uusap. Sinabi din ni Gov. Na may matutuluyan na rin naman sila sa lugar na kanilang pupuntahan. Hindi lang talaga, sila masasamahan ng gobernador, lalo na at nagdadalangtao nga ang maybahay nito, na labis nilang nauunawaan. Nagpaalam na silang lahat, ng bigla siyang pigilan ni Gov. Bryan na lumabas. Kaya naman pinauna na muna niya ang kanyang mga kasama at hintayin na lang siya sa sasakyan. Nang makalabas ang mga kasama nila ay binalingan naman niya si Gov. "Yes. Gov." Wika niya dito. "Dra. De Vega. Pwede bang pagbigyan mo ang hiling ng aking asawa." Nahihiyang wika pa ni Gov. sa kanya. "Kanina pa kasi akong kinukulit ni sweetie na kung hindi ko daw siya pagbibigyan, hindi niya talaga ako papansinin ng ilang linggo." "Ano po ba yan Gov.? Sa abot ng aking makakaya. Mrs. Des Conde?" "Gov.!" May inis pero nahihiyang wika ni Mrs. Des Conde. Napatawa naman si Julz, at napaka cute tingnan ng mag-asawa. "Kasi dok kanina pang binubulong ng misis ko, na sobra siyang nagagandahan sayo. Nakita ko din naman na maganda kang talaga. Mas maganda lang talaga ang misis ko para sa akin." Proud na pamumuri ni Gov. sa asawa nito. Bago tinuloy ang sinasabi sa kanyan. "Kanina pa kasi binubulong ng misis ko, na kung pwede daw, pakurot naman siya sa pisngi mo." Nahihiyang wika pa ni Gov. sa kanya. Humarap naman siya kay Mrs. Des Conde at ngumiti. "Iyon lang naman po pala, gobernadora, wala pong problema. Mahirap pong tanggihan ang hiling ng isang buntis. Pinch me as you want Mrs. Des Conde, until you satisfied." Wika ni Julz, at inilapit pa niya ang mukha kay Sandy. Dalawang beses namang pinisil ni Sandy ang mukha ni Julz, at napansin nito ang pamumula ng pisngi niya at bigla naman itong nahiya. "Sorry." Nahihiyang wika nito sa kanya. "It's okey Mrs. Des Conde. Wala pong problema. Masaya akong mapagbigyan ang iyong nais." Wika pa ni Julz, kay Mrs. Sandy. "Aalis na po kami. Salamat po ulit Gov. para sa medical mission na ito sa inyong probinsya. Masaya po kaming makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng atensyong medical, pero walang kakayahang magpagamot." Wika ni Julz bago tuluyang lumabas ng opisina ng gobernador. "Napakabait niya sweetie. Hindi ko akalaing pagbibigyan ako ng doktor na iyon sa nais ko." Masayang wika ni Sandy. "I know sweetie. Nakita ko kasi ang tungkol sa kanila, kaya sila ang hiningan ko ng tulong para sa medical mission dito sa probinsya, at hindi nga ako nagkamali dahil pinagbigyan nila ako. Isa pa, nakita ko ang profile ni Dra. De Vega. Masasabi kong napakabuti ng kalooban niya, lalo na sa mga mahihirap." Masayang wika ni Gov. Bryan sa asawa na ikinasang-ayon nito. Malayo din ang kanilang binabagtas. Mula sa pinakasentro ng lugar na kanilang pinanggalingan ngayon naman ay nasa parang gitna na sila ng kagubatan. Wala na halos mababakas na daan ng sasakyan. Pero may malawak pa ding daan. Na sa tingin nila ay daanan ng tao pero lusot ang sasakyan. Halos nasa dalawang oras din ang tinakbo ng sasakyan nila ng makarating sila, sa lugar. Kung titingnan ng mabuti, para silang nasa gitna ng kagubatan. Iilan lang ang kabahayan na nakikita nila. Pero sabi ng mga kasamahan nila na pinasama ni Gov. ay madaming kabahayan sa likurang bahagi ng lugar na iyon. Kaya naman wala ng pahi-panga at nagtayo na agad sila ng kubol. Para mapwestuhan nila. Habang humahapon ay dumadagsa na ang mga tao. Iyon nga lang ay kakapusin sila sa oras para sa kunsultasyon ng lahat. Kaya naman nagsalita si Dra. Santiago at Doc. Hilario na siyang pinaka nangunguna sa kanila. Sinabi nilang kakapusin talaga sila sa oras dahil hapon na sila dumating kaya naman ang nangyari ay pinahanay na lang muna nila ang mga mamamayan doon para mabigyan ng mga food packs ang bawat pamilya. Maliban doon ay binigyan din nila ng mga biscuit, chocolate, candy at fruit juice ang mga bata. Lahat naman ng nandoroon ay binigyan nila ng mga vitamins C at mga multivitamins na galing naman kay Gov. Bryan. Nagkaisa naman ang mga tao doon na bukas na lang ganapin ang check up na talagang ipinunta nila doon. Labis naman ang pasasalamat sa kanila ng mga mamamayan na nakatira sa lugar na iyon. Dahil ang inaasahan lang nila ay ang libreng check-up mula sa mga doktor na darating. Hindi nila akalaing may mga pagkain at vitamins pa para sa kanila. Kaya naman bilang pasasalamat ng mga tao roon ay naghanda ang mga ito, ng mga pagkain. Tatanggihan pa sana nila, pero mapilit ang mga ito. Dahil hindi naman daw bibilhin ang mga ihahanda nila. Dahil sa dami ng manok doon sa paligid nanghuli ang mga ito. May humuha din ng mga papaya at ang iba ay talbos pa ng sili. May humukay din ng luya. Tulong-tulong ang mga tao doon sa pagluluto ng native na manok para iluto na tinola. Bigla naman silang natakam dahil madalang lang silang makatikim ng ganoon. Puro poultry chicken lang kasi ang malimit nilang mabili. Hindi naman inaalala ng iba pa nilang kasamahan ang bigas, lalo na at bukod sa mga bigas na ipapamahagi ng gobernador ng probinsya ay may ipinadala ding bigas sa kanila ni Gov. Bryan para naman makapagluto sila ng kakainin nila. Tunay ngang kakaiba ang saya na dulot ng pagtulong mo sa iyong kapwa. Sobrang simple lang naman ng bagay na ibigay nila sa mga ito. Pero heto at sobra-sobra naman ang balik sa kanila ng mga taong natutulungan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD