CHAPTER 6

2148 Words
Arlene's Point Of View "'Ma, ito na ba ang UPG? Dito tayo tutuloy?" Malaki ang looban, mukhang villa namin sa Doña Trinidad, maganda at maliwalas din ang paligid. Natanaw namin si Peter sa gate, pinagbuksan kami nito para makapasok ang van. "Ito na nga," sagot ni Mama. Ipinasok ni Rod ang van sa looban at itinigil sa tapat ng malaking bahay. Binuksan ni Mama ang pinto ng van at bumaba, kasunod sina Emma at Emman, pinatay na rin ni Rod ang makina ng van. Tumingin ito sa akin. "You don't have to worry about your brother, I'm sure he'll be fine," paniniyak nitong tugon sa akin. Napabuga ako ng hangin. "Sana." Binuksan ko ang pinto ng passenger's side at bumaba ng van. Ang lamig ng hangin kahit papa-hapon na. "Rod, Arlene, Ma'am Veron," bati ni Peter sa amin. Kinawayan din nito sina Emma at Emman. Ngumiti ng matamis. "Peter, kamusta? May balita na ba kay Kuya Drei?" nag-aalalang tanong ko. "Tumawag na si Hannah, nakita na si Drei. May inaasikaso lang sila, maya-maya ay narito na sila." Nilingan nito ang paningin. "Si Dark Knight?" "Mamayang gabi narito na 'yon, may inasikaso lang din kaya nauna na kami," sagot ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Nakita ko rin sa mukha ni Mama na ayos na siya. "Peter, ano ba ang nangyari kay Drei?" nag-aalalang tanong ni Mama. "Mamaya po ipapaliwanag nila. Medyo mahabang storya po eh. Pumasok na muna kayo para makapagpahinga." Itinuro nito ang bahay. Tinulungan kami sa pagbaba ng mga maleta namin para maiakyat sa bahay. "Wala tayong katulong dito pansamantala, may laundry shop sa labasan para sa labahin natin. Kung sa pagluluto naman ay tulong-tulong na lang tayo." "Walang kaso 'yon." Iginala ko ang paningin sa bahay. Malaki talaga ito, maluwag para sa aming lahat. May ilang silid sa ground floor. "Mukhang nakahanda na ang facility." "Oo, kumpleto naman sa equipments dito, limited nga lang. Tayo-tayo pa lang naman kasi. Madaragdagan din 'yan kapag dumami na ang trainees natin." Ini-on ni Peter ang TV. Kasaluluyang ipinapakita ang balita tungkol sa nakitang patay sa bundok. Bata pa ito. Wakwak daw ang tiyan. "Nakakakilabot naman 'yan!" Mukhang kinilig pa si Emma habang nakatitig sa monitor. "Nakita nina Drei 'yan habang nasa bundok sila," sagot ni Peter. "Ano'ng ginagawa ni Kuya sa bundok?!" bulalas ko. Kailan pa nagkahilig umakyat ng bundok 'yon? "Mahabang kwento. Anyway, sila ang nag-report niyan sa pulisya dito pero itinawag lang nila. Hindi sila pwedeng magpakita dahil hindi sila pwedeng maimbestigahan. Narito sila bilang undercover," paliwanag ni Peter. May punto siya. Baka may makatunog sa mga kasabwat ng sindikato dito na under surveilance ang bayan ng San Joaquin. Narinig ko na rin ang ilang kaganapan dito mula kay Rod. "May maitutulong ba ako sa paglutas ng kaso n'yo?" tanong ko. Gusto ko ring makatulong. Alam kong Clairvoyant din si Ate Hannah kaya mas makakatulong kung dalawa kaming lulutas sa kaso. May pagkakaiba lang kami sa kakayahan, hindi niya alam kung ang napapanaginipan niya ay past o future na nangyayari, sa akin ay malinaw kong nalalaman kung post o precognitive ang napapanaginipan ko. "Anak, hayaan mo na sa kanila ang paglutas sa mga problema dito. Trabaho na ng mga pulis 'yan." Habilin ni Mama. "Hindi ko na hahayaang malagay ulit ka sa panganib." "'Ma, hindi naman ako makikipagbarilan sa mga sindikato. Ano lang, kapag may napanaginipan ako o may makausap na multo. Mga gano'n." Alanganin akong ngumiti sabay kamot sa batok ko. "Basta. Hayaan mo na sa kanila 'yan. Kabado na nga ako sa Kuya mo, huwag mo nang dagdagan." Tumayo si Mama. "Nasaan ang kusina, Peter, makapaghanda tayo ng makakain. Nalipasan na kami sa daan." "Tara po, Ma'am Veron, tulungan ko na kayo." Tumayo na rin si Peter, nagtungo sila ni Mama sa kusina. "Arlene, tingnan mo 'yon." Turo ni Rod sa TV. Pinagmasdan ko ang itinuturo nito. Napamulagat ang mga mata ko sa saglit na nadaanang eksena ng camera. Ilang kaluluwa ang naroroon, nakahalo sa mga taong nakausyoso sa crime scene pero naglaho rin sila agad. Nakita kaya ang mga iyon ni Kuya Drei at ni Milet? "Ang dami nila." Parang ganito rin ang nakita ko sa Doña Trinidad, pero mas gross ang itsura ng mga multong nakuhanan ng camera. Halos duguan ang buong katawan, wakwak ang mga tiyan. Iba't ibang edad pa sila. Iisa lang ba ang pumatay sa kanila? "Rod, gusto kong pumunta riyan. Gusto ko silang kausapin." "Huwag muna ngayon, under investigation ang kakahuyan. Baka may makakita pa sa atin diyan. Palipasin muna natin ang ilang araw bago natin puntahan 'yan." Hinawakan nito ang kamay ko. "Huwag matigas ang ulo. Alam kong hindi ka papipigil kapag may naiisip kang gawin, tulad no'n sa tunnel sa school, basta-basta kang nagpunta nang mag-isa," sermon nito kaya kinurot ko sa tagiliran. "Oo nga, Arlene, hayaan na muna natin sila sa pag-resolve ng mga kaso dito," segunda ni Emma at tahimik namang tumango si Emman. Napabuga na lang ako ng hangin. Pinagkaisahan na ako, ano pa ang magagawa ko. Nagbalik ang tingin ko sa TV. May mali eh. Pakiramdam ko ay may kailangan akong gawin para makatulong sa kanila. Sasarilinin ko na lang muna ito. "Rod, may namatay ba rito?" tanong ni Emma. "I can sense it. Death." Isang Clairsentience si Emma, recently namin ito nadiskubre habang nagu-undergo sa training sa UPG. She can sense or feel the presence of those from underworld, aura and vibrations. Kaya siguro ito sinaniban ng huklubang nanay ni Dominus. "Nagtatayuan ang balahibo ko." "Ang alam ko ay may proteksyon na rito from spirits pero hindi pa yata cleansed from negative energy na dito mismo nag-ugat sa loob ng bahay." Tumayo si Rod at lumapit sa maleta niya. Binuksan ito at kinuha ang isang bungkos na mukhang Joss Paper at ilang crystals mula sa maleta nito. "Nakalimutan yata ang cleansing dito. Sandali lang at ilalagay namin ni Peter ang mga ito." "Sige, Babe." Nakasunod ang tingin ko dito habang naglalakad palayo. I'm so proud of my boyfriend. Matapang, madiskarte, matalino, mabait. May mahihiling pa ba ako? "Dapat ba nating ipa-bless ang bahay sa pari?" tanong ni Emma, niyakap nito ang sarili. "Siguro pwede naman. Itatanong ko kay Papa mamaya." Nilinga ko ang buong bahay. Wala akong makitang spirits dahil may proteksyon na ang buong bahay pero may nararamdaman pa si Emma. Ano kayang uri ng elemento o negative energy ang nararamdaman niya rito? "Arlene, lalabas muna ako para mag-ikot sa palibot ng bahay," paalam ni Emman. Tumayo na ito para lumabas. Pinagmasdan ko ito habang papalabas. Claircognizance ang ability nito-- clear knowing. Hindi ko pa rin alam kung ano ang kaibahan ng kakayahan niya sa taong malakas ang intuition, pero sabi ni Papa ay mas lamang ang claircognizance. Hindi ko pa nakikita kung ano o papaano ang kakayahan niya dahil hindi ko naman nakikita ang training niya sa UPG. May pumasok sa main door. Gwapo ito at matangkad, matikas din at makisig pero lamang pa rin si Rod sa paningin ko. Teka, kilala ko ito, nakita ko ito sa pictures na pinakita sa akin ni Papa. Ito si Wesley, ang may psychometric ability. Wow. Tumingin ito sa amin ni Emma saka ngumiti. "Ikaw siguro ang anak ni Tito Ric?" tanong nito sa akin. "May hawig kayo ni Drei." "Ako nga." Nilingon ko ang nasa likod niya. Gwapo rin ito, may kasamang babaeng petite pero maganda, mukhang hindi makabasag pinggan. Tipid itong ngumiti sa akin na tila nahihiya. "Si Kuya?" "Nariyan na sa labas kasama sina Hannah at iyong Milet," sagot ni Wesley. "Si Donnel nga pala at si Violet," pakilala nito sa mga kasama. Kinawayan namin sila ni Emma. "Ako si Arlene, siya si Emma kaibigan ko. Halika na kayo't maupo." Nagkanya-kanyang hanap ng pwesto ang mga ito para maupo. Tila pagod na pagod. "Ano'ng kakayahan n'yo?" tanong ni Wesley sa amin. "Clairvoyant ako tulad ni Ate Hannah, si Emma ay isang clairsentience." Nagpapalit-palit ang tingin ko kina Donnel at Violet. "I have channeling ability, Empath si Violet," sagot ni Donnel. Ngumiti ulit nang tipid si Violet kaya nginitian ko ito ng maluwang para hindi na gaanong mahiya. "Ang ganda ng dimples mo," tipid na papuri nito sa akin. "Hindi naman masyado." Sabay hawi kunwari sa nakapusod kong buhok kaya natawa ito. "Ano ang ability ng Kuya mo?" tanong ni Wesley sa akin. "Uhm... Ang alam ko ay Clairvoyant din siya katulad ko, pero malihim 'yon eh." Kinuha ko ang phone ko para i-text si Daisy at ibalitang nasa San Joaquin na kami, ang kaso ay walang signal. Ibinaba ko na lang ang phone ko sa center table dahil sa inis. "Ano'ng network ba ang may signal dito? Naka-emergency calls only ang phone ko eh." "You can connect on wifi na lang and call or text via apps. May wifi na raw dito. Walang signal daw talaga sa area na 'to. Kailangan mo pang lumabas para makatawag for regular calls," paliwanag ni Wesley. "Sure kang iyon lang ang kakayahan ng Kuya mo? Iba kasi ang nakita ko kanina," tanong ulit nito. "Tulad ng?" nagtatakang tanong ko. May iba pa bang kakayahan si Kuya? Ipinaling ni Wesley ang ulo sa kanan at tila iniisip ang nasaksihan kanina. "Nakaharap namin ang dalawang dumukot kay Milet, hinawakan lang niya sa leeg iyong dalawa tapos nahimatay na sila." Napaisip ako. Baka katulad ng martial arts skills ni Papa na alam ang focal points kung paano mawawalan ng malay o kaya ay mapa-paralize ang isang tao basta matamaan ang major veins? Marunong ba si Kuya ng martial arts? Lampa 'yon eh. "Hindi ako sigurado," alanganing sagot ko. Pumasok sina Kuya Drei at Milet, kasunod si Ate Hannah. Patakbo kong nilapitan si Ate Hannah saka niyakap. It's been 10 years or more than that since the last time we've seen each other. Para kasi kaming NPA na palipat-lipat ng bahay noon. Sabagay, hanggang ngayon ay gano'n pa rin naman. "Kamusta? Dalaga ka na, ah." Ginulo ni Ate Hannah ang buhok ko. "So mas inuna mo pa si Hannah kaysa sa Kuya mong muntik mo nang hindi makita?" pang-aasar ni Kuya. Nginusuan ko 'to. "Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo." Tiningnan ko si Milet. "Kamusta na?" "Ayos lang naman. Gusto kong magpahinga. Nakakapagod ang madukot." Bumuntong hininga ito na tila nahahapo. "Sige na, magpahinga ka na muna. Kami na muna ang bahala rito," taboy ko rito. Mukha ngang pagod na pagod, ang dungis din ng uniform na suot nito. Kumaway muna ito sa aming lahat bago umakyat ng hagdan. "Ano ba ang nangyari?" tanong ko kay Kuya. Naupo ulit ako, naupo rin si Kuya sa tabi ko. Si Ate Hannah ay umupo sa katapat na sofa, katabi ni Wesley. Sila ba? Ang swerte naman ni Ate, ang gwapo ng boyfriend. "Na-kidnap si Milet kaya sinundan ko sila, may iba pang kidnap victims sa pinagdalhan sa kanya. Nailigtas ko sila at tumakas pero naligaw kami sa kakahuyan kaya sa lumang kubo kami tumuloy at natulog overnight." Sumandal si Kuya saka pumikit. Nagpatuloy sa pagkukwento. "Nakita ko iyong batang wakwak ang tiyan. Kilala ko siya. Gusto kong mahuli ang may gawa sa kanya ng karumal-dumal na pagpatay na 'yon." "Sandali," saad ni Wesley. Dumukot ito sa bulsa, may inilabas na phone at lighter. Inilapag nito ang lighter sa table at iniwang hawak ang phone saka pumikit. Masasaksihan ko ngayon ang kakayahan ng isang may psychometric ability. Ilang saglit itong nakapikit bago nagmulat ng mga mata. Umiling ito. "Bagong bili lang itong phone last week. Ang laging kausap ay ang acting director ng ospital, inuupahan sila para itakas ang medical supplies, ang van na nasa likod ng ospital ang ginagamit sa pagtakas ng supplies para ibenta." Inilapag nito ang phone, kinuha ang lighter at pumikit. Nakakamangha. Nalaman niya ang lahat ng iyon sa paghawak lang sa phone? Wow! Hindi ko maiwasan pero nakanganga ako habang nakamasid kay Wesley. Nagdilat ito ng mga mata saka tiningnan kaming lahat. "May kausap na lalakeng may maskara ang may-ari nito no'ng isang araw. Iba sa maskara ng Black Mask Gang ang suot nito. Kalahati ng kanang mukha ang may takip pero buo ang maskara sa noo. Inupahan silang dumukot ng kababaihan para sa p**n site. Mukhang small time na bayaran lang ang mga ito para tumanggap ng mga ilegal na gawain." Napakunot ang noo ko. Kalahating mukha ang maskara at buo sa noo? Nagkatinginan kami ni Emma. Nagmamadaling dinampot ko ang phone ko at hinalughog sa Gallery ang photo ng maskara ng kulto ni Dominus. Nahagilap ko ito at iniunat ko ang kamay ko paharap para ipakita kay Wesley. "Ganito ba ang nakita mo?" Napatitig si Wesley sa phone ko. "Ganyan nga!" Sabay turo nito. What?! Hindi pa ba nahuhuli ang lahat ng myembro ng kulto ni Dominus? Dito sila naghahasik ng lagim?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD