Wesley's Point Of View
Pinagbukasan kami ng gate ni Peter. Ipinasok ko ang van hanggang sa harap ng malaking bahay. Malaki ang napiling lote para gawing UPG branch dito. Hindi rin aakalaing may ibang aktibidad dito, mukha lang itong ordinaryong tahanan. I checked the time, 6:30 am. Mabuti't gabi kaming umalis ng San Jose, malayo pala ito.
"Sa wakas, we're here!" sigaw ni Donnel, nag-inat-inat pa ito. Tinungo ko ang likod ng van para simulang i-unload ang mga gamit namin.
"Ang ganda naman dito," may paghangang bulalas ni Violet.
"Sariwa ang hangin, ang sarap mag-jogging sa umaga," segunda ni Hannah. "Nasaan na ba ang kinakapatid ko?" Napaismid ako. Kadarating lang namin, iyong Drei agad ang hinanap.
"Wesley," bati ni Peter sa akin. "Hannah, may problema...."
"Ano'ng problema?" kunot-noong tanong ni Hannah.
"Si Drei, hindi umuwi kagabi, kahit si Milet." Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Imposibleng hindi umuwi ang dalawang 'yon, unless may nangyaring hindi maganda."
"Ano? Saan ba sila huling nakita?" nag-aalalang tanong ni Hannah.
"Sa ospital, pumasok sila kahapon." Napasabunot ito sa sarili. "Itinawag ko na sa Mama niya at kay Dark Knight kagabi, pupunta raw sila dito agad."
"Kailangan natin silang hanapin agad pero saan?" tanong ni Donnel. Wala kaming alam sa lugar na 'to, baka maligaw pa kami. Muntik na nga kaming iligaw ng Waze kanina.
"I can help. Pumunta tayo sa ospital." Iwinagayway ko ang kamay ko. My ever useful but exhausting ability.
"Titingnan mo ang history ng buong ospital?" maang na tanong ni Hannah. "Baka mag-collapse ka niyan, diretsong ma-confine ka pa sa ospital."
"Wala tayong choice. That's the easiest way to find out where they are."
"Try to look for stuff they touched kaysa alamin mo ang buong history ng hospital. That's the worst thing to do." Suggestion ni Violet. "Take note, hindi lang iilan ang namatay sa ospital, marami, mula nang maitayo iyon. I don't think you can handle that."
Napabuga ako ng hangin. May punto si Violet. Baka sa morgue pa ang diretso ko kapag pinilit kong alamin ang history ng ospital. Hindi ito katulad ng SJ Resort ni Facundo. "Ano ang trabahong pinasok ng mga nawala? Doon tayo magsimula sa mga gamit nila o madalas nilang tambayan."
"Front Desk Clerk at Janitor," sagot ni Peter. "Sa ground floor naka-assign si Violet, si Drei ay kahit saang floor."
"Sige, tara na. Huwag na muna tayong magpahinga." Bumalik ako sa driver's seat, muli ring sumakay sina Hannah sa van. Naiwan na si Peter sa UPG.
I checked Waze and searched for Polymedic, malapit lang pala dito sa UPG. Limang kilometro lang ang distansya. Binuksan ulit ni Peter ang gate, pinaharurot ko agad ang sasakyan para maghanap sa anak ni Dark Knight at do'n sa Milet. I wonder what she looks like. May edad na babae na siguro.
"Sandali, may larawan ba kayo no'ng Milet o ni Drei?"
"Mayro'n ako." Dinukot ni Hannah ang phone sa bag nito. "Heto oh."
"I see," medyo naninibugho kong sagot. Lamang ito ng isang paligo pagdating sa looks department. May hawig itong Korean actor, iyong Lee Min Ho yata ang pangalan no'n. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Violet. Napatingin ako sa salamin, nang-iinis ang tingin nito sa akin. May Empath nga pala kaming kasama. Tsk. "Let's go."
Mahabang byahe rin ang tinakbo namin bago nakarating sa ospital. "Ito ba? Nag-iisang ospital lang ito dito. Ang kasunod ay sa katabing bayan na." Inihinto ko ang van sa carpark sa bungad ng ospital.
"Mukhang ito na nga. Malaki pala," segunda ni Donnel. "Baba na tayo."
Agad naming tinungo ang entrance ng ospital. May nagtatalong guwardya at dalawang babae sa labas ng ospital pero hindi na namin iyon pinansin. May kailangan kaming unahin ngayon at kailangan naming mag-lie low. Nasabihan na kami na walang maka-penetrate sa kapulisan dito. I wonder kung anong klaseng pamamalakad ang mayro'n sila. Undercover ang ganap namin sa bayang ito.
Nasa itsura rin ng guwardya na balak kaming pigilan sa pagpasok pero kasalukuyan itong nakikipagtalo kaya wala ring nagawa. "Saan tayo?" tanong ni Donnel.
Nag-isip ako. "Mas mapapadali kung doon sa lugar kung saan pumapasok at lumalabas ang tao." Lahat sila ay doon dadaan.
Kailangan kong humawak ng bagay na nasa entrance. Napalingon ako sa guwardya, kung ngayon naka-duty ito, malamang na may ibang naka-duty kagabi. Hindi uubra ang gamit niya sa katawan.
"Iyon?" Turo ni Donnel sa bagong upuan sa waiting area malapit sa entrance.
"Pwede. Sandali lang." Lumapit ako at naupo saka pumikit. Nakita ko ang labas-masok na tao mula ng mailagay ang upuan dito last week. Inisa-isa ko hanggang sa makaabot ang eksena kahapon. Ang pagpasok ni Drei pero wala akong nakitang kamukha niya na lumabas ng ospital kagabi gamit ang main entrance.
Tumayo ako at bumalik sa pwesto nila Hannah. Umiling ako. "May iba pa bang daan dito?"
"Malamang na may fire exit dito," bulong ni Violet.
"Tara, hanapin natin." Nagpasimple kaming naglakad sa kahabaan ng ground floor. Nakita namin ang makitid na staircase pero may harang ito, under renovation daw, use elevator or fire exit. Nakaturo ang arrow sa direksyon kung nasaan ang fire exit.
"Ayun." Turo ni Donnel sa pinaka-dulo ng ground floor.
Medyo malayo itong fire exit mula sa elevator. Lumabas kami sa fire exit, may hagdan pataas at mayroon pababa pa-basement pero may karatula sa pader na "for employees only" lang dito. Parang parking space nila ito.
"Nagtungo kaya si Drei dito?" tanong ni Hannah.
"Posible." Nagpalinga-linga ako. "Ako na lang ang bababa. Look out kayo."
Maingat akong nagtungo sa basement, parking space nga ito ng hospital employees, mukhang dito rin idinadaan ang deliveries dahil sa case ng softdrinks na nakatambak sa gilid. Walang tao ngayon, siguro ay dahil maaga pa. Naghanap ako ng pwedeng hawakan para makita ang nangyari dito. Nakalabas ako hanggang sa back entrance, ang baho! Tapunan yata ito ng naipong basura ng ospital. Naglalakad na ako sa basement pabalik sa ospital nang mapansin ko ang pink hair clip na nasa gilid. Napaisip ako. Why not? Baka sakaling may makita ako sa hairclip na iyon. Dinampot ko ito saka ako pumikit.
Binili ito ng isang magandang babae sa labas ng ospital bago pumasok sa ospital, isinuot maghapon sa trabaho. Ilang beses silang nag-ngitian ni Drei mula sa malayo. Tinawag itong Milet ng katabi sa Front Desk. No'ng uwian na ay hinanap nito si Drei sa Housekeeping pero bumaba daw. Bumaba rin ito gamit ang fire exit dahil under renovation nga ang staircase. Narinig nito ang isang lalake, sumilip. Nakita niya ang isang naka-pang-doctor na damit. May kausap itong dalawang lalakeng mukhang goons, naghabilin pang ayusin daw ang trabaho nila bago bumalik sa fourth floor. Sinundan ng babae ang dalawa hanggang basement pero nakita siya ng kadarating pa lang na kasamahan ng mga ito. Tumakbo siya para makabalik sa fire exit pero hinabol siya no'ng dalawa at naabutan ito, sinabunutan. Sinikmuraan ng isa. Pinasan siya no'ng isa, doon nalaglag ang lumuwang na hairclip nito dahil sa pagkakasabunot sa kanya. Isinakay ito sa kotse saka paharurot na pinatakbo ang sasakyan. Si Drei? Nakasilip siya 'di kalayuan, nakatago sa gilid ng kotseng naka-park. Patakbo itong sumakay sa motor nito at sinundan ang papalabas na kotse ng mga dumukot sa babae.
"Now I know what happened. Mukhang hindi rin ako kakabahan na may kaagaw ako kay Hannah. Maganda iyong Milet, bakas rin sa mukha no'ng Drei na may pagtatangi ito sa babae." Kampante na ako. Bumalik ako agad kina Hannah at sinabi ang nangyari.
"Dinukot si Milet at sinundan sila ni Drei?" Napatakip sa bibig si Hannah, nag-aalala sa kinakapatid. "We need to save them!"
"Kailangan nating mahanap ang motor na ginamit ni Drei at iyong sasakyang walang plaka. May CCTV na ba sa palibot ng kabayanan?" tanong ko kay Hannah, nagkibit-balikat ito. "We need to track down kung saan dumaan ang motor ni Drei."
"Paano?" tanong ni Donnel.
"Kada kanto, pwedeng mano-mano kong titingnan ang history ng mga bagay." Napasalampak ako sa hagdan. Malabo yata ang naisip ko. Ilang energy kaya ang makokonsumo ko kapag ginawa ko 'yon?
"Para mo na ring tiningnan ang history ng buong ospital, o mas malala pa," sinagot ni Violet ang tanong sa isip ko.
"Ano'ng gagawin natin?" tanong ni Hannah, halatang hindi ito mapakali.
"Sobra kang nag-aalala kay Drei," bakas sa tono ko ang pagseselos dito.
"Hindi ako nag-aalala sa kanya. Nag-aalala ako sa makakaharap niya," makahulugang sagot ni Hannah.
"Halika na, walang mangyayari sa atin dito. Bumalik tayo sa sasakyan at mag-ikot. Tawagan din natin si Peter at si Dark Knight para makatulong sa paghahanap natin." Naglakad na kami pabalik sa main entrance, patungong van.
"Makakatulong ang ability ko," sagot ni Hannah.
"Paano?" tanong ko.
"Just watch. Paandarin mo na."
Pinatakbo ko ang sasakyan patungong main road. May intersection sa kanto. "Saan tayo dito?"
"Sandali, itigil mo sa tabi." Iginilid ko ang van. Bumaba si Hannah at naglakad patungo sa poste. Naglabas ito ng phone, tila may kausap.
"Ano'ng ginagawa ni Hannah?" tanong ko kay Donnel.
"May kausap siyang babaeng multo. Duguan ito. Mukhang naaksidente siya dito sa lugar na 'to," sagot nito.
What? She'll talk to those ghosts sa lahat ng lugar na hihintuan namin? Sa amin, okay lang dahil alam namin ang kakayahan niya pero sa ibang tao ay hindi. She'll look like a crazy woman talking to herself! Naglakad na pabalik si Hannah at sumakay sa passenger's side.
"Kilala no'ng multo si Drei. Madalas daw siyang dumaan dito. Crush nga raw niya dahil gwapo. Kumaliwa siya rito. May hinahabol daw na kotse kagabi. Tara na."
Napailing na lang ako bago ko pinaandar ang van.