NANGUNOTNOO si Angelo na maramdamang napakainit ng kinasisiksikan nito. Dama din niyang nakahiga na siya sa kama at hindi na sa malamig at matigas na sahig. Lihim itong napangiti na mas nagsumiksik pa ditong gumalaw at mahinang napaungol na ikinadilat nito ng mga matang nagising ang inaantok na diwa!
Sa nanlalabo nitong paningin ay unang tumambad ang malapad na dibdib ba siyang kinasusubsuban nitong halos ikaluwa ng kanyang mga mata! Bumilis ang kabog ng dibdib nito lalo na't hubad ang katabi na dahan-dahang napataas ng tingin sa mukha ng lalake at muntik pang mapatili na mabungaran ang nahihimbing na si. . . Dawson!
Gumapang ang init sa mukha nito na akmang babangon na pero muling natigilan na maramdamang magkayakap sila ng binata! At ang isang kamay ni Dawson ay nakasuot sa pajama nito na nakasapo lang naman sa pisngi ng pang-upo nitong halos ikaluwa na ng mga mata nito!
"Uhmm," mahinang ungol ni Dawson na mariing ikinapikit nitong nagtulug tulugan.
Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso nito na halos pigilin ang paghinga na naramdamang tuluyang nagising na si Dawson. At ang magaling na Madrigal ay napahagikhik pang pasimpleng nilalamas-lamas ang pang-upo nitong dakma-dakma nito! Impit itong napapatili sa isip-isip pero hindi naman niya magawang suwayin ang binata.
"Good morning, binibining Angelica. Kay gandang dalaga pero maganda din ang gusto. Hindi ba pwedeng. . .ako na lang ang gustuhin mo?" bulong ni Dawson na napahagikhik pa.
Hindi tuloy malaman ni Angelo kung nagbibiro lang ito o seryoso lalo na't patuloy na pinipisil-pisil ang pang-upo nito.
"Tulog naman eh. Hindi niya alam," bulong pa nito na impit na ikinaiirit ni Angelo sa isipan na yumuko ito at magaan siyang pinaghahalikan sa buong mukha!
Napapahagikhik pa ito na ini-enjoy namang hinahalik-halikan ito sa mga labi na halos ikalukso na ng puso nito sa ribcage nito! Nanggigigil na itong magdilat ng mga mata at pektusan ang Madrigal na 'to na pasimpleng manyak nga!
"Uhmm." Kunwari'y ungol nito na dahan-dahang nagdilat ng mga mata.
Napakurap-kurap pa ito na nanatiling nakahalik si Dawson sa kanyang mga labi na nagniningning ang mga mata nitong nakatitig dito! Gumapang ang init sa mukha ni Angelo na ikinahagikhik ng binatang marahang kinagat pa ang ibabang labi nito bago iyon binitawan!
"Manyak!" asik ni Angelo dito na nasipa si Dawson na napahalakhak.
At dahil masikip sa kanilang dalawa ang kama nito ay nahulog si Dawson sa sahig na impit pang napadaing. Sinamaan niya ito ng tingin na nanunudyo ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito at nagagawa pang magtaas baba ng mga kilay.
"Sorry. Akala ko asawa ko 'yong kayakap ko eh." Ngisi pa nito na ikinaikot ng mga mata ni Angelo ditong nagdadabog na bumangon.
"Manyak ka. 'Yon ang totoo," ingos ni Angelo dito na inayos ang higaan.
Napahagikhik lang namang tumayo si Dawson na hinihimas pa ang pang-upo nitong napasama ang pagbagsak sa sahig.
"Kung gan'to din naman kagwapo ang manyakis? Hindi ba't ang sarap namang magpamanyak?" tudyo nito na ikinangiwi ni Angelong pinaningkitan itong ngingiti-ngiti.
"Bayagan kita d'yan eh," ismid nito na tinalikuran na ang binatang napahalakhak at iling.
"Binyagan kita d'yan eh," bubulong-bulong nitong parinig na ikinapikit ni Angelo at napahinga na lamang ng malalim na hindi na ito sinagot pa.
Pasipol-sipol pa itong nakasunod sa kanya na tila nanunudyo. Damang-dama niya ang matiim na pagkakatitig sa kanya ni Dawson habang pababa ang mga ito ng hagdanan. Nasa hapag kainan naman na ang pamilya nito na kasalukuyang nagkakape habang nagluluto ang ina nila.
"Magandang umaga po," pagbati ni Angelo na ikinalingon ng pamilya niya sa kanila na napangiti.
"Good morning, everyone." Pagbati din ni Dawson na ikinatango ng pamilya ni Angelo sa kanila na sinenyasan ng maupo at magkape.
"Magandang umaga din sa inyo, mga anak. Nagkakape ka ba ng kapeng barako, anak?" malambing saad ni Aling Belinda na kay Dawson nakamata.
"Uhm, opo Nay." Sagot nito kahit hindi naiintindihan ang kapeng barako na bago pa lamang sa pandinig nito.
Napangiti naman si Aling Belinda na lumapit ditong ipinagsalin pa siya ng kape nito sa baso. Napasinghot naman si Dawson na maamoy ang mabangong aroma ng kape na napangiti.
"Lagyan ko ng creamer, ha? Mapait kasi ito. Baka masira pa tyan mo," ani Aling Belinda na ikinatango lang ni Dawson na nakamata dito.
"Nay, kape ko po?" tanong ni Angelo na nakangiti lang ang ina nitong nakamata kay Dawson at sabik na sabik makita ang reaction ng binata na sumimsim sa kape nitong napapikit pa.
"Nay, nasaan naman ang kape ko?" reklamo ni Angelo na mukhang hindi siya naririnig ng ina.
"Aba'y ewan ko. Magtimpla ka ng sa'yo," balewalang sagot nito na ikinabusangot ni Angelo.
"Nay naman. Ako ang anak mo dito. Mas inaasikaso mo pa ang Dawson na 'to kaysa sa akin na bunso mo, ha?" pagmamaktol nitong nagkakandahaba ang nguso.
Iniurong naman ng ina nito ang termos at baso sa harapan nito na lalong ikinabusangot ng dalaga habang naiiling na lamang ang mga kaharap nila.
"Uhmm. . . it tasted and smells good po, Nay. Ang sarap po. I think this is one of the best coffee I've ever drink." Nakangiting wika ni Dawson na ikinalapad ng ngiti ng ginang.
"Talaga, anak? Nagustuhan mo?"
"Opo, Nay. Masarap po kayong gumawa ng kape." Sagot pa nito na muling napapasimsim sa kape nito.
Nagkakandahaba pa rin naman ang nguso ni Angelo na nagtatampong nagtimpla ng sarili nitong kape. Maasikaso kasi ang Nanay nila. Kaya naman sanay silang mag-aama na inaasikaso nito. Na kahit sa pagtitimpla ng kape ay ang ina nila ang gumagawa.
"Naku, hindi naman masyado, anak. Sakto lang. Saka. . . masarap kasi talaga ang kapeng barako namin dito." Nakangiting sagot nito na hinaplos sa ulo ang binata bago binalikan ang piniprito nitong galunggong.
"Masarap 'yan sa pandesal, tisoy. Subukan mo." Alok pa ng Kuya Arjo nila na iniusog ang pandesal na nakalagay sa tupperware at ang mayonnaise na may nilagang itlog na kahalo.
"Sige po, Kuya. Salamat." Ani Dawson na dumampot ng pandesal.
Napasunod ito ng tingin sa ginawa ni Angelo na paghati sa gitna ng pandesal saka nilagyan ng mayo egg na ipinalaman nito na sinunod niyang ginawa. Nangingiti naman ang mag-aamang kaharap nila na hindi makitaan ng kaartehan si Dawson kahit na isa itong anak bilyonaryo. Mukha ngang desidido itong mamuhay ng simple kasama silang pamilya.
"Kumakain ka ba niya'n?" bulong ni Angelo na akmang kakahatin na nito ang pandesal nito.
Napangisi naman si Dawson na bahagyang inilapit ang mukha sa dalaga.
"Yeah. Hindi ako mapili sa pagkain, bro. Magaling din akong kumain. Dahil lahat ng hindi pangkaraniwang kinain ko napapasigaw ng. . . more, baby." Malanding bulong nito na tila may ibang ibig ipahiwatig.
Napakindat pa ito sa dalaga na naningkit bahagya ang mga mata. Kung wala lang ang pamilya niyang nakaharap ay nabatukan na niya si Dawson. Dahil kahit naman birhen pa siya ay hindi naman siya ipinanganak kahapon na wala pang kamuwang-muwang sa mundo.
"Eh ikaw. . . mapili ka ba sa pagkain? Mas gusto mo ba itong talaba kaysa sa matabang hotdog, hmm?" makahulugang bulong nito na inginuso ang nakahaing ulam sa lamesa na hotdog at tahong.
Pasimpleng nakurot ito ni Angelo sa hita na muntik masamid sa kape nito sa ibinulong ni Dawson ditong napahagikhik na hinuli ang kamay nito mula sa ilalim ng mesa. Nagkakasukatan pa ng tingin ang mga ito na pasimpleng pinagsalinop ni Dawson ang mga daliri nila na pinipisil-pisil iyon kahit pinandidilatan na siya ng mata ni Angelo.
"Oo. Mas gusto ko ang talaba sa hotdog. Bakit may angal ka?" pabulong pagtataray ni Angelo dito na binabawi ang kamay pero mas humigpit lang naman ang pagkakahawak ni Dawson n
doon.
"Baka magsisi ka, bro."
"Nope."
"Are you sure?"
"Oo."
Napangisi si Dawson na hinila ang kamay nitong pasimpleng ipinatong sa nakaumbok nitong sandata sa short nitong sunod-sunod na ikinaubo ni Angelo at binawi ang kamay na parang napasong. . . nasagi ng palad niya ang nakaumbok na alaga ni Dawson!
"Okay ka lang, bro?" hilaw nitong tanong na may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.
Napairap si Angelo na nakurot pa ito sa tagilirang impit na napadaing na dinaan sa paghagikhik dahil nakamata na sa kanila ang lahat.
"Ahem! Kain na po tayo," ani Angelo na nauna ng sumandok ng pagkain nito.
"Anak, nakakalimutan mo yata?" ani ng ina nila na ikinatigil ni Angelo sa akmang pagsubo ng sinangag.
"Ang alin po, Nay?" kunot ang noong tanong nito.
"Magdasal at magpasalamat na muna sa Maykapal. . . bago kumain. Hindi ba't ikaw pa nga ang palaging nagpapaalala no'n?"
Napangiwi ito na inilapag sa plato ang kutsara nito na umayos ng upo. Lihim namang nangingiti si Dawson na kitang natataranta si Angelo at nawawala sa focus dahil sa kanya.
MATAPOS nilang kumain ay si Dawson at Angelo na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan. Kailangan na rin kasing pumasok sa trabaho ang mga Kuya at ama nito na nagtatrabaho sa kalapit na construction sa kanila.
"Psstt," pagsitsit ni Dawson dito.
Napataas ng kilay si Angelo na nilingon ang binata. May hawak itong black pants at white long sleeve na may nakasabit na towel sa balikat nito.
"Sabay na tayo," kindat ni Dawson na ikinamilog ng mga mata nito.
Napapangisi naman si Dawson na makita kung paano mamula ang makinis nitong pisngi sa sinaad. Lalo kasi itong gumaganda sa paningin niya kapag napapa-blushed niya ang dalaga kaya gustong-gusto nitong tinutukso.
"Nababaliw ka na ba? Maliligo ako. Maghuhubad. Sasabay ka?" kastigo ni Angelo ditong napahagikhik.
"Baka kasi ma-late na tayo eh. Kaya kako sabay na tayong maligo," alibi nito na ikinaikot ng mga mata ni Angelo dito.
"May isa pang banyo sa baba, Dawson. Maligo ka doon." Ingos ni Angelo ditong pumasok na ng banyo.
Napapikit pa ito na marinig si Dawson na malutong napahalakhak na tuwang-tuwa na namang inaasar siya. Napailing na lamang ito sa kakulitan at kapilyuhang taglay ni Dawson. Kahit kasi dayahin niya ang sarili ay alam niya sa isip at puso niyang hindi siya naiinis dito kundi. . . natutuwa.
Na kahit isa itong anak bilyonaryo ay hindi ito matapobre sa kanilang mahihirap. Kayang-kaya nitong makipagsabayan. Na mukha namang hindi napipilitan kundi ini-enjoy pa nga ang simpleng pamumuhay nila sa loob ng kanilang tahanan.
Napalis ang ngiti ni Angelo na maalala ang nakaraan. Kung saan may dati na siyang naging matalik na kaibigan at katulad ni Dawson ay nagmula ito sa mayamang pamilya. Parang kinukurot na naman ang puso niya na maalala ang masalimuot na pangyayari sa buhay niya kahit nasa limang taon na ang nakakalipas.
Nanghihina itong napasandal ng pinto. Parang pinipiga na naman ang puso niya habang sumasariwa ang nakaraan sa isipan nito. Kung paanong nagkaroon siya ng matalik na kaibigang isang anak mayaman. Pero dahil din doon ay dinakip ang dalaga kasama ito at pinatubos ng ransom sa mga magulang ng kaibigan nito.
At dahil ang kaibigan lang niya ang tinubos ng mga magulang niya? Naiwan si Angelo sa piling ng mga kidnapper at walang pera ang pamilya nito. Itinaya nito ang sariling buhay makatakas lang sa sindikato. Sa tulong ng mga Kuya nito ay nahanap siya at nailigtas.
Hanggang isang araw. Bigla itong dinakip ng ilang kalalakihan. Dinala sa isang abandonadong warehouse at may nagpapapatay daw dito. At dahil napag-alaman ng mga lalakeng tumangay sa kanya na isa siyang lesbian ay pinag interesan nila ito. Kung walang misteryosong lalake ang dumating sa warehouse na 'yon noon ay nagahasa na siya ng mga tumangay sa kanya at doon na rin itinumba.
Hindi man niya nakikilala ang lalake dahil nakasuot ito ng helmet ay alam niya sa sariling makikilala niya ulit iyon kapag nakaharap niyang muli. Dahil tandang-tanda nito na may korteng pusong balat ang binata sa tagiliran nito na nakita niya nang malihis ang shirt nitong suot sa paghugot niya ng kanyang baril.
Napakahusay din nito sa pakikipag barilan na parang action star sa mga palabas. Idagdag pang naka-all black ito mula ulo hanggang paa maging ang ducati nitong motor!
MAPAIT na napangiti si Angelo na nagpahid ng luha. Wala na silang naging balita sa dating kaibigan nito. Ang huling nabalitaan niya lang ay tumira na ang mga ito sa abroad sa takot na maulit muling ma-kidnapped ang dalagang anak.
Napabuga ng hangin si Angelo na naligo na lamang. Pilit winawaksi sa isipan ang nakalipas. Perp kahit anong iwas nito ay para pa rin siyang kinukurot sa puso. Dahil ang nagpadakip lang naman sa kanya at nagpapapatay noon ay walang iba kundi ang ina. . . ng matalik niyang naging kaibigan.
Magmula noon ay natakot na itong lumabas. Hanggang sa lumipas ang halos limang taon at ngayo'y handa na siyang pakawalan ang takot sa puso nito. Dahil kay Dawson.
"Sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. . . Cathy."