Chapter 8

2120 Words
PALAKAD-LAKAD si Dawson sa harapan ng glass wall ng kanyang opisina. As usual. Naka-uniform na naman ito ng pang janitor. Gusto niya munang kilalanin ang mga empleyado nito sa kumpanyang pamumunuan bago magpakilala sa lahat. Tanging si Angelo at secretary Vin lang nito ang nakakaalam ng kanyang tunay na katauhan. Napalingon ito sa may pinto nang kumatok doon ang secretary nito mula sa labas. "Sir Dawson, you have some important visitors po," magalang wika ng secretary nito mula sa intercom. "Let them in," anito na naupo sa kanyang swivel chair. Wala kasi ngayon ang Daddy Delta nito at wala din naman siyang mahalagang meeting na naka-schedule ngayon kaya patambay tambay na muna siya ng opisina at inaaral ang mga empleyado. Napaangat ito ng mukha nang bumukas ang pinto at niluwal no'n ang nagugwapuhan nitong pinsan na naka-formal attire. Siya lang ang naiiba ang suot. Nagulat pa ang mga ito na pinasadaan ito ng tingin dahil sa suot na pang janitor at round reading glasses. "What's up, Dawson?! Muntik ka na naming hindi makilala ah," natatawang bulalas ni Jayden. Si Jayden Madrigal ay pinsan nito sa Tito Haden nito. Ang panganay ng kanyang Tito na isang pulis captain sa murang edad. Nakipag fist bump pa ito na tinapik siya sa balikat na may ngiti sa mga labi. Kasunod naman nito ang nakababatang kapatid na lalake din. Si Hardin na nakipag fist bumb sa binata. "Why are you wearing like that? Don't tell me ginawa kang janitor ni Tito Delta dito?" natatawang saad ni Noel. Si Noel Madrigal ay pinsan din nito sa kanyang Tito Noah na nakababatang kapatid ng kanyang ama. Kasunod din nito ang kambal na nakababatang kapatid na sina Joseph at Joshua na nag-fist bump din sa kanya. Natawa naman itong napakamot sa ulo na nakipag fist bump mga sa pinsan nitong naiiling sa itsura nito. "Are you okay? Inaapi ka ba ni Tito Delta? Isumbong ko kay Grandpa?" tudyo pa ni Dale na pinsan din nito. Si Dale Madrigal ay panganay din ng Tito Drake nito na kapatid din ng ama. Kasunod nito sina Lewis at Tiger na mga anak na lalake ng Tito Leon nitong kapatid din ng kanyang ama. Maging sina Dean at Dave na anak ng Tito Darren nito ay sumama. Kahit lumaki ito abroad malayo sa mga pinsan ay magkakalapit pa rin naman ng loob ang mga ito. Dumadalaw din kasi ang mga ito sa kanya sa Europe kaya nakaka bonding niya rin ang mga ito at nakakasama sa mga kalokohan lalo na kapag nagsasama sama silang mga lalakeng magpipinsan. Kaya hindi maiwasang maging sakit sa ulo din sila ng mga magulang lalo ng mga ama nila dahil niraratrat lang naman sila ng mga asawa nila kapag gano'ng may kalokohan ang mga ito at damay ang mga ama nila na bubugaan ng apoy ng kanilang mga ina. Natatawa at iling naman ito na sinamahan ang mga itong magtungo ng sala at magkakaharap na naupo. "Kalma, guys. Hindi naman ako ginawang janitor ng Daddy dito. Ako ang may gustong ito na muna ang isuot ko. Sa ngayon. Gusto kong kilalanin ang ugali ng mga empleyado ko dito eh. Kaya naka disguise na muna ako." Pagpapaliwanag nito sa mga pinsang lalakeng naghihintay ng sagot nito. Napasinghap pa ang mga itong malamang hindi naman pala ito janitor sa kumpanya. "Anyway. . . bakit napasugod kayo? Mabuti na lang hindi niyo kasama ang mga babaeng kay iingay." Anito na ikinahagikhik ng mga pinsang napailing. "They didn't know. Tiyak na susugod din ang mga iyon dito kapag nalaman nilang dumaan kami dito para dalawin ka." Natatawang saad ni Jayden na pinsan nito. "So, what's your next plan, dude? Dito ka na ba titira for good?" tanong ni Noel dito. Habang ang magkapatid na Lewis at Tiger na anak na lalake ng Tito Leon nito ay nagtungo ng pantry na nagtimpla ng kanilang kape. "I'm still thinking about it. Hindi pa ako nakakapag desisyon tungkol d'yan. Kaya nga inaaral ko na muna kung kaya ko bang pamunuan ang kumapanya ni Daddy. Kung hindi? Ibabalik ko din sa kanya at babalik na lang akong Europe." Sagot ni Dawson na ikinatango-tango ng mga pinsang napapanguso pa. "Maiba tayo." Ani Dale na anak ng Tito Drake nito. "Nasaan ang asawa mo? Hindi pa ba siya magaling?" Natahimik ang mga ito sa naitanong ni Dale. Maging si Dawson ay natahimik din at nakadama ng guilt sa puso na maalala. . . ang asawa nito sa Europe. Napahinga ito ng malalim na napahilot ng sentido. Nakamata naman sa kanya ang mga pinsan nitong naghihintay ng sagot nito. "Hindi pa siya magaling eh. Pero kapag kaya na niya? Ako mismo ang susundo sa kanya at dadalhin dito para ipakilala sa pamilya natin." Mababang sagot nito na bakas ang lungkot sa tono. "Do you loved her?" usisang tanong ni Dean na panganay na anak ng Tito Darren nito. Mapait itong napailing na kita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. "I don't. Gusto ko lang siyang ipakilala kina Daddy dahil isa iyon sa napagkasunduan namin." Anito na napakababa ang tono. Napahinga ng malalim ang mga pinsan nitong lalake. Alam naman nila ang tungkol sa sikretong kasal ni Dawson abroad. Na nagmula sa isang. . . dare nilang magkakaibigan. NAGKAROON sila ng pustahan ng mga barkada nito abroad, one year ago. Kung saan kung sino ang unang babaeng papasok noon sa Bar na kinaroroonan nilang magbabarkada ay pakakasalan ni Dawson sa mismong gabi ding iyon. Natalo kasi ito sa car racing nilang magbabarkada. At dahil unang beses na natalo ito ay isang mabigat na dare ang ipinagawa ng mga barkada niya sa kanya. Ayaw naman nitong ibigay ang red McLaren F1 nito na pinaka paborito nito sa lahat ng sportscar nito sa Europe lalo na't bigay iyon ng Daddy Delta nito sa kanyang birthday. Madalas ito ang gamit niya sa pagri-racing at laging panalo. Kaya naman hindi niya kayang ibigay iyon sa kaibigan nitong nakatalo sa kanya. Kaya wala itong ibang pamimilian kundi ang pakasalan ang unang babaeng pumasok noon sa Bar. At ang dalagang iyon ay walang iba kundi. . . si Cathy Henderson! Isang anak negosyante na happy go lucky ang buhay. Maganda at supistikada naman ang dalaga. 'Yon nga lang ay napakasalan niya nga ito pero. . . hindi manlang natikman ang asawa ni minsan dahil may mahal itong iba. Ang kwento ng asawa nito ay may lesbian itong mahal na mahal na nandidito sa Pilipinas. Pero ginamit at pinaglaruan lang daw siya ng lesbian na 'yon. Dinakip daw siya at hiningan ng abot sampung milliong pesos ang mga magulang ni Cathy para tubusin ang dalaga sa mga kidnappers. Dahil doon ay inilayo siya ng kanyang mga magulang sa Pilipinas at dinala na abroad para mailayo sa matalik nitong kaibigan na natutunan na niyang mahalin. Pero kahit niloko at ginamit lang siya ng lesbian na 'yon ay hindi niya pa rin makalimutan ito. Na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin kahit limang taon na ang nakakalipas! Napagkasunduan nilang mag-asawa na balikan ni Dawson ang lesbian na 'yon at kung magawa niya itong durugin katulad sa kung paano nadurog si Cathy sa pangta traydor nito ay magagawang pakawalan na siya ni Cathy sa kasal nila. Ang usapan naman kasi nila ay isang buwan lang niyang maging asawa ang dalaga na kaagad napapayag magpakasal sila dahil binayaran lang naman ito ng fifty million ng mga kaibigan ni Dawson para pumayag sa kasal nila ng binata. Pero natapos na ang isang buwan ay hindi pa rin nito pinipirmahan ang divorce papers nila para mapawalang bisa na ang kasal nila. Wala sanang pakialam si Dawson sa lesbian na minamahal at dumurog sa asawa nito. Pero dahil iyon lang ang paraan para mapawalang bisa ang kasal niya kay Cathy ay sumunod ito sa kasunduan nilang mag-asawa. Mabuti na lang at umaayon kay Dawson ang pagkakataon. Dahil ang kumpanyang pinag-apply-an ng lesbian na sadya nito sa bansa ay sa kumpanyang pinamumunuan nito. . . nag-apply ng trabaho. At ang lesbian na 'yon ay walang iba kundi si Angelica Hidalgo. O mas kilalang. . . Angelo. NAPABALIK ang ulirat ni Dawson mula sa pagkakatulala nito na maalala ang asawa sa Europe. Naaksidente kasi ito kamakailan kaya hanggang ngayon ay nakaupo pa rin siya ng wheelchair at ang binti nito ang na-fractured. "Thingking of her?" tudyo ni Tiger ditong natawang napailing. "She's still my wife. Kahit na. . . may sungay iyon." Natatawang saad nito na inabot ang kape. Sabay-sabay silang napalingon sa may pinto nang kumatok doon ang secretary nito at nagsalita sa intercom. "Sorry for disturbing you, Sir Dawson. Nandidito po sa labas ang kaibigan niyo. Angelo daw po ang pangalan," pagbibigay alam ng secretary nitong ikinatayo nitong halos lumuwa ang mga mata! "What's wrong, dude? May kaibigan ka na agad dito?" nagtatakang tanong ni Noel na ikinakamot nito sa ulong napapangiwi. "Uhm, yeah." Utal pa nitong sagot. "Let him in, Vin." Pagsagot ni Hardin na pinsan nito sa intercom. Sabay-sabay pang napalingon ang mga ito na bumukas ang pinto at napatayo na malingunan doon ang isang binatang may dating at itsura kahit may pagkabansot ito. "Y-you?" utal na sambit ni Jayden at natutulalang nilapitan ang bagong dating na si Angelo. Natigilan naman ito na palipat-lipat ng tingin sa mga nagugwapuhang binata dito sa loob ng opisina ni Dawson! Akala pa naman niya ay mag-isa lang ang binata kaya aayahin niya sanang mananghalian na sila sa canteen. Pero heto at marami pala itong bisita. "Uhm, Dawson. Babalik na lang ako mamaya," nahihiyang saad nito na pinamumulaan ng pisngi lalo na't nakamata sa kanya ang lahat na namamangha pa. "Hey, wait. You're Angelica Hidalgo, right?" wika pa ni Jayden na mabilis itong nilapitan. Natuod ito sa kinatatayuan na napatitig sa binatang nakangiting lumapit dito. "Oh, maybe you don't remembered me. Uhm, nagkasama na tayo before pero. . . ilang taon na rin 'yon eh. Malamang ay hindi mo na ako natatandaan." Nakangiwing saad ni Jayden na naglahad ng kamay dito. Lumapit na rin si Dawson na salubong ang mga kilay na palipat-lipat ng tingin sa pinsan nito at kay Angelo. "You know her?" tanong ni Dawson na inakbayan si Jayden. "Uhm, yeah. Natatandaan ko lang ang mukha at pangalan niya. Minsan ko na siyang nailigtas noon. Kaya nakuha ko ang pangalan niya." Wika ni Jayden na lalong ikinasalubong ng mga kilay ni Dawson maging ni Angelo. "Na-nailigtas kamo?" utal na tanong ni Angelo ditong matamis na ngumiti at tumango. "Naaalala mo na ba ang. . . knight in shining armor mo, hmm?" tudyo nito na walang pasabing inabot ang kamay ni Angelo at mabilis iyong hinagkan na halos ikaluwa ng mga mata ni Dawson at Angelo sa ginawa nito! Napasinghap din ang mga pinsan ni Dawson sa likuran nila na nakamata sa tatlong nasa tapat ng pinto. "Hey, ang bilis mo, ha? You are not allowed to do that." Ingos ni Dawson na halata sa tonong nainis ito. Kinuha din niya ang kamay ni Angelo mula sa pinsan na hinila ang dalaga palapit sa kanya na siya na ang inakbayan. Mahinang natawa naman si Jayden na napailing at kamot sa batok na parang batang nahihiya. "I'm just happy and carried away na makita ko siyang muli." Natatawang wika pa nito. Saka lang naman mag-sink-in sa isipan ni Angelo kung sino ang binatang kaharap nito ngayon! Bumilis ang kabog ng dibdib nito na napatitig ng maigi sa bjnata at hindi nga siya nagkakamali dahil pamilyar ang chinitong mga mata nito! "I-ikaw ba iyon? 'Y-yong nagligtas sa akin sa isang abandonadong warehouse noon?" pigil hiningang tanong ni Angelo na natutulala sa binatang matamis na napangiti. "Aha, the one and only, sweetie. Anyway--" anito na muling naglahad ng kamay. "Let me introduce myself to you. I am Police Captain Jayden Madrigal. I'm Dawson's cousin. Nice meeting you again. . . Mis Angelica Hidalgo." Magiliw nitong pagpapakilala sa sarili na napakatamis ng ngiting nakapaskil sa mga labi. Napangiwi naman si Angelo dahil tinawag siya nito sa totoong pangalan at may kasama pang. . . Mis. Nahihiyang inabot nito ang kamay ni Jayden na pilit ngumiti sa binata. "S-salamat sa pagsagip mo sa akin noon, Sir Jayden." Magalang wika ni Angelo na ikinailing ni Jayden na marahang pinipisil-pisil ang kamay ng dalaga. "Nah, it's nothing. Siguro nakatadhana talaga iyon na mangyari dahil napadaan lang naman ako noon sa lugar at nakita ko ang mga kalalakihang kahina hinala ang kinikilos. At tama nga ako. Alam mo bang binayaran ang mga iyon para ipatumba ka?" daldal pa nito na hindi binibitawan ang kamay ni Angelo. "Tama na nga 'yan. Angelo, bumaba ka na muna. Puntahan na lang kita mamaya. Paalisin ko lang ang mga hudyong pinsan ko." Ani Dawson na nalulukot na pala ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD