bc

Mr Madrigal's Secret Affair-SSPG [Dawson Madrigal Series8]

book_age18+
471
FOLLOW
4.5K
READ
billionaire
HE
playboy
dominant
bxg
lighthearted
campus
office/work place
enimies to lovers
multiple personality
assistant
like
intro-logo
Blurb

Pusong lalake si Angelica na mas kilala sa nickname nitong Angelo. Ngunit isang araw ay dumating ang lalakeng magpapabago ng mundong kinagisnan nito. Paano nga kaya mapapaibig ng isang certified playboy na si Dawson Madrigal ang tibong staff nito na nagpatibok sa malamig niyang puso!?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PROBLEMADONG inaayos ng dalagang si Angelica Hidalgo o mas kilalang Angelo Hidalgo ang sarili. Ngayon kasi ang unang araw nito sa trabaho bilang isang encoder sa kumpanyang pinasukan nito. Lalake kasi itong kumilos. Maging sa pananalita at pananamit ay mapagkakamalhan mong tunay itong lalake. Maganda naman itong dalaga. Maliit ang bilugang mukha. Maputi at makinis din ang balat. May kakapalan ang itim na kilay at matangos din naman ang ilong. Manipis ang mga labing natural na mapula at may pagkabilugan ang mga mata nitong ikinabagay niya. Pero mas nagmumukha itong gwapo lalo na't naka-short hair ito at kung pumorma ay panlalake. Black pants at blue long sleeve polo ang suot nito na naka-tuck in. Mabuti na lang at hindi gano'n kalakihan ang hinaharap kaya madali niya lang iyon naiipit. Naka-wax din ang buhok nito na ikinagwapo nito lalo. Na hindi mo aakalaing isa pala itong magandang binibini sa kabila ng gwapo at makisig nitong anyo. Napabuga ito ng hangin na itinupi ang manggas ng polo hanggang siko. Napaka presentable naman na nito tignan pero pakiramdam niya ay may kulang pa rin. Unang araw niya sa kumpanya at wala pang kakilala sa mga makakatrabaho doon. Kaya naman kinakabahan ito na baka pagtawanan at hindi siya kaibiganin kapag nalaman ng lahat. . . na tomboy pala ito at hindi tunay na lalake. "Angelo anak. Hindi ka pa ba tapos d'yan? Nasa tapat na ang grab mo," pagtawag ng ina nito mula sa labas ng pinto sabay katok. "Patapos na po, Nay!" may kalakasang sagot nito na dinampot ang perfume na nag-spray sa leeg at palapulsuan. Napahawi-hawi pa ito sa buhok na naka-wax na napangiti sa sarili. Kahit kasi babae siya ay napakagwapo niyang tignan lalo na sa tuwing gan'tong nakaporma ito. Dinaig pa nga nito ang dalawang Kuya nito pagdating sa pagwapuhan at pormahan. Naiiling naman ang ina nito na lumabas na rin sa wakas ang bunso nitong kanina pa paikot-ikot sa harapan ng salamin para ayusan ang sarili. "Nand'yan na sa tapat 'yong grab mo. Paano 'yan?" ani ng Nanay nito. Lumapit ito sa mesa na hinagkan ang inang naghahain ng agahan nila. "Magandang umaga po, Nay." Paglalambing pa nito para hindi mapagalitan ng ina bago bumaling sa ama at mga kapatid na napa-fist bump sa mga ito. "Mauna na po ako. Baka ma-late pa ako sa trabaho. Nakakahiya naman lalo na't unang araw ko ngayon sa kumpanya," pamamaalam na nito. "Papasok ka na walang laman ang tyan mo?" puna ng ina nitong ikinangiwi ng kanyang ngiti. "Eh. . . sa trabaho na lang po, Nay. May pantry naman po kami sa kumpanya eh. Doon na lang po ako kakain." Sagot nito na dumampot ng pandesal na may palamang peanut butter. "Pag-igihan mo, bunso. Hwag mong ligawan lahat ng katrabaho mo, ha? Magtira ka ng para sa amin," pahabol pa ng Kuya Anjo nito na ikinahalakhak nitong tumango sa kapatid na nakatikim ng batok sa ina. "Anong ligaw-ligaw? Walang gano'n, Arjo. Aba. . . unica hija ko si Angelica kaya marapat lang na siya ang ligawan." Pagalit ng ina nilang ikinakamot ng mga anak sa ulo. "Eh, Nay. Kita niyo naman ang anak niyo. Binata ho 'yang si Angelo. Mula pagkabata ay one of the boys na 'yan. Tanggapin niyo na lang ho at kita niyo namang masaya si Angelo sa kung sino siya. Na malaya niyang nasusunod ang kagustuhan." Sagot naman ni Adolfo na inirapan ng ina nila. "A basta. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang. . . may lalakeng makakapag patino d'yan sa kapatid niyo at ibalik sa pagiging babae." Parinig pa ng ina na sinadyang lakasan sabay sulyap kay Angelo na naiiling inaayos ang mga gamit nito sa bag. "Alis na ho ako. Mamaya kung saan-saan pa mapunta ang usapan," natatawang pamamaalam nito na lumabas na ng kusina nila. "Bye, anak!" "Ingat, bunso!" Dinig niya pang pahabol ng pamilya nito bago siya tuluyang makalabas ng bahay. Nagmamadali itong lumabas ng gate nila at nasa tapat na nga ang taxi na in-book nito. "Kuya, sa DM'S Corporation po BGC," saad nito sa driver pagpasok ng taxi. Tumango naman ang driver na pinasilab na ang taxi. Umayos ito ng upo na panay ang sulyap sa wristwatch nito. May isang oras pa naman siya pero mas gusto niyang nandoon na sa kumpanya ng maaga lalo na't unang araw niya ngayon sa trabaho. Napapabuga ito ng hangin habang nasa kahabaan ng byahe. Nasa twenty minutes kasi ang byahe nito mula sa bahay nila hanggang sa DM'S Corporation. Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya maluwag ang daan. Napapikit ito na napapapilantik ng mga daliri. Kahit pilit niyang pinapatatag ang sarili ay kinakabahan pa rin ito. Piping nagdarasal na sana. . . sana ay magustuhan siya ng mga katrabaho kahit na isa itong lesbian. Natatakot kasi itong mahusgaan dahil sa kanyang kasarian. Na iilan lang ang mga taong open minded pagdating sa kanilang miyembro ng LGBT. Hindi na rin nito mabilang kung ilang beses na siyang hinamak ng mga tao na mapag-alaman nilang tomboy ito at hindi lalake. Kaya may trauma na rin ito sa sarili na makipaglapit at makipag kaibigan sa mga nasa paligid nito. "Sir, nandito na po tayo." Napabalik ang ulirat nito na magsalita ang driver. Sa dami ng naiisip niya ay hindi na namalayang nakarating na pala sila sa kumpanya! Muli tuloy bumilis ang kabog ng dibdib nito na nandidito na siya sa papasukan. Humugot ito ng dalawangdaang piso sa wallet na ibinayad sa driver. "Maraming salamat ho, Kuya." Anito na bumaba na ng taxi at tinanguhan naman siya ng driver. Napatingala ito sa building. Nakakalula ang taas nito na halos hindi na matanaw ang rooftop. "Are you new here too?" Napapitlag ito na may baritonong boses na nagsalita sa kanyang tabi. Napapalunok itong napasuri ng tingin sa binatang katabi nito na katulad niya ay nakatingala sa building. Napaawang pa ang labi nito na mapatitig sa mukha ng binata. Kahit may suot itong sunglasses ay hindi maipagkakaila kung gaano ito kagwapo! Kay bango din nito na ang lakas ng datingan. Matangkad kasi ito na may makisig na pangangatawan. Naka-fit sa katawan ang suot na white long sleeve polo na nakatupi din ang manggas hanggang kanyang siko. Naka-black pants at tuck-in kaya bakat na bakat kung gaano kaganda ang katawan nito sa suot. "Ahem! O-oo eh. Ikaw, bago ka rin ba dito?" anito na napatikhim nang nilingon na siya ng binata. Ngumiti itong nagtanggal ng sunglasses na ikinaawang muli ng labi ni Angelo na mapatitig sa mga mata ng binatang kaharap! Chinito kasi ito na asul ang mga matang mapupungay! Nakakaakit makipagtitigan dito na kay ganda ng kanyang mga mata. Idagdag pang makakapal din ang malalantik at mahaba nitong pilikmata. "W-wow. Ang gwapo mo naman," bulalas nito na hindi namalayan. Napahagikhik naman ang kaharap na naglahad ng kamay ditong sunod-sunod na napalunok na napasunod pa ng tingin sa kamay ng binata. "My hand is clean and soft. Pwede ba kitang maging kaibigan dito? Baguhan din kasi ako eh." Ani ng binata na may ngiti sa mga labi. "O-oo ba. Ito na," natatarantang bulalas ni Angelo na kaagad kinamayan ang binata. Sabay pa silang natigilan na napalunok na makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente sa katawan mula sa pagkakahawak nila ng kamay sa isa't-isa. "You feel it too, right? Ang weird." Wika ng binata na ikinabalik ng ulirat ni Angelo. "I'm Dawson. And you are--?" "Ah, eh. . . Angelica este--Angelo, bro. Masaya akong maging maibigan ka," bulalas ni Angelo na lihim na napapamura sa isipan na nautal pa ito at nadulas ang dilang nasabi ang totoong pangalan! Mahina namang natawa ang binatang si Dawson na napatango-tango at pasimpleng binasa ang I'd ng kaharap. Unang tingin niya pa lang kasi dito ay alam na kaagad niyang isa itong. . . magandang binibini na nag-aanyong lalake. "Me too, Angelo. Ikinagagalak kong maging. . . kai. . . bigan ka."

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook