DALA ng kabiglaan ay nasampal ni Angelo si Dawson na muntik pang sumubsob sa mesa!
"Ayt! Anak naman! Bakit mo sinampal ang manugang ko!?" bulalas ng ina nito dala ng gulat na pumasok na ng silid at nilapitan ang dalawa.
Napasapo ito sa pisngi ni Dawson na namumula na at kitang bumakat ang palad ni Angelo dito. Napalapat ito ng labi ng samaan siya ng tingin ni Dawson at ina nito sa kanyang nagawa.
"Ahem! May lamok po kasi, Nay. Pinatay ko lang naman ah. Saka baka naduduling po kayo. Napuwing po ako kaya hinihipan ni Dawson ang mata ko. Kaya akala niyo hinahagkan niya ako," kaagad nitong paliwanag na hindi makatingin sa mga mata ng ina.
"Hindi 'yon ang nakita ko, Angelo." Ingos ng ina nito.
"Yon po 'yon, Nay. Tanungin niyo pa si Dawson." Matatag nitong pagtanggi na hiyang-hiya sa ina nitong nakita siyang hinahalikan ng lalake.
Bumaling naman ang ina nito kay Dawson na napapangiwi dahil pasimpleng nakatapak lang naman ang paa ni Angelo sa paa nitong tila nagbabanta.
"Totoo ba 'yon, manugang ko? Hindi mo talaga siya hinahalikan katulad sa nakita ko?" baling nitong tanong sa binata na napapangiwi.
"Ah, eh. . . ouch--uhm opo, Nanay. Hinahagkan ko
este--hinihipan ko po si Angelo at. . .at napuwing po." Nagkanda-utal-utal nitong sagot dahil tinatadyakan lang naman ito ni Angelo sa ilalim ng mesa.
"Sigurado ka?" naninigurong tanong ng Nanay Belinda ng mga itong sabay nilang ikinatango-tango. "Oh siya, sumunod na kayo at kumain na tayo. Masarap akong magluto ng kare-kare, manugang ko. Tiyak akong magugustuhan mo ang ulam natin," kinikilig pa nitong saad na nauna ng lumabas ng silid.
Napasunod naman ng tingin si Angelo at Dawson dito na tuluyang lumabas ng silid. Nang maisara na nito ang pinto ay kaagad piningot ni Angelo si Dawson sa tainga na impit nitong ikinadaing.
"Bwisit ka talaga. Muntik na tayo doon, ha? Nakakainis ka. Bakit ka kasi nanghahalik?" mahinang asik ni Angelo ditong nagawa pang mapahagikhik.
"Gusto ko eh. Bakit ba?"
"Bakit ba? Hoy, hindi mo ako pwedeng halik-halikan na lang basta-basta," nandidilat ang mga matang pagbabanta ni Angelo ditong napalapat ng labi na pinamumulaan ng pisngi.
"Eh sa natuwa ako eh. Na-carried away lang, bro." Ngising kindat nito na ikinaikot ng mga mata ni Angelo na pabalang tumayo kaya napahagikhik ito.
Napangisi ito na may maisip na kalokohan at mabilis tinadyakan ang paa ni Dawson na impit na napadaing at hawak sa daliri nito sa paang napuruhan.
"Ouch. Grabe ka naman. Ang bigat ng paa mo. Parang paa ng elepante ah," natatawang daing nito na iika-ikang tumayo.
"Opppss. Sorry, bro. Na-carried away lang din ako." Nakangiting hilaw nitong sagot na ikinangiwi ng ngisi ni Dawson at napabusangot.
Tatawa-tawa itong nagpatiuna ng lumabas ng silid. Sumunod din naman si Dawson dito na paika-ika pa rin maglakad.
MAGKAKAHARAP ang mga itong naghapunan. Panay naman ang pag-asikaso ni Aling Belinda kay Dawson na kulang na lang ay subuan na niya ang binata. Naiiling na lamang ang mag-aama nito na hinahayaan lang ang ina dahil kita naman nilang hindi naiilang si Dawson na magpaasikaso dito.
"Nay, kumain ka na rin po." Ani Angelo na ikinangiti ng inang naupo na sa tabi ng asawa habang kaharap sina Dawson at Angelo na magkatabing kumakain.
"Kumusta ang ulam, manugang ko? Nagustuhan mo ba?"
Sabay-sabay na napaubo na nasamid ang mag-aama nito sa sinaad ni Aling Belinda. Napahagikhik namang inabutan ng tubig ni Dawson si Angelo na panay ang ubo.
"Belinda naman. Manugang? Eh hindi nga magkasintahan ang dalawang 'yan eh," paingos ng asawa nitong napainom ng tubig at nabulunan.
"Hindi pa nga. . . sa ngayon. Alam ko na hindi magtatagal ay. . . magkakagustuhan din ang mga bata." Kinikilig nitong saad na muling ikinasamid ng kanyang mag-aama.
Napapahagikhik naman ito na inabutan ng tubig ang mga anak na lalake at inaasikaso naman ni Dawson si Angelo.
Muling natahimik ang nga ito na nagpatuloy kumain. Tila nagpapakiramdaman sa isa't-isa kung sinong unang magsasalita. Hanggang matapos na silang maghapunan at nagkayayaan ang mag-aama na mag-inuman sa likod ng bahay at may kubo sila doon.
"Uhm, Dawson?" pagtawag ni Angelo dito na magiliw na nakikipag kwentuhan sa ina nito dito sa sala nilang may kaliitan.
Sabay namang napalingon si Dawson at Aling Belinda na nagtatanong ang mga mata. Napakamot sa pisngi si Angelo na alanganing ngumiti sa mga ito.
"Uhm. . . saluhan mo raw sina Tatay sa labas mag-inuman." Anito.
"Ako?" paninigurong tanong ni Dawson na naituro pa ang sarili.
"Malamang. Ikaw ang tinawag ko eh. Sino pa ba ang Dawson dito?" pabalang sagot ni Angelo ditong napalapat ng labi.
"Nagtatanong lang naman," maktol pa nito na napabusangot na parang batang bumaling kay Aling Belinda. "Ahm, Nay. Samahan ko na po muna sila Tatay sa labas." Magalang pamamaalam pa nito na ikinatango at ngiti ni Aling Belinda dito.
"Hwag kang mag-alala, manugang ko. Hindi naman nangangagat ang mag-aama ko. Tiyak akong gusto ka lang din nilang mas makilala pa." Pagpapatatag pa ni Aling Belinda dito na halatang kinakabahan.
"Sige po, Nay." Pamamaalam nito na tumayo na rin.
Napasunod naman ng tingin si Aling Belinda sa mga ito na sabay nagtungo sa likurang pinto diretso sa likod ng bahay nila. Naiiling na lamang ito na hindi maitago ang ngiti. Kahit naman kasi nagpalusot kanina ang dalaga niya ay alam niya ang nakita niya. Marahil ay nahihiya at natatakot lang ang dalaga niya na umaming may lalake ng nagpapatibok ng puso nito ngayon.
"Umiinom ka naman, 'di ba?" bulong ni Angelo dito habang palabas sila ng bahay.
May maliit kasi silang garden ng gulay sa likod bahay nila at sa gitna ay may nipa hut na nakatayo. Tambayan nilang magkakapatid lalo na sa gabi. Nakaugalian na kasi nila iyon na magtagayan na muna bago matulog. Kaysa makipag-inuman pa sa labas? Dito na lang nila ginagawa sa sarili nilang teritoryo. Iniiwasan din kasi nilang mapagulo lalo na't kasa-kasama palagi si Angelo at ayaw nilang mapasubo silang mapalaban. Dahil kahit lalake umasta ang bunso nila? Babae pa rin ito na kailangan nilang protektahan bilang mga nakatatandang kapatid ni Angelo.
"A little."
"Huh? Anong a little?"
"I mean, yeah. Umiinom ako pero. . . sakto lang. Mabilis kasi akong malasing," bulong sagot nito na nasa harapan na sila ng kubo at kitang nagkakatuwaan na nga ang ama at dalawang Kuya nitong nag-iinuman at kwentuhan.
"Patay. Baka naman mamaya ay malasing ka nito. Magka-hangover ka pa bukas niya'n," problemadong sagot nito na iiling-iling sa binata.
"Oh, nandito na pala sila eh." Ani Arjo na malingunan ang dalawa.
Nahihiya namang sumunod si Dawson sa gilid kung saan naupo si Angelo na kaharap ang dalawang Kuya nito at sa gitna nila ang ama nila kung saan nakapalibot silang lima sa pa-rectangle na mesang yari sa kawayan.
"Tagay mo, tisoy." Ani Adolfo na inabutan si Dawson ng shot nito.
Napapalunok namang inabot iyon ni Dawson na alanganing ngumiti sa mga ito. Napasamyo ito sa alak na napapikit na malanghap ang tapang ng amoy nito. Sa amoy pa lang nito ay para na siyang malalasing!
"Hindi mo ba kaya?" untag ni Arjo dito na napapalunok lang ito at hindi mainom-inom ang tagay nitong kalahating baso ng gin bilog.
"I-ito na po," utal pa nitong sagot na inisang lagok ang shot at halos malukot ang gwapong mukha na humagod ang init at pait ng alak sa lalamunan nito!
"Yown! Masasanay ka rin niya'n, tisoy." Pagchi-cheer pa ni Adolfo na siyang nagsalin ng alak nito.
Inabutan naman ni Angelo ito ng tubig na kaagad ininom na naginhawaan sa init na nararamdaman sa lalamunan.
"Okay ka lang? Kaya mo ba?" tanong ni Angelo dito na namumula na kaagad ang makinis na pisngi.
"Ang hina mo naman. Isang tagay mo pa lang namumula ka na," puna ni Mang Alejandro na napailing at inom ng tagay nito.
Napalapat ito ng labi na naiilang ngumiti. Muli din naman itong pinagsalin ni Adolfo ng shot nito kaya wala itong magawa kundi tanggapin at inumin iyon kahit para ng iikot ang paningin niya.
"Bunso, tagay mo." Baling pa nito kay Angelo na tinanggap ang shot nito at walang kahirap-hirap na nilagok iyon.
Halos lumuwa naman ang mga mata ni Dawson na makitang hindi manlang napangiwi ang dalaga. Na tila hindi manlang nalasaan ang init at pait ng alak na iniinom nila!
"Ang lakas mo palang uminom," bulong ni Dawson ditong napangisi lang.
"So, magkwento ka naman ng tungkol sa'yo, tisoy." Ani Arjo na ikinatuwid nila ng upo at napaseryoso.
"Eh. . . ano pong tungkol sa akin, K-Kuya?" alanganing tanong nito na napapasulyap kay Angelo at nagpapasaklolo ang mga mata sa dalaga.
Matamang nakamata naman dito ang mag-aama na tila binabasa ito. Lalo tuloy siyang kinakabahan na hindi makaapuhap ng masasabi.
"Ikaw. Tungkol sa sarili mo. Taga saan ka? Nasaan ang pamilya mo? Anong buhay ang nakagisnan mo? Hwag kang magsisinungaling at kahit mahirap kami ay hindi naman kami tanga. Unang tingin pa lang namin sa'yo ay masasabi na naming. . .hindi ka ordinaryong mamamayan." Ani Adolfo na ikinalunok ni Dawson at pilit ngumiti.
Napalingon ito kay Angelo na tila nagpapasaklolo ng maisasagot sa dalaga. Napabuga naman ito ng hangin na nakuha ang ibig ni Dawson kaya bumaling sa kanya ang dalawang Kuya at ama nila na nagtatanong ang mga mata. Napakamot pa ito sa ulo na napangiwi ang ngiti.
"Uhm, ano po kasi, mga Kuya, Tay. Si Dawson po ay. . .ay anak ng kumpanyang pinapasukan ko." Pag-amin ni Angelo na ikinasinghap ng mga kaharap nila na nagtinginan.
"A-anong ibig mong sabihin, Angelo? Boss mo itong si tisoy?" kunotnoong tanong ng ama nilang ikinatango ni Angelo.
Napatampal naman ang mga ito sa noo na nanlumo ang mga matang bumaling kay Dawson na hindi malaman kung ngingiti ba sa mga ito.
"Tama nga ang unang impression namin sa'yo. Anak mayaman ka. Pero. . . bakit mo gustong makitira dito? Tisoy, kung pinaplano mong biktimain itong anak ko ay madadali kita kahit bilyonaryo ka pa," ani Mang Alejandro na nagbabanta ang tono at matiim na nakatitig kay Dawson na pinamumulaan ng pisngi.
"My intention is clean and pure, Tay. W-wala akong planong saktan o ipahamak si Angelo. Gusto ko po dito dahil. . . dahil dito ay malaya po ako. Malaya kong nagagawa ang mga gusto ko na walang nakaaligid sa akin. Gusto ko pong tumayo sa sarili kong mga paa. Na subukang mamuhay ng simple. At magagawa ko lang po iyon kung bubukod ako sa pamilya ko," tuwid nitong paliwanag na matapang sinalubong ang mga mata ni Mang Alejandro.
Nagkatinginan pa ang mag-aama na mukhang napaniwala naman ni Dawson. Habang tahimik lang si Angelo na palipat-lipat ng tingin sa mga Kuya at ama nila na mukhang nagkakaintindihan.
"Kung wala ka namang planong masama sa anak namin? Walang problema, tisoy. Malugod ka naming patutuluyin dito sa tahanan namin. Hindi malaki at kagandahan ang bahay namin. Sa isang katulad mong lumaking may gintong kutsara sa bibig, alam naming hindi ka komportable na tumira sa gan'tong tahanan." Sagot ni Mang Alejandro dito na kaagad umiling.
"Mas gusto ko nga po na dumito at simple lang ang tahanan niyo pero dama ko naman ang kabutihang puso ng mga nakatira dito. Kaya wala po kayong dapat ipag-alala dahil masaya ho akong makipagsalamuha sa inyo, Tay." Magalang na sagot nitong ikinasilay ng tipid na ngiti ng mag-aamang nakamata dito.
"Asahan namin 'yan, tisoy. Minsan lang kami magtiwala. Kaya nasa sa'yo na 'yan kung pangangalagaan mo. . . o sisirain mo." Saad pa ni Mang Alejandro na pinagsalinan ito ng tagay na malugod tinanggap.
MAGHAHATINGGABI na nang matapos na ang mga itong mag-inuman. Pasuray-suray na rin sila maglakad lalo na si Dawson na halos manlupaypay na sa kalasingan.
Naiiling na lamang si Angelo na siyang may akbay nito at pinagtulungan na ng dalawang Kuya niya ang ama nila na bitbitin papasok at tuluyan na itong nakaidlip dala ng kalasingan.
"Haist! Ang bigat mo!" asik ni Angelo dito na parang hihiwalay na ang balikat nitong kinasusubsuban ni Dawson na halos kargahin na ang binatang hindi makaakyat ng hagdanan.
"Ang bansot mo kasi," napapahagikhik pa nitong turan na ikinapikit ni Angelo at napabuga ng hangin.
Hinihingal na nga ito at ngalay na ngalay sa pag-akay sa binata paakyat ng silid nila pero nagawa pang mang-asar ng mokong.
"Ihulog kita eh." Ingos nito na ikinahagikhik lang ni Dawson.
Halos itulak na nito si Dawson pagpasok nila ng silid na sumubsob sa kama. Pero sa laki nitong tao ay halos akupaduin na nito ang kama niyang pang dalawahang tao ang kasya.
Naiiling na lamang itong lasing na lasing ang binata at pulang-pula na rin ang mukha at leeg. Pabagsak itong naupo ng kama na inalis ang sandal ni Dawson at iniayos din ang mga mahahabang binti nitong nakalupaypay sa gilid ng kama.
"Angelo," lasing nitong sambit na ikinalunok nitong bumilis ang t***k ng puso.
"B-bakit?" utal nitong tanong na ikinadilat ng isang mata ni Dawson at bakas doon ang antok at kalasingan na pilit lang iminumulat ang mata. "Come here."
Para itong nahihipnotismo na napasunod sa binatang sinenyasan siyang mahiga katabi ito. Panay ang lunok nito na pabilis nang pabilis ang t***k ng puso habang nakaunan siya sa braso ni Dawson at nalalanghap ang mainit at mabangong hininga ng binata maging ang gin na ininom nila.
"I thought you're that bad." Lasing nitong turan.
"Huh?" naguguluhan naman si Angelo na napatitig ditong nakapikit at kitang lasing na lasing.
"They're said you're bad." Muling wika nito na slang ang tono.
"Ako? Masama ako? Sinong nagsabi?" takang tanong naman nito na nakamata sa binatang nakapikit.
"Someone's special to me."
Napalunok si Angelo sa sinaad nito. Alam niyang lasing si Dawson pero. . .may parte sa puso nito na nagsasabi ang binata ng totoo.
"S-sino nga?" utal nitong tanong pero hindi na sumagot ang binata na tuluyang nakaidlip.
Napahinga ito ng malalim na bumangon at nag-shower na muna bago binanyusan si Dawson at natulog na lamang sa sahig dahil hindi din naman sila kasya sa kama sa laki ni Dawson.
Pabaling-baling ito ng higa na hindi makatulog. Pasado alauna na ng umaga pero wala pa rin itong tulog. Mabuti pa si Dawson at kay sarap ng tulog nitong humihilik pa na komportableng komportable sa kinahihigaan nito.
Napatagilid ito ng higa na napaharap kay Dawson. Muling bumilis ang kabog ng dibdib nito na napatitig ng matiim sa binata.
"Ano bang sinasabi mo, Dawson? Sinong nagsabi sa'yong masama ako? Bakit naman niya nasabing masama ako? Ano bang nangyayari? Aksidente lang bang nagkakilala tayo? O sadyang. . . ako ang pakay mo."