Chapter 5

2114 Words
NAG-IINIT ang mukha ni Angelo na lumabas ng silid nito. Pakiramdam niya ay nakalapat pa rin sa kanyang labi ang mga labi ni Dawson. Kahit silang dalawa lang ang may alam sa halikan nila ay nahihiya ito sa pamilya niya. Mula pagkabata ay pusong lalake na siya. Kilos lalake. Oo nga't wala pa siyang nagiging girlfriend pero sa isip at puso niya ay lalake siya. Ni sa panaginip ay hindi nito lubos maisip na makikipag halikan siya sa isang lalake. At ngayo'y kasa-kasama niya pa. Sa bahay man o sa trabaho. Kaya malabong. . . maiwasan niya si Dawson. "Oh? Anong nangyari sa'yo, Angelo? Pulang-pula ang mukha mo ah. Ayos ka lang ba?" puna ng Kuya Arjo nito na malingunan ang dalagang pumasok ng kusina. "Ahem! Okay lang, Kuya. Nauuhaw po ako eh." Sagot nito na hindi makatingin sa mata ng pamilya nitong kasalukuyang nagluluto. Nangingiti naman ang ina nito na tila nahihinulaan ang nangyari kaya lalong nag-iinit ang pisngi ni Angelo na napapayukong nagtungo sa refrigerator nila at kumuha ng malamig na tubig na kaagad ininom. "Uhaw na uhaw ah. May nangyari bang. . . hingalan, anak ko?" nanunudyong saad ng ina nitong ikinasamid nito na naibuga ang iniinom! Napahalakhak naman ang ina at mga Kuya nito habang lumapit na ang ama niya kay Angelo na marahang hinagod-hagod ito sa likuran at panay ang ubo sa pagkakasamid. "Magtigil ka nga, Belinda. Pinalaki natin ng maayos ang anak natin. Oo babae si Angelo pero alam natin mula pagkabata niya'n na mas magkakagusto pa ito sa babae kaya hwag ka ng umasang mahuhulog ang bunso natin sa tisoy na 'yon," pagalit ng ama nila sa asawa nitong napapahagikhik habang naghahalo sa nilulutong ulam nilang kare-kare. "Ahem! Nay naman. Wala pong gano'n. Sinabi ko na po sa inyo, magkaibigan lang po kami ni Dawson. Saka. . .may natitipuhan na po ako sa opisina naming magandang dalaga. Pero sa ngayon. . . kikilalanin ko na muna siya." Magalang sagot ni Angelo para magtigil na ang ina nito kakatudyo sa kanila ni Dawson. Natigilan naman ang pamilya nito na sabay-sabay napalingon sa kanya na namimilog ang mga mata. Pilit itong ngumiti na makitang nagulat ang pamilya nito sa kanyang sinaad. "Kaya, Nay. Tigilan niyo na po 'yan. Hindi po kami magkakagustuhan ni Dawson. Magkaibigan po talaga kami. Magkaibigan lang po," wika pa nito na lumabas ng muli sa kusina nila para makaiwas sa ina lalo na't kita nitong nasaktan at nanlumo ang ina nito sa narinig. Noon pa man ay hindi nawawalan ng pag-asa ang ina niya na magpakababae ito. Pero kahit anong pilit niya sa sarili ay hindi talaga siya komportable. Lumaki siyang one of the boys kung kumilos, manamit at magsalita. Bentesingko anyos na siya na gano'n ang naging buhay. Kaya hindi ito sanay na kumilos babae lalong-lalo na ang magpakababae kahit para sa ina nito. Bagsak ang balikat nitong bumalik ng silid. Kahit ayaw niya sanang makita na muna si Dawson ay wala naman itong ibang pamimilian. Iniiwasan niya ang pamilya niya at tanging ang silid lang niya ang maaari niyang pagkulungan. Napabuga ito ng hangin na pinihit ang seradula. Sakto namang nasa loob ng maliit nitong banyo si Dawson na naglilinis marahil ng katawan. Napapatili pa ito sa lamig ng tubig na ikinahahagikhik ni Angelo na nahiga ng kama nito. Ilang minuto lang naman at lumabas na ang binata mula sa banyo na nakatapis lang ng towel sa ibaba nito at natigilan na mabungarang nandidito na sa silid ang dalaga. "Ahem! Nakigamit ako ng banyo mo, ha? Saka. . . pwede bang makahiram ng damit mo? Wala akong dala dito eh. Hindi ko naman alam na mapapapayag ko ang pamilya mong manirahan ako dito kaya wala akong dala maski brief ko," kindat nito na ikinangiwi ni Angelo at sumusukong bumangon ng kama. "Baliw ka kasi. Ang daming apartment na pwede mong tirhan dito mo pa napili," kunwari'y ingos nito na maalala ang panghahalik sa kanya kanina ni Dawson. "Gusto ko nga dito. Kung saan naroon ka," kindat pa nito na napasipol habang nakamata sa dalagang humahalungkat sa cabinet nito ng pwede nitong maisuot. "Siraulo," pabulong saad ni Angelo na ikinalapat nito ng labing narinig ang sinaad ng dalaga. Maya pa'y may hinugot itong plain black shirt at army green cargo pants na may kasamang boxer briefs na iniabot sa binata. "Ito na muna. 'Yan lang ang hindi ko pa nagagamit eh. Kasya naman siguro sa'yo dahil hindi naman ako nagsusuot ng hapit na hapit sa akin," wika ni Angelo ditong nangingiting timanggap iyon. Natigilan naman ito na sinadya pang hawakan ni Dawson ang kamay nitong ikinalunok nitong damang-dama ang kakaibang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa ugat nitong ikinabilis ng pagtibok ng kanyang puso. Nangingiti naman si Dawson na ramdam niyang dama rin ni Angelo ang sparks sa pagitan nila lalo na kapag napapadikit ang mga ito sa isa't-isa. At dahil wala namang make-up ang dalaga ay kitang-kita nito kung paano magkulay hinog na kamatis ang makinis nitong pisngi na hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito. Naningkit ang mga mata nito nang magkatitigan sila at nagawa pang ngumiti at kumindat ni Dawson na parang batang nagpapa-cute dito. "Magbihis ka na nga doon." Ingos nito na isinuksok sa dibdib ni Dawson ang damit nitong ikinahalakhak nitong kinuha iyon. Naiiling na lamang itong nagtungo sa study table nito na nag-abot ng libro at kunwari'y magbabasa. Kita naman nitong nakamata pa rin sa kanya si Dawson na pasipol-sipol pang tila nanunudyo. Halos lumuwa ang mga mata nito na nag-init ang mukha na kita sa peripheral vision nitong basta na lamang hinablot ni Dawson ang nakatapis ditong tuwalya at walang kahiya-hiyang nagbihis sa gilid nito! Para itong hindi makahinga na kahit iiwas ang paningin ay nakikita niya sa gilid ng mga mata niya ang pagbihis nitong 'di manlang alintana na may ibang kasama sa silid! Napapikit itong napapahinga ng malalim nang sa wakas ay tapos ng magbihis ang binata na dinala sa banyo ang towel na ginamit nitong pasipol-sipol pa. "Haist. Ang kumag na 'yon. Pasimpleng manyak din eh," bulong nito na napahagikhik sa sariling tinuran. Muli din namang lumabas si Dawson na lumapit sa gawi nitong sunod-sunod nitong ikinalunok na damang bumilis ang pagtibok ng puso nito. "Nagbabasa ka ba?" tanong nito na naupo sa tabi nito at nagpangalumbaba sa mesa habang nakamata dito. "Oo. May mga mata ka naman, 'di ba?" ingos nito na sa libro nakamata. Napahagikhik naman si Dawson na pinitik ang libro nitong ikinasulyap nito dito na sinamaan ng tingin at may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi nitong tila nanunudyo na naman. "Paano mo nababasa 'yan, hmm? Baliktad ang libro mo, bro." Halos lumuwa ang mga mata ni Angelo na mapansing baliktad nga ang libro nito! Malutong namang napahalakhak ang katabi nito na tila tuwang-tuwa pang pinamumulaan itong kaagad binaliktad ang librong binabasa. Napaghahalataan tuloy na hindi naman talaga siya nagbabasa. Napaiktad naman si Angelo nang akbayan ito ni Dawson na muling ikinabilis ng pagtibok ng puso nito. Bagay na si Dawson pa lamang ang nakakagawa. Napapalunok itong nakamata lang sa libro kahit kita niya sa gilid ng mata niyang nakatitig sa kanya ang binata. "Uhm, pwede ka bang magkwento ng tungkol sa'yo, Dawson?" pambabasag nito sa katahimikan nilang dalawa lalo na't nakatitig sa kanya ang katabi. "Sure. Ano bang gusto mong malaman tungkol sa akin, hmm?" anito na ikinalingon ni Angelo dito. "Lahat ng tungkol sa'yo. Taga saan ka? Nasaan ang pamilya mo? Anong buhay ang nakagisnan mo?" sunod-sunod na tanong nitong pilit sinalubong ang mga mata ng binata. Napahinga naman ito ng malalim na hindi nagbababa ng paningin. Matiim ding nakipagtitigan ito sa kanya na kita ang sensiridad sa mga mata nito. "I'm from Europe, bro. Pero nandidito ang buong angkan namin sa Pilipinas. Nagmula ako sa may kayang pamilya." Pagtatapat nito. Kahit inaasahan na ni Angelo ang bagay na iyon ay napaawang pa rin siya ng labi sa narinig mula dito. "M-mayaman ka?" halos pabulong tanong nitong ikinatango-tango ni Dawson. "Pero. . . bakit dito ka makikitira?" "Dahil nandidito ka." Walang kakurap-kurap nitong sagot na ikinapilig ng ulo ni Angelo dito. "Bakit? Eh ngayon lang naman tayo nagkakakilala ah," naguguluhang tanong nito. Napahinga naman ng malalim si Dawson na napahaba ang nguso. Parang batang nagtatampo ang itsura. "Hindi ko rin alam, Angelo. Basta gusto kong. . . maging kaibigan ka. Kasa-kasama sa lahat ng oras. Sa trabaho man o dito sa bahay." Napalunok si Angelo na hindi makaapuhap ng maisasagot dito. Napangisi naman si Dawson na marahang pinitik ito sa noo na natutulala ang dalaga. "Aray ko. Ano ba?" reklamong ingos nito na napahaplos sa noo. Napahagikhik naman si Dawson na nakamata ditong napabusangot. Naipilig naman nito ang ulo nang may sumagi sa isipan nito. "Kung gano'n. . . ikaw ba ang anak ng amo natin sa kumpanya?" natutulalang tanong nito sa binata nang sumagi sa isipan ang usap-usapan ng mga katrabaho nito tungkol sa anak ng boss nilang papalit sa posisyon ng ama sa kumpanya! Halos lumuwa ang mga mata nito nang tumango si Dawson na ngumiti dito. "Ako nga. Ngayong alam mo na ang katauhan ko ay hindi na ako mag-aalinlangan ipakilala ng pormal ang sarili ko sa'yo," anito na napaseryoso na ring naglahad pa ng kamay. "I'm Dawson. Dawson Fuentabela. . . Madrigal. The elder son of Mr Delta Madrigal. President of DM'S Corporation." Pormal na pagpapakilala nitong ikinatutulala ni Angelo dito. Kung gano'n ay hindi lang siya basta anak mayaman. Dahil kilala ang angkan ng pamilya Madrigal. . . na kabilang sa mga bilyonaryong pamilya dito sa bansa maging sa Asia! "K-kung gano'n. . . b-bilyonaryo ka?" halos pabulong anas nito na ikinangiti at tango lang ni Dawson na nakamata dito. Nanlumo ito na bumigat ang dibdib. Hindi niya lang lubos akalain na gan'to kayaman ang binatang kinakaibigan niya. Na ngayo'y heto at. . . nakikitira sa kanila. "H-hindi ka pwede dito kung gano'n," utal nitong anas na ikinakunot ng noo ni Dawson. "Bakit naman?" "Nababaliw ka na ba? Isa kang bilyonaryo. Paano kung may mangyari sa'yo habang nasa poder ka namin? Paano kung. . . kung may dumakip sa'yo at hingan ng ransom ang pamilya mo? Dawson, madadamay kami dahil nandidito ka sa amin. Kapag napahamak ka? Kami ang kauna-unahang masisisi ng pamilya mo at pagbintangan." Bulalas nitong ikinabuga ng hangin ni Dawson na lumamlam ang mga mata. "Kaya ayoko sanang ipakilala ang sarili ko eh. Dahil baka ipagtayabuyan mo ako palayo." Malungkot nitong turan. Napalunok si Angelo na parang kinukurot ang puso nito na kitang lumungkot ang binata at kita ang pagkabigo sa mga mata nito. "D-Dawson. Hindi naman sa ipagtayabuyan kita. Isipin mo rin ang kapakanan mo. Paano kung may makakilala sa'yo at dakpin ka nila? Dawson, madadamay ang pamilya ko." Maalumanay na wika ni Angelo dito at tinapik sa balikat ang binata. "Nakakasawa na." "Huh?" Napahinga ito ng malalim na mapait na napangiti. "Lumaki akong kahit saan magpunta ay may mga bodyguard akong nakapalibot sa akin. Gusto ko ring maranasang mamuhay ng simple at malayang nagagawa ang gusto. Kahit dito manlang sa loob ng bahay niyo 'ko iyon mararanasan." Mababang saad nito na ikinakurot ng kunsensya ni Angelo sa sarili. "Ano ba 'yan. Kinunsensya pa ako. Sige na nga. Pero. . . sasabihin natin sa pamilya ko ang totoong katauhan mo, ha? Hindi ako sanay na may nililihim sa kanila eh." Nakangusong sagot ni Angelo ditong ikinaaliwalas muli ng gwapong mukha nitong tila nakakuha ng pag-asa. "Talaga? Pumapayag ka ng. . . dito ako tumira kasama ka?" pangungumpirmang tanong nito na bakas ang tuwa sa mga mata nitong nagniningning. "Oo nga. Pero. . . sabihin pa rin natin kina Nanay, ha? Ayaw kong maglihim sa pamilya ko eh." "Yes! Thank you, bro!" bulalas nito na napakabig kay Angelo sa sobrang tuwa at hindi na napigilang yakapin ito! Namimilog naman ang mga mata ni Angelo na parang lumukso na ang puso nito sa ribcage nito at hindi makakilos sa kinauupuan habang yakap-yakap pa rin siya ni Dawson na napapairit pa! "B-bitawan mo nga ako. Hindi na ako makahinga." Kulang sa diing saway nito. Kumalas naman ito na bigla na lamang siyang siniil sa mga labing halos ikaluwa ng mga mata ni Angelo na napakapit sa balikat ni Dawson! "Umpt-- tama na!" asik nito na buong lakas itinulak si Dawson na napahagikhik na sumapo sa magkabilaang pisngi nito. Nandidilat ang mga mata nitong nagbabanta sa binatang napakalapad ng ngiti na walang pasabing pinaghahalikan pa siya sa buong mukhang ikinatitili nitong hindi makailag kay Dawson! "Anong nangyayari--ops! Sabi na eh. Magkarelasyon kayong dalawa." Para silang binuhusan ng malamig na tubig na bumukas ang pinto at nagsalita mula doon ang ina ni Angelo at huling-huli nitong hinahalik-halikan ni Dawson sa buong mukha ang dalaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD