Chapter 9

2313 Words
LIHIM na napangiti si Jayden na may naaamoy ito sa dalawa. "Ahem! Ihatid na kita sa department mo, Mis Angelica." Ani nito na ikinaningkit ng mga mata ni Dawson dito. "Ah, eh. . . " napasulyap pa si Angelo kay Dawson na tila nagpapaalam. "No. You stay, dude. May pag-uusapan pa tayong mahalagang bagay," may kariinang wika ni Dawson dito. "Sige na, Angelo. Puntahan na lang kita mamaya, hmm?" Pilit na ngumiti si Angelo na tumango na lamang at lumabas ding muli ng opisina. Napailing na lamang si Jayden na sumunod sa pinsan nitong tumalikod na at lumapit sa iba pang pinsan nila na nakamata sa kanilang dalawa. Nagtatanong ang mga mata na palipat-lipat ng tingin kay Dawson at Jayden. "Who's that guy?" usisa ni Noel sa dalawa. Pabagsak namang naupo si Dawson na nakadekwatro pa ng binti nito. "She's my friend." Bagot nitong sagot na ikinasalubong ng kilay ng ibang pinsan nito. "She? You mean. . . she's a girl?" nalilitong tanong naman ni Tiger na ikinatango lang ni Dawson. "And you know her too, Jayden?" tanong pa ni Dale na ikinatango lang din ni Jayden. Napasinghap pa ang mga ito na palipat-lipat ng tingin kay Jayden at Dawson na magkaharap. Matiim na nakatitig sa isa't-isa na tila naglalaban ang mga ito sa isip-isip nila. "Hmm. . . interesting. Something's smells fishy. What do you think, dude?" bulong ni Hardin sa katabi nitong si Lewis na tumatango-tangong sumang-ayon sa pinsan nito. "Ahem! Wala na ba kayong gagawin? Kasi ako. . . marami pa," pagtawag pansin ni Dawson sa tono na pinapaalis na nito ang mga pinsan. Nagsitayuan naman na ang mga itong napaayos pa ng kani-kanilang necktie, coat at buhok na naka-wax. "Uhm, let's hangout tonight, Dawson. Are you free for us?" tanong ni Dale na tinanguhan lang nito. "Okay." Tipid nitong sagot na nakipag-fist bump isa-isa sa mga pinsan at panghuli naman si Jayden. Nagkasukatan pa sila ng matiim na titig sa isa't-isa bago nag-fist bump na nagtapikan ng balikat. "Stay away from her, Dawson. Don't you dare to hurt her. Sa oras na paglaruan mo si Angelica. . . makakalaban mo ako. I was looking for her a long time. Ngayong nahanap ko na siya? Hindi ko na siya pakakawalan pa. Angelica is my first love. Hwag na hwag mong kakantihin ang mahal ko. Alalahanin mong may asawa ka na." Pabulong pagbabanta pa ni Jayden dito na hilaw na ngumiti at muling tinapik si Dawson sa balikat bago sumunod sa mga pinsan nitong nasa tapat ng pinto at hinihintay ito. Naikuyom ni Dawson ang kamao na bahagyang naningkit ang mga matang nakasunod ng tingin kay Jayden hanggang sa tuluyang lumabas ang mga ito. Nagtagis ang panga nito na nagngingitngit ang mga ngipin. Hindi niya rin maintindihan kung bakit siya naiinis ngayon lalo na at nalamang si Angelo pa ang first love ng pinsan nitong pulis. At sa uri ng pagbabanta ni Jayden ay alam niya bilang lalake. . . na may gusto pa rin si Jayden kay Angelo. PALAKAD-LAKAD ito sa harapan ng glass wall. Hindi mapakali at hindi rin malaman kung bakit siya nagkakaganito. Kanina pa nakaalis ang mga pinsan nito pero nanatili pa rin sa isipan ang sinaad ni Jayden na pagbabanta dito. Marahas itong napabuntong hininga na isinuot ang round reading glasses nitong lumabas ng opisina. Kaagad namang napatayo si Vin sa cubicle nito kung saan kaharap lang ng pinto ng opisina nito ang desk at agad yumuko sa amo. "Sir, may lakad po ba kayo? Baka makatulong ako," magalang alok nito na ikinangiti ni Dawson. "Kakain lang ako sa baba. You too. Kumain ka sa tamang oras, Vin." Anito na tinapik sa balikat ang binatang ngumiting yumuko dito. Nagpamulsa itong nagtungo sa elevator na tuwid na tuwid ang pagkakatayo. Napapanguso itong pumwesto sa sulok ng elevator habang pababa ito. At dahil alasdose na ng tanghali ay may mga nakasabayan itong empleyado na bababa rin para mag-lunch sa canteen ng kumpanya. Nanatili itong nakatayo sa sulok na bahagyang nakayuko. Kanya-kanya namang kwentuhan ang mga empleyado nito sa mga kasama. "Siya nga pala, may nakakita na ba sa inyo kay Mr president?" tanong ng isang babae na may edad na rin. Nanatiling nakayuko si Dawson na tahimik at nakikinig lang sa mga itong natahimik. "Sino po, Ma'am Bettina? Si Sir Delta po ba?" magalang tanong ng isa pa na ikinailing ng may edad na babae. "Nope. I mean 'yong anak niyang papalit sa pwesto. Si Mr Dawson Madrigal. Napaka misteryoso ng lalakeng 'yon. Sinisilip namin ang social media account niya pero madalas sa mga larawan niya ay naka-sideview o talikod sa camera." Saad pa ng ginang. "Siguro napakagwapo din ni Sir Dawson, noh, Ma'am? Syempre. . . kanino pa ba 'yon magmamana?" kinikilig na sambit ng isa pang empleyado nitong dalaga na lihim nitong ikinangiti at iling. "Well. . . expected na 'yan. Nagmula siya sa angkan ng mga Madrigal. Ang tanong ay kung. . . mabait din ba itong amo katulad ni Sir Delta? Ang bali-balita ko kasi kaya sa abroad 'yon lumaki dahil malaking sakit ng ulo ni Sir Delta." Pagmamarites pa ng isa na ikinailing ni Dawson na napapangisi. Walang kaalam-alam ang mga ito na nasa likuran lang pala nila ang pinag-uusapan nilang amo dahil naka-uniform ito ng pang janitor na may suot pang sombrero at round reading glasses. "Baka naman sabi-sabi lang 'yan, Ma'am. " Ani pa ng isa. Napatikhim ito na ikinalingon sa kanya ng mga kasabayan at napataas pa ng kilay na mapansing janitor ito. "Kuya, no offend ha? Pero. . . sana naman ng hagdan ka na lang. Hindi nababagay ang isang janitor katulad mo na nakikisabay sa amin dito sa elevator," puna ng isang maarteng dalaga na ikinaningkit bahagya ng mga mata ni Dawson at pasimpleng binasa ang I'd na suot nito. "Bakit? Wala bang karapatan ang mga janitor ng kumpanya na gumamit ng elevator?" pabalang tanong ni Dawson na ikinalingon ng mga ito sa isa't-isa dahil kahit purong tagalog ang pagsagot ni Dawson ay hindi maipagkakaila ang magandang boses nitong napakalalim at may foreign accent. "Uhm, pwede naman kung wala kang ibang kasabayan, Kuya." Sagot nito na ikinailing ni Dawson. "Gano'n ba? I don't like your attitude, Mis. You better packed all your things later because this is your last day on this company." Makahulugang wika ni Dawson na binunggo pa ito sa balikat at nagpatiunang lumabas ng elevator. Natigilan naman ang mga kasabayan nito na nakasunod ng tingin sa kanya. "Wow. Ang lakas ng loob magbanta, ha? Akala mo kung sino eh janitor lang naman," parinig pa ng dalagang sinabihan nitong ikinailing lang ni Dawson na nagtungo sa department ni Angelo. Habang naglalakad ng hallway ay hinugot nito ang cellphone na tinawagan ang secretary nitong si Vin. "Yes, Sir Dawson?" bungad ni Vin dito. "Hey, fired this girl named Alexis Santiago. HR department now." Maawtoridad nitong utos sa secretary nito. "Sir, ano pong sasabihin kong dahilan kaya siya matatanggal sa trabaho?" tanong pa ni Vin na ikinangisi nito. "Tell her it's the president's command. Tell her too that I don't need a brat and unmannered staff here. Do it now." Wika pa nito na pautos ang pagkakasabi. "Sige po, Sir Dawson. Ngayon na mismo ay sasadyain ko siya sa department nila." Magalang sagot ni Vin na ikinangisi nitong ibinaba ang linya. Napailing na lamang itong isinilid muli sa bulsa ang cellphone nito na tumuloy na sa department ni Angelo. Napahawi pa ito sa buhok na inayos ang suot na salamin bago sumilip sa pinto. Napabusangot naman ito na makita si Angelo na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaopisina nito. Akala pa naman niya ay hinihintay ito ng dalaga. Hindi na ito nakatiis na kumatok na sa may pinto kaya napalingon sa kanya ang mga nasa loob. "Sundo mo," dinig niya pang tudyo ng isang katrabaho nito na kinalabit sa tagiliran si Angelo. "Wala lang 'yan. Hwag nga kayong ano," mahinang saway pa ni Angelo sa mga ito na dinampot na ang bag nitong nagpaalam sa mga katrabaho. "Hi, tara?" nakangiting wika nito kahit nakabusangot na naman si Dawson. Hindi naman ito umimik na inakbayan na lamang itong hinila na palabas ng department nitong ikinayapos din ni Angelo sa baywang nito. "Okay ka lang?" puna ni Angelo na hindi ito umiimik at tila kay lalim ng iniisip. "Paano mo nakilala si Jayden?" seryosong tanong nito na ikinatingala naman sa kanya ni Angelo. "Ah, 'yong pinsan mo ba?" "Yeah." Bagot nitong sagot na ikinanguso ni Angelo. Pagkalabas nila ng DM'S Corporation ay kaagad may humintong kotse sa harapan nila. Pinagbuksan pa ito ni Dawson ng pinto na pinaunang pumasok si Angelo bago ito sumunod na sinenyasan ang driver nitong ngumiti at tumango sa amo. "Sinagip niya ako minsan. May mga siraulo kasing dumakip sa akin noon eh. Akala siguro may makukuha sa pamilya ko. Pero. . . halos limang taon na rin 'yon. Hindi ko nga akalaing magkikita pa kami ng lalakeng sumagip sa akin. At ang nakakatuwa? Nakilala niya pa ako." Masiglang wika ni Angelo na parang kinikilig sa tono. Lalo namang umasim ang mukha ni Dawson sa narinig lalo na't nakangiti si Angelo na kitang masaya itong makitang muli si Jayden. "Tss. Pulis 'yon eh. Ginawa lang niya ang trabaho niya," paingos nitong wika. "Hindi rin. Kasi ang tanda ko ay hindi naman siya naka-uniform noon kaya hindi ko alam na pulis siya. Kaya naman pala ang galing-galing niyang makipagsuntukan at barilan noon eh. Pulis pala siya. At Captain ha? Napakagwapo pa," kinikilig nitong bulalas na ikinalukot lalo ng gwapong mukha ni Dawson. "Napakagwapo na no'n? Eh mas gwapo naman ako kay Jayden kahit saang anggulo," ingos nito na ikinataas ng kilay ni Angelo dito. "Seryoso ka ba? Mas lamang siya sa'yo, noh? Idagdag pang napaka-hot ng datingan niya kapag naka-uniform siya ng pulis. Para nga siyang si Song JongKi ng kdrama eh. Ang gwapo at lakas ng dating." Wika pa ni Angelo na hindi pinapansing umaasim na ang mukha ni Dawson sa pamumuri nito kay Jayden. "Hoy, kung mala Song JongKi ang datingan ni Jayden sa'yo? Mala Lee MinHo naman ako. Kumalahati lang siya sa kagwapuhan ko," ingos ni Dawson ditong ikinahagikhik ng dalaga na nakurot ito sa hita. "Sus. Baka kumalahati sa tanda mo," pasaring nitong halos ikaluwa ng mga mata ni Dawson na ikinalapat nito ng labing nagpipigil mapahalakhak sa itsura ng binata. "What the--fvck you." Namilog ang mga mata ni Angelo na nahampas ito sa hitang napahagikhik at kamot sa batok. "Minura mo ba ako?" sita ni Angelo ditong pinamumulaan ng pisngi. "Nope. What I mean is. . ."yumuko ito sa punong tainga ni Angelo na bumulong. "I want to fvcked. . .you." "Tangina mo. Tanggalin ko ang isang itlog mo d'yan eh." Malutong itong napahalakhak na inirapan pa siya ng dalaga at kay lutong ng pagmura nito sa kanya sa tagalog. PAGDATING nila sa restaurant na pina-reserved ni Dawson ay hindi na ito nagulat na sa restaurant ulit ng Tito Noah siya nito dinala. Lihim namang napangiti si Dawson na hindi ito umangal nang akbayan niya habang papasok sila ng restaurant at tumuloy muli sa VIP room. Pagpasok nila ng VIP room ay nakahanda na agad ang tanghalian nilang dalawa na magalang nagpaalam at lumabas ang dalawang waiter na nag-assist sa kanilang dalawa. "Anyway, Angelo." Ani Dawson na hinila ang dalaga. Napakurap-kurap pa si Angelo na nakatingala ditong nagtatanong ang mga mata dahil hindi binitawan ni Dawson ang hawak nitong kamay nito. Damang-dama niya tuloy ang kakaibang boltahe ng kuryente na dumadaloy sa ugat nito mula sa kamay ni Dawson. Maging ang pagtibok ng puso nito ay pabilis nang pabilis lalo na't nakakatupok ang mga mata ni Dawson na matiim na nakatitig dito! "B-bakit?" utal na tanong ni Angelo dito. Napabuga naman ito ng hangin na lumamlam ang mga matang nakatunghay sa dalaga. Sa laki niya kasing tao ay hanggang dibdib niya lang si Angelo na nagmumukhang bansot dahil sa tangkad nito. "Stay away from him." Utos nito na ikinasalubong ng mga kilay ni Angelo na naguguluhan. "Him? Sino?" takang tanong nito. "Who else? Eh 'di si Jayden," ingos ni Dawson na nagkakandahaba ang nguso. Natulala naman si Angelo na napapilig pa ng ulo. Maya pa'y napahalakhak itong pabirong nasuntok sa braso si Dawson. "Nagpapatawa ka ba? Savior ko 'yon. At pinsan mo. Bakit ko naman iiwasan ang gwapong captain na 'yon, hmm?" paingos ni Angelo ditong lalong napabusangot. "Because I want to." "Aba. . . sino ka ba sa akala mo? Magulang ko?" ingos ni Angelo ditong napalapat ng labi na pinamumulaan ng pisngi. "Teka nga, Dawson. Nagseselos ka ba kay Jayden, hmm?" Napalunok ito na bumilis ang kabog ng dibdib nang ngumisi si Dawson ng nakakaloko. "Oo. Kaya iwas iwasan mo ang kumag na yon, huh? Iba pa naman ako magselos," nagbabantang wika nito na ikinakurap-kurap ni Angelo na nakatingala dito. "At paano naman, aber?" Ngumisi itong hinapit sa baywang si Angelo na napasinghap na napalapat ng palad sa malapad na dibdib ni Dawson at sunod-sunod napalunok na madama ang nakabukol na umbok nito na lumapat sa puson ni Angelo! "Nambuburaot ako ng magaganda, Angelo. Saktong sakto. . . napakaganda mo pa namang tibo," malanding bulong nitong halos ikaluwa ng mga mata ni Angelo! Gumapang ang init sa mukha ni Angelo sa walang filter na bibig nitong nagagawa pang ngumisi at magtaas baba ng mga kilay. "Nakakadiri," kinilabutan nitong asik na ikinahagikhik ni Dawson na napapapisil sa baywang nito. "Hindi mo 'yan masasabi kapag. . . naranasan mo na kung paano ako mamburaot, Angelo." Ngising asong wika pa nito na ubod ng landi at dahan-dahang kinagat ang ibabang labi! Napasunod pa ng tingin si Angelo doon na napalunok dahil tila nang-aakit ang binata. "Wanna try me, Angelo? Pwede ako kahit. . . dito na mismo." "Dawson! Ikaw--upmt!" Halos mabuwal ito sa panghihina ng mga tuhod na bigla na lamang siyang siniil ni Dawson ng mapag angking halik sa kanyang mga labi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD