Chapter 3

2206 Words
ABALA si Angelo sa desk nito nang nilapitan siya ng katrabahong si Emily. "Wui, Hidalgo." Pagtawag nito sabay katok sa mesa ni Angelo na napaangat ng mukha. "Bakit?" casual nitong tanong. Nakagaanan niya kasi ang mga ito at nagtapat din naman siyang hindi siya lalake kundi lesbian at masayang tinanggap siya ng mga kasama na hindi hinuhusgaan ang gender nito. "Lunch break na. Sabay ka sa amin," pag-aaya pa nito na matamis na ngumiti. Napakamot naman sa batok si Angelo na hindi malaman ang isasagot. May usapan kasi sila ni Dawson na magkikita sa break time. Baka mamaya ay sumulpot bigla ang binata at magtampo na sumama ito sa iba. "Ah. . .eh, ano kasi." Anito na hindi masabi-sabi ang sagot sa dalagang halatang kursunada siya. "Angelo, sundo mo." Ani Wilma na ngumuso sa may pinto. Sabay pa silang napalingon ni Emily doon na napaawang ng labi na malingunan doon ang binatang kasama kanina ni Angelo. Si Dawson. Naka-uniporme na ito ngayon ng janitor at may suot na salamin sa mata. "Oh, siya ba 'yong friend mo kanina?" ani Emily na bumaling kay Angelo. "Uhm, oo eh. Pasensiya ka na, Emily. Sa susunod siguro? Nauna kasi si Dawson na nag-ayang mag-lunch kami ng sabay eh." Paumanhin ni Angelo na ikinangiti ng dalagang yumakap pa sa braso nitong ikinalunok nito. "It's okay, Hidalgo. Naiintindihan ko naman eh. Nauna siyang nag-aya sa akin kaya naiintindihan ko. Pero mamaya libre mo ako ng meryenda, huh?" paglalambing pa nito na naisandal ang ulo sa balikat ni Angelo na napangiti. "Oo ba. 'Yon lang pala eh." Napalingon ito sa kinatatayuan ni Dawson na napunta sa ngiwi ang ngiti nitong makitang. . . naniningkit na ang mga mata ni Dawson na nakamata sa kanilang dalawa ni Emily. "Asahan ko 'yan, ha?" paglalambing pa nito na napapanguso. Pasimple namang binaklas ni Angelo ang kamay nitong nakapulupot sa braso nito na pilit ngumiti sa dalaga. "Oo. S-sige mauna na kami." Pamamaalam nito na inabot ang bag nito. "Uhm, wait lang, Hidalgo. May nakalimutan ka," pahabol nito na ikinalingon sa kanya ni Angelo. "Huh? Alin?" takang tanong nito na napakapa sa bulsa at nakasilid naman doon ang cellphone nito. "Ito." Ani ng dalagang si Emily na mabilis siyang hinagkan sa pisngi na ikinatuod nito sa kinatatayuan at namimilog ang mga mata! Napahagikhik naman ang dalaga na tinapik pa ito sa balikat bago bumalik sa cubicle nito. Natutulala namang naglakad palabas si Angelo na haplos ang pisngi nitong hinagkan ni Emily na lalong ikinaasim ng mukha ni Dawson. "Tsk. Let's go." Ani Dawson na inakbayan na itong inakay papuntang elevator. Natutulala pa rin si Angelo na nakahawak sa pisngi nito. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ang ginawang panghahalik sa kanya ng dalaga. "Who's that girl?" pambabasag ni Dawson sa katahimikan nila. Kanina pa nakakadama ng inis ang binata na hindi malaman kung saan nagmumula ang inis na nadarama. Excited pa naman siyang makita at sunduin si Angelo kanina pero naabutan nitong may dalagang kaopisina nito na nilalandi na siya. Sa unang tingin pa lang ay masasabi na niyang may gusto ang dalagang iyon kay Angelo. Pero mukhang hindi manlang ito aware na may nagkakagusto na kaagad sa kanya kahit unang araw pa lang niya sa trabaho. At ang nakakainis? Kasama niya pa ito sa opisina. "Huh? Alin?" naguguluhang tanong ni Angelo na napitik siya sa noo ni Dawson dahilan para manumbalik ang ulirat nitong naglalakbay. Napakurap-kurap pa ito na napatingala sa binata na salubong ang mga kilay at hindi maipinta ang gwapong mukha sa pagkakabusangot nito. "Yong babae sa opisina niyo. Sino 'yon? At bakit niyayakap-yakap at hinahalik-halikan ka niya, hmm?" nag-uusisang tanong ni Dawson na napaka-bossy ng tono at mukha. "Ah, 'yon ba?" napapangiwing sagot ni Angelo na napakamot pa sa batok. "Eh. . . wala 'yon. Si Emily 'yon. Katrabaho ko lang." "Katrabaho? Eh bakit nagpahalik at yakap ka sa kanya kung wala lang siya?" may iritasyong tanong nitong muli na ikinangiwi lalo ni Angelo. "E-ewan ko sa kanya. Basta na lang siyang yumakap at halik eh." "Tss. So, are you saying na okay lang sa'yong dinadakma ka ng kung sino-sino?" paingos nitong saad na lalong napabusangot. "H-hindi naman sa gano'n, bro. Hindi naman ako gano'n," mahinang sagot nito na napaiwas ng tingin sa binata. Nangunotnoo si Angelo na lumabas pa sila ng kumpanya at hindi sa canteen tumuloy. "Teka. . . sa labas pa tayo kakain?" "Yes." "Bakit? Mababa lang ang sahod natin dito bilang encoder at janitor, ano ka ba? Sa labas pa tayo kakain eh 'di napunta na sa pagkain ang sahod natin." Apila ni Angelo dito na pinigilan si Dawson sa akmang pagpara ng masasakyan. "Bakit ba? Sumama ka na lang." "Siraulo ka ba? Nasa fifty thousand lang ang sahod ko dito monthly. Sa fifty thousand na 'yon ay malaking tulong na 'yon sa pamilya ko. Maaari na akong makapag-ipon no'n para sa pagpapalaki ng bahay namin at sa future ko. Kailangan kong magtipid dahil hindi lang sarili ko ang bubuhayin ko sa sahod ko, noh?" pagalit ni Angelo ditong napakamot sa kilay. "Sino ba kasing may sabing. . . magbabayad ka ng kakainin natin?" Natigilan ito na napakurap-kurap sa narinig na sinaad ng binata. "Ang cute mo talaga," natatawang saad ni Dawson na napisil ang may katambukan nitong pisngi. "Tara na nga." Anito na inakbayan na si Angelo at inakay sumakay sa kotse na huminto sa tapat nila. "Teka. . . libre mo ba?" pabulong tanong ni Angelo ditong napahagikhik na tumango. "Opo. Sasama ka na ba?" "Yown! Dapat nililinaw mo, bro. Libre mo naman pala eh. Pero. . . wala ka bang pinag-iipunan, ha? Makawaldas ka naman ng pera." Saad ni Angelo dito na nangingiti lang at nananatiling nakaakbay kay Angelo. "Minsanan lang naman 'to, bro. Saka. . . kaya nga tayo nagtatrabaho para mabili ang mga gusto natin. Katulad sa pagkain." Napaingos na lamang si Angelo dito na bumaling sa labas ng bintana ang paningin. Lihim namang nangingiti si Dawson na hindi ito naiilang sa kanya magpaakbay. Wala naman siyang planong lokohin ang dalaga sa profession niya sa kumpanya. Humahanap na lang siya ng tiempo para ipakilala ng pormal ang sarili dito. Nag-aalangan pa kasi ito ngayon dahil baka mailang na sa kanya ang dalaga kapag nalaman nitong siya. . . ang bagong president ng kumpanya. PAGDATING nila ng Noah Madrigal's Exclusive restaurant ay halos lumuwa ang mga mata ni Angelo na dito nga sila manananghalian! "Teka, bakit dito? Hindi ba't ang mahal ng pagkain dito!?" bulalas ni Angelo na pinigilan si Dawson sa akmang pagpasok nila ng restaurant! "Sino bang magbabayad?" balik tanong naman ni Dawson ditong namimilog ang mga mata at butas ng ilong! Napahagikhik itong napisil ang maliit na may katangusang ilong ng dalaga na namumutla na ang magandang mukha! "Pero ang mahal ng pagkain nila dito. Ano ka ba? Marami namang fastfood eh. Doon na lang tayo." Pag-aapila pa ni Angelo dito pero heto at pinag-intertwined lang ni Dawson ang mga daliri nila na hinila na ito papasok ng restaurant! Lingid sa kaalaman ni Angelo ay sa Tito Noah ni Dawson ang restaurant kaya malakas ang loob nitong manlibre ng tanghalian sa exclusive restaurant ng Tito nito. Tinawagan din kasi niya ang Tito Noah niya na dito sila kakain ng bagong kaibigan at pina-reserved ang VIP room nila para hindi siya pagkaguluhan ng mga staff lalo na't inihabilin siya ng Tito Noah niya sa mga staff nito sa restaurant. Namamangha naman si Angelo na napapagala ng paningin sa kabuoan ng restaurant. Nagsusumigaw kasi sa karangyaan ang loob ng restaurant. Naglalakihan ang mga chandelier na nakasabit sa kisame. Napaka classy nito tignan na hindi mo aakalaing nasa isang restaurant ka. Nanunuot din sa buto ang lamig ng paligid at napaka aliwalas ng ambiance ng lugar. Kahit maraming tao ay maluwag ang espasyo nito na hindi dikit-dikit ang mga mesa at silya. "Welcome to NM'S restaurant, Ma'am, Sir. This way po." Magalang pagbati sa kanila ng dalawang waiter na babae na pawang nakangiti. Napapasunod na lamang si Angelo na palinga-linga pa rin at hindi namamalayan ang kamay nila ni Dawson na magka-intertwined. "VIP room," piping usal nito na halos lumuwa ang mga mata na sa VIP pa sila pinatuloy! "Teka, bakit dito? Hindi ba malaki ang bayad na nagpa-VIP pa tayo? Nasisiraan ka na ba? Mamaya umabot ng fifty thousand o higit pa ang babayaran natin dito!" paasik na bulong ni Angelo ditong pinandidilatan ng mga mata ang binata. Pero kumindat lang si Dawson na inakay na itong pumasok. Para namang mabubuwal si Angelo pagpasok nila sa VIP room na nakahanda na ang tanghalian nila na halos mapuno ang lamesa sa dami ng pagkain na nakahain doon! "Sir, Ma'am, if you need anything? Don't hesitate to call us. It's our duty po na pagsilbihan kayo." Magalang saad ng isang waiter na inalalayan pa silang dalawa na maupo kaharap ang isa't-isa. "Thank you." "Salamat po." Panabay pa nilang pasasalamat na ikinangiti at tango ng dalawang waiter na yumuko sa kanila bago sila iwanan ng silid. "Hoy," sitsit ni Angelo dito na nagsusuot ng plastic gloves sa kamay. "Hmm?" Nagtatanong naman ang mga mata ni Dawson na napaangat ng mukha at napatitig dito. "Magsabi ka nga ng totoo." Ani Angelo na ikinalunok nitong kinabahan. "Say what?" painosenteng tanong naman ni Dawson dito. Matiim namang nakatitig si Angelo dito na binabasa ang binata. Kung titignan kasi ang kilos, pananalita at itsura nito ay hindi mo naman masasabing mahirap ito. Mas maniniwala pa siya sa kutob na isang anak mayaman ang binata. Napahinga ito ng malalim na napailit at nagsuot na rin ng plastic gloves sa kamay. "Magkano ang gastos mo dito?" pag-iibang tanong nito na dinampot ang isang buttered tiger shrimp na hinimay. "Uhm. . . sponsor naman tayo. Wala tayong babayaran kaya sulitin na lang natin," kindat ni Dawson na ikinatigil nito. "Ano?" Napakibit balikat naman ang binata na sinenyasan na itong kumain. Hindi na lamang ito sumagot pa dahil lalo lang lumalakas ang kutob nitong. . . anak mayaman nga si Dawson at hindi lang basta janitor sa kumpanya. "Siya nga pala, Dawson. Saan ka nakatira?" pasimpleng tanong nito habang nagkakamay silang magkaharap na kumakain. Napainom naman ng orange juice nito ang binata bago sumagot. "Naghahanap nga ako eh." Sagot naman nito na ikinakunot ng noo ni Angelo. "Pwede ba akong makitira sa inyo?" "Huh? Sa amin?" bulalas ni Angelo na muntik pang mabulunan. "Yeah. Sa inyo. Sa bahay niyo. No worries makikihati naman ako ng groceries at magbabayad ng renta ko monthly." Sagot pa nito na nakikiusap ang tono. "Eh. . .wala na kaming space sa bahay eh. Tatlo kaming magkakapatid at tag-iisa ng silid." Sagot ni Angelo ditong napapanguso. "Sa silid mo kaya? Pwede ba ako doon?" "Ano!?" "Hwag ka namang manigaw. Magkaharap lang tayo oh. Saka. . . hindi ako bingi, bro." Natatawang saad ni Dawson na napalakas ang boses nito. Napangiwi naman itong pilit ngumiti sa binata. "Sorry. Uhm. . . hindi pwede sa silid ko. Ano ka ba?" ani Angelo na mas mababa na ang boses. "Sige na, please? Akong makikiusap sa mga magulang mo para makitira sa inyo. Iisa lang naman ang kumpanyang pinapasukan natin. Magkaibigan naman na tayo. Hindi naman siguro kalabisan kung. . . kung makikita ako sa inyo." Kindat nito na nangungumbinsi ang tono. Napahinga ng malalim si Angelo na hindi makaapuhap ng maisasagot. Ayaw naman niyang tanggihang tulungan ang binata pero. . . tiyak na hindi papayag ang mga magulang niyang magpatira siya doon ng katrabaho at sa silid pa niya! "Eh, tatanungin ko na muna sina Nanay at Tatay kung payag sila. Pero kung hindi? Maghahanap na lang tayo ng apartment na pwede mong upahan." Sagot nito na ikinasilay ng ngiti ni Dawson na umaliwalas ang mukha! "Sure! Thanks, bro. I owe you this. No worries, magbabayad ako ng renta ko at makikihati sa gastusin sa bahay." Kindat pa nito na may malapad na ngiti sa mga labi. Naiiling na lamang si Angelo na nagpatuloy muling kumain. HALOS isang oras din sila sa loob ng VIP room na hindi na naubos ang order na pagkain. Kita nga nito na hindi nagbayad ng bill nila si Dawson at malugod pang inihatid sila sa may pinto ng mga staff. Kaya naman mas lalong lumakas ang hinala nitong. . . anak mayaman nga si Dawson at hindi basta-bastang empleyado sa DM'S Corporation! Natigilan ito na makilala ang magarang itim na BMW na huminto sa tapat nila pagkalabas ng restaurant. Namumukhaan niya kasi ang kotse. Ito din 'yong sinakyan nila kanina! Bumilis ang kabog ng dibdib nito na napapalunok. "Tara na. May problema ba?" untag ni Dawson ditong natutulala. "Huh? Uhm. . . wala. Wala naman. Tara na. Baka ma-late pa tayo," utal nitong sagot na pumasok na ng kotse kasunod ang binata. Napasinghap ito na sumandal si Dawson sa balikat nito na kinuha pa ang kamay at pinag-intertwined ang mga daliri nila. Hindi niya pa nasasabi sa binata na isa siyang lesbian. Baka kasi mailang ito at umiwas sa kanya kapag napag-alaman nitong. . . hindi siya tunay na lalake. Napapalunok ito na sa labas ng bintana nakamata. Hindi naman siya naiilang sa prehensya at ka-sweet-an ni Dawson sa kanya. Bagkus nag-aalala lang siya. Nag-aalalang baka hindi niya mamalayan ay makasanayan ang binata at. . . matutunang mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD