Chapter 2

2302 Words
MAY ngiti sa mga labing magkasabay pumasok ng kumpanya si Dawson at Angelo. Nagsuot naman ang binata ng round reading glasses nito para maikubli ang anyo. Bagong salta pa lang kasi ito sa kumpanya ng kanyang ama. Si Mr Delta Madrigal na siyang president ng DM'S Corporation. Lumaki sa Europe si Dawson kaya hindi siya pamilyar sa bansa. Gano'n pa man ay natuto at marunong naman ito sa wikang pilipino dahil monthly din naman siyang dinadalaw ng pamilya niya sa Europe. Nakatira ito sa old mansion nila doon na may malawak na vineyard. At 'yon ang nangunguna at pinakamalawak na vineyard sa buong Europe. Noon pa man ay gusto na ni Delta na sa Pilipinas manirahan ang panganay nila pero. . . sadyang mas gusto nito sa Europe. Pero ngayon na gusto ng bumaba sa pwesto si Delta bilang president ng DM'S Corporation ay wala ng nagawa ang binata kundi sundin ang ama nito. At 'yon nga ang bumalik na siya ng bansa at pamunuan ang DM'S Corporation. Kalat naman sa kumpanya na mapapalitan na ang amo nilang si Mr Delta Madrigal. Na ang panganay na nito ang mamumuno sa kumpanya. Kabado ang lahat dahil ang kumakalat na chismis sa kumpanya ay lumaki ito abroad. Nag-uumapaw sa kagwapuhan pero ubod ng kasungitan. Kaya naman natatakot na ang mga empleyado na baka masisante kaagad ang mga ito. "Saan ang department mo?" tanong ni Angelo na makarating sila sa department nito. Napanguso naman ang binata na napasuri ng tingin sa kabuoan ng opisina. May limang makakasama dito si Angelo na sabay-sabay pang napatayo at nakamata sa kanilang dalawa na nasa bungaran ng pinto. Palipat-lipat ng tingin sa dalawang magkaharap na kita ang closeness sa isa't-isa. "Sa president's office ako." Mahinang sagot ni Dawson na ikinamilog ng mga mata ni Angelo. "Ha? Bakit doon ka? Ano bang posisyon mo dito? Akala ko pa naman katulad din kitang encoder," mahinang bulalas ni Angelo na mahinang ikinahagikhik ni Dawson sabay iling na yumuko at bumulong sa may punong tainga nito. "Janitor ako doon." Halos lumuwa ang mga mata ni Angelo sa ibinulong ng binata dito na mahinang pinitik pa siya sa noo. Napadaing pa ito na napahaplos sa noo at napabusangot na ikinangiti ng binata. "Janitor ka sa postura mong 'yan?" tila hindi makapaniwalang puna ni Angelo ditong napataas baba lang ng mga kilay. "May uniform ako bilang janitor. Pero sa taas na ako magbihis para hindi halatang. . . janitor ang tao dito," bulong pa nito na may ngising naglalaro sa mga labi. Natatawa namang pabirong nasuntok ito ni Angelo sa braso na napabungisngis. "Sira. Napakaporma mo pa naman. Janitor ka lang pala dito, hmfpt." Paingos nitong ikinahagikhik ng binata at kamot sa batok. "Sige na, akyat ka na. Mamaya ma-late ka pa. Unang araw mo pa naman ngayon. Good luck, bro. Magkita ulit tayo mamayang break time natin." Napatango na lamang ang binata na kakamot-kamot sa batok na nagtungo ng elevator paakyat sa opisina ng ama. Nangingiti na hindi siya nakikilala maski ng mga nakakasalubong nito. Paraan din niya kasi ito para kilalanin ang mga empleyado sa DM'S Corporation. Kung sino ang mga masisipag at nagsisipag sipagan lang kung nakaharap ang kanilang amo. Hindi kasi masyadong nababantayan ng ama ang mga empleyado nito. Masyado siyang mabait at maluwag sa mga ito. Pero iba sa kanya. Dahil kahit sa pinakamababang posisyon sa kumpanyang pamumunuan niya ay gusto niyang alamin kung masisipag at maaasahan ba ang mga ito. Pagdating nito sa floor ng opisina ng ama ay tuwid na tuwid itong naglakad. Akupado kasi ng opisina ng ama ang buong floor. At tanging ang ama at secretary lang nito ang nandidito. Madalas naman ay wala dito ang ama dahil may opisina na ito sa mansion nilang nasa compound ng pamilya nila. Kung saan lahat ng Tito at Tita nito kasama ang mga Lolo Dwight at Lola Anastasia nito ay nasa compound na 'yon na tanging silang angkan lang ang magkakapit-bahay kahit napakalawak ng compound. May sarili na kasi silang clinic doon at sariling grocery store. Kaya pribado lang ang lugar at nakapasadya talaga sa kanilang pamilya. Napapasipol pa ito na marating ang dulo ng pasilyo na nasa tapat ng nakasaradong pinto ang cubicle ng secretary ng Daddy Delta nito na napatayo at kaagad yumuko sa binata. "Good morning po, Sir Dawson. Nasa loob na po si Mr president. Kanina niya pa po kayo hinihintay." Magalang saad ng binatang secretary ng ama. May pagkaselosa kasi ang Mommy Yumi nito kaya hindi masyadong pinapalabas ang Daddy Delta nito. Kaya nga kahit sa pagkuha ng secretary nito ay lalake lang ang allowed. "Maaga pa ah. Salamat," anito na napakindat sa binatang ngumiting bahagyang yumuko dito at pinagbuksan pa siya ng pinto. Pumasok ito na naigala ang paningin sa kabuoan ng opisina ng ama. Malawak kasi ang lugar at maaliwalas sa all white na tema ng interior design, pintura at maging kagamitan. "There you are, young man. Bakit ang tagal mo naman yata?" puna ng ama nito na napatayo sa kanyang swivel chair. Napapayuko namang nagtungo sa gilid kung saan ang pantry ng opisina ang secretary nito na iginawan ng kape ang mga amo. Lumapit naman si Dawson sa ama na hinintay ito sa kanyang mesa. Napapagala pa rin ng paningin si Dawson sa buong opisina na namamangha. Pwede ka na kasing tumira dito kung tutuusin. Bukod sa malawak ang opisina, may sarili na itong sala, kusina, banyo at silid. Dito naman sa office table ng ama ay nakapwesto sa gilid kung saan ang likuran nito ay glass wall. Kaya maliwanag at tanaw ang paligid sa labas sa isang ikot mo lang ng swivel chair mo. "May nakilala po kasi ako sa baba, Dad. New friend. Baguhan din po siya sa trabaho eh. Mabuti na lang hindi ako nakikilala kaya hindi napansing amo niya ako. I like her." Anito na naupo sa swivel chair na kaharap ang ama. "Her?" nanunudyong tanong ng ama nitong ikinainit ng pisngi ni Dawson na napaiwas ng tingin sa ama. "Ahem! Don't get me wrong, Dad. She's a lesbian. Mapapantayan na nga niya ang kagwapuhan ko eh. Magaan siyang kausap at dama kong mabuti siyang tao kaya nakagaanan ko kaagad ng loob." Paliwanag pa nito sa ama na iba ang dating ng mga ngitian at tingin na ginagawad dito. "Ang dami mo namang sinabi, anak. Parang kinumpirma ko lang naman ang gender," nanunudyo pa ring sagot ng ama na ikinalapat nito ng labing nagpipigil mapangiti. "Excuse me po, Mr president, Sir Dawson. Here's your coffee po." Magalang saad ng secretary ni Delta na maingat inilapag sa mesa ang tinimplang kape. "Thank you, Vin. Siya nga pala ang magiging bagong amo mo. Si Dawson, ang panganay ko. Alam mo namang sa mga susunod na araw ay siya na ang palagi mong makikita dito sa opisina, tama?" ani Delta dito na tumango-tango at ngumiti sa mga amo. "Opo, Mr president. Hwag po kayong mag-alala. Pagbubutihan ko pa rin pong pagsilbihan ang anak niyo bilang bagong amo namin dito. Irerespeto po namin si Sir Dawson katulad kung paano ka namin irespeto," magalang sagot ng binatang si Vin na ikinatango-tango ni Delta na may ngiti sa mga labi. "Salamat naman kung gano'n. Hindi pa gano'n kagaling ang anak ko sa pagpatakbo ng kumpanya. Pero matalino at hard working naman ito. Sa tulong niyong lahat ay kampante na akong ipasa sa kanya ang posisyon ko dito dahil alam kong mapapamunuan ni Dawson ang DM'S Corporation na nandid'yan kayo para i-guide ang anak ko. Lalo ka na, Vin. Dahil ikaw pa rin ang magiging secretary ng anak ko." Mahaba-habang wika ni Delta na nakamata sa secretary nitong napapayukong nakikinig sa amo. "Makakaasa po kayo, Mr president. Hindi po namin kayo bibiguin," magalang sagot nito na ikinatango-tango ng amo. "Okay. You can back to work now, Vin. Salamat ulit." Ani Delta. Saka lang ito nag-angat ng mukha na ngumiting napayuko bahagya sa mga amo bago lumabas ng opisina. "What do you think of him, hijo?" anito paglabas ng secretary nito. Napapanguso naman si Dawson na napapaisip. "Well. . . it's too early to judge him, Daddy. But I can feel his sincerity. Tingin ko naman maaasahan ang secretary mong 'yon kahit hindi mo nababantayan." "You're right, hijo. Maaasahan mo talaga si Vin. Halos limang taon na 'yan sa akin. From day one ay hindi 'yan pumapalya. Dahil pinapahalagaan niya ang trabaho at kahit nakatalikod ako sa kanya ay nagtatrabaho pa rin 'yan ng maayos. Kaya nga ayokong kumuha ka ng bagong secretary mo at nand'yan naman na si Vin." Sagot naman ng ama nitong ikinakibot-kibot ng nguso nitong nagkakandatulis. "As you said, Dad." Bagot nitong sagot. "Siya nga pala. Umuwi ka mamaya ng mansion. Hinihintay ka doon ng Mommy at mga kapatid mo," paalala pa ng ama na napapasimsim sa kape nito habang nagpatuloy na sa paglagda ng mga papeles na nakatambak sa harapan nito. "Opo. Pero. . . pwede ba akong tumira dito, Dad?" pag-iiba ni Dawson sa usapan nila na ikinatigil ng ama na nagsalubong ang mga kilay. Napaangat ito ng mukha na napatitig sa anak nitong napapagala na naman ng paningin sa kabuoan ng opisina nito. "Bakit naman? Hindi mo naman kailangang isubsob ang katawan mo sa trabaho, anak. Kung tutuusin ay kahit nakaupo ka lang dito na naga-approved ng mga proposal at budget dito sa kumpanya." Saad ng ama. "Nah. Gusto ko pong bumukod, Dad. Malawak naman po ang opisina na magiging tirahan ko. Dito na lang po ako tutuloy." Sagot nito na ikinahinga ng malalim ni Delta. "Kung 'yan ang gusto mo, anak. Pero. . . alalahanin mong every weekend ay dapat nasa compound ka. Alam mong family gathering natin ang sabado at linggo." Sumusukong pagsang-ayon na lamang ni Delta dito. Kilala kasi nito ang anak. Kung anong ginusto nito ay siyang masusunod. Hindi naman ito sakit sa ulo dahil hindi naman ito basagulero at pasaway na anak. Sadyang ang desisyon lang talaga nito ang nasusunod. At kung wala namang masamang nakikita sina Delta at asawa nitong si Yumi ay hinahayaan nila ang mga anak nilang gawin at sundin ang mga gusto nila. Kaya naman napakataas ng respeto ng mga anak nila sa kanilang mga magulang nila. MATAPOS makausap ng masinsinan ang ama nito ay muling lumabas si Dawson ng opisina na nilapitan ang secretary nitong si Vin. Kaagad namang napatayo ang binata na napapayuko sa bagong amo nito. "Ahem, tingin ko naman hindi nagkakalayo ang edad natin, right?" paninimula nito na ikinaangat ng mukha ng binata at ngumiting tumango sa amo. "Opo, Sir Dawson. Mas nauna lang po kayo sa akin ng dalawang taon." Magalang sagot nito. "Oh, I see." Singhap nito na napahaba ang nguso. "May kailangan po ba kayo, Sir?" "Oh yeah. I almost forgot. Pwede ka bang lumabas at ipagawa ako ng uniporme kong magagamit ko dito?" anito na ikinakurap-kurap naman ng binatang kaharap. "Uniform po? Anong klaseng uniform, Sir?" Napatikhim naman itong nagpipigil mangiti. Napakamot pa ito sa batok na hindi maikubli ang ngiti. "Uhm, janitor." "Po!?" "Shhh. Shut your mouth. Ipagawan mo ako ng janitor uniform ko para may maisuot ako kapag nandidito ako, okay?" utos pa nito sa binatang natutulala sa narinig. "Bakit po Janitor's uniform, Sir? Hindi naman po kayo janitor dito." Naguguluhang tanong nito sa amo. "Basta. Hwag mo ng alamin at sundin mo na lang ang utos ko. And one more thing, Sec Vin. Hwag na hwag mong ipagkakalat na nandidito ng nagpapakalat-kalat sa kumpanya ang bagong amo niyo. Is that clear?" maawtoridad nitong saad na ikinatuwid ng tayo ng binata at sinalubong ang matiim na pagkakatitig sa kanya ng batang amo. "Yes, Sir Dawson. No worries po. Hindi ko kayo. . . pangungunahan. Nakaalalay lang po ako sa inyo, Sir." Tuwid nitong sagot na nakamata sa among napangiti at tango. "Very good. Go, ipagawan mo na ako ng uniform ko." Saad pa nito na inilahad ang kamay paturo sa elevator. Pilit ngumiti ang binata na isinarado na muna ang laptop nito bago nagpaalam at nagtungo nga ng elevator pababa para maibili ng gamit ang batang amo nito. Napapasipol naman si Dawson na pumasok muli ng opisina ng ama. Nagpapalakad-lakad sa loob na nilibot ang kabuoan ng opisina. May laman na ang mga closet sa silid na gamit ng ama at mukhang bago pa. Karamihan ay puting long sleeve polo, coat, pants, socks, necktie at boxer briefs. Kumpleto na nga ng gamit ang opisina na pwedeng tirhan nito. "What do you think, Dawson. Kaya mo bang manirahan ditong mag-isa?" pagsulpot ng ama nito na ikinalingon nito sa may pinto. "Of course, Dad. Sanay na po ako. Kaya ko ang sarili ko dito." Kindat nitong ikinailing ng ama. "Mas masaya sana kung sa mansion ka manirahan, anak. Para kumpleto tayo doon." Sagot ng ama na naupo sa gilid ng kama. "Daddy, kaya ko po. Saka. . . dadalaw naman ako sa mansion sa tuwing weekend. Ibigay niyo na po ito sa akin." Saad nito na naupo na rin sa tabi ng ama na napahinga ng malalim. Ilang minuto na muna silang kapwa natahimik na nagpapakiramdaman. Maya pa'y naalala naman nito ang itinawag sa kanya ni Dawson noong nakaraan na may problema ito sa Europe. "Maiba tayo, Dawson. Kumusta 'yong itinawag mong problema mo sa Europe na naging dare niyong magkakaibigan. Naayos mo na ba?" ani ng ama nito na napaseryoso. "Ahem! Hindi pa po, Daddy. Ayaw pumayag ni Cathy eh." Problemadong sagot nito na napabuga ng hangin. Kita ang pag-iba ng aura nito na lumungkot bigla na nabanggit ng ama nito ang problemang tinakasan sa Europe kaya napauwi ng bansa kahit ayaw sana nito. Tinapik-tapik naman ito ni Delta sa balikat na pilit ngumiti sa anak nito. "Ayusin mo 'yan, son. Patunayan mong. . . kaya mo ng mag-isa." Saad pa nito na ikinangiti ni Dawson kahit hindi abot sa mga mata nito. "I will, Dad. I will po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD