AKALA ni Angelo ay nagbibiro lang si Dawson. Pero sumama nga ito pauwi sa kanila. Kinakabahan tuloy ito na hindi malaman ang idadahilan sa mga magulang.
"Uhm, Dawson. Hindi ako sigurado kung mapapapayag natin silang doon ka na muna tumira sa amin, ha?" paalala pa nito habang nasa kahabaan sila ng byahe na nakasakay sa taxi.
"Opo. Pang sampung beses mo ng nasabi 'yan. Hindi naman ako bungol lalong-lalo ng hindi ako bangag na hindi ko makuha ang ibig mo," natatawang sagot ni Dawson ditong napalapat ng labi.
"Kainis ka kasi eh. May pera ka naman pangrenta ng matitirhan mo sa bahay pa ang nakursunadahan mo," paingos ni Angelo ditong napahagikhik na inakbayan itong napapitlag.
Napapalunok si Angelo na bumilis ang kabog ng dibdib sa simpleng pag-akbay sa kanya ni Dawson. Kahit unang araw pa lang nilang magkasama ay napakagaan na ng loob nito sa binata. At mukhang gano'n din kay Dawson na hindi manlang naiilang akbayan at hawak-hawakan ito na para lang silang matagal ng magkaibigan.
Pagdating nila sa tapat ng bahay nila Angelo ay lalong bumilis ang kabog ng dibdib nitong nandidito na ang mga kapatid at ama.
"Tara," anito na napabuga ng hangin.
Nauna itong bumaba ng taxi na ikinasunod naman ni Dawson dito matapos bayaran ang driver. Nahihiya pa ito na napatingala ang binata sa bahay nilang dalawang palapag at may kalumaan na rin ang asul na pintura.
"Tara na," pag-aya nito kahit kinakabahan.
"A'right."
Nagpatiuna itong pumasok ng gate habang nakasunod naman si Dawson dito na napapalinga sa paligid. Halos magkakadikit na kasi ang mga kabahayan dito. Katulad sa bahay nila Angelo ay pare-parehong hindi kalakihan ang mga bahay at luma-luma na rin ang pintura.
"Nay, Tay, nandito na po ako." Masiglang bungad ni Angelo pagpasok ng bahay.
Naabutan naman nito ang dalawang Kuya at Tatay nito na nandidito sa sala at kasalukuyang nanonood ng palabas sa TV. Ang Nanay naman nito ay nasa kusina na abala sa paghahanda ng hapunan.
"Oh, Angelo. Sino siya?" panabay na tanong ng mga Kuya at Tatay nito na napatayo at nakamata sa nasa likuran nito. Si Dawson.
Pilit itong ngumiti na lumapit na sa ama na nagmano at napa-fist bump naman sa dalawang Kuya.
"Uhm, siya nga po pala si Dawson. Katrabaho ko po siya at katulad ko ay baguhan din sa kumpanya." Pagpapakilala nito sa kasama na ngumiting lumapit at matapang na naglahad ng kamay sa mga ito.
"Magandang hapon po, Sir. Ako po si Dawson Fuentabela. Kaibigan ni Angelo at katrabaho. Ikinagagalak ko pong makilala kayo," magalang pagpapakilala nito sa sarili na may matamis na ngiti sa mga labi.
Nagkatinginan naman ang tatlo na tila hirap na tanggihan ang binata at isa-isang nakipagkamayan dito. Natutulala pa sila dahil kahit may suot na round reading glasses ang binata ay hindi maipagkakaila na napakagwapo nitong bata. Idagdag pang makisig din ito na maganda ang kutis ng balat. Maputi ito na makinis. Sa tindig pa lang nito ay mapagkamalhan mong anak mayaman. Lalo na't malinis ito sa mukha na may katangkaran.
"Arjo, bro."
"Adolfo, bro."
Pagpapakilala ng mga Kuya nito na ikinangiti at tango-tango ni Dawson.
"Ahem! Alejandro, tisoy. Ako ang. . . ama nila." Saad ng ama ni Angelo ditong tinanggap ang pagmano ng binatang si Dawson.
"Kumusta po, Sir. Masaya po akong makipag kilala sa inyo," magalang saad ni Dawson na ikinangiti ng mga kaharap
Lumapit na rin ang ina nila na sinundo ni Angelo at dinala sa may kasikipan nilang sala.
"Nay, katrabaho at kaibigan ko po. Si Dawson." Pabulong saad ni Angelo sa ina na napapanganga pang napasuri ng tingin sa binata at hindi mapigilang humanga kung gaano ito kagwapo at kisig!
"Katrabaho at kaibigan mo lang ba siya, anak? Baka naman manliligaw o boyfriend mo siya nahihiya ka lang umamin sa amin," pabulong wika din ng ina nitong ikinangiwi ni Angelo.
"Nay naman. Kaibigan ko lang po siya. Katulad ko ay baguhan din siya sa kumpanya kaya nagkagaanan kami ng loob." Bulong ni Angelo sa ina na napapangiti at nanunudyo ang mga mata.
"Ang gwapo at galang naman niya. Gusto ko siyang manugangin, anak." Tudyo pa nito na ikinamilog ng mga mata ni Angelo na nag-init ang mukha.
"Nay," may kariinang saway nito sa ina na napahagikhik.
Napabaling naman si Dawson sa mga ito na matamis na napangiting malingunan si Angelo at ina nila.
"Magandang hapon po, Ma'am. I'm Dawson po." Magalang pagbati nito na napamano pa sa ina ni Angelo na napapairit na makita kung gaano ito kagwapo sa malapitan.
Mahina namang nakukurot ni Angelo sa tagiliran ang ina nitong halatang kinikilig na napapairit.
"Hello, magandang hapon din sa'yo, anak."
"Anak agad?" pabulong saway ni Angelo ditong napahagikhik.
"Hayaan mo na, anak. Gusto ko siya para sa'yo eh." Bulong din ng ina na nakurot ni Angelo sa tagiliran.
"Magtigil nga kayo, Nay. Nakakahiya kay Dawson. Mamaya marinig kayo," pabulong saway pa nito na ikinahagikhik lang ng ina.
Nangingiti naman si Dawson na naririnig ang bulungan ng mag-ina na kitang tinutudyo nito ang anak sa kanya.
"Halika, anak. Maupo ka. Gusto mo ba ng kape? O juice na lang?" pag-aalok pa ng ina ni Angelo dito na inakay na ang binatang maupo sa kanilang sofa.
"Uhm. . . salamat po, Ma'am. J-juice na lang po siguro." Sagot ni Dawson na lalong ikinangiti ng ina ni Angelo dito.
"Napakagwapo mo namang bata. Ang galang pa. Naku. . . gan'tong-gan'to ang tipo kong maging manugang eh." Komento pa nito na ikinaubo ng mag-aama nito.
Napahagikhik naman itong napahaplos pa sa ulo ni Dawson na napapangiwi ang ngiti at hindi malaman ang maisasagot. Kita naman kasi nitong si Angelo lang ang anak nitong babae. Kaya malamang ay si Angelo ang inirereto nito. Bagay na lihim niyang ikinangingiti na nahuli ang kiliti ng ina ng dalaga.
"Tama na nga 'yan, Belinda. Mamaya matakot pa sa'yo ang bata." Pagpapagitna ng ama nila na ikinairap sa kanya ng asawa.
"Igagawan lang kita ng juice mo, ha?" malambing baling nito kay Dawson na ngumiting tumango.
"Uhm. . . magbihis na muna ako. Maiwan ka na muna dito, ha?" pamamaalam din ni Angelo ditong napakindat pa sa dalaga.
Napapairit tuloy ang ina nito na nakita iyon. Naiiling naman ang mga anak nitong lalake at asawa pero nangingiti na rin na kitang giliw na giliw ang ginang sa bisita nila.
"Tara na po, Nay." Pag-akay ni Angelo sa ina na hinila na ito sa kusina.
"Umamin ka nga, Angelica."
Halos lumuwa ang mga mata ni Angelo sa ibinulong ng ina nitong napapahagikhik na sinusundot sundot sa tagiliran ang anak na napapaiktad at tawa.
"Boylet mo si tisoy, noh?" tudyo ng ina nitong napakurap-kurap.
"Ano? Nay, ano ka ba? Nakakahiya kay Dawson. Magkaibigan lang ho kami, Nay. Magkaibigan." Saway ni Angelo sa ina nitong nanunudyo pa rin at kitang hindi naniniwala.
"Asus, nahiya pa. Hindi naman masamang umamin kayo ni tisoy sa amin, anak. Mas matutuwa pa nga kami niya'n eh."
Napailing na lamang si Angelo na nagtungo ng banyo at naglinis ng katawan kaysa makipag bardagulan sa ina nito. Wala pa naman siyang panama sa ina dahil sa kanilang pamilya ay ito na lang ang umaasang magpapakababae pa siya.
KABADO si Dawson nang naupo sa harapan niya ang ama at dalawang Kuya ni Angelo na nakamata sa kanya ng matiim. Sa uri ng tinging ginagawad ng mga ito ay tila binabasa nila ito. Wala pa naman si Angelo sa kanyang tabi na lalo niyang ikinababahala.
"Magtapat ka nga sa amin, tisoy." Paninimula ni Mang Alejandro na ikinatuwid nito ng upo at matapang na sinalubong ang mga mata ng matanda. "May namamagitan ba sa inyo ng anak ko?"
Naipilig naman ni Dawson ang ulo na inaalisa ang sinaad ng matanda.
"Ano pong ibig niyong sabihin, Sir?" tanong nito na ikinahingang malalim ng matanda.
"Ang ibig kong sabihin. Kung magkarelasyon ba kayo ni Angelo? O nanliligaw ka ba sa kanya?" walang prenong saad nito na ikinalunok ni Dawson at umiling.
"We're just friends po, Sir. Bagong magkakilala kami ni Angelo sa trabaho. Uhm. . . actually nandidito po ako para makiusap sana sa inyo eh," magalang sagot ni Dawson na ikinakunot ng noo ng mga kaharap nitong nakamata sa kanya.
"Na ano?" untag ng matanda ditong napapangiwi ang ngiti at kitang pinamumulaan ng pisnging nahihiyang napakamot sa ulo.
"Eh. . .kung pwede hong makitira dito sa inyo, Sir. No worries po. Magbabayad naman po ako ng renta at makikihati din sa mga bayarin niyo sa pagkain, tubig at kuryente." Walang paliguy-ligoy nitong saad na ikinalingon ng mag-aama sa isa't-isa.
Napapalunok naman si Dawson na piping nagdarasal na sana'y mapapayag niya ang mga ito. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito ginagawa. Dahil kung susumain naman ay napakalawak ng opisina nitong titirhan niya sana. May mga mansion din silang pamilya at sariling condominium building pero heto at nakikiusap siya sa pamilya ni Angelo na ipagsiksikan ang sarili sa isang may kaliitan at kalumaang bahay. Kasama ang buong pamilya ng dalaga.
"Ano? Titira ka dito sa amin?" pangungumpirmang tanong ni Arjo na panganay sa magkakapatid.
Nahihiyang tumango si Dawson na pilit ngumiti sa mga ito.
"Opo sana. Kung maaari."
"Bakit? Wala ka bang matitirhan?" takang tanong naman ni Adolfo dito na middle child kina Angelo.
"Uhm--"
"Oo naman, tisoy. Pwedeng-pwede ka dito sa amin. Pero wala na kaming silid na bakante eh. Okay lang ba sa'yong sa silid ka ni Angelo? Doon lang kasi ang maluwag at maayos na silid kumpara sa dalawang Kuya niya." Saad ni Aling Belinda na bigla na lamang sumulpot dala ang juice ng binata.
Napatanga pa ang mga ito sa sinaad nito na matamis na ngumiting naupo sa tabi ni Dawson na natutulala at hindi alam kung ngingiti ba sa narinig nitong. . . pagpayag ng ina ni Angelo na manirahan siya dito at sa silid pa ng dalaga niya ito pinapatuloy!
"Belinda, ano bang pinagsasabi mo?" saway ng asawa nitong ikinataas ng kilay nitong bumaling sa mag-aama niya.
"Ang sinasabi ko kay tisoy, okay lang. Pwedeng-pwede siyang manirahan dito. Kung okay lang sa kanya na sa silid ni Angelo tumuloy? Walang problema," may kariinang sagot nito na nakangiting hilaw sa mag-aama nito at nagbabanta ang mga mata.
"Pero, Nay--"
"Okay lang ba sa'yong sa silid ka ni Angelica, tisoy?" putol nito sa iaapila ng panganay na matamis ngumiting bumaling kay Dawson.
"Ah, eh. . . kung okay lang po sa inyo, Ma'am. Wala naman pong problema sa akin. Kahit sa sahig po ako matulog. Basta may matuluyan lang po dito," nahihiyang sagot nito sa ginang na lalong lumapad ang ngiti.
"Oo naman, anak. Pwedeng-pwede. Oh siya, kailan ka lilipat?" nasasabik na saad ng ginang ditong alanganing ngumiti.
"N-ngayon na po sana, Ma'am."
"Naku, hwag mo na akong tawaging ma'am at para na kitang anak. Okay na sa aking Nanay din ang itawag mo sa akin. Matutuwa pa ako no'n," magiliw na sagot ng ginang ditong pilit ngumiti lalo na't naiiling ang mag-aama na nakalarawan sa kanilang mukha na tutol sa desisyon ng ina nila.
"N-nakakahiya naman po."
"Hindi. Hwag ka ng mahiya, anak. Welcome na welcome ka dito sa bahay namin," magiliw na saad nito na bumaling sa mag-aama at nandidilat ang mga mata. "Hindi ba, langga? Mga anak?" anito na nagbabanta ang mga mata.
Napangiwi naman ang mag-aama na nagkamot sa batok at labag sa loob na tumango sa reyna nila.
"O-oo nga, tisoy. Kung wala ka munang matitirhan eh bukas naman ang pinto ng bahay namin na patuluyin ka. Hindi kalakihan at kagandahan ang bahay naming pamilya. Pero maipapasiguro ko sa'yong kapag tao kang haharap sa amin? Tao ka rin naming tatanggapin at patutuluyin. Nauunawaan mo ba ang punto ko?" makahulugang saad ni Mang Alejandro na ikinalunok ni Dawson na ngumiting tumango at matapang sinalubong ang mga mata ng matanda.
"Maraming salamat po, Sir. Makakaasa po kayong hindi ko sisirain ang tiwalang pinagkaloob niyo," magalang sagot ni Dawson na ikinatango-tango ng mga kaharap.
"Mabuti naman at nagkakaunawaan tayo. Hwag mo rin akong akong tawaging Sir. Naiilang ako sa malutong mong Sir eh. Hindi naman bagay sa akin. Tawagin mo na rin akong. . . Tatay." Wika pa nitong ikinairit ng asawa nito na napakalong kay Mang Alejandro na pinaghahalikan pa sa buong mukha ang asawang napailing na lamang nagpipigil mapangiti.
"Anong nangyayari dito?" pagsulpot ni Angelo na nanggaling ng banyo.
Sabay-sabay namang napalingon sa kanya ang mga ito na napasinghap. Maging si Dawson ay umawang ang labi na naka- bathrobe lang ito at kitang bagong ligo.
"Ay anak ko, magbihis ka na muna doon, ha? At kami'y maghahanda ng hapunan natin." Nakangiting wika ng ina nitong tila kinikilig pa.
Napasunod na lamang sila ng tingin sa pamilya niyang tila sinadyang iwanan silang dalawa ni Dawson na nagtungo sa kusina at tulong-tulong na inasikaso ang hapunan nila.
"Okay ka lang ba? Hindi ka naman nila tinakot, noh?" baling nito kay Dawson na nangingiting nakamata sa pamilya nito.
"Nope. Actually. . . napapayag ko nga sila eh," kindat nito na halos ikaluwa ng mga mata ni Angelo na napaupo sa tabi nito.
"Napapayag mo silang tumira ka dito sa amin?" namimilog matang tanong nito na ikinatango-tango ni Dawson.
Napakurap-kurap pa ito na tila naglalakbay ang diwa sa kalawakan sa narinig. Hindi niya lang lubos akalaing mapapapayag ni Dawson ang pamilya niya na dito ito titira sa bahay nila!
"Teka. . . eh saan ka tutuloy niya'n?" muling tanong nito nang matauhan.
"Sa silid mo," makahulugang sagot ni Dawson na muling ikinamilog ng mga mata nitong mahinang ikinatawa ni Dawson.
"Ano? Ibig mong sabihin. . . share tayo sa silid ko? Magsasama tayong matulog?" pangungumpirmang tanong ni Angelo ditong napangisi at tango.
Gumapang ang init sa mukha ni Angelo na hindi makapaniwala sa mga narinig. Kung paanong sa isang iglap lang ay napapayag nito ang kanyang pamilya na manirahan siya dito sa bahay nila at sa silid pa niya ito tutuloy!
Natutulala namang napatayo si Angelo na umakyat ng second floor kaya napasunod si Dawson dito. Nagbubulungan na tuloy ang pamilya niya na inaakalang magkasintahan ang dalawa at natatakot lang umamin si Angelo sa kanila.
Napapanguso naman si Dawson na napagala ng paningin sa kabuoan ng silid ni Angelo. Katulad ng sinabi ng ina nito ay masinop at malinis naman sa silid ang dalaga. Kahit na parang sa banyo niya lang sa opisina kalaki ang silid ni Angelo ay lihim itong napapangiti.
May maliit itong study table sa gilid. Katapat ang bintana at may lampshade ding nakapatong doon. May katabi ding mini bookshelf na puno ng iba't-ibang libro. May dalawang acoustic guitar na nakasabit sa dingding at ukalele. Mukahang mahilig ang dalaga sa music dahil may player pa ito at amplifier dito sa silid. May mga iilang larawan din itong naka picture frame na naka-display sa maliit nitong mesa. Ang kama naman nito ay nasa gitna na may dalawang naglalakihang teddy bear ang naka-display doon.
"Sigurado ka bang gusto mong tumira dito? Kita mo naman ang silid ko, Dawson. Hindi ito kalakihan at mas lalong sisikip ito kapag dalawa tayo dito," saad nito na mapansing napapasuri ng tingin ang binata sa kabuoan ng silid niya.
"Oo naman, bro. Wala namang kaso sa akin kung maluwag o masikip ang silid mo. Ang mahalaga. . . may matutuluyan ako. Isa pa, ikaw ang kasama ko dito kaya mag-iinarte pa ba ako?" masiglang wika nito.
Napailing na lamang si Angelo na mukhang desidido na nga ang binata na dito sa kanila manirahan. Naupo ito sa gilid ng kama na hinilang kinalong ang isang human size teddy bear nito. Napasunod naman si Dawson na naupo sa kabilang gilid ng kama na nakamata sa dalaga.
"Uhm, Dawson."
"Hmm?"
Napahinga ng malalim si Angelo na sumusukong tumayo at nilapitan itong napatayo rin. Napapalunok pa ito lalo na't napaseryoso ang dalaga na matiim tumitig sa kanyang mga matang ikinabibilis ng pagtibok ng puso nito.
Para itong napapaso nang kunin ni Angelo ang kamay nito na marahang pinipisil-pisil.
"Uhm, gusto ko lang ipaalam sa'yong. . . hindi ako tunay na lalake, ha?" mahinang wika ni Angelo dito na pinamumulaan na ng pisnging ikinangiti ni Dawson.
"I know. Kasi nga. . . babae ka." Nangingiting sagot naman nito na ikinakurap-kurap ni Angelo dito.
"A-alam mong h-hindi talaga ako lalake?" utal nitong tanong na ikinatango ng kaharap.
Napasinghap ito na bumilis ang kabog ng dibdib at dama ang pag-iinit ng kanyang mukha lalo na't matiim na nakatitig si Dawson dito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.
"I know from the very start that you are not a man. Dahil babae ka." Saad pa nito.
"Ahem! Lalake ako, noh? Siraulo 'to," mahinang sagot ni Angelo na ikinangisi naman nito.
"Babae ka."
"Lalake nga kasi."
Yumuko si Dawson dito na pinagtapat ang kanilang mukha na halos ikaduling naman ni Angelo na napatitig ditong nangingisi.
"Babae ka," anito na walang pasabing napa-smack kiss sa mga labi ni Angelo na halos lumuwa ang mga mata at nanginig ang katawan!
"L-lalake ako," mahinang asik nito na dala ng gulat ay nasampal niya si Dawson na bumakat pa ang palad sa makinis na pisngi ng binata.
"Babae ka sabi eh," nanggigigil na pagpupumilit nitong hinila sa batok si Angelo na siniil ng may kapusukan sa mga labing ikinanigas nitong namimilog ang mga mata!
"Uhm--ano ba? Lalake nga kasi ako!" asik na ni Angelo dito na buong lakas itong naitulak sa dibdib at napapahid sa mga labi nitong nilamutak lang naman ng magaling na Dawson!
Ngumisi si Dawson na ikinalunok nitong napaatras. Bawat paghakbang patalikod nito ay siya namang paghakbang palapit ni Dawson hanggang sa lumapat na ang likuran nito sa malamig na sementong ikina-corner sa kanya ng binata. Napatukod ito ng braso sa magkabilaang gilid nito na ikinulong ang dalagang pinamumulaan ng pisngi at pilit nilalabanang makipag titigan dito.
"Babae ka nga kasi. Hayan nga oh? May bilat ka," wika nito na napasapo sa kaselanan ni Angelong impit na napatili at kaagad tinabig ang kamay nitong ikinahalakhak naman nito.
"Oo na. Putang ina nito. Hahawakan mo pa talaga ang pepe ko!" mahinang asik ni Angelo ditong nasuntok sa braso ang binatang tawang-tawa pa talaga.
"See? Inamin mo ring babae ka," ngisi nito na ikinaikot ng mga mata ni Angelo dito. "Barilin ko kaya ang matres mo ng magpakababae ka na, hmm?" tudyo nito sa dalagang pulang-pula na ang magandang mukha.
Napapataas baba pa ito ng kilay kay Angelo na pinaniningkitan itong hindi maikubli ang ngiti sa mga labing nahagkan niya rin ang mga labi nitong kanina niya pa kinasasabikang matikman!
Napakatamis at sariwa nga ng mga iyon at kay lambot din! Kung hindi lang magagalit ang dalaga ay kahit more than a kiss pa ang ipagkaloob niya dito.
"Subukan mo. Hindi ka pa man bumabaon? Putol 'yang sandata mo," ingos ni Angelo ditong napahagikhik.
"Fvck!"