Chapter 10

2118 Words
NATUOD si Angelo sa kinatatayuan na namimilog ang mga mata habang patuloy na salitang sinisipsip ni Dawson ang mga labi nitong nakaawang. "Humihinga ka pa ba? Para kang tuod d'yan ah." Hinihingal na tudyo ni Dawson na muli ding siniil sa mga labi ang dalaga. Naikurap-kurap pa ni Angelo ang mga mata na napabalik ang ulirat at buong lakas na itinulak si Dawson. "Ano ba? Nakakainis ka talaga," ingos nito na pinahid ang mga labing ikinangisi ni Dawson dito. "Namumuro ka na sa akin, Dawson, ha? Nakakainis ka na. Nakarami ka ng halik sa akin," pagsusungit pa nito na nagdadabog na naupo sa couch. Napahagikhik naman si Dawson na sumunod pa rin dito kahit nakabusangot na si Angelo. "Ikaw eh." "Anong ako?" Napangisi itong nakamata sa dalagang nag-aalboroto ang itsura. Nagkakandahaba na rin ang nguso nitong nakatulis na tila nang-eengganyo sa paningin nitong muling angkinin ang mga iyon. "Stop pouting like a baby in front me, Angelo. Baka hindi na naman ako makapagpigil at. . .sakmalin ko 'yang mga labi mo. Ang tamis pa naman nila kahit hindi ka manlang marunong tumugon," ngisi nitong nagtaas baba pa ng mga kilay sa dalagang pinaniningkitan ito. "Magtigil ka sa kalandian mo, Dawson. Pati ako dinadamay mo. Matiris ko 'yang itlog mo," ingos ni Angelo dito na inirapan pa itong napahagikhik lang. "Ikaw eh. Nakakagigil ka." "Tss. Gutom lang 'yan, Dawson. Ikain mo na lang 'yan," natatawa at iling wika ni Angelo na nagsimula ng kumain. "Babayaran mo ba ito?" "Nope." Simpleng sagot nito na nagsimula na ring kumain. "Siraulo ka ba? Negosyo ito ng Tito Noah mo. Lulugihin mo pa," pagalit ni Angelo ditong napatikhim na nagpipigil matawa. "Ahem! Barya lang ito kay Tito Noah, bro. Hindi niya ikakalugi kahit araw-araw na dito tayo kakain na walang bayad," sagot nito na ikinailing naman ni Angelo. "Kapag nagnenegosyo ka, alam mong kahit sentimo ay napakahalaga para sa tubo, Dawson. Business man ka pa naman. Hindi mo ba alam iyon?" "Yeah I know, bro. Kumain na lang tayo. Nagpapaalam naman ako kay Tito Noah eh. Siya itong nago-offer na hwag na akong magbayad at kainin ko anuman ang gusto ko dito." Kindat pa nitong ikinailing na lamang ni Angelo na nagpatuloy sa pagkain. "Anyway, bro." Napalingon si Angelo na muli itong nagsalita sa mahaba-haba nilang katahimikan habang kumakain na magkaharap. "Uhm, lalabas ako mamaya kasama ang mga pinsan ko eh. Baka. . . hindi na muna ako makakauwi ng bahay. Okay lang ba iyon?" pagbibigay alam nito na ikinalunok ni Angelo. "G-gano'n ba?" utal nitong sagot na ikinatango ni Dawson. " A-ano ka ba? Okay lang iyon. Mga pinsan mo sila at tiyak na namimis ka rin nilang maka-bonding. Saka. . . pabor sa akin 'yon, noh? Solo ko ang silid ko at makakatulog ng payapa dahil walang Dawson sa paligid ko na pasimpleng minamanyak ako," wika pa nitong ikinasamid ni Dawson na sunod-sunod napaubo. Napahalakhak naman itong inabutan si Dawson ng tubig na hinagod-hagod ito sa likuran. "Grabe ka naman sa akin. Malapit na akong magtampo sa'yo, ha?" maktol ni Dawson dito na napabusangot. Napangisi naman si Angelo na napailing sa inaasta ng binata. Kita niya kasi kung gaano kakomportable ni Dawson sa kanya. Hindi ito nag-aalangan na magpakita ng ibang characters nito kahit ang pagiging childish nito. "Eh 'di magtampo ka." "Susuyuin mo ba ako?" "Hahaha. . . hindi." Hilaw na ngisi ni Angelo ditong lalong napabusangot. "Ibang klase ka talaga. Hindi ka ba nagugwapuhan sa akin?" Naibuga ni Angelo ang nginunguya nito na nasamid sa sinaad ni Dawson na napahagikhik na pinagsalin ito ng juice sa baso. "Here," anito na inalalayan pang ipinainom kay Angelo ang juice na kinuha nito. Sinamaan naman ito ng tingin ni Angelo na pangisi-ngisi pa. "Bakit naman ako magugwapuhan sa'yo, aber?" "Kasi lalake ako?" patanong sagot nitong ikinahalakhak ni Angelo. "Gagong 'to. Hoy, gwapo rin naman ako kahit babae ako ah." "Hindi ka gwapo, bro." Angil naman nito na napangising napapisil pa sa baba ni Angelo na bahagyang inilapit ang mukha sa dalaga. "H-hoy, sinasabi mo bang pangit ako, ha?" utal na sita ni Angelo na halos maduling na sa sobrang lapit ng mukha ni Dawson dito. "Nope. You're not ugly, Angelo. Because. . . you're so beautiful." Malanding anas nito na hinila sa batok si Angelo at muling siniil sa mga labing ikinanigas nito sa kinauupuan na namimilog ang mga mata! Kahit sumisigaw ito sa isipan ay hindi ito makakilos para itulak si Dawson na salitang nagpapakasasa na sa mga labi nitong nakaawang! "Damn. So sweet. Kiss me back, tart." Bulong anas ni Dawson na muling inabot ang mga labi nito. "Uhmm. . . h-hindi ako marunong." Napapikit si Angelo na iyon ang lumabas sa bibig nito at hindi ang isinisigaw ng isipan nito na itulak at sampalin si Dawson! Saglit namang binitawan ni Dawson ang mga labi nito na nagniningning ang mga matang napatitig sa dalagang pinamumulaan ng pisngi na hindi masalubong ang mga mata nito. "I'll teach you then, tart." Malambing anas nito na napa-smack kiss pa sa dalagang napalapat ng labi. "First, you should close your eyes and feel our moment." Bulong nito. Napasunod si Angelo dito na unti-unting napapikit hanggang sa naramdaman ang paglapat ng mga labi ni Dawson sa kanyang labi. "Open your lips, tart. And gently suck my lips alternately. Up and down." Bulong pa nito na marahang sinipsip ang labi ni Angelo sa ibaba. Nanatiling nakapikit naman ito na inaaral ang pagtuturo sa kanya ni Dawson kung paano humalik. Hanggang sa makuha na nito dahil salitan lang namang sinisipsip ni Dawson ang kanyang mga labi. Natigilan naman si Dawson na sa wakas ay tinugon ito ni Angelo. Kusang napaangat ang kamay nito na pumulupot sa batok ni Dawson at sinasabayan itong nagkakasipsipan sila ng mga labi. Napangiti ito na yumapos sa baywang ni Angelo na unti-unting pinapalalim ang kanilang halikan na hindi namamalayan ng dalaga. "Uhmm. . . D-Dawson," hinihingal na anas nitong napabitaw na sa malalim nilang halikan! Nag-iinit ang mukha nito na hindi masalubong ang mga mata ni Dawson na malalamlam na at tila nag-aapoy ng pagnanasa. "K-kumain na tayo." Utal na wika ni Angelo na sa pagkain na bumaling. Napailing na lamang si Dawson na napakamot pa sa kilay na bumaling na rin sa pagkain. Ayaw naman niyang pilitin si Angelo sa isang bagay lalo na kung labag sa loob nito. Ang plano lang naman nila ni Cathy na asawa nito ay paibigin niya si Angelo. Siya ng bahalang dumiskarte kung paano mapapaibig ang dalaga. Kapag napaibig niya na ito at naikama ay mission accomplished na ito kay Angelo. Bagay na minimithi nito dahil iyon lang ang susi niya para mapapayag si Cathy na ipawalang bisa na ang kasal nila at ng bumalik na ito sa pagiging single na malayang pakasalan ang nanaising mapangasawa. Napatitig ito kay Angelo na tapos ng kumain at sa cellphone na nito nakatuon ng pansin. Napalunok itong uminom ng juice nito na parang sinundot siya ng kunsensya niya. Hindi naman niya sinasadya na saktan ang dalaga. Pero kung iyon lang ang paraan para makalaya na siya sa kasal nila ni Cathy? Pikitmata niyang gagawin. Sumagi naman sa isipan nito ang pamilya ni Angelo. Kung gaano sila kagiliw na tinanggap siya sa tahanan nila. Kahit maiksing panahon niya pa lang nakakasalamuha ang mga ito ay dama niyang mabubuti silang tao. Taliwas sa kwento ni Cathy sa kanya kaya gusto niyang makabawi kay Angelo. At iyon ay ang wasakin din ito at durugin ang pagkatao. "Bakit?" "Huh?" Napakurap-kurap ito na napabalik ang naglalakbay niyang diwa na magsalita si Angelo. Hindi niya kasi namalayan na nakatulala na pala siya habang nakamata sa dalaga. "Okay ka lang?" "Uhm, oo naman. Tara na?" sagot nito na pilit ngumiti sa dalaga. Tanging pagtango lang naman ang isinagot ni Angelo na dinampot na ang bag nito na napasunod na sa binatang tumayo. Paglabas nila ng VIP room ay napaakbay pa si Dawson ditong hinayaan lang nito. Unti-unti ay nakakasanayan na rin kasi nito ang kalandian at kakulitan ni Dawson. Na kahit kastiguhan at dayahin niya ang sarili ay alam niya sa puso niyang. . . hindi siya naiilang kay Dawson kundi. . . nagugustuhan niya kung paano ito maglambing sa kanya. "Babalik na ba tayo ng kumpanya?" tanong ni Angelo na pagkalabas nila ng restaurant ay nakaabang na ang masasaktan nilang service nito. "Nope. Let's go somewhere else. May malapit na children's park dito eh. Maaga pa naman kaya doon na muna tayo tumambay ng makalanghap din ng sariwang hangin," sagot ni Dawson na muli itong inakbayan pagpasok nila ng kotse. "Uhm, pwede bang magtanong?" "Go on," wika naman nito na inalalayan pa si Angelo na sumandal sa balikat nito. "Uhm. . . mabait din ba si. . .si Sir Jayden?" pigil hiningang tanong ni Angelo na ikinaasim ng mukha ni Dawson. "Pwede ba? Asked me anything about me pero hwag mo namang isingit ang kumag na 'yon." Napahagikhik ito na nakurot sa hita si Dawson na napalapat ng labi. "Parang nagtatanong lang eh." Napangisi naman si Dawson na may sumaging kalokohan sa isip. "Ahem! Do you really want to know him more?" tanong nitong ikinatuwid ng upo ni Angelo na tumango-tango. Napahinga ito ng malalim na nagkamot pa sa kilay na makitang nasasabik ang dalagang mas makilala ang pinsan nitong si Jayden. "Well. . . mabait naman 'yon. Pero kaliwa't kanan ang babae no'n. Iba sa trabaho? Iba din sa labas. Iba din abroad. Lahat ng pinupuntahan ni Jayden may babae iyon. Kung malandi na ako sa tingin mo? Naku, mas triple ang kalandian ni Jayden sa akin. Saka. . . hindi 'yon palaligo. Takot 'yon sa tubig kaya madalas nagpupunas lang 'yon ng katawan para maalis ang libag." Pagkukwento pa nito na ikinatigil ni Angelo na napakurap-kurap sa mga nalaman patungkol kay Jayden! "S-seryoso?" utal nitong paniniguro na ikinangiting hilaw ni Dawson na tumango-tango. "Oo. Saka ito pa, ha? Si Jayden. . . hindi 'yon nagsusuot ng brief. Mahilig din siya sa mga beer house na nanonood ng live show. 'Yong mga nakahubad na babaeng sumasayaw sa entablado. Gabi-gabi iyon sa mga gano'ng lugar. Hilig niya 'yon eh." Dagdag pa nito na halos ikaluwa ng mga mata ni Angelo na napatakip ng palad sa bibig. "At ang pinakamalala?" pambibitin nito na sinenyasang lumapit si Angelo. Napasunod naman itong inilapit ang mukha sa binata na bumulong sa punong tainga nito. "Supot 'yong si Jayden. Hwag mo na lang ako ibuko sa kanya, hmm? Hindi pa 'yon tuli dahil matatakutin noon. Hindi niya kayang nagpatuli hanggang ngayon." Bulong pa nito na nagtataas baba ng mga kilay. Naipilig naman ni Angelo ang ulo na parang hindi mag-sink-in sa utak ang mga nalaman patungkol sa knight in shining armor nito! Napapangisi naman sa isip-isip si Dawson sa nakikitang reaction ng dalaga sa paninira nito kay Jayden. "Teka nga. . . imposible naman yata 'yon? Maniniwala pa ako na babaero din siya katulad mo dahil habulin nga naman kayo. Pero 'yong hindi nagbi-brief at hindi pa tuli? Hindi ba't kalabisan na 'yon?" puna nitong ikinalapat ng labi ni Dawson na pinamulaan ng pisnging nag-iwas ng tingin dito. "Hoy, Dawson. Siraulo ka talaga!" asik nitong binatukan si Dawson na malutong napahalakhak. "Bakit? Sinasabi ko lang ang mga alam ko patungkol sa Jayden na 'yon noh?" wika pa nitong ikinailing ni Angelo na nakurot ito sa tagilirang impit na napadaing. "Siraulo ka. Paninira naman 'yong mga sinabi mo. Palibhasa hindi mo matanggap na. . . na mas gwapo sa'yo ang pinsan mong 'yon," ingos ni Angelo ditong namilog ang mga mata! "What the heck, Angelo? Naduduling ka na ba? Kailangan ko pa bang ipasuot sa'yo itong suot kong reading glasses ng luminaw ang paningin mo at makita mo ang pinakagwapong nilalang na nakatadhana sa'yo?" paingos ding wika nitong ikinakurap-kurap ni Angelo na napagala ng paningin sa paligid. "Saan, hmm? Nasaan ang gwapong nakalaan sa akin, aber?" "Ito oh, ito, nandidito na sa harapan mo. Walang silbi 'yang bilugan mong mga mata eh. Hindi mo ako makita-kita. Nasa harapan mo na nga ako eh maghahanap ka pa ng iba," pagmamaktol nito na ikinatulala ni Angelo dito at kalauna'y napahagalpak ng tawa na lalong ikinabusangot ni Dawson. "Ikaw? Sira. Tingin mo ba papatulan kitang mokong ka, ha?" natatawang pambabara ni Angelo ditong napangisi na hinapit sa baywang si Angelo at buong lakas na kinalong itong ikinatigil nito sa pagtawa. Napangisi naman ito na maramdaman ang kalambutan ng pwet ni Angelo na ngayo'y nauupuan ang sandata nitong unti-unting nagigising! "Kung ayaw mo akong patulan? Eh 'di ako ang papatol sa'yo, Angelo. No worries, bro. Titiyakin kong. . . magsusuot ka na ng palda kapag. . . nabinyagan na kita," malanding anas nitong pumintig ang p*********i nitong nauupuan ni Angelo! "Bwisit ka talaga. Manyak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD