Chapter 11

2314 Words
NANGINGITI si Angelo na pinagmamasdan si Dawson na nahihimbing. Nasa children's park kasi ang mga ito tumambay at sumilong sa isang puno ng acacia kung saan may bench wood na nakalagay dito. Nakahiga si Dawson ng upuan habang nakaunan pa ito sa hita ni Angelo na pinag-intertwined ang isang kamay nilang nakalapat sa dibdib nito. Kung titignan lang sila ay para talaga silang couple sa itsura nila. Marahil iniisip din ng iba na bakla ang isa sa kanila dahil lalake nga naman silang tignan. Hindi rin maintindihan ni Angelo ang sarili. Parang kusa siyang napapasunod kay Dawson sa mga naisin nitong gawin. Katulad na lamang sa naganap na halikan nila kanina sa restaurant. Kung saan tinuruan pa siya ng binata kung paano tumugon sa halik nito. Mula pagkabata ay alam ni Angelo sa sariling sa babae siya attracted. Na ni sa panaginip ay hindi niya naisip na makikipaghalikan siya sa isang lalake. Pero heto at dumating bigla si Dawson sa buhay niya. Na kahit itanggi niya ay alam niya sa sariling. . . unti-unti na siyang binabago ng binata. Napahaplos ito sa ulo ni Dawson na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labing napatitig sa binata. Para kasi itong sanggol na kay himbing ng pagkakatulog kahit matigas na kahoy ang kinahihigaan. Hindi namamalayan ni Angelo na hinahaplos na pala niya ang binata sa pisngi nito na may ngiti sa kanyang mga labi. At kahit iwasan niya ay paulit-ulit niyang pinupuri ang binata sa isipan nito. Kung gaano kakinis ang balat at mukha nito. Kung gaano kaamo ang mukha nito at kung gaano ito kagwapong lalake. Na kahit sinong babae ay mapapalingon sa kanya at malalaglag ang panga sa angkin nitong karisma. Napahinga ito ng malalim na nagbawi ng tingin kay Dawson. Heto na naman kasi ang puso nitong hindi mapakali na nagkakarambola ang pagtibok habang nakamata siya dito. At alam niya sa sarili kung ano ang nadarama niya para dito. Bagay na mahigpit niyang pinipigilan dahil una sa lahat? Mayaman ito. Pangalawa. . . masakit man pero hindi ang katulad niyang tibo ang nababagay sa isang katulad ni Dawson na tinitingala ng karamihan at pinapantasya. "Mali ito, Angelo. Hindi ka pwedeng. . . magkagusto sa kanya. Tiyak na masasaktan ka lang," piping usal nito na pilit winawaglit sa isipan ang nadarama sa binata. Napapikit itong ilang beses humingang malalim na kinakalma ang puso at isipan. Tila naramdaman naman ito ni Dawson na unti-unting nagising na napangiting matingalang nakapikit ang dalaga habang nakaupo ito na naka-intertwined pa rin ang isang kamay nila sa isa't-isa. Napatitig ito kay Angelo na lihim na napangiti. Para itong anghel na payapang nahihimbing kahit nakaupo lalo na't nakaputi ito ngayon. Maingat itong bumangon na naupo. Naramdaman naman ito ni Angelo pero nanatiling nakapikit na pinapakiramdaman lang ang binata. Maya pa'y kinarga siya ni Dawson na ikinasinghap nitong halos pigil ang paghinga na maramdamang naglakad na si Dawson at ilang sandali lang ay lumapat na ang likod nito sa malambot na higaan. Maingat din siyang pinaunan ni Dawson sa hita nito at saglit lang ay gumalaw na ang kinahihigaan nito. Lihim itong napangiti na pinapakiramdaman ang binata. Akala pa naman niya ay iisahan na naman siya nito lalo na't nahihimbing siya katulad noong una. Pero heto at todo alalay pa itong hwag siyang mahulog sa kinahihigaan nitong upuan. PAGDATING nila ng kumapanya ay sa VIP elevator sumakay si Dawson kung saan nakalaan lang para sa president ang access ng elevator. Diretso na kasi ito sa loob ng opisina nito kaya dito na siya sumakay dahil kinarga nito si Angelo na nahihimbing. Nangingiti itong maingat na nagtungo ng silid nito sa opisina at inilapag si Angelo sa gitna ng malambot niyang kama. Naupo ito sa gilid na maingat inalis ang sapatos ng dalaga bago nahiga ito sa tabi nito. Nakapangalumbaba pa ito na patagilid ang higa habang pinagmamasdan si Angelo. "Damn, Dawson. Kaya mo ba talaga siyang saktan? Kung tutuusin ay wala siyang atraso sa'yo. Anuman ang namagitan sa kanila ni Cathy ay sa kanila lang iyon," piping usal nito na parang kinukurot sa puso habang nakamata sa dalaga. Kahit sa maiksing panahon na nakasama niya si Angelo ay alam at dama niyang mabuti itong tao. Kaya naman ngayon pa lang ay inuusig na siya ng kunsensya niya sa planong pagpapaibig kay Angelo at pagdurog dito para magawa niya ang kasunduan nila ni Cathy at makalaya na rin ito sa kasal nilang dalawa. Napapikit ito na ilang beses huminga ng malalim. Ngayon pa lang ay nakagaanan na niya ng loob si Angelo at pamilya nito. Hindi pakitang tao ang sayang pinapakita nito kina Angelo para mapaibig ang dalaga kundi. . . totoong masaya ito. Na kahit alam niyang imposibleng mapaibig ito dahil pusong lalake si Angelo ay umaasa pa rin ito na mapapaibig niya. . . ang dalagang nagsisimula na niyang magustuhan at mahalin. BUONG maghapong nakaidlip si Angelo sa kama ni Dawson. Dala na rin ng puyat at hangover nito kagabi kaya hindi namalayan ang paglipas ng oras lalo na't hindi din naman siya ginising ni Dawson na katulad nito? Nakatulog din. Halos lumuwa pa ang mga mata nito na magising at pasado alassingko na ng hapon. At ang malala? Magkayakap sila ni Dawson na nahihimbing sa gitna ng kama! Napaupo ito na napakusot-kusot pa sa nanlalabong mga mata nito. Tila naramdaman naman siya ni Dawson na napadilat ng mga matang naniningkit. "Hey," paos ang boses na pagkalabit nito kay Angelo na nakasandal ng headboard at malalim ang iniisip. "Ahem! Hindi mo ako ginising. Nakakahiya. Ang bago-bago ko pa dito sa kumpanya mo pero may absent na kaagad ako dito," anito na napasuklay ng mga daliri nito sa buhok. Ngumiti naman si Dawson na umusog pang sumubsob sa p********e nitong halos ikaluwa ng mga mata ni Angelo na nanigas sa kinauupuan! "Ako naman ang boss mo at kasama mo eh." Napalunok ito na nag-iinit ang mukha. Dumapa kasi si Dawson sa kama at sa kanya umunan. Naiilang tuloy ito lalo na't nakasubsob ang mukha ni Dawson sa mismong kaselanan nito. "U-umayos ka nga ng higa mo," utal at kulang sa diin nitong saway na ikinahagikhik ni Dawson. "Uhmm. . . gusto ko dito eh. Ang lambot sa mukha," makahulugang sagot naman nito na ikinapikit ni Angelo na ilang beses humingang malalim. "Siraulo ka talaga. Nasasagi mo naman ang pepe ko," asik ni Angelo ditong napahagikhik na sinadyang mas isubsob ang mukha sa p********e nitong halos ikaluwa ng mga mata ni Angelo! "Dawson!" tili nito na nasabunutan itong sinadyang kinagat ang kaselanan ni Angelo na malutong napahalakhak at nagpagulong na ng kama! Pulang-pula ang mukha ni Angelo sa kaisipang nasubsuban at nakagat pa ni Dawson ang kaselanan nito! Kahit may suot itong pants ay naramdaman niyang naabot ni Dawson ang kanyang p********e na kinagat niya iyon! "Manyak ka talaga!" nanggigigil na asik ni Angelo ditong nabato ng unan sa mukha ang binatang tawang-tawa sa paanan ng kama. "Ang tambok eh. Nakakagigil." Ngisi pa nito na napakindat sa dalagang naniningkit ang mga mata at gigil na tinitiris ito sa isipan. "Manyakis ka talaga. Pati ako pinagdedeskitahan mo," paasik pa ni Angelo dito na bumaba na ng kama. Napapahagikhik naman si Dawson na sumunod ditong nagtungo ng banyo na ikinakurap-kurap ni Angelo. "Ano ba? Iihi ako." "So?" "Anong so? Labas!" asik ni Angelo ditong napabungisngis na hinapit sa baywang ang dalagang natigilan na napalunok. "D-Dawson ano ba?" kulang sa diing saway nito na mabilis itong pinihit patalikod ni Dawson na dinala sa harapan ng salamin. Napapalunok ito lalo na't nakayakap sa kanya si Dawson mula sa likuran. Nakayapos ang braso nito sa kanyang tyan habang nakasubsob sa kanyang balikat ang mukha kaya halos hindi ito makakilos. "You look absolutely beautiful, Angelo. Hindi mo ba 'yon nakikita? Kung gaano ka. . . kagandang binibini?" bulong ni Dawson sa punong tainga nito. Sinadya pang hagkan ang kanyang dulong tainga na ikinasinghap nitong nakadama ng kakaibang boltahe ng kuryente mula doon. Gumapang ang init sa mukha ni Angelo lalo na't matiim na nakatitig si Dawson sa kanya sa repleksyon nila sa salamin habang yakap-yakap pa rin siya nito. "S-sira ka ba talaga? Anong binibini? Anong maganda? Lalake ako." Utal na ingos ni Angelo ditong napangisi. "Siguro nga boyish kang kumilos, manamit at magsalita. Pero hindi no'n mababago ang katotohanang. . . isa kang babae, Angelo." Paanas nitong ikinalunok ni Angelo na hindi malaman ang maisasagot. Tama naman kasi si Dawson. Kahit kilos lalake ito ay hindi no'n mababago ang katotohanang babae pa rin ito. Napangiti si Dawson na hindi nakaimik ang dalaga sa sinaad nito. "D-Dawson," utal na sambit nito nang yumuko ang binata at mariing hinagkan siya sa leeg na ikinatatayo ng mga balahibo nito sa katawan. "Uhmm. . . h-hwag mong sipsipin," paungol na angil nito na maramdamang nilalagyan siya ni Dawson ng kissmark sa leeg. Napahagikhik naman itong nanggigigil na binitawan ang leeg ni Angelo na napalapat ng labing makita doon ang pulang marka na iniwan nito. Marahan naman itong nasiko ni Angelo na tatawa-tawang niyakap itong muli. "Kainis ka talaga. Paano maaalis 'yan?" reklamo ni Angelo na makitang may kissmark ito sa leeg. Halatado pa naman dahil kita ang parte na nilagyan nito. "Hayaan mo na. Kusa 'yan maaalis." "Hanggang kailan naman?" "Hanggang gusto niya." "Ako hindi nakikipag biruan sa'yo ah? Mapipisat ko itlog mo eh." Ingos ni Angelo dito na napahugas ng leeg. "Sige nga. Pisatin mo sila. Handa silang mapisat mahawakan mo lang, Angelo." Ngising panghahamon pa nitong ikinaikot ng mga mata ng dalaga. Napahagikhik naman si Dawson na nakamata sa dalagang naghilamos din ng mukha. Kahit wala itong nakalagay na anumang kolorete sa mukha ay hindi maipagkakaila ang magandang mukha nito at ang kakinis ang balat. Ibang-iba sa mga babaeng nakakasalamuha niya na puno ng accessories at kolorete sa mukha. "Ayaw mabura. Kainis ka talaga." Asik pa ni Angelo na hindi nito nabura ang kissmark na nilagay ni Dawson sa leeg nito. Nagdadabog pa itong lumabas ng banyo na sinundan ni Dawson. "Uuwi ka na?" tanong nito na kinuha ni Angelo ang bag sa silid. "Oo. Hapon naman eh. Saka. . . kasalanan mo na napa-half day ako ngayon. Hindi mo ako ginising eh," sagot nito na akmang magtutungo na ng pinto nang pigilan siya ni Dawson. "Bakit?" nagtatakang tanong nito na napatingala sa binata. "Uhm, makikipag jamming lang ako sa mga pinsan ko mamaya pero. . . uuwi ako sa bahay, ha? Hintayin mo ako," ani Dawson na ikinataas ng kilay ni Angelo dito. "Bakit naman kita hihintayin, aber?" Napangisi si Dawson na bahagyang yumuko at napapisil sa baba nitong napalunok na natigilan. "Dahil. . . walang magbubukas ng gate para sa akin, bro. And one more thing. Bago mo ako iwan, hwag mong kalimutan--" pambibitin nito na tuluyang inabot ang mga labi ni Angelo na namimilog ang mga mata! " Don't forget my goodbye kiss. . . tart." TULALA si Angelo na lumabas ng opisina ni Dawson. Napapahaplos pa ito sa ibabang labi dahil tila nakalapat pa rin doon ang mga labi ni Dawson! Napailing-iling naman ito na tinapik-tapik ang magkabilaang pisngi. Pilit ginigising ang sariling diwa na naglalakbay sa kaulapan sa namagitang halikan na naman nila ni Dawson. "No, Angelo. Kita mo namang kababaero ng Dawson na 'yon. Tiyak na laro lang ito sa kanya. Hindi ka pwedeng magkagusto sa kumag na 'yon." Kastigo nito sa sarili. Pagkalabas niya ng kumpanya ay sakto namang may dumaang taxi sa tapat nito na kaagad niyang pinara at nagpahatid na pauwi. Napapailing na lamang ito na winawaksi ang mga naglalaro sa isipan nito. Kung paano siya nito napapasunod sa mga nais nito. Katulad na lamang sa tuwing hinahalikan siya ni Dawson. Na kahit itanggi niya ay alam niya sa sariling. . . nagugustuhan niya kung paano siya halikan, haplusin at yakapin ng binata. Na tanging si Dawson lamang ang nakakagawa. Pagdating nito sa bahay ay tumuloy na ito ng silid matapos bumati sa ina nitong nasa sala na kasalukuyang nagtutupi ng mga nalabhang damit nilang pamilya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili pero. . . bigla itong nalungkot at tumamlay na nawalay kay Dawson. Ilang minuto pa lang silang nagkakalayo ay parang. . . parang namimis at hinahanap na niya ang binata. Pabagsak itong nahiga ng kama na napadantay ng braso sa noo. Napapikit na pilit winawaglit sa isipan si Dawson. Pero parang nanunudyo naman ang tadhana dahil maging sa kama na kinahihigaan nito ay naaamoy nito ang manly natural scents at pabango ni Dawson na kumapit sa kobrekama nito. "Hindi pwede, Angelo. Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya. Hindi pwede." Kastigo nito sa sarili. "Bakit naman hindi? Kung pwede mo naman akong. . . magustuhan." Namilog ang mga mata nitong napabalikwas ng kama at halos lumuwa ang mga matang mabungaran ang binata na nasa pinto at nangingiting nakamata sa kanya! "D-Dawson." Sunod-sunod itong napapalunok na walang kakurap-kurap na nakamata kay Dawson na lumapit sa kanyang isinarado din ang pinto. Bawat paghakbang nito palapit ay siya namang pagbilis ng t***k ng puso nito na nakamata lang sa binata. Para itong malulusaw sa hiya na hindi makakilos sa kinatatayuan. Hanggang sa nasa harapan na nito si Dawson na ngumiting hinapit ito sa baywang padiin sa katawan nitong ikinasinghap nito! "Tell me, Angelo. Gusto. . . mo rin ba ako?" sensual nitong tanong na ikinanlambot ni Angelo na nakatingala dito. Ngumiti naman si Dawson na napasapo sa pisngi ng dalagang lumamlam ang mga matang nakatingala dito. Kahit kinakastuguhan nito ang sarili ay hindi naman nito masuway ang binata dahil aminin man nito o hindi? Masaya itong sumunod sa kanya si Dawson! "D-Dawson." Tanging sambit nito na hindi makaapuhap ng maisasagot sa binata. "Kasi ako. . . gusto kita. Gustong-gusto kita, Angelica." Paanas nito na ubod ng lambing! Napasunod ng tingin si Angelo dito na yumukong tuluyang inabot ang kanyang mga labi na ikinapikit nitong yumapos sa batok ni Dawson at unti-unting. . . tinugon ang malalim na halik na ginagawad nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD