"URGHH!"
Napabalikwas si Angelo na napadaing sa pagkakahulog nito sa sahig. Napakurap-kurap pa ito na makitang madilim na sa labas ng bintana at wala naman siyang katabi sa kama.
Napakamot ito sa ulo na tumayong napapapilig ang ulo. Buong akala niya kasi ay sumunod din si Dawson sa kanya kanina pero mukhang. . . napanaginipan niya lang ang binata.
"Panaginip lang ba 'yon? Kainis naman." Ingos nito na nagtungo ng banyo at naglinis ng katawan.
Matapos nitong mag-quick shower at bihis ng pambahay ay bumaba na siya ng sala. Tiyak niyang nakauwi na rin ang mga Kuya at ama nila mula sa construction na pinagtatrabahuan.
Bagsak ang balikat nito na bumaba ng hagdanan. Lalo naman itong nanlumo na makitang wala ngang bakas na nandidito si Dawson. Sa kakaisip niya dito ay napanaginipan niya tuloy at inamin pang may gusto sa kanya ang binata.
"Oh, Angelo. Ayos ka lang ba, anak?" puna ng ama nito na malingunan ang dalaga.
Nagtungo ito sa kinauupuan ng ama na nagmano at pilit ngumiti.
"Opo, Tay. Okay lang po ako. Medyo pagod po kasi sa trabaho." Alibi nito dahil nakamata sa kanya ang lahat.
Mukhang naniwala naman sa kanya ang pamilya niya na napatango-tango. Inakbayan naman ito ng ama nila na katabi nito sa sofa.
"Hindi mo naman kasi kailangang magtrabaho, anak. Ayokong napapagod kayo ng Nanay niyo. Kung ako lang eh. . .gusto ko dito ka lang sa bahay kasama ang Nanay niyo. Malakas pa naman ako. Kayang-kaya ko pang magbanat ng buto para mapakain ko kayong pamilya ko ng higit tatlong beses sa isang araw." Ani ng ama nila.
Ginagap naman ni Angelo ang kamay ng ama nito. Kahit magaspang, puro kalyo at kay tigas ng kamay ng ama nito kumpara sa kanya na malambot at makinis. Pinipisil-pisil niya iyon na pilit ngumiti sa ama.
"Malaki na po ako, Tay. Saka. . . sayang naman po na ako ang nakapagtapos ng pag-aaral sa aming magkakapatid pero tatambay lang ako dito sa bahay. Gusto ko nga po, tumigil na kayo sa pagtatrabaho niyo d'yan sa construction site eh. Ang bigat po ng trabaho niyo. Kaya naman na po namin nila Kuya magtrabaho para sa atin." Wika pa ni Angelo na sinang-ayunan ng mga kapatid.
"Yan nga rin ang sinasabi namin kay Tatay, bunso. Na kami na lang ni Arjo ang pumasok ng construction. Eh. . . matigas ang ulo ng Tatay natin eh. Ayaw makinig," sagot naman ng Kuya Adolfo nito.
"Magsitigil nga kayo. Malakas pa ang katawan ko para maging palamunin na sa inyo. Saka. . . gusto ko, mag-ipon na kayo ngayon pa lang para sa bubuoin niyong pamilya pagdating ng araw. Hindi habang buhay ay malakas akong aagapay sa inyo. Darating din tayo sa punto na hihiwalay na kayo sa amin ng Nanay niyo dahil may mga kanya-kanya na kayong pamilya. Ayokong maranasan ng mga magiging apo ko ang mga naranasan niyo noon dahil mahirap tayo at walang ipon. Na halos utangan na namin ng Nanay niyo lahat ng kakilala para may maipambili ng makakain natin."
Natahimik sila sa sinaad ng ama nila dahil saksi nga naman sila kung paano iginapang ng kanilang ama at ina ang hirap ng kanilang pamumuhay. Umalis sila noon sa kanilang probinsya sa Nueva Vizcaya at lumuwas ng syudad sa pag-asang mas makakaraos sila sa kahirapan dito. Pero mas lalo lang silang naghirap na lahat dito ay binabayaran.
Hanggang sa nagamay din ng kanilang ama ang diskarte sa paghahanap buhay dito sa syudad at unti-unting nairaraos ang kanilang pang-araw-araw. Hanggang high school lang ang natapos nila Arjo at Adolfo dala na rin ng kahirapan na hindi na kaya ng ama nila. Sila na ang nagkusa na hindi na tumuntong ng kolehiyo at tinulungan na lamang magtrabaho ang kanilang ama. Kaya naman si Angelo lang ang nakapagtapos sa pag-aaral sa kanilang magkakapatid.
"Maiba tayo, anak. 'Yong si tisoy ba? Hindi kaya maging problema sa atin ang batang 'yon?" pambabasag ng ama nila sa ilang minuto nilang katahimikang pamilya.
Napahinga ng malalim si Angelo na pilit ngumiti sa mga ito. Alam naman nito ang tinutukoy ng kanilang ama. At hindi niya ito masisi kung hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin itong nasa tahanan nila si Dawson. Dahil minsan na silang nagpatuloy ng isang anak mayaman sa kanilang tahanan. At naging sanhi iyon ng kapahamakan sa kanila lalo na kay Angelo.
"Mabait po si Dawson, Tay."
"Nandoon na tayo sa mabait siya, anak. Ang ibig ko lang sabihin. . . 'yong pamilya niya. Baka mamaya ay maulit ang nakaraan. Inaalala ko lang naman ang kapakanan mo, anak ko. Ayokong. . . mapahamak ka at sa huli at masaktan ka na naman. Isa pa, anak lalake si tisoy. Paano kung. . . kung mamaya ay madarang 'yon sa'yo lalo na't nagtatabi kayo sa kama." Nag-aalalang wika ng ama nito.
Nag-init ang mukha ni Angelo na napaiwas ng tingin sa ama nito. Alam naman niyang posible ngang may mamagitan sa kanila ni Dawson. Ilang beses na nga silang naghalikan ng binata.
"Alejandro, kung sakali man na may mamagitan sa kanila ni tisoy? Hindi ba't magandang balita iyon sa atin? Ibig sabihin. . . mapapatino ni tisoy ang anak natin at mapapabestida ang dalaga natin." Sagot naman ng kanilang ina na pinagdiinan pa talaga ang pagtawag sa kanya na dalaga.
Napangiwi naman ang mag-aama sa sinaad ng ina nila. Bumuntong hininga ng malalim ang ama nila na lumamlam ang mga mata.
"Ang tanong, Belinda. Pananagutan naman kaya ng tisoy na 'yon ang anak natin? Aba. . . kahit mahirap lang tayong pamilya ay alam natin na malinis na babae ang bunso natin. Hindi lang iyon dahil mabuti din siyang anak at kapatid. Hindi naman deserve ng bunso natin na maging laruan at parausan lang ng kung sino kahit ang tisoy na 'yon pa. Sa panahon ngayon? Mabibilang na lang ang dalagang birhen pa. At maswerte tayong kabilang si Angelo sa mga iyon. Kaya kahit anak mayaman pa ang tisoy na 'yon kapag ginalaw niya ang anak ko? Hindi ako makakapayag na hindi niya panagutan. Hindi natin ito iningatan, pinag-aral at minahal ng sobra-sobra para maging parausan lang, ha?" wika ng ama nila na may kariinan at bakas ang kaseryosohan sa mukha nito.
"Tay, hwag po kayong mag-alala. Hindi naman po tayo aabot d'yan. Saka, si Dawson ho? Magaganda, seksi at supistikada ang mga dalagang naghahabol sa kanya. Ang mga nakaka-date ho no'n mga katulad niyang mayaman. Malayo ho ako sa matitipuhan ni Dawson. Magkaibigan lang po kami nung tao." Saad ni Angelo na pilit ngumiti sa kanyang pamilya.
"Anak, lalake ako. Bilang lalake? Nakikita kong may gusto sa'yo ang tisoy na 'yon. Aba. . .oo mahirap lang tayo pero walang panama ang mga sinasabi mong seksi at supistikadang babaeng naghahabol kay tisoy. Dahil kung pagandahan at kabutihang loob lang naman? Lamang ka sa mga iyon, anak. Kaya hwag na hwag mong minamaliit ang sarili mo." Wika pa ng ama nito na inakbayan ang dalaga nitong napasandal sa balikat ng ama.
"O siya, tama na nga ito. Kumain na lang tayo." Pag-iiba ng ina nila. "Siya nga pala, Angelo. Hindi ba uuwi si tisoy?"
Napakamot sa ulo si Angelo na napangiwi ang ngiti sa ina nito.
"Uhm, hindi po ako sigurado, Nay. Inaya kasi siya ng mga pinsan niyang mag-iinuman sila ngayon eh. Bagong dating lang kasi si Dawson dito sa bansa dahil sa abroad 'yon lumaki. Ang sabi niya ay uuwi siya dito mamaya. Pero baka hindi na 'yon makakauwi at tiyak na aabutin sila ng magdamag sa Bar na pupuntahan nila." Sagot ni Angelo na ikinatahimik ng kanyang pamilya.
"O siya. Kumain na tayo kung gano'n. Ipagtabi ko na lang siya ng hapunan niya kung sakali at uuwi siya ngayon dito." Saad ng ina nila na nagtungo na sa kusina nila.
MATAPOS maghapunan ay nagsitungo na sila sa kanilang mga silid. Sa tapat ng sala ang silid ng kanilang mga magulang. Habang ang magkakapatid ay sa ikalawang palapag naman ng bahay naroon ang kani-kanilang silid.
Bagsak ang katawan ni Angelo na naupo sa gilid ng kanyang kama. Muling nalungkot na napatitig sa higaan ni Dawson. Tiyak na nagi-enjoy na ngayon ang binata sa pinuntahan nitong Bar kasama ang mga pinsan nitong lalake. At isang malaking himala kung hindi ito. . . mambababae ngayong gabi.
Bar ang pinuntahan nila. Idagdag pang kilala at habulin silang magpipinsan sa angking kagwapuhan at kasikatan nila. Babae na ang kusang naghuhubad sa harapan nila. Kaya nakatitiyak siyang. . . may ka-date ngayon si Dawson na supistikadang babae.
Napalapat ito ng labi na namumuo ang luha sa mga mata. Iisipin niya pa lang na may ibang babaeng kalantari si Dawson ay para na siyang kinukurot sa puso. Gusto niyang ipagdamot ang binata pero alam naman niyang wala siyang katapan dito. Ni hindi nga siya sigurado kung. . . kung may nararamdaman din sa kanya si Dawson. O laro-laro lang sa kanya ang mga nagaganap sa kanilang halikan.
"Umuwi ka na, Dawson Hwag kang makipag landian sa iba. Na-nasasaktan ako," mga katagang kusang lumabas sa bibig nito kasabay ng pagtulo ng butil-butil niyang luha na napayakap sa unan ni Dawson.
Hanggang sa ang tahimik niyang pag-iyak ay napunta sa paghagulhol na hindi na niya mapigilan pa. Nasasaktan siya sa kaisipan na may ibang babaeng kalandian ngayon ang binata. Habang siya ay nasa silid na mag-isang yakap ang unan at hindi mapakali ang puso at isipan nito kakaisip sa binata.
Natigil ang pag-iyak nito na mag-vibrate ang cellphone nitong nasa gilid ng kama. Nagpahid ito ng luha na inabot ang cellphone nito at halos lumuwa ang mga mata na mabasang si Dawson ang caller!
"D-Dawson?" anito na pilit pinatatag ang boses.
"Tart, pakibukas naman ang gate. Nandito ako sa tapat."
Napabalikwas ito sa kama na marinig ang sinaad ni Dawson! Parang lulukso ang puso nito sa labis-labis na tuwa na umuwi na ang binata! Nagtungo ito sa bintana na napasilip at impit na napairit na makitang nandon nga sa tapat si Dawson at mag-isa.
"Sandali lang. Pababa na." Masiglang bulalas nito na patakbong bumaba ng hagdanan.
Hindi nito maitago ang tuwa na umuwi nga sa kanya ang binata. Akala pa naman niya ay aabutin ito ng magdamag sa Bar na kasama ang mga pinsan at may ka-date na babae.
Napahawi pa ito sa buhok na ilang beses napabuga ng hangin bago binuksan ang gate na napangiting mabungaran ang binatang nag-aabang sa tapat ng gate.
"Bakit ang aga mo?" tanong nito na hindi napigilang sugurin ng yakap si Dawson na natigilan.
Mahinang natawa naman ito na niyakap din si Angelo at pinaghahalikan pa sa ulo.
"Namis mo ba ako?" tudyo ni Dawson na impit nitong ikinairit na napapadyak pa ng mga paa.
Natawa naman si Dawson na mas niyakap pa itong ikinangiti ni Angelo na napapikit at ninanamnam ang sandaling nakakulong siya sa mainit at mabangong bisig ng binata.
Maya pa'y napahikbi ito na ikinatigil ni Dawson na napalunok.
"Hey, what's wrong, Angelo?" nag-aalalang tanong ni Dawson na kumalas dito at sumapo sa magkabilaang pisngi ng dalagang itiningala sa kanya.
Napalunok ito na makitang umaagos ang luha nito na kakaiba ang lungkot sa mga mata. Marahan nitong pinahid ang luha ni Angelo na mas yumukong pinagtapat ang mukha nila.
"May problema ba?" malambing tanong nito.
"Akala ko kasi. . . akala ko--"
"Akala mo hindi ako uuwi sa'yo at mambababae ako doon, gano'n ba?" putol ni Dawson sa sasabihin nitong ikinatigil at lunok ni Angelo na hindi maitagong iyon nga ang iniisip.
Ngumiti si Dawson na muling pinahid ang luha ng dalaga na napapalabing nakamata lang din dito.
"Tama ka naman ng naiisip mo, Angelo." Wika nito na ikinalunok muli ni Angelo. "Kaya nga umuwi na ako kaagad dahil. . ." pambibitin nito na may naglalarong pilyong ngiti sa mga mata.
"Dahil?"
"Dahil ikaw ang nais kong makasama, Angelo."
Napalapat ng labi si Angelo na aminadong kinilig sa sinaad ni Dawson dito. Nag-init ang pisngi nito na hindi maikubli ang pagsilay ng ngiti nitong lalong ikinangingiti ni Dawson na nakamata dito.
"Totoo?" pabebeng tanong nitong ikinalapad ng ngiti ni Dawson.
"Yeah, totoong totoo," anas ni Dawson na yumukong siniil ito sa mga labing napapikit na yumapos sa batok nito at buong pusong tinugon ang halik nito!
Ngayon ay damang-dama na niya ang mainit, malambot at mabangong mga labi ni Dawson. Na sigurado siyang hindi na ito panaginip kundi totoong nandidito ang binata na ngayo'y kahalikan niya.
Tumulo ang luha nito habang patuloy silang masuyong naghahalikan habang magkayakap. Luha na dala ng labis-labis na tuwang nadarama. Hindi niya tuloy maiwasang umasa na may gusto din sa kanya si Dawson.
"Uhmm. . . D-Dawson." Putol nito sa malalim at matagalang halikan nila.
Kapwa naghahabol hininga ang mga itong may ngiti sa mga labing nakatitig sa isa't-isa.
"Let's continue it inside our room, tart." Malanding bulong ni Dawson ditong impit na napairit.
Natawa naman si Dawson na inakbayan na itong pumasok ng bahay. Napapalapat ng labi si Angelo na hindi maiwasang makadama ng kilig at pananabik habang magkayakap sila ni Dawson na umakyat ng silid nito. Damang-dama na nga nito ang palakas nang palakas na kabog ng kanyang dibdib.
Pagpasok nila ng silid ay napayakap si Angelo ditong ikinatigil ni Dawson na pasimpleng ni-lock na ang pinto.
"Is everything okay, tart?" bulong nito na ikinatingala sa kanya ni Angelo.
Malamlam ang kanilang mga mata na napatitig sa isa't-isa at kita ang kakaibang kinang sa mga iyon. Napahaplos naman si Angelo sa pisngi ni Dawson na nangingiting nakatunghay dito.
Dama nito ang pangangatog ng mga tuhod at ang pabigat nang pabigat niyang paghinga habang nakamata kay Dawson na para siyang hinihipnotismo sa lagkit at tiim ng pagkakatitig niya dito.
"Angelo," sambit ni Dawson na napaawang ng labing napunta doon ang hintuturo ni Angelo na marahang hinahaplos ang ibabang labi nito.
"D-Dawson. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito sa'yo pero. . .pero gusto kong malaman mong. . . g-gusto kita. G-gusto na kita, Dawson--uhmm."
Napapikit itong napangiti na hindi na pinatapos pa ni Dawson ang kanyang iba pang sasabihin at sinakop na ng isang mainit, malalim at masuyong halik ang mga labi nito!
Bawat paghagod ng mga labi ni Dawson dito ay kanyang sinasabayan. Napapahaplos na rin si Dawson sa kanyang baywang na ikinaiinit nito lalo at naghahangad ng higit pa sa pinagsasaluhan nilang halik!
Kusang napapulupot ito ng mga binti sa baywang ni Angelo nang kargahin siya nito at sumapo sa pang-upo nitong dahan-dahang naglakad hanggang sa lumapat na ang likuran nito sa kanyang kama!
"D-Dawson."
"Do you trust me, tart?"
"O-oo."
"Can I own you tonight?"
Napalunok si Angelo na hindi na rin mapigilan ang bugso ng damdamin para sa binatang nakapaibabaw sa kanya!
"Angelo?" untag nito ba halos pabulong.
"S-sige."
"Are you sure?" nahihirapang anas ni Dawson na ikinatango nito. "Look at me, tart."
Parang batang napasunod ditong sinalubong ang mapupungay na mga mata ng binata. Lalo itong natatangay na napahaplos sa pisngi ni Dawson. Katulad nito ay mabibigat na rin ang paghinga nito at kita ang pananabik at pagnanasa na nakalarawan sa mga mata nito.
"Are you really sure about this, tart? Once I claim you? You are mine now."
Napa-smack kiss dito si Angelo na ngumiti sa binata. "O-oo."
Napangiti si Dawson na napapisil sa baba nito at pilit sinalubong ang mga mata ni Angelo na napapaiwas ng tingin sa kanya. Nagniningning ang mga mata nito na nakamata sa dalagang pinamumulaan ng pisngi at kitang nahihiya sa kanya.
"Gusto kita, Angelo. Handa ka bang. . . magtiwala sa akin, hmm?" seryosong wika ni Dawson na ikinalunok nitong nakamata sa binatang bakas ang kaseryosohan sa mga mata nito.
Parang may sariling pag-iisip ang kamay nitong napayapos sa batok ni Dawson na sinalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa kanya.
"G-gusto din kita, Dawson. Gustong-gusto. Handa akong. . . magtiwala sa'yo." Mga katagang kusang lumabas sa mga labi nito na siya na ang umabot sa mga labi ni Dawson.
Napapikit itong nakikipag sabayan sa kapusukan ni Dawson. Maging ang mga kamay nito ay naglalakbay na rin sa kanyang katawan na ikinaiinit lalo ni Angelo!
Sunod-sunod itong napalunok na napatukod ng tuhod si Dawson sa magkabilaang gilid nito na . . . hinubad ang polo nito! Awang ang labi na napasunod ito ng tingin sa binatang dahan-dahang yumukong siniil siyang muli sa kanyang mga labi!