Nakita niya ang mga tingin ng kapatid sa kaniya. Hindi mabatid kung galit o hindi hanggang sa agawin ni Shane ang pansin niya. "Baka matunaw kayong magkapatid sa mga tinginan ninyo?" anito sa kaniyang tabi habang abala ito sa pagsubo sa anak nito. Ibang-iba na talaga ito. Bukod sa pagbabagong pisikal ay maging sa personalidad nito. Noon ay wala itong pakialam ngayon ay hands on sa anak nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti habang nakatunghay ito sa paslit. Bagay na muling napansin ni Shaina. "Kaya dapat, humanap ka na rin ng babaeng magbibigay sa'yo ng anak," hirit nito. Muli siyang napangiti nang maalala si Althea. "Mukhang meron na, sa ngiti mong iyan?" gagad ni Shain dahilan para matigilan siya. Napaisip tuloy siya kung si Althea na ba ang babaeng magbibigay sa kaniya ng anak.