"Sir?" tinig na gumambala sa kaniya. Noong una ay inakalang dinadaya lamang siya ng pandinig hanggang ulitin nito ang pagtawag sa kaniya. Nang mapansin ang babaeng nakatayo sa harapan ay agad na pinunasan ang luhang naglandas sa kaniyang pisngi. Saka mabilis na binalik sa ayos ang suot na sunglasses. "What are you doing here?" tanong sa assistant. "Sorry Sir, pinapatanong lang ni Mrs. Cariaso kung hindi pa po ba kayo uuwi? May family dinner daw kayo," saad nito. Doon ay tumingin siya rito at nakitang napansin naman nito ang pagtingin kaya nagyuko ito. "Thank you but it's out of your work already. You can go home, I know you're going to bring your Aunt home from the hospital," tinig nito. Doon ay tumingin din siya sa boss. "Okay, Sir," aniya na akmang tatalikod na nang magsalita ito.