bc

Defective CEO Series 1: His Revenge

book_age18+
7.7K
FOLLOW
50.8K
READ
revenge
pregnant
aloof
CEO
drama
bxg
office/work place
enimies to lovers
virgin
assistant
like
intro-logo
Blurb

He’s aloof but hot!

He’s handsome but defective!

His revenge, her love.

He plans his bittersweet revenge to his elementary rival, Althea Lacsamana.

“Bata pa ako noon Wynn, hindi ko alam kung ano ang ginagawa at sinasabi ko. Masaya ka na bang nakaganti ka na? Grabe! Saya sinampal-sampal mo na lang ako hindi iyong pinaasa mo akong may pag-asang maging tayo,” masasakit na katagang nanulas sa labi ni Althea kasabay ng paghakbang papalayo sa lalaking pinakaiibig ngunit siyang nagwasak sa kaniyang unang pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Beautiful Encounter
"Good to see you, Mr. Hermosa. Hopefully, by this time, you have good news." Lakad ni Wynn patungo sa kaniyang desk. Kararating lang niya mula sa isang meeting sa labas. Kakatapos lang ng meeting niya nang tumawag ang kaniyang sekretarya upang ipaalam ang pagdating nito. "Same here Mr. Garcia," wika naman nito sabay lahad sa kamay. Agad naman iyong kinuha at sa kabilang kamay nito ay ang isang brown envelop. Mukhang napansin nitong nakatingin siya sa hawak nito kaya hindi na rin ito nagpaligoy-ligoy pa. "Yes, finally. I have the information you need," anito sabay taas sa hawak at lapag sa harapan. Doon ay napangiti siya. Agad na binuklat iyon. Matapos ng limang buwan na paghahanap nila kahit papaano ay nagbunga rin. Nang makita ang ilang larawan ay biglang sumikdo ang kaniyang puso. Iba't ibang anggulo, iba't ibang lugar. Nang mapansin na nakatingin sa kaniya ang inutusang imbestigador ay agad na binalik ang mga larawan at kinuha ang papel na kinaroroonan ng ilang impormasyon sa taong kaniyang pinahanap. Nang makontento siya agad na nilabas ang cheque book at binigay rito ang huling bayad. He gives him a bonus for a job well done. "Thanks, Mr. Garcia. Any time you need my service. Just call me," anito bilang pagpapaalam. Hinintay niya munang makalabas ito bago niya muling binalikan ang mga larawang binalik sa envelop. Nilatag iyon sa mesa upang mapagmasdang mabuti ang babaeng nasa larawan. Nagawa pa niyang tanggalin ang kaniyang sunglass. Maganda ang babaeng nasa larawan. Simple lang din ang pananamit nito. Hanggang sa pukawin ng pansin ang close up photo nito. Para siyang nahihipnotismo sa larawang iyon. Ngunit hindi maikakailang ang babaeng nasa larawan ay ang unang babaeng nanakit sa kaniya. Muli ay naalala ang mga masasakit na salitang binitawan nito noon. Tumayo siya saka tumanaw sa salaming dingding ng kaniyang opisina. Labimpitong taon na ang nakakaraan pero sariwa pa ang sugat na iniwan ng babae. Marahil ay dahil noon pa man ay may paghanga na siya rito kaya masyado siyang nasaktan sa mga panlalait ito sa kaniya. Sa pagtanaw sa salaming dingding ng opisina. Tanaw ang kalakhang Manila pero sa salaming iyon, nabanaag ang kaniyang repleksyon. Mata sa mata. Hindi nito maipagkakaila ang maliit niyang depekto. Guwapo siya pero para sa iba, abnormal pa rin siya dahil sa kaniyang kondisyon. Matagal tinitigan ang sarili. Hanggang sa marinig ang tinig sa kaniyang pintuhan. "Excuse me, Sir, Miss Castro is here," dinig na wika ng sekretarya. Agad na bumalik sa mesa at hindi tumitingin sa sekretarya. Sinuot ang kaniyang sunglasses. "Oh God! Bakit ba ang istrikto ng sekretarya mo?" gilalas na sungaw ng babae. Hindi pa man nasasagot si Mrs. Cariaso ay pumasok na ito. Pinigilan pa rin ito ng matandang sekretarya. "It's okay, Mrs. Cariaso. Thank you," aniya rito. Isa ito sa nagustuhan niya rito dahil bukod sa efficient sa trabaho ay kaya nitong kontrolin ang mga taong napasok sa loob ng opisina niya gaya ni Glydel. Napakunot-noo ito habang nakatingin sa ibabaw ng desk niya at doon ay nakita kung bakit. Agad na hinakot at nilagay sa drawer niya. May pagtatanong na tumingin ito pero hindi siya nagsalita bagkus ay umupo at hinalungkat ang files na kailangan niyang pirmahan. Nang makitang hindi nakilos o nagsasalita ang babae sa harap ng desk at tumingin siya rito. Nakatitig lang ito sa kaniya. "What brought you here?" malamig na tanong rito. Matagal na niyang alam na gusto siya nito pero ayaw niyang patulan. Bukod sa hindi niya tipo ito ay gustong-gusto ito ng nakababatang si Winser. Muling binalik ang tingin sa papeles ngunit ni isang salita ay wala pa ring namutawi sa labi ng babaeng kausap. Kaya tuluyang binaba ang ballpen na hawak saka tumitig rito. "Are you alright, Miss Castro?" pormal na tanong nito. Doon ay tumitig sa kaniya saka naglakad papalapit sa desk niya. "Who is she?" maang na tanong nito. Nakitang tila gusto nitong maiyak. Ito ang ayaw niya, iyong hindi pa niya kasintahan pero nagseselos na. "I'm sorry, Miss Castro but it's not your business. I don't want to be rude but as you can see I'm busy," aniya sa babae. Doon ay tumayo ito, akala niya ay aalis na pero naglakad ito patungo sa kinauupuan. "Bakit Wynn?" pagaralgal na boses nito tanda na naiiyak na talaga ito. "Bakit hindi mo ako magawang mahalin?" "Stop this, Miss Castro," awat rito. Ayaw na ayaw niyang may babaeng umiiyak sa harapan niya. "No! I can't, mahal na mahal kita," sambit nito habang sapo ang mukha nito. Glydel was fragile, very vulnerable. He doesn't want a woman that is weak and soft. Bumuntong hininga siya saka hinawakan ang balikat nito. Kahit papaano ay concern naman siya rito. Malaking kliyente rin nila ang ama nito sa kaniyang negosyo. "I'm sorry but I don't want to hurt you. I like you but as a sister that I never had. I am sorry but—" putol niya nang may maulinigan silang nagsalita sa may pintuhan. "Anong ginagawa mo sa kaniya, Kuya?" matiim na tinig ng kapatid. Nabigla rin ang babae sa pagdating ng kapatid niya. Nabalot ang tensyon sa pagitan nilang magkapatid na palagi namang nangyayari sa tuwing nagkakasama sila. Lumapit ito sa kinatatayuan nila ng babae. "Don't tell me—" "I didn't do anything if you excuse me. I have a lot of things to do and Miss Castro, you may leave," malamig na tinig saka bumaling sa kapatid. "You too," turan saka umupo at pinagpatuloy ang ginagawa. Kita sa gilid ng mata ang matiim na titig ng kapatid pero wala na siyang pakialam pa. Wala siyang ginagawang masama. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ng babaeng nagpupunas ng luha at hinila ito papalabas ng opisina niya. Nakatingin siya sa mga ito, batid na gustong-gusto ng kapatid si Glydel. Nang biglang pumihit ang kapatid at nagtama ang mga tingin nila. Walang nais maunang bumawi ng tingin. Bakas ang galit sa mukha nito pero hinayaan na lamang hanggang sa makitang pasara na ang pintuhan niya. Nang makawala ang mga ito ay napasapo siya ng mukha. Matagal din siyang nasa ganoong posisyon nang muling agawin siya ng pagtawag ng sekretarya. "Sir, there is an applicant here," anito. Doon ay naalalang nagpapahanap siya ng assistant. Masyadong marami siyang ginagawa at gusto niya iyong may nadadala siya sa mga meetings niya sa labas upang ayusin ang gamit at mag-take note sa mga napag-uusapan nila ng kausap. He wants someone to take emergency calls if he is in a close-in meeting. Mabilis na inayos ang kaniyang salamin. "Let her in," utos rito. Maya-maya ay may nakasunod na babae na tila kagagaling pa sa pag-iyak dahil bahagyang nagkalat ang maskara sa mata nito. Habang papalapit ang babaeng nakasunod sa sekretarya ay tila lumilinaw sa paningin na ito ang babaeng nasa larawang binigay ng imbestigador na inupahan. Mabuti na lamang at may suot na salamin at hindi nito kita ang kaniyang mga matang matiim na nakatitig sa mamula-mula nitong mata. Gayun pa man ay hindi pa rin maikakatwa ang ganda nito kahit kalat ang make up. Maganda ang araw ni Althea, nagawa pa niyang gamitin ang make up na binigay ng kaibigang si Liz. Maganda ang nakapaskil na ngiti sa labi habang papasok sa kanilang opisina. Marami ang nakatingin sa kaniya, inakalang baka naninibago lang dahil ngayon lamang siya ulit nag-ayos ng sarili. Hanggang sa marinig ang bulungan ng marami at nadagdagan pa ng lumabas sa opisina ang kanilang supervisor na si Mrs. Asero. Pormal ang mukha habang may hawak itong papel. "Nagbaba na ng memo ang itaas. I am sorry but some of you are not part of the company anymore," wika nito. Bigla ay kinabahan si Althea. Dalawang linggo na ang bulong-bulungan tungkol sa pagbabawas ng kompaniya nila dahil sa malawakang krisis. Panay ang dasal niya na hindi siya isa sa matatanggal dahil hindi siya handa. Hanggang sa marinig ang pangalan sa binasa ng kaniyang supervisor. Halos gumuho ang mundo niya. Ang magandang ngiti ay nabalot ng agam-agam. Unti-unting napalis ang saya sa mukha at napalitan ng lungkot kasabay ng pagtulo ng luha niya. Limang taon din siya sa kompaniyang iyon. Maganda ang performance niya at sa loob ng limang taon ay talaga namang ginawa ang lahat upang magampanan ang trabaho. Hindi lang naman siya ang natanggal pero para siyang nagluluksa sa sinapit. Siya lang naman ang bumubuhay sa mga magulang niya. Ngayon pa talaga siya mawawalan ng trabaho kung kailan may nasisilip na siyang pag-asa na gumaling ang ina matapos ang halos isang taon nito sa physical therapy. "I'm sorry but I have no control over the situation. If you have a question regarding the memo I suggest to formally send a letter to the management. You may get your last p*****t and your back pay at the HR department. Thanks you," turan ng supervisor. Batid namang nakikisimpatiya ito sa kanilang nawalan ng trabaho pero hindi maibsan noon ang alalahanin sa isipan niya. Nang lingunin ang mga katrabaho ay ganoon din ang reaksyon ng mga ito. Sino ba namang matutuwa kung isang araw ay wala ka ng trabaho. "Okay ka lang ba girl?" untag ng isa sa katrabaho. Isa rin ito sa natanggal. "Paano na ito?" hindi mapigilang turan. Alam kasi nito ang kuwento ng buhay niya. Kaya ganoon na lamang ang pakikisimpatiya nito sa kaniya. "Gusto mo bang sumama sa akin. Sabi ng Tita ko ay may hiring daw papuntang Dubai," yakag nito. Maganda sana ang offer nito pero sino naman ang titingin sa magulang niya. Ngayon medyo nakakagalaw lang ang ina pero hindi pa lubusang magaling. Ang tiyahin naman ay abala sa pwesto nito sa palengke. Mula kasi nang kunin sila nito ay tumigil na ito sa pangangatulong at pinasyang magtinda na lamang ng isda sa palengke gamit ang konti nitong ipon. Tumandang dalaga kasi ito at ito lamang ang tanging kapatid ng ina. Nang mapansin ng kausap ang kaniyang mukha ay napakuha na nito ang sagot niya. "Sorry ha? Hindi mo nga pala maiwan sina Tito at Tita," saad nito nang maalala ang kondisyon ng kaniyang mga magulang. Tumango na lamang siya. "Sasama ka ba? Kukunin na namin ang sahod at back pay," wika nito. Wala na siyang nagawa kundi ang sumama rito. Ano pa nga bang laban nila dahil contractual lamang sila at maswerteng umabot ng limang taon dahil sa good performance sa kompaniyang iyon. Pagdating sa HR ay may kahabaan ang pila. Hindi lang kasi sa hanay nila bilang IT specialist kundi ilang manggagawa rin ng kompaniya. Nakapanlulumo dahil sa krisis ay kailangan silang pakawalan ng kompaniya. Nang matanggap ang ang kanilang pera ay agad na nilisan ang kanilang gusali. Para siyang tanga habang buhat ang ilang gamit niya sa kaniyang desk. Iyak siya ng iyak at wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong. Isipin pa lang na magsisimula siyang muli ng panibago ay tila kay hirap na. Kahit umiiyak ay gumagana ang utak sa pagkalkula kung hanggang kailan aabot ang perang nakuha sa kompaniya nila. Dahil sa tindi ng emosyon ay nanlulumong naupo sa gilid ng daan. Kung hindi lang siguro maayos ang suot niya ay iisipin ng mga taong namamalimos siya o baka iniisip na ng mga itong baliw siya. Pinagsilahop ang dalawang palad sa mukha saka umiyak. Mga ilang minuto rin siyang nasa ganoong posisyon nang magtaas siya ng tingin at nakita ang isang babaeng nagdidikit ng tila isang poster sa posteng nasa tapat ng magara at modernong gusali. Mas lalong nanlaki ang mata ng makita ang nakasulat sa dinidikit ng babae. Wanted assistant to the CEO. Urgent! Apply Now! Mabilis na pinunas ang luha at muling binasa. Hindi siya namamalikmata lamang. Agad na tumayo at lumapit sa babae. "Hello—" "Ay, santisima!" gilalas nito sa kabiglaan. "Sorry, Ate, itatanong ko lang sana iyang idinidikit mo?" wika rito at doon ay lumingon ang babae at sa hitsura ay nagulat sa kaniyang hitsura. "Gusto mo bang mag-apply, Ineng?" tanong nito sa kaniya. "Opo," mahinang sambit. Mukhang tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at saka tumingin sa hawak niya. "Nasisante ka ba?" tanong ulit nito. "Hindi po, nakaroon lang po ng lay off sa kompaniya namin," magalang na turan sa ginang. "Oh siya, pasok ka na kung gusto mong mag-apply. Ipapakilala kita kay Mrs. Cariaso," wika nito. Napangiti siya. Naisip niyang, mabuti naman at babae ang magiging boss niya. Agad na sumunod sa baba papasok sa modernong gusali. "Pwede mo munang iwan ang gamit mo rito," saad pa nito sa may information desk. Agad siyang tumalima. Maging ang nasa information ay nagulat sa hitsura niya. Nang makabalik sa kinaroroonan ng ginang ay tinuro nito ang isang hallway. Napatingin siya rito at alanganing nagtanong. "Hindi niyo po ba ako sasamahan?" tanong rito dahil sabi nito kanina ay sasamahan siya sa magiging boss niya. "Papunta iyan sa banyo, Ineng, maghilamos ka na muna at mukhang natakot sa hitsura mo," anito na nakangiti. Agad siyang ngumiti rito at tinungo ang tinuro nito. Nang makarating doon ay maging siya ay halos natakot sa sariling repleksyon. Kalat na ang maskara sa buong paligid ng mata. Hirap siyang tanggalin pero kahit papaano ay umayos naman ang hitsura niya. Nang balikan ang ginang ay nakangiti na ito ng maluwag sa kaniya. "See, ang ganda-ganda mo pa naman. Halika na at sabi ni Mrs. Cariaso ay nandiyan na si boss," wika ng ginang. "Po?" sabad rito. Buong akala ay si Mrs. Cariaso na ang kaniyang magiging boss. "Ayaw mo ba?" alanganing tanong nito. Bigla siyang natauhan. Kailangan niya ng trabaho kaya hindi pwede sa kaniyang maging choosy. Agad na sumunod rito at kumatok. "Pasok," tinig ng babae. "Mrs. Cariaso, may applicant doon sa pinapahanap ni Sir," turan nitong nakasungaw sa pintuhan. "Papasukin mo na Melinda," tinig buhay sa loob. "Oh, Ineng, ikaw na bahala at babalik na ako sa trabaho ko. Mabait naman iyang si Mrs. Cariaso," wika ng ginang at umalis na. Pagpasok ay nakita roon ang tinutukoy nitong Mrs. Cariaso. Mataas ang ginuhit nitong kilay na tila San Francisco bridge. May katandaan ito pero dinaig nito ang kanilang school principal sa taray ng hitsura nito. Napalunok siya saka napangiti. 'Buti na lang pala, hindi siya ang boss ko,' aniya sa isipan. "Kumusta naman, hija?" tinig nito. Mas lalong lumuwag ang ngiti sa narinig rito. Mukha lang palang mataray pero mukhang mabait naman yata. "Okay naman po, Ma'am," magalang na wika rito. Tumawa ito. Halata na sa mukha ang katandaan nito. "May nakakatawa po ba, Ma'am?" tanong rito. "Wala naman, hija. Natawa lang ako dahil ikaw pa lang ang tumawag sa akin niyan," wika nito saka tumingin sa kaniya. "Alam mo naman na siguro ang magiging trabaho mo kung sakali?" tanong nito. "Hindi pa po. Nabasa ko lang na urgent hiring kayo para assistant ng boss niyo," aniya rito. Muling tumawa ito. Tila nakakatawa ang kaniyang sinabi. "Magiging boss mo rin kung papasa ka sa kaniya. Mabait naman iyang si Sir Wynn," dagdag pa nito. "Sir Wynn," ulit niya. "Yes," wika nito. "Halika at ipapakilala kita," yakag nito matapos tumayo at tinungo ang isang pintuhan. Kumatok ito sabay sungaw ng ulo. "Sir, there is an applicant here," dinig na wika nito. "Let her in," baritonong tinig ng lalaki. Bigla ay kinabahan si Althea. "Go!" bulong ni Mrs. Cariaso pero hindi siya nakakilos bagay na napansin nito kaya nagpatiuna itong pumasok. Doon ay nasumpungan ang guwapong lalaki habang nakasuot pa ng sunglasses. 'Ano namang trip ng lalaking ito?' aniya sa isipan. Ang lamig ng loob ng opisina nito pero nakasalamin pa na animo'y tirik na tirik ang araw. Nang hawakan nito ang salamin ay akala niya ay tatanggalin na nito iyon pero hindi pala. Hindi tuloy makita ang buong mukha nito. Ngunit sa nakikita ay batid niyang ang guwapo ng kaniyang magiging boss. Sa loob ng madilim na salamin ay ang titig ni Wynn sa babaeng ngayon ay nasa harapan na niya. Maganda si Althea. Kawangis nito si Bianca Manalo at balingkinitan ang katawan. "Sir? S—Sir Wynn," untag ng sekretarya sa kaniya. Nabigla siya nang makitang nakalahad na pala ang palad ni Althea sa kaniyang harapan. Nahihiyang ngiti ang pinakawalan ni Althea nang makitang tila bulag at bingi ang magiging boss. Dahil sa madilim nitong salamin at hindi paggalaw nang magpakilala siya rito. "Nice to meet you, Miss. Lacsamana," pormal na tinig nito sabay gagap ng palad niya. Bagay na kinagulat niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.1K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

My Husband's Mistress

read
300.8K
bc

Mr. Childish

read
203.5K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook