Nang makalapit si Althea sa boss na sapo ang mukha ay hindi niya ito maiwasang titigan. Umiiyak ito kahit pigil at kontrolado ang boses. Hanggang sa mapadako ang tingin sa papeles na nasa harap nito. Sa ibabaw noon ang isang ballpen na tila pipirmahan iyon pero naantala sa pagdating ng kapatid nito.
Doon ay napatingin siya sa pangalang naroroon.
Noong una ay tila namamalikmata lamang siya kaya kinusot pa ang mata saka muling tumitig sa boss. Saka binaba sa mesa ang tingin ngunit iyon pa rin ang pangalang nababasa. Sherwin Araneta Garcia.
Bigla ay kinutuban siya na hindi malaman.
Hindi napigilan ang pagdaloy ng alaala ng kahapon. Sa pagbabalik tanaw ay muling naghari ang pagsisisi sa kaniyang kalooban.
"Hoy girl! Bilis na mali-late na tayo. Ayaw kong ma-late at baka maungusan pa ako ni Sherwin," sigaw niya sa kababatang si Daniela.
"Sus! Maungusan daw! Alam ko na Thea ang sekreto mo," kantiyaw nito sa kaniya.
"Anong sekreto?" maang-maangang turan.
"Iyong nasa Science notebook mo," ngisi ng kaibigan. Naalala niyang hiniram nga pala nito ang kaniyang kuwaderno. Doon ay naalala ang ginawang flames hope sa pangalan nila ni Sherwin. "Ayeeeeh!" tudyo pa nito sabay takbo patungo sa silid aralan nila.
Bigla ay nahiya siya sa nalaman ng kaibigan kaya natigilan siya. Maya-maya ay sumigaw ang kaibigan sa may pintuhan ng silid aralan.
"Althea bilis, nandito na si Sherwin. Baka maungusan ka!" ngiting sigaw ng kaibigan sa kaniya. Halos patakbo rin siya upang suwayin ang kaibigan dahil baka marinig ng lalaki.
"Okay, thank you," rinig nitong wika. Hanggang sa unti-unti itong tumingala nang mapansin nakatayo pa rin siya sa harapan nito. Tila ayaw gumalaw ang mga paa kahit ilang beses diktahan ng kaniyang utak.
Nabigla ito nang makitang umiiyak siya. Hindi niya napigilan dahil muling naalala ang nakaraan. "Sir Wynn," usal niya.
Nakamaang si Wynn nang marinig ang inusal ng bagong assistant. Nagpahid ito ng luha saka tumingin sa kaniya. Tila nang-aarok o kinikilatis siya. Maging siya ay naumid ang dila kung tatanungin ba ito.
Maya-maya ay mabilis itong tumalikod. "Miss Lacsamana," tawag rito.
Napatigil si Althea sa pagtawag na iyon ng boss. Kaya alumpihit na bumaling rito. May mga tanong sa kaniyang isipan. Kung nakilala ba siya nito o hindi. Hindi siya maaaring magkamali. Ang boss niya ay ang unang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso. Ang lalaking minsang pinasakitan dahil sa kaniyang pagiging makasarili noon.
Sa isipang iyon ay muling sumungaw ang luha kahit ilang beses niyang pigilan. Tumikhim siya saka mabilis na pinunas ang luha. "Y—yes Sir?"
Sa pagkakataong iyon ay si Wynn naman ang natigilan. Lalo na nang muling magtubig ang mata nito dahil muling naluluha. "A—are you okay?" apuhap na sambit rito.
Mas lalong bumalong ang luha sa mata ni Althea. Tumango-tango siya sa boss saka mabilis ang hakbang papalabas. Nang nasa pintuhan ay nilingon ang boss na nakayuko sa papeles kung saan nakita ang buo nitong pangalan. Hanggang sa magtaas ito ng mukha. Hindi man kita pero batid na nakatitig ito sa kaniya.
Doon ay mabilis na lumabas sapo ang kaniyang mukha. Nabigla pa si Mrs. Cariaso nang makita siya nito. Ang mataas nitong kilay ang nakataas pa rin kahit naguguluhan sa kaniyang hitsura.
"May nangyari bang hindi maganda?" tanong na nito nang tila nahihimasmasan na siya. Umiling lang siya bilang tugon. "Mukha yatang masyadong emosyonal ang mga nalabas sa opisina ni Sir Wynn," maang pa nitong wika.
Magalang siyang nagpaalam rito upang magpunta sa banyo. Kailangan niyang ayusin ang sarili. Masyado siyang nadala sa kaniyang nalaman. Ganito na maglaro ang kapalaran. Akalain ba niyang magiging boss ang lalaking mahigpit na katunggali noon at minsang pinasakitan dahilan para hindi na ito pumasok pa. Doon niya lang napagtanto kung bakit hindi ito naghuhubad ng sunglasses ay dahil mas maliit ang isa nitong mata.
Muling nasapo ang mukha niya. Saka tumitig sa salamin sa loob ng banyo. "Kilala niya kaya ako?" natanong sa sarili.
Wala na si Althea sa loob ng opisina niya pero nasa babae pa rin ang isip niya. Nababaghan kung bakit ganoon na lamang ang pag-iyak nitong nakatingin sa kaniya. Muling tinanggal ang sunglasses at sinapo ang mukha. Napapaisip sa maaring dahilan ng pagluha nito. Masyado ba itong emosyonal para maiyak sa nakitang hitsura kanina.
Nasa ganoon pa rin siyang aktuwasyon nang kumatok ng kaniyang sekretarya. "Sir, Miss Colminares is here," turan nito.
Agad na sinuot ang sunglasses niya. Saka tumingin rito. Nakakunot ang noo sa sinabi nitong panauhin. "Do I'm going to let her in?" tanong nito.
"Sure, let her in," sagot rito.
Maya-maya ay pumasok sa opisina ang sopistikada at magandang babae. Si Maxine, ang kaniyang dating kasintahan. Ayos na sana ito dahil tanggap nito ang kaniyang depekto at sa totoo lang ay minahal din naman ito. Iyon nga lang ay kabaliktaran ito ni Glydel. Kung ang huli ay very vulnerable at fragile, ito naman ay very intimidating at independent. Bagay na pareho sila kaya palagi silang nag-aaway.
Maxine is like an alpha female type, she wants to dominate him. She wants to drive the relationship they have into what she likes to be. He wants to have kids but Maxine doesn't, she keeps on saying that there is a proper time for having kids. That's what she said but for him, he knows that she's not ready to get pregnant and ruined her figure.
Matamis na ngiti ang nakapaskil sa mapupulang labi nito nang tuluyang makalapit sa kaniyang harapan.
"Good to see you, Wynn. It's been a long time when we last saw each other. Why don't we go out tonight?" turan nito na akala yata ay sila pa ring dalawa.
Nakamaang siyang nakatingin sa dating kasintahan. Hindi pa rin ito nagbabago. Ito pa rin ang kasintahang dominante. Marahil ay napansin nitong napailing siya saka tumitig ito sa kaniya.
Yumukod ito na tila tatanggalin ang kaniyang salamin nang mabilis na pigilan ito. Nagkatitigan sila. Kung noong silang dalawa ay nagagawa nitong kontrolin siya, ngayon ay hindi na. Nakayukod pa rin ito habang hawak ang suot na sunglasses habang siya naman ay hawak ang kamay nito upang pigilan sa nais nitong gawin.
Nang marinig ang pag-ingit ng pintuhan at napabaling doon ng makita kung sino ang pumasok. Ang kaniyang bagong assistant na noon ay natigilan sa kanila ni Maxine.
Katatapos lang ng break time ni Althea nang balingan siya ni Mrs. Cariaso. "You have to inform him about his meeting with Mr. Lucas. We reschedule this meeting," paalala nito.
Agad na sinipat ang relos may trenta minutos pa naman. Ngunit kabilin-bilinan ni Mrs. Cariaso na thirty minutes prior to his appointment ay kailangang ma-inform ito.
"Pero nandiyan pa—" putol na wika nang sumabad si Mrs. Cariaso.
"To be an effective employee, you must do your work at all costs. Kaya nga siguro ako nagustuhan ni boss. Mukha ko pa lang ay takot na ang mga babaeng gusto siyang masilo," wika nito na nakangiti. Saka tumingin sa kaniya at muling nagsalita. "Don't worry, ex niya lang ang babaeng nasa loob. For sure, ayaw niyang mawalan ng kliyente kung hindi niya sisiputin si Mr. Lucas," turang paliwanag ni Mrs. Cariaso.
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang habilin nito. Agad na tumayo at kumatok sa pintuhan ng boss. Matapos kumatok ay tila hindi narinig ng nasa loob. Luminga siya sa ginang at sumenyas itong pumasok na siya. Doon ay sinunod ulit ito at pumasok nga sa loob ng makita nakayukod ang babae sa boss.
Bigla ay natigilan siya. Maging ang mga ito ay napatigil sa ginagawa at agad na umayos ng tayo ang sopistikadang babae. Humalikipkip na tumitig sa boss saka bumaling sa kaniya. Tila nagtatanong ang mga mata kung sino siya ngunit hindi naman nabukas ang bibig upang sabihin ang pakay sa boss.
Tumikhim si Wynn nang makitang salitan ang tingin ni Althea sa kanila ni Maxine. Habang si Maxine naman ay matiim ang titig rito. "Yes Miss Lacsamana, do you need something?" maang na tanong rito upang mawala ang tensyon sa pagitan ng dalawang babae.
Tumikhim din si Althea upang tanggalin ang bumikig sa lalamunan. Tila kasi nanunuyo iyon dahil sa nagbabagang titig ng babaeng nasa harap ng boss.
"Sir, ipapaalala ko lang po. You have a meeting with Mr. Lucas at two o'clock," turan dito.
Nakakunot ang noo ng babae. "Isn't Mrs. Cariaso is your secretary?" maang na baling na turan nito sa boss.
"Yes, still. She's my assistant," turan niya tukoy sa babaeng nakatayo sa may pintuhan. Kita ang mapang-usisang titig ni Maxine kay Althea habang abala sa paghahanap sa folder kung saan naroroon ang ilang papeles na kakailanganin niya para sa meeting kay Mr. Lucas.
Pipihit na sana palabas si Althea dahil hindi na makayanan ang tensyon sa loob ng opisina ng boss nang tawagin siya nito.
"Miss Lacsamana can print a copy of this," abot nito sa folder kung nasaan ang ilang papeles na papapirmahan kay Mr. Lucas.
Agad na humakbang si Althea papalapit sa desk ng boss kahit nakatingin pa rin sa kaniya ang babae. Inabot ang binibigay ng boss nang matapat ang tingin sa babae at nagkatitigan sila. Masyadong malakas ang dating ng babae, idagdag pang tila galing ito sa may kayang pamilya kaya siya ang unang nagbaba ng tingin. Saka tinungo ang pintuhan.
Nang mawala ang assistant ay agad siyang binalingan nito. "Is she really your new assistant or new—"
"Don't start Maxine, remember. We're done," malumanay na wika rito.
"But Wynn—" hirit pa sana nito nang tumayo na siya.
"I'm sorry but I have a meeting to attend. Good to see you again," aniya rito saka naglakad.
"I—I still love you," dinig na wika nito. Doon ay napahinto siya saka nagpamulsa. Sayang lang dahil wala na siyang nararamdaman dito. Walong buwan siyang walang balita rito. Tapos babalik at sasabihing mahal pa rin siya nito.
"Do you want me to believe in that? Maxine, you said you find someone better than me. Then here you are saying that you still love me? Are you sure?" sarkastikong wika rito.
Muli siyang hahakbang nang muli itong magsalita. "I know, you still love me. Right?" kumpiyansang sambit nito.
Doon ay lumingon siya sa dating kasintahan. Yes, physically she's a perfect girlfriend but being a long time partner, she doesn't fit.
Ganoon pa rin ito. Hindi nagpapatalo, hindi nagpapasilong kaninuman. "I know that you're an independent woman. Strong personality so I guess you can handle if I will say—" putol niya at nag-iisip kung deseretsahin na niya ito.
Nakitang tila naghihintay ito na ituloy niya ang sinasabi dahil matiim ang pagsalubong nito sa kaniyang mga tingin.
"If I will say, I don't love you anymore," tahasang turan dito.
Nakita niyang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Akala yata niya ay tatanggapin ito ng buong-buo matapos siya ipagpalit nito sa iba.
Doon ay mabilis na binuksan ang pintuhan at nakitang napatingin ang dalawang babae. "Let's go," yakag kay Althea.
"Wynn," tawag sa kaniyang likuran at nakita roon si Maxine.
"I'm sorry Maxine but as you can see, we're busy. And by the way, I'm dating someone," turan dito nang maalala ang pagpayag kay Glydel. Baka doon ay matauhan ito at hindi na mangulit pa.
Nabigla si Althea sa narinig sa boss. Gusto niya sanang matuwa sa kaalamang ayaw na nitong makipagbalikan sa babae pero mukhang may iba naman na itong kinahuhumalingan.
Bakas sa mukha ng dating kasintahan ang pagkadismaya sa sinabi. "Let's go," muling yakag sa assistant na natitigilan.
Kipkip ni Althea ang folders at kaniyang note. Nasabi ni Mrs. Cariaso na sa opisina ni Mr. Lucas sila tutungo dahil dapat ay kahapon sana ang meeting nila sa opisina ng boss pero nagpa-reschedule ang boss kaya bilang pabor ay sa opisina naman nito.
Tahimik na tahimik si Althea at pinapakiramdaman ang boss. Hindi niya napaghandaan na sasakay pala siya ng sasakyan nito nang makita itong tumayo sa may pintuhan tapat ng driver's seat. Siya naman ay hindi malaman kung saan uupo. Sa likod o sa tabi nito sa harap ngunit nanaig ang isipang sa likod kaya agad niyang binuksan ang pintuhan sa likuran nang tumingin ito. Hindi tuloy siya natuloy sa pagpasok.
"Seat next to me," baritonong tinig nito. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang tumitig rito. Hanggang siya rin ang unang nagbawi ng tingin saka tinungo ang harap. Mas lalo tuloy hindi malaman ang gagawin dahil iba ang pakiramdam sa sandaling iyon.
Nakikiramdam din si Wynn sa babaeng katabi. Panay ang lingon nito sa labas ng bintana dahilan para may pagkakataon siyang tignan at pagmasdan ito.
Ibang-iba na talaga ito sa dating Althea na kilala niya. Napatingin siya sa kamay nito at nakita roon ang peklat. Nakatingin siya doon nang bumaling ito. Mukhang napansin nakatingin siya sa marka nito sa kamay kaya pasimple nitong tinago.
"Anong nangyari diyan?" maang na tanong saka binaling sa harapan ang tingin.
"Nag-malfunction ang machine sa pabrikang pinasukan ko noon. Nahagip ang kamay ko," tugon nito saka tumingin sa labas.
Napakamit si Wynn sa manibela sa narinig. Mukhang marami itong pinagdaanan sa makalipas na labimpitong taon nilang hindi nagkita.
Nakiramdam si Althea sa magiging reaksyon nito. Iniisip ba nitong mabuti lang ang nangyari sa kaniya dahil karma na niya sa panglalait dito noon. Muli ay sumagi sa isipan ang panlalait dito. Napangiwi siya habang pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha niya. Siguro nga ay karma na niya ang lahat ng mga nangyayari sa kaniya.
Napansin ni Wynn ang panaka-nakang pagsinghot ng kasama kasabay ng pagngiwi nito. Hindi kita ang mukha nito pero batid niyang tila umiiyak ito. "Are you okay?" hindi napigilang tanong rito.
"I'm good Sir," tugon niya pero hindi lumingon dito. Hanggang sa maramdaman ang pagtigil ng sasakyan nito. Buong akala ay nakarating na sila kaya kinipkip ang folder at ang kaniyang note pad.
"Leave those papers, we're going to eat first before we go," anito sa kaniya.
Napakunot noo siya. "Tapos na po ako Sir, kayo na lang," aniya upang makaiwas rito.
"Nope, you're coming with me. Have some dessert if you want," giit ni Wynn sa kaniya. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang sumunod rito. Kita ang likod nito at batid na malayo na nga ang narating ng lalaking mahigpit niyang kalaban noon. Ibang-iba na ito, habang siya ay naiwang talunan.
Sa isiping iyon ay muling nanubig mga mata. Papahirin sana iyon nang biglang lumingon ito.
Nabigla si Wynn nang makitang nakuha si Althea habang nakasunod sa kaniya. "If you don't want, you can go back to the car," alanganing wika rito.
Hindi malaman ni Althea kung bakit tila minu-minuto ay gustong tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"No Sir, I'm good," turan rito saka pinilit ngumiti.
"Are you sure?" pangungumpirma pa nito sa kaniya.
Agad na tumango si Althea at muling sumunod sa boss. Napapaisip si Wynn kung bakit tila gustong umiyak lagi si Althea. Naisip tuloy niyang baka alam na nitong siya ang kababata nito at hinamak-hamak noon makuha lang ang ninanais nitong karangalan.
Pagpasok nila sa isang sosyal na restaurant ay alumpihit lang siyang nakasunod sa boss. Nang igiya sila ng isang waiter sa mesang pandalawahan ay agad siya nitong pinaghila ng upuan. Nahiya tuloy siya. "Thank you, Sir." Ngiti niya saka yumuko.
"What do you want to eat?" tanong nito kaya muli ay nagtaas ng mukha.
"Tapos na ako Sir," ulit rito.
"Okay, dessert then?" segunda pa nito.
Hindi alam ni Wynn kung ano ang nararamdaman sa sandaling iyon. Hindi naman iyon date pero mukhang nagagalak ang puso niya. Hindi lang maipakita kay Althea.
"Ikaw na lang ang bahala Sir," turan dito.
Mula kasi nang mabaldado ang ama at maparalisa ang ina ay biglang gumuho ang magandang buhay nila. Mula rin noon ay hindi na siya nakakapasok sa ganoong kagarang kainan.
"Althe—"
"Sir—"
Sabayang sambit nila saka sila nagtinginan. Hanggang sa tuluyang nag-ulap ang mga mata ni Althea. "I'm sorry," turan.
Naguguluhan si Wynn sa kinikilos ng assistant. Lalo na nang marinig nito ang paghingi nito ng tawad.