Chapter 2: Her New Job

2501 Words
Nagitla si Althea nang sabihin ng magiging boss ang pangalan niya. Naalalang hindi nga rin nasabi sa kasamang si Mrs. Cariaso. Kaya napatingin siya rito at pilit inalala kung nakita na ba niya ito o hindi. Napansin ni Wynn na natigilan ang babaeng nasa harapan nang banggitin ang apelyido nito. Maging siya man ay nabigla rin. Marahil sa bilis nang pangyayari at tadhana na rin ang naglapit sa kaniya rito. Hanggang sa mahagip ng mata ang nakabitin pa nitong ID. "N-nice to meet you too, Sir? How did you know—" putol na wika ni Althea nang sumabad si Wynn. "I saw it in your ID," simpleng turan at doon ay nakitang napamaang ito at napanganga ng bibig ng bahagya. Hinawakan nito iyon at saka ngumiti sa kaniya. Pinag-aaralan niya ang kilos nito. Mukhang nagbago na ito. Kung noon ay ang arte-arte nito, ngayon ay tila isang ordinaryong mamamayan na lamang. Marunong makibagay at napakasimple nito. "You seem you have a job, Miss Lacsamana?" pormal na tanong rito. Doon ay nakitang lumungkot ang mga mata nito. Batid niyang may hatid iyong masamang balita. "Nagkaroon po kasi ng lay off sa kompaniyang pinapasukan ko Sir. Too bad, isa ako sa mga natanggal," nakayukong saad dito. Medyo napangisi siya. Mukhang ibang-iba na nga ito sa twelve years old na Althea noon. Mataray, mapagmataas at maarte. Nakita rin sa ID nitong isa itong IT specialist. "Okay, you may start tomorrow. Go home and rest, you look—" putol na wika saka tumingin sa nakatingin nang babae. "Ano Sir?" lakas loob na tanong rito. "You look terrible," pagtatapos niya. Nakita ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Bigla ay muling sumikdo ang puso nang masilayan iyon. Ngayon niya lang ito nakitang ngumiti. Noon kasi ay pabungad pa lamang siya ay nakabusangot na ito. "Okay, Sir. Thank you, see you tomorrow," nakangiting paalam niya sa magiging amo kahit hindi kita ang buo nitong mukha. Napakunot noo tuloy siya kung bakit hindi ito naghubad man lang ng salamin. Nasa may pintuhan siya nang maalala ang sahod niya. Kailangan niyang malaman dahil baka hindi naman sapat para sa gamutan ng mga magulang. Alumpihit siyang bumalik sa harapan ng boss na abala sa binabasa nang mapansin nito ang presensiya niya. "I thought you've left already, Miss Lacsamana," anito nang mag-angat ito ng mukha. Tumikhim muna siya upang tanggalin ang bumikig sa lalamunan saka ngumiti rito. Sa totoo lang ay nahihiya siyang tanungin ito dahil baka isipin nitong mukhang pera siya. "Yes?" pag-uulit ni Wynn nang hindi pa rin nagsasalita ang babaeng bumalik sa harapan. "Do you—" "Sir, magkano—" Sabayan nilang wika saka sabay na nagkatinginan. Hindi man kita ang mata ng boss ay batid niyang nakatingin ito sa kaniya. Batid na ni Wynn ang nais tanungin nito. Mukhang naging mahiyain na rin ito kaya hindi siya matanong ng deretso. "About your salary, you will receive fifteen thousand on the fifteenth of the month and another fifteen thousand at the end of the month. Is it fine for you?" aniya rito at muling nasilayan ang mga ngiti nito. "Good enough Sir," wika rito saka nagpaalam. Paglabas ay nakitang nakapamaywang na naghihintay si Mrs. Cariaso. Nakakatakot talaga ang hitsura nito lalo na ang kilay nito sa taas. "Ano hija, natanggap ka ba?" usisa nito ng makabawi. Doon ay matamis na ngumiti rito. "Yes! Yes po, tanggap ako. Bukas na ako magsisimula. Thanks God!" tili rito. Mukhang ayos naman talaga itong si Mrs. Cariaso kahit may katandaan ay marunong makibagay. Iyon nga lang, huwag mo lang titignan ang mukha niya dahil ibang-iba sa personality niya. "Oh siya, umuwi ka na muna hija at magpahinga. Bukas ay ituturo ko sa'yo ang trabaho mo," wika nito. Ngumiti siya ng matamis sa matanda saka nagpaalam. Tuwang-tuwa siya sa bagong trabaho kahit malayo sa trabahong pinanggalingan. Hindi naman nagkakalayo ang sahod pero mainam na rin kaysa sa wala. Agad niyang binalikan ang gamit niya sa information desk. Medyo natagalan konti siya dahil kinuha pa iyon sa kanilang storage. Nang makalabas si Althea ay hindi niya maiwasang napangiti ngunit napapalitan iyon ng isang balakin sa muli nilang pagkikita. Tumatak sa puso't isipan ang bawat salitang binitawan nito noon. Agad siyang tumayo at sinundan ito. Saktong papalabas pa lang ito. Marahil ay nag-usap pa sila ni Mrs. Cariaso. "Sir, wala naman po kayong meeting sa labas ah?" saad nito. "I'm going out. Cancel my meeting with Mr. Lucas," turan dito saka umalis. "But Sir," habol pa ng sekretarya pero mabilis na siyang nakaalis. Saktong papasara na ang elevator nang makalabas ng opisina kaya sinundan na lamang ito. Pagkababa ay nakita ito sa may information na tila may hinihintay hanggang sa makitang may binigay ang isang lalaki rito. Doon ay nabatid na ngayong araw lang din itong nawalan ng trabaho.  Napapailing pa siya dahil sa kaniyang ginagawa. Nakita itong nag-aabang ng masasakyan kaya mabilis na tumalilis upang sumakay sa kaniyang kotse na nasa gilid ng building nila. Nang may isang taxi na dumating kung saan ay agad na lumulan si Althea. Pinausad ang kotse pasunod sa taxi, hindi niya alam kung bakit niya ginagawa iyon. Nagawa niya itong ipahanap ng halos limang buwan tapos kusa din pala itong lalapit sa kaniya. Noong Disyembre kasi ay naimbitahan siya bilang isang panauhing pandangal sa pista ng kanilang bayan sa Aklan. Hindi naman matanggihan dahil kumpare iyon ng kaniyang ama. Hindi rin inaasahang isang councilor ang isa sa kanilang elementary batch na si Bernard. Doon ay nagkuwentuhan sila at nabanggit nito si Althea at kung ano ang nangyari sa magulang nito. Gusto niyang isiping karma ang naningil para sa kaniya pero sa mga nalaman ay naawa siya para dito. Third year high school ito nang maaksidente ang ama nito sa pinagtatrabahuang construction site sa Saudi. Hindi pa man nagtatagal ay inatake naman daw ang ina nito dahilan mahirapan si Althea. Tila nakikinita pa niya sa isipan ang mukha ni Bernard noong nagkukuwento ito tungkol kay Althea. Mukhang tama ito, nagbago na ito at hindi na mataray. Nakasunod pa rin siya sa taxi hanggang sa makitang pumasok sa makipot na eskinita. Mukhang one way lang iyon. Hanggang sa makitang bumaba ito sa tapat ng isang maliit na bahay. Nakita sa may kaliitang balkonahe ang pares na nakaupo. Isa sa wheelchair at isa sa upuang kahoy. Mabilis na nagmano si Althea sa mga magulang na nagpapahangin sa labas. Marahil ay nainitan sa loob at ayaw namang gamitin ang bentilador dahil aksaya lamang daw sa kuryente. "Oh, bakit ang dami mo yatang dala?" maang na tanong ng kaniyang ina. Kahit papaano ay nagagalaw na paunti-unti ang kaliwang bahagi ng katawan. "Lay off sa kompaniya Ma," wika rito. "Ha?" gulat ito at maging ang ama ay napatingin. Batid niyang sinisisi nito ang sarili kung bakit siya naghihirap ngayon. Nang makitang nagyuko ito ay agad na bumawi. "Pero huwag po kayong mag-alala Ma, may bago na akong papasukan. Mas malaki konti ang sahod," pinasigla ang tinig upang hindi na masyadong usigin ng ama ang sarili. "Pasensiya ka na anak, nabibigatan ka na ba sa amin?" nakayukong tinig nito. Agad siyang lumapit sa Papa niya at hinawakan ito. "Hindi Pa, kailanman ay hindi kayo pabigat sa akin. Mahal na mahal ko kayo," aniya saka niyakap ito. "Sorry, anak. Kung alam ko lang na magkakaganito, sana ay hindi na ako nagpumilit pang bumalik noon sa Saudi. Sana hindi mo dinadanas ang lahat ng ito," wika ng Papa niya dahilan upang hindi maiwasang maluha. "Papa naman eh, pinapaiyak mo ako," luhaang biro sa ama. "Hay naku! Pumasok na nga tayo at makakain na. Mukhang pagod si Marina upang makapagpahinga tayong lahat ng maaga," anito tuloy sa kapatid nitong galing pa sa palengke. Agad na tinulak ni Althea ang wheelchair ng kaniyang Papa. Habang nasa sasakyan si Wynn at nakatanaw sa mag-anak ay hindi niya maiwasang maawa sa mga ito. Mukhang binago na talaga ito ng mga nangyari sa buhay nito. Mula sa maalwang pamumuhay na hatid ng mga propesyunal na magulang. Ngayon ay mag-isa itong binabalikat ang responsibilidad sa mga magulang na kapwa nangangailangan ng medikal at pag-aalaga. Nakita niyang nagpunas ito ng luha saka yumakap sa ama nitong nakaupo sa wheelchair. Nabagsakan daw ang paa nito ng gumuhong pader ng ginagawa nilang gusali dahilan upang putulin ang mga paa nito dahil sa labis na pinsala. Nang mawala na ang mag-anak na tinatanaw ay pinausad na rin niya ang kaniyang sasakyan. Sapat ng alam niya kung saan nakatira ito. Kinabukasan ay maagang-maaga si Althea. Ayaw niyang ma-late sa unang pasok niya pa lamang. Bagay na pinuri ni Mrs. Cariaso sa kaniya. Suot ang simpleng blusa at miniskirt. "Mukhang masyado namang napaaga tayo ah," ang bati ng ginang sa kaniya. Matamis ang sinagot rito. "Well, first day ko eh. Magpapakitang gilas na muna ako kay boss," tawa rito ngunit agad na napalis ang tawa nang makitang pabungad ang amo at kagaya pa rin kahapon. Kahit nasa loob na ng kanilang building ay hindi pa rin ito nagtatanggal ng sunglasses. "Good morning Sir," pormal na bati ni Mrs. Cariaso sa lalaking kararating lang. "Good morning too, Mrs. Cariaso," sagot ni Wynn sa sekretarya. Saka bumaling sa bago niyang assistant. Nagyuko ito. "Good morning Sir," nahihiyang bati nito. "Good morning too, Miss Lacsamana. So, I guess Mrs. Cariaso start orienting you about your job," turan dito. "Yes Sir, I'm about too," segunda ni Mrs. Cariaso. Mabuti na lamang at inagaw nito ang pansin ng boss dahil sa totoo lang kahit hindi nakikita ang mukha nito ay tila pinagmamasdan siya nito. "That's good," anito saka nagtuloy sa opisina nito. Ngunit bago ito pumasok ay muli itong bumaling sa kanila. "Mrs. Cariaso, teach her how to make my coffee. I want one now," saad nito. "Okay Sir," agad na sagot ni Mrs. Cariaso dito saka sumenyas sa kaniyang tinungo ang pantry sa connecting door na naroroon. "Don't worry, mabait naman iyang si Sir Wynn," turan pa nito. Hanggang sa maalalang itanong kung bakit palagi itong nakasuot ng sunglasses. "Curious lang ako Mrs. Cariaso, bakit po laging nakasuot si Sir ng sunglasses kahit sa loob ng opisina niya?" maang na tanong rito. Ngumiti ang ginang. "Malalaman mo rin, sa ngayon ay itong kape muna ang unahin mo bago pa mas unang uminit ang ulo ni boss," natatawang hirit nito na tila iniiwas sa topiko nila. "Basta madali lang naman itong esspresso. Itong capsule, ilalagay lang rito," turo nito saka nilagay iyon. "Make sure na may tubig," dagdag pa saka binaba at press ang may maliit na tasa. "See? Simple lang 'di ba?" maang nito sa kaniya. Tumango-tango naman siya. Mabilis lang namang sundan ang sinasabi nito. "Dalhin mo na ito kay boss saka bumalik sa work station ko para sa ibang detalye ng trabaho mo," saad nito. Agad naman siyang tumalima. Kumatok muna siya bago pinihit ang seradura at makitang abala ang boss. Alumpihit mang lumapit dito ay nagawa rin saka nilapag sa mesa nito ang kape. Doon ay tumingin ito sa kaniya. Hindi tuloy niya alam kung ngingiti pa rito o babatiin. Mahirap kasi rito ay hindi nakikita ang mga mata nito kaya hindi alam kung tinitignan ba siya o hindi. Tumikhim rito saka ngumiti. "May ipag-uutos pa po ba kayo Sir?" tanong rito. Nabigla si Wynn. Mukhang nahuli pa siya ng babaeng nakatitig rito. "Wala na. You can go back to Mrs. Cariaso so that you will know what you gonna do with your work," tugon nito. "Okay Sir," aniya saka umalis. Nakatingin lang si Wynn sa likod ng babaeng paalis. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman sa muli nilang pagkikita. Kung maaawa, maiinis o magagalit rito. Nakamaang siyang nakatitig sa pintuhang nilabasan ng babae nang bumungad roon ang kapatid. Awtomatikong napakunot noo siya sa pakay nito sa kaniyang opisina. Malalaki ang hakbang nitong lumapit sa kaniya at hinila patayo sa may kuwelyuhan niya. Halos magkasing tangkad at kasing katawan sila nito. "Are you using Glydel para pasakitan ako?" galit na turan nito sa kaniyang mukha. Inis na tinanggal ang kamay nito sa kaniyang kuwelyuhan saka ngumisi rito. Mapilit kasi si Glydel kaya nang yayain siya nito kagabi ay pumayag siyang samahan ito sa isang birthday ng kaibigan nito. Batid niyang iyon ang pinuputok ng butse ng kapatid. "Siya ang pumilit sa akin," turan sa kapatid. "You're just giving her false hope," bigwas naman nitong sagot. "Nope! I'm just giving her a favor," gagad rito at agad itong tumingin sa kaniya. Matalim ang titig ng kapatid. "If I know, you're doing this because—" putol nito nang sumabad siya. "Don't be overconfident. I am doing this as a favor since his Dad is one of my biggest clients," aniya rito. Ngumisi ito at muli siyang hinawakan sa kuwelyuhan. "Our client, remember. I owe part of it! I am warning you Kuya, stay away from her!" galit na turan ng kapatid. Hindi na ito kagaya ng batang kapag may gusto ay inaasar siya at kapag naganti siya ay laging natakbo sa kaniyang Mama upang magsumbong. Ngayon ay malaki na ito nagagawa na rin siyang tapatan. Mapait ang naging ngiti nang marinig ang pagtawag nito ng kuya sa kaniya. Hindi niya nga matandaan kung kailan siya huling tinawag nito ng kuya. Mukhang natigilan din ito nang ma-realize nito ang tinawag sa kaniya. Nakapamulsang tumitig sa kaniya ito, matagal at tila inaarok ang kaniyang mata kahit nakatago sa kaniyang sunglasses. Hanggang sa tumalikod ngunit hindi kagaya kanina na malalaki ang hakbang nito. Sa katunayan ay halos hindi ito nagalaw habang siya naman ay nakatingin lang siya sa likod nito nang marinig na nagsalita ito. "Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin Kuya? Dahil ba sa mga pang-aasar ko sa'yo noon?" tinig ng kapatid na may halong lungkot. Nagigilan si Wynn sa narinig buhat rito. "Bata pa ako noon Kuya, alam kong inaasar kita noon dahil—" tigil nito. Saka yumuko. "Dahil sa mata mo, ngunit gaya ng sabi ko. Bata pa ako at hindi ko alam ang mga pinagsasabi ko. Kung nasaktan man kita, patawad." Hakbang nito patungo sa pintuhan. Pipihitin na sana nito ang seradura nang muli pang nagsalita. Sa pagkakataong iyon ay nakatingin na ito at kita ang pamumula ng mata nito. "Hindi ko ginustong maging ganyan ka, minsan nga iniisip kong sana pala ay ganyan na rin ako. Baka—baka sakaling mas malapit tayo sa isa't isa," anito na kita ang pagbagsak ng mga luha nito. Saka mabilis na lumabas. Sa likod ng madilim niyang salamin ay nagtatago ang pagsungaw ng luha. Masyado ba niyang kinimkim lahat ng galit sa mga taong inakalang umapi at pinagtawanan siya? Nang mawala na ang kapatid ay mabilis na tinanggal ang suot na sunglasses at pinahid ang luha niya. Napasapo siya sa mukha dahil ramdam na ramdam niya ang bigat ng sinabi ng kapatid. Masyado niyang nilayo ang sarili dito dahil sa palagiang pagkukumpara sa kanila ng mga kamag-anak ay mga kakilala. Hindi niya tuloy maiwasang mapaiyak dahil sa mga sinabi ng kapatid. Sapo niya ang mukha nang may magsalita sa kaniyang harapan. Nabigla siya nang marinig ang tinig ni Althea na hindi namalayang pumasok sa opisina niya. Agad na pinahid ang luha at sinuot ang sunglasses niya. "What are you doing here? You should knock first," madiing wika kahit medyo basag ang tinig niya. Napalunok si Althea. Batid na umiiyak ang boss, marahil ay dahil sa kapatid nito. "Sorry Sir, I just wanna remind you that Mr. Lucas wants to meet you at two o'clock," pagbibigay alam rito. "Okay, thank you," tipid na tugon. Ngunit tila wala pang balak umalis sa harapan ang babae kaya tumingala siya rito. Nakitang naluluha rin ito kaya napakunot noo siya. Hindi tuloy alam kung aaluhin mo ito o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD