Chapter 4: Her Deepest Regret

2729 Words
May pag-aalala sa kaniyang mukhang nakatunghay sa assitant na umiiyak. "Are you okay?" tanong rito. Naisip na marahil sa bigat ng reponsibilidad nito kaya ito naiiyak. "Do you need some—" putol nang tumayo si Althea. "Excuse me for a bit, Sir. Pupunta lang ako sa restroom," paalam rito. Hindi niya kasi napigilan ang pag-usig ng kaniyang konsensiya. Tila pinapamukha sa kaniya ang karma niya. Nakitang nakatingin sa kaniya ang boss kaya nag-iwas siya ng tingin saka humakbang. Hindi niya aakalaing sa mahabang panahon ay muli silang pagtatagpuin ng pagkakataon. Hindi bilang magkaklase o magkatrabaho kundi bilang boss-employee. Sa pagkakataong iyon ay hindi sila magkapantay, hindi magka-level at lalong hindi magkauri. Mayaman ito habang siya ay mahirap. Pagpasok sa banyo ay napalingon pa sa kaniya ang mga naroroon. Marahil ay nagtataka dahil sa kaniyang pag-iyak. Para kasing sirang gripo ang mga mata at ayaw paawat ang pagtulo ng luha dito. Masakit masampal ng katototahanan pero mas masakit palang ang lalaking unang nagpatibok ng puso mo at patuloy na inaasam nito ay may ibang gusto. Kaya naman siya hindi nagkakaroon ng matinong relasyon dahil umaasa siyang muli itong makikita. Hindi nga lang inaasahang sa ganitong sitwasyon sila dadalhin ng tadhana. May katagalan din siyang nasa ganoong aktuwasyon ng maalala ang meeting ng boss. Dali-dali siyang hinamig at inayos ang sarili. Saka mabilis na binalikan ang boss na may malawak na ngiti sa labi. Nakitang nakain na ito marahil ay gutom habang sa kaniyang harap ay ang banana split at apple pie. Nakatingin lang siya doon. "Sorry, I don't know which one you prefer. Anyways, either of the two. I'll eat the rest," ani ni Wynn sa babaeng natitigilan. Nakikiramdam si Althea kung nakilala ba siya nito ng boss pero mukhang hindi naman. Mas mainam na sigurong hindi siya nito maalala. Nakamasid lang siya habang nakain ito nang bigla nitong bitawan ang kutsilyo at tinidor nito. Saka tumingin sa kaniya. Hindi man lubusang makita ang nasa loob ng sunglasses nito ay batid na nakatuon ang tingin sa kaniya. "Is there something wrong, Miss Lacsamana?" pormal na tanong nito sa kaniya. Doon ay nag-iwas siya ng tingin at nasipat ang relong pambisig ba limang minutos na lamang ay alas dos na. "Sir, we just have five min—" putol niya ng sumabad ito. "I called, Mr. Lucas. It's okay if we're late a bit," anito saka tumitig sa kaniya. Hindi tuloy alam kung saan ibabaling ang kaniyang tingin. Masyado siyang namamagneto sa mga tingin ng boss. "Have your dessert," anito saka pinagpatuloy ang pagkain. Nahihiya man dito ay nagawang tikman ang banana split na malapit nang matunaw ang ice cream. Gaya ng pagtunaw ng kaniyang puso habang palihim na sinisipat ang boss. Pansin ni Wynn ang panaka-nakang pagbaling ni Althea sa kaniya. Hindi niya alam kung sinisino ba siya nito o kilala na siya nito. Napapaisip siya kung sasabihin sa babaeng kasama kung sino talaga siya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nagpakilala siya rito. Ganoon ang pumapasok sa isipan nang makita nagbaba ito ng tingin. "Miss Lacsamana, have we meet before?" kunwari ay maang na tanong rito. Gusto lang niyang makumpirma ang kaniyang hinala. Umilap ang mga mata ni Althea. Hindi malalaman kung sasagutin ng tanong ng boss. Nakatingin lang ito sa kaniya. Ang bilis ng pintig ng kaniyang puso kasabay noon ang kabang nararamdaman sa tanong ng boss. "N—no Sir," tugon rito. Nag-iwas siya ng tingin dahil baka mabasa nito ang kaniyang mga mata na nagsisinungaling siya. "Are you sure?" segunda pa ni Wynn dito. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso sa tila paglalagay sa kaniya ng boss sa hot seat. Hindi naman mahirap ang tanong nito pero tila kay hirap itago na kilala ito. "Y—yes, Sir. I'm sure, how about you, Sir? Do you think we meet before?" balik sa boss. Pigil na huwag siyang mag-collapse sa tindi ng tensyon sa buong katawan. Napatigil si Wynn sa balik na tanong ni Althea sa kaniya. Doon ay kumuha ng tissue paper saka pinahid sa bibig. "I don't think so," simpleng tugon rito. "So how's your work so far?" Pag-iiba niya ng topiko bago pa nito malamang kilala niya ito. Nang matapos sila ay muling bumalik sa sasakyan ng boss at tuluyang tinungo ang opisina ni Mr. Lucas. Magiliw silang inasistehan ng sekretarya ng lalaki at pagpasok ay nakita ang isang nasa early fifties na lalaki. Nagkamayan ang dalawang lalaki bago bumaling sa kaniya ang lalaking kausap ng boss. "She's my assistant," agad na wika ni Wynn nang makita ang pagtataka sa mukha ni Mr. Lucas. "Good afthernoon, Sir," bati ni Althea sa lalaki na kinangiti naman nito. "Good to meet you, hija. Have a seat." Turo nito sa upuan katabi ng boss. Ulumpihit siyang naupo doon at nagkatinginan sila ng boss. "Good that you find someone younger than, Marilyn," anito tukoy sa sekretarya ng boss saka ngumiti ito. "Yeah, I need too, but I can't let her go. Despite her age, she can still do her work well," sagot naman ni Wynn. "I know," natatawang turan ng lalaki. "So, do you have all the contracts?" tanong nito. Agad siyang bumaling kay Althea at nakitang hawak na nito ang folder kung saan ang sinasabi ng kausap. "Don't worry, Mr. Lucas since you are one of our loyal clients. We decided to give you a five-percent discount," wika rito. Ngumiti ang lalaki habang hawak nito ang ballpen. "That's what I like about you, Mr. Garcia. You know how to treat your clients well," anito saka pinirmahan ang mga iyon at hindi na nag-abalang basahin pa. "You haven't read it yet?" maang niya kay Mr. Lucas. "I trust you, Mr. Garcia. I know that you will not betray me," tiwalang wika nito saka pinagpatuloy ang pagpirma roon. Hindi niya naiwasang mapalingon sa kaniyang assistant na nakatingin din pala sa kaniya. Doon ay nagtama ang kanilang mga mata. Hindi tuloy niya alam kung paano magri-react dito hanggang sa makita ang pagngiti nito dahilan para lumabas ang biloy nito. Nabigla si Wynn sa ngiting iyon ni Althea, ngiting pinagdamot nito noon sa kaniya. Tikhim ni Mr. Lucas ang nagpabalik sa kanilang dalawa at mabilis na nagbawi ng tingin. Pagbaling sa kausap ay matamis ang ngiti nito. Hindi alam kung dahil ba iyon sa binigay na diskuwento o sa pagkakahuli nito sa kanila ng assistant. "It's my pleasure to be your service provider, Mr. Lucas. I do hope, this will not be the last time," wika ni Wynn saka nakipagkamay sa lalaki. "Sure, Mr. Garcia. Maybe by that time you'll give us a higher discount," tawa nito saka kinuha ang kaniyang palad para maging silyo sa dalawang taong kontrata bilang carrier ng mga goods nito patungong iba't ibang panig ng Pilipinas at karatig-bansa. Nakatayo na rin si Althea nang tumayo ang boss. Mukha naman wala siyang ginawa dahil wala namang ibang tanong ang kliyente sa kontratang binigay ng boss dito. Papalabas na sana sila ng boss ng tawagin ito ni Mr. Lucas. Napatingin ito sa kaniya. "Just wait for me outside," anito. Agad siyang lumabas dahil mukhang may pag-uusapan pa ang dalawang lalaki. Pagkalabas ni Althea ay nakita ang may katabaang babae. Ngumiti siya rito at ganoon din naman ito. "Ikaw ba ang sekretarya ni Sir Wynn?" usisa nito. "Hindi," tipid na tugon rito. Nang manlaki ang mata nito. "Girlfriend?" maang na wika. Napangiti siya sabay iling. "Mistress?" turan pa nito na kinatawa niya. "Mistress agad, hindi ba pwedeng assistant lang," tawang wika rito na kinatawa rin nito. "Nang-uusisa lang naman, para ka kasing bibitayin kanina," turan nito. "Ha?!" gulat sa sinabi nito na mas lalong kinatawa ng matabang babae. "Mukha kasing ilang na ilang ka kay Sir Wynn. Halata sa face mo girl," dagdag pa nito. Wala na siyang masabi dahil buko na siya nito. Napatigil si Wynn sa paglapit kay Mr. Lucas nang marinig ang sinabi nito. "She's pretty," anito. Naptitig siya rito at nakita ang pangiti nito. "I saw how you look at her. Titig mo pa lamang ay alam ko na. Not bad, you're at the right age to build a family," saad pa nito. Naguguluhan man kung bakit siya tinawag nito. Mukhang napansin naman nito at naging seryoso. "Sorry, I know it's too personal. Anyways, I expand my business to Malaysia in the next couple of weeks. I want your company to be a long time transporting partner. Just want to see you next week regarding the terms and conditions of the contract. Hopefully, you can give me a better deal," pahabol nito. Lumawag ang ngiti niya sa sinabi nito. "Good to hear that, Mr. Lucas. Thank you for your trust," turan dito. "You're most welcome, Mr. Garcia. She's waiting for you," anito na tila nanunudyo pa. Ngumiti na lamang nang maalala ang magandang mukha ng kaniyang sekretarya. "See? You look so in love Wynn," tapik nito sa kaniyang balikat. Hindi alam kung papaano susuwayin ang panunudyo sa kaniya ng lalaking kaharap. Ngunit tila gusto niya ang pakiramdam na iyon. "So, see you next week, Mr. Lucas," paalam rito. "Sure! Bring her," turan nito kasabay ng pagsungaw ng mapanuksong ngiti sa labi nito. Naiiling na lumabas at doon ay nasumpungan ang sekretarya ni Mr. Lucas at ang kaniyang assistant. Kapwa napatigil sa pag-uusap ang mga ito nang makita siyang lumabas. Ang kaninang masayang mukha ng assistant ay biglang napalis at naging pormal. Natigilan si Althea sa pakikipagkuwentuhan sa sekretarya ni Mr. Lucas nang lumabas mula doon ang boss. Hindi alam kung papaano kakausapin ito. "Hi, Sir Wynn," agaw ng sekretarya ni Mr. Lucas sa kaniyang pansin. Ngumiti siya rito. "Hi Loren, how are you?" bati rito. "Ayos naman, Sir. Tapos na po ba ang meeting niyo?" tanong nito. Nakahinga ng maluwag si Althea ng marinig ang tanong ng bagong kaibigan sa katauhan ng sekretarya ni Mr. Lucas. "Yes, thank you," sagot niya rito. Saka naglakad patungo sa kaniyang assistant. "Let's go," turan saka nagpatiunang lumabas saka pinagbuksan ito ng pintuhan. Nahihiya tuloy si Althea dahil siya pa ang pinagbuksan ng boss ng pintuhan. "Thank you, Sir," nahihiyang sambit rito. Nakasunod lamang sa boss. Matangkad ito kaya malalaki ang hakbang dahilan upang halos patakbo siyang sumunod rito. Nang biglang huminto ito at hindi iyon napaghandaan. Bumangga siya sa likod nito dahilan upang halos matumba siya at sa kabiglaan ay napahawak dito. Napansin ni Wynn na tila natakbo ang babaeng nakasunod sa kaniya kaya nahinto siya nang biglang may bumangga sa likod niya. "Ayyyy!" tili pa nito na kumampay sa hangin upang kunin ang panimbang hanggang may humapit sa kaniyang baywang. Nabigla talaga si Althea sa biglaang pagbangga sa boss dahilan upang kumapit sa baywang nito at sumadsad ang mukha sa puwetan nito. Nasa ganoon silang ayos nang mapagtanto ang isang bagay. Hindi lang mukha ang sumadsad sa puwetan nito dahil maging ang kamay na nakakapit sa baywang ay nasa tapat nang hinaharap nito. Halos hindi makakilos si Althea kung babawiin ba ang palad o hindi. Hiyang-hiya siya sa boss. Maging si Wynn ay hindi nakakilos at biglang nag-init ang buong katawan sa aksidenteng pagkakalapat ng palad ni Althea sa kaniyang kaumbukan. Pigil ang pakiramdam dahil baka mamaya ang magwala ang kaniyang alaga. "Ah—I'm sorry, Sir," agad na bawi ni Althea saka nahihiyang kumalas sa boss at inayos ang tayo. Doon naman ay nakahuma na si Wynn sa pagkakatigil. Ramdam pa rin ang init gawa nang pagkakayakap ni Althea sa kaniya pero kahit papaano ay naginhawaan. "Next time, Miss Lacsamana. You better watch your step," aniya rito saka tinungo kung nasaan ang kaniyang sasakyan. Naiwan si Althea habang nakatingin sa likod ng boss. Natitigilan pa rin siya at nahihiya sa mga nangyari nang makitang nakarating na ang boss sa may sasakyan nito at nakatingin sa kaniya. Muling nagtama ang kanilang mga paningin kahit may salamin ito ay batid na nakatingin ito sa kaniya. Nagsimulang humakbang papalapit rito at sa bawat paghakbang ay tila tumatambol ang dibdib sa kabang nararamdaman sa sandaling iyon. Lalo na nang pagbuksan siya nito ng pintuhan. "T—thank you, Sir," alumpihit na turan saka mabilis na pumasok. Nang maisara ni Wynn ang pintuhang pinasukan ni Althea ay napangiti siya ng bahagya. Saka mabilis na umikot upang bumalik sa kanilang opisina. Kakapasok pa lamang niya sa kaniyang sasakyan nang marinig ang pag-vibrate ng cellphone ng babae. Pasimple nitong dinukot iyon at sinilip kung sino ang natawag hanggang makitang nanlaki ang mata nito. Hindi nito malaman kung sasagutin iyon o hindi. Nagtaas ito ng tingin at nakitang nakamasid siya rito. "Why don't you answer? Baka emergency," aniya rito. Doon ay muling tumunog ang cellphone nito at nakitang kinuha nito iyon. "Hello, Ma," bulong na sagot nito. Nagtaka talaga si Althea dahil hindi natawag ang ina lalo na sa oras na nasa trabaho siya. Malamang ay emergency nga kaya nang muling tumunog ang cellphone ay agad na sinagot iyon. "Hello anak, pasensiya ka na kung nagambala kita. Ang Tita mo kasi, inaapoy ng lagnat. Hindi nga nakapunta sa palengke kaninang umaga. Ginawa ko naman na ang lahat, ayaw bumaba ang lagnat nito. Kung pwede ko lang siyang dalhin sa ospital ay ginawa ko na," tinig ng ina sa kabilang linya. Batid niyang nag-aalala ito sa kalagayan ng kapatid nito. Nakakagalaw na ang ina pero alalay pa rin ito sa paglalakad kaya hindi pa nito kayang lumabas na mag-isa. Lalo na ang alalayan ang tiyahing may sakit. Ramdam ni Wynn ang pananahimik ni Althea habang nakikinig sa kausap nito. Batid niyang ang ina nito ang kausap. Nang mapansin ang pamumula ng mga mata nito at nagpipigil mapaiyak. "Sige Ma, titignan ko kung pwede akong umuwi ng maaga," paalam niya sa ina saka bumaling sa boss na noon ay nakatingin sa kaniya. Parang mas lalong gusyong umiyak sa sandaling iyon. "Is there something wrong?" tanong nito. Doon ay nalaglag ang nagbabadyang luha sa mata saka yumuko at tumango. "S—sir, pwede ba akong mag-undertime? Ipupunta ko lang sa ospital ang Tita ko," paalam niya sa boss. "Sure, I'll drive you home," agad na sabad ni Wynn dito. "Do you have things in the office?" tanong pa rito. "I'm good, Sir. Bukas ko na siguro kukunin," sagot naman rito. "Okay, then I'll drive straight to your place," turan saka pinausad ng sasakyan bago pa tumutol ito. Batid niyang sa kalagayan ng pamilya nito ay siya lang ang aasahan nila. Hindi tuloy malalaman ang mararamdaman sa sandaling iyon. Matapos ng mahigit kumulang kinse minutos ay napansin ni Althea na papasok na sila sa kanilang eskinita. Napakunot-noo siya at napalingon sa boss. Nagtataka ang mga mata kung bakit alam nito ang lugar nila samatalang kanina pa gustong magsalita at sabihin kung saan siya nakatira. Muli ay kinabahan siya na baka nga ay kilala siya nito. Napansin ni Wynn ang pagtitig ni Althea sa kaniya. Nagtataka at nagtatanong ang mga mata nito hanggang ma-realize na marahil ay nagtataka ito kung bakit alam ang lugar nila. Napapamura siya sa sarili dahil mahuhuli pa siya nito. Tumikhim siya upang pukawin ang pansin nito. "If you're wondering how I know your place. I just saw it in your ID the other day, " kaila rito. Kita pa rin ang pagtataka nito pero hindi na iyon pinansin. "Saan ang inyo rito?" kunwari ay tanong na lamang rito para hindi halatang pati bahay nito ay alam. Agad namang nagbawi si Althea ng tingin sa boss nang magtanong ito. Hindi man siya lubusang naniniwala sa sinabi nitong nakita sa ID niya. Naroroon naman talaga ang ID pero ang makabisado ito at malaman ang lugar ay hindi nakakapaniwala. Ngunit mas nanaig ang alalahanin tungkol sa tiyahin kaya nang tumigil ang sasakyan ng boss ay agad na nagpasalamat rito. "Thank you, Sir," nahihiyang wika saka kinalas ang seatbelt niya at bababa na nang tawagin siya ng boss. "Althea," tinig nito na nagpatigil sa kaniyang akmang pagbaba. "S—sir?" baling rito nang makitang buksan nito ang compartment ng sasakyan nito at kinuha ang isang sobre. Napakunot-noo siya nang iabot iyon sa kaniya. Naguguluhan kung ano iyon. "I'm giving you your salary in advance. You might need it," anito. Nagkatitigan sila hanggang sa unti-unti iyong abutin. Ngumiti siya rito. "Thank you, Sir," aniya saka mabilis na tumalikod bago pa nito makita ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Sa pinakita kasi nito ay mas lalo siyang na-guilty.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD