Hindi malaman ni Althea ang gagawin sa sandaling iyon. Iba ang pakiramdam, isang pakiramdam na hindi pa naranasan sa sinumang lalaking sumubok na maging parte ng buhay niya. "Sorry, nabigla ba kita?" bawi ni Wynn nang makita ang gulat sa mukha ni Althea. "Ahh! Hmmm! Hindi naman," agad naman niyang turan sa boss. "Medyo hindi ko lang inaasahan," nahihiyang wika rito. "I told you, gusto kita," saad pa ni Wynn sa babaeng nakayuko na naman. Tuluyang lumapit dito at tinaas ang baba nito. "I like you," aniya rito. Sa sinabing iyon ng boss ay hindi napigilan ang pag-agos ng luha niya niya. Heto na ba ang pagkakataon para sabihin dito kung sino siya? Natatakot siya sa maaring hahihinatnan ng lahat kapag nalaman nito kung sino talaga siya. "Sir, hindi mo pa ako lubusang kilala," aniyang iwas